공유

Kabanata 6

작가: Teleste
last update 게시일: 2026-06-05 18:06:43

“AALIS ka?” gulat na tanong ng mommy ni Seraphina sa kanya nang sabihin niya rito ang pagtatrabaho niya sa America.

Pagkatapos niya makausap ang head doctor ay agad na nagtungo si Seraphina sa bahay ng mga magulang niya para magpaalam sa mga ito.

Wala naman silang alitan ng mga magulang niya, naiipit lang ang mga ito dahil sa ginawa ni Camille sa kanya. Isa pa magulang pa rin niya ang mga ito kaya marapat lang na magpaalam siya kahit na papaano.

“Oho, Mommy. Two weeks from now aalis na ako papuntang America," aniya.

“Pero bakit? Maganda naman ang sinasahod mo sa hospital na pinagtatrabahuhan mo ah?”

Nagbuntong hininga si Seraphina. “Sa dami ho ng mga nangyari gusto ko ho muna magpakalayo-layo.”

“Aalis ka, Ate?” si  Camille na kadarating lang.

“Ate, kung aalis ka dahil sa amin ni Ethan, kami na lang ang lalayo,” sabi ni Camille.

“Camille, ano ba 'yang pinagsasabi mo?!” galit na tanong ng mommy niya.

“Dahil naman talaga sa amin kaya nasasaktan si Ate Sera. Kaya kung meron man dapat lumayo, kami yun ni Ethan.”

Nakuyom niya ang mga kamay. “You're not leaving, Camille.”

“Pero aalis ka.”

Walang emosyong tiningnan niya si Camille. “Kailangan kong gawin 'to. I need to move on and fix myself in such a way that I can start all over again.”

Nangilid ang mga luha ni Camille. “Alam kong mahirap, Ate, pero sana magawa mo kong patawarin.”

Marahas siyang nagbuntong-hininga. “May kasalanan din ako. Noon ko pa napapansin na nagbago na ang damdamin sa'kin ni Ethan, pero nagbulag-bulagan lang ako. Siguro sa ilang taon naming magkarelasyon, hindi na rin ganu'n kalaki ang pagmamahal ko sa kanya. Actually, I already expected that this would happen.”

Muli siyang nagbuntong-hininga at hinawakan ang kamay ni Camille. “Sana kung noon pa lang na umamin kayo ni Ethan, hindi na sana aabot pa sa ganito.”

Napanguso si Camille at kasunod ni'yon ay tuluyan na itong naiyak. “Sorry talaga, Ate...”

Nakaramdam ng pagkahabag si Seraphina. Malaki ang kasalanan nito sa kanya, pero mas malaki ang pagmamahal niya rito at hindi magbabago 'yon dahil lang sa isang pagkakamaling nagawa nito.

“Wag mo na isipin 'yon. Tumahan ka na.” Gamit ang kamay ay pinunasan niya ang basa nitong pisngi. “Ang mas isipin mo ay 'yang batang dinadala mo.”

Tumango ito. “Salamat, Ate.”

“Hindi porket napatawad na kita eh, napatawad ko na rin si Ethan. Iba ka, iba siya.”

“Naiintindihan ko, Ate.”

“Kayong dawala talaga. Halika nga kayo.” Nangingilid ang mga luhang tumayo ang mommy niya, lumapit sa kanila at sabay silang niyakap.

“Ang drama naman ng mga ito. Bakit ba pinapaiyak niyo ko?” Tumayo na rin ang daddy niya para makiyakap sa kanila.

———

“ANO BUNTIS KA?!” sabay na sigaw ng daddy at mommy niya nang ipakita niya ang resulta ng ultrasound.

Hindi naman makapaniwalang nakatitig lang sa kanya si Camille.

Hinimas nito ang impis pa nitong tiyan. "Ibig sabihin...”

"Mali ang iniisip niyo. Hindi si Ethan ang ama ng dinadala ko. Sa tatlong taon na 'yon hindi ko sinuko sa kanya ang bataan," mahinang sabi niya.

Umubo ang ama niya. "Kung hindi si Ethan, sino?”

Umiwas siya nang tingin sa mga ito. Wala siyang balak sabihin kung sino ang ama ng dinadala niya.

“Hindi ko ho kilala,” pagsisinungaling niya.

“Hindi mo kilala?! Dios mio, Seraphina!” ang mommy niya.

“Dahil sa sama ng loob ko, nagpakalasing ako. I met the guy in the bar. Pagkagising ko nasa hotel room na ako.”

Marahas na nagbuntong-hininga ang ama niya. “Hindi mo nga sinuko ang bataan kay Ethan, sinuko mo naman sa hindi mo kilala. Binibigyan niyo ako ng sakit ng ulo!”

Umiling-iling ito na tumayo at walang paalam na umalis.

“Kung ganu'n pareho pala tayong buntis,” naka ngiting sabi ni Camille.

“Ganu'n na nga.”

———

NAGULAT din si Nina nang sabihin niya rito ang tungkol pagbubuntis niya. Pero tulad din sa pamilya niya ay hindi niya sinabi kung sino ang ama.

“Nakakabigla naman.”

“Kahit man ako nabigla. Hindi ko alam na ang lakas ng kamandag niya," dinaan na lang niya sa biro ang usapin.

“Iyan ba ang dahilan kung bakit gusto mong umalis?” tanong ni Nina.

“Oo. Sa urinng pagkatao niya, magiging magulo lang ang buhay namin.”

Nangunot ang noo nito. “Anong ibig mong sabihin? Kriminal ba 'yung lalaki?”

Marahan siyang umiling. “Hindi."

“Kung ganu'n, paanong magiging magulo ang buhay niyo?”

Nagbuntong-hininga siya. “Tsaka ko na sasabihin sa'yo.”

Napanguso si Nina. “Nakakainis naman 'to! Kailan pa? Eh, aalis ka na nga.”

Ngiti lang ang isinagot ni Seraphina sa kaibigan.

———

PUNO ng tensyon ang bawat sulok ng conference room sa ika-limampung palapag ng CrownAxis Inc. Tower. Lahat ng miyembro ng board ay naroon, mga shareholders at ilan sa mga miyembro ng pamilya Montenegro.

At sa pinakadulong bahagi ng mahabang mesa ay nakaupo si Lucien. Tahimik at walang emosyong nakikinig sa nangyayaring diskusyonan.

Samantalang sa kabilang bahagi ng mesa ay nakaupo ang tiyuhin niyang si Armando. Isa ito sa may pinakamalalaking shareholder ng kumpanya. At isa rin sa mga taong matagal nang gustong pabagsakin siya.

“Maganda ang financial report para sa quarter na ito,” sabi ni Mr. Marcelo na isa sa mga board members.

Tumango naman si Mr. Racelis habang tinitingnan ang dokumento sa harapan nito. “Our profits increased by almost twenty percent and the expansion project in Singapore was also successful.”

"Saka iyong bagong acquisition sa Europe.” sabi naman ni Mr. Ilagan.

Biglang tumikhim si Armando kaya agad na natahimik ang lahat.

“Iyon nga ang problema.” sabi nito.

Napakunot ang noo ng ilang board members.

“Problema?” tanong ng isa.

Mabagal na tumango si Armando. “Oo.” Pinagkrus nito ang mga kamay sa ibabaw ng mesa.

"No problem with the company. But the problem is the future of CrownAxis Inc."

Agad na bumigat ang paligid. Parang alam na ng lahat kung saan patungo ang sasabihin ni Armando.

“Since we're discussing the future of the company,” ani Armando habang pinagmamasdan ang lahat, “perhaps it's time we address the biggest issue facing CrownAxis Inc.”

“At ano naman 'yon?” tanong ng isa.

“Mister Lucien Montenegro himself.” sagot ni Armando.

“Armando...” babala ng isa sa mga board members.

Ngunit hindi nagpatinag si Armando. “Hindi natin puwedeng balewalain ang bagay na ito.”

Tumingin si Armando kay Lucien. “It is no secret to all of you that our CEO cannot have an heir,” sabi pa nito.

Bahagyang umingay ang paligid. Nagkaroon ng kanya-kanyang opinion. Pero nsng muling magsalita si Armando, muling nanahimik ang lahat.

“Isang malaking kahihiyan hindi lang sa mga Montenegro kundi pati sa CrownAxis. A rule among Montenegro is that the head of the company must be able to have an heir. Pero kaya ba 'yun ibigay ni Lucien?”

“I agree." sabi ng isa sa mga board members. “Mahalaga rin naman ang succession plan.”

Tumango ang ilan ngunit hindi lahat.

Si Mr. Marcelo na agad na sumalungat. “At ano naman ang problema?"

Napalingon ang lahat dito.

“Lucien's management is good. Under his leadership, the company actually grew even more than it had during Lucas' time,” sabi pa nito na ang tinutukoy ay ang ama niya.

Marami ang sumangayon.

“Ang stocks at profits ay tumaas. At ang global expansion ay naging matagumpay Iyan ang dapat nating tingnan.” si Mr. Racelis.

Mas lalong lumakas ang bulungan sa paligid.

"Tama si Mr. Racelis.”

"Results should matter."

Patuyang ngumiti si Armando habang naningkit ang mga mata nito.. “Napakakitid ng pananaw ninyo.”

“What we are talking about here is not the present, but the future!”

Tumahimik muli ang lahat.

Muli tumingin si Armando kay Lucien. “Kapag walang tagapagmana, magkakaroon ng kaguluhan sa kumpanya. Kaya marahil panahon na para pag-isipan kung si Lucien pa ba ang nararapat manatili bilang CEO."

Sa kabila ng mga sinabi ni Armando ay nanatiling tahimik si Lucien. Gusto pa niya malaman kung hanggang saan pa aabot ang usapan.

“That's ridiculous.” Isang board member ang agad na tumutol.“Hindi puwedeng alisin ang isang mahusay na CEO dahil lamang wala siyang kakayanang magkaroon ng anak.”

“Exactly.”

“I agree.”

Sangayon ng ilang. Ngunit hindi pa rin nagpatalo si Armando.

“Hindi ba?” Ngumisi si Armando. “Kung ganoon, may isa akong mungkahi, dapat ng magkaroon ng asawa si Lucien. Kung hindi siya magkakaroon ng asawa sa loob ng apat na taon, ang anak kong si Grayson ang papalit sa posisyon niya.”

Nagkaroon ng mahinang bulungan na tila sumangyon sa sinabi ni Armando.

“Marriage alliance?”

“Not a bad idea.”

Isa-isang napatingin ang ilang board members sa bawat isa't isa at may ilan pang ngumiti.

“Actually, Single pa ang panganay kong anak,” biglang sabi ni Mr. Bernal.

May isa ring sumunod. "Ang anak ko rin. Tatlong taon nang nasa business industry. Mahusay at edukada.”

Unti-unting naging parang matchmaking session ang board meeting at habang tumatagal ay mas lalong dumidilim ang ekspresyon ni Lucien.

Hindi na magawang manahimik pa ni Lucien dahil sa naging usapin sa loob ng conference room. Hindi na niya magustuhan ang mga naririnig at talagang naririndi at naiinis na siya.

“Have you all finished planning my future?” basag niya mula sa pananahimik.

Agad na natahimik ang lahat at tumuon ang atensyon sa kanya.

“Wala akong pakialam kung sino ang mga anak ninyo,” mariin niyang sabi.

Napayuko ang ilan at ang iba naman ay hindi makatingin sa kanya. Dahil alam ng mga ito na galit na siya.

“Let me make one thing clear,” pagsisimula niya. “I won't marry for the company and I certainly won't marry just to give you security. Kung magpapakasal man ako dun sa babaeng pipiliin kong pakasalan at walang ibang pwedeng magdesisyon para sa'kin sa bagay na 'yan.”

Matalim ang mga matang isa-isa niyan tiningnan ang mga taong nandoon.

“At kung may problema kayo sa pamumuno ko, show me the numbers. Show me where I failed. And Show me where this company suffered under my leadership.”

Wala ni isa ang nagsalita dahil alam ng mga ito ang totoo. Sa kabila ng personal na pag-atake ni Armando kay Lucien ay wala maibabatong laban ang mga ito sa kakayahan niya.

Masama siyang tumingin kay Armando. “Kung gusto mo pa rin ipilit ang gusto mo, Uncle, bring it on. Ilapag mo ngayon din mismo ang mga nagawa ng anak mo para sa kumpanya.”

Natiim ang bagang ni Armando. “But whatever you say, having an heir is the main rule in our family, Lucien!”

Doon bumuks ang pinto ng conference room at pumasok si Madam Lucia, ang lola ni Lucien. “Tama ang tiyuhin mo, Lucien,” sangayon nito.

Nakuyom ni Lucien ang kamao. Pagdating sa kanyang lola, hindi niya magawang makipagtalo. He loves his grandmother so much dahil ito ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya.

“Let's have a deal. If you haven't had an heir within five years, you will step down as CEO of CrownAxis.”

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • She Runaway With His Hidden Heir   Kabanata 6

    “AALIS ka?” gulat na tanong ng mommy ni Seraphina sa kanya nang sabihin niya rito ang pagtatrabaho niya sa America.Pagkatapos niya makausap ang head doctor ay agad na nagtungo si Seraphina sa bahay ng mga magulang niya para magpaalam sa mga ito.Wala naman silang alitan ng mga magulang niya, naiipit lang ang mga ito dahil sa ginawa ni Camille sa kanya. Isa pa magulang pa rin niya ang mga ito kaya marapat lang na magpaalam siya kahit na papaano.“Oho, Mommy. Two weeks from now aalis na ako papuntang America," aniya.“Pero bakit? Maganda naman ang sinasahod mo sa hospital na pinagtatrabahuhan mo ah?”Nagbuntong hininga si Seraphina. “Sa dami ho ng mga nangyari gusto ko ho muna magpakalayo-layo.”“Aalis ka, Ate?” si Camille na kadarating lang.“Ate, kung aalis ka dahil sa amin ni Ethan, kami na lang ang lalayo,” sabi ni Camille.“Camille, ano ba 'yang pinagsasabi mo?!” galit na tanong ng mommy niya.“Dahil naman talaga sa amin kaya nasasaktan si Ate Sera. Kaya kung meron man dapat luma

  • She Runaway With His Hidden Heir   Kabanata 5

    HALOS walang tulog si Seraphina nang pumasok siya sa trabaho kinabukasan. Napuyat siya kakaisip kay Lucien. Iniisip niya ang pinag-usapan nila kagabi. Hindi niya akalain na magagawa niyang sabihin ang mga kasinungalingan na iyon.Ginawa niya iyon dahil simula pa lang mali na sumama siya sa lalaki at ibigay ang sarili rito.“Seraphina.” tawag ni Doctor Leon na nagpabalik sa naglalakbay niyang isipan.6.Agad siyang lumapit dito. “Yes, Doc?”“Can you bring these files to my office?”“Yes, doc,” agad niyang sagot.Kinuha niya ang stack of folders sa kamay nito at naglakad papunta sa private office nito.Maingat niyang inilapag ang files sa mesa.Pero habang inaayos niya ang mga folder ay may isang papel ang aksidenteng nalaglag mula sa lamesa.Yumuko siya para pulutin iyon, pero agad siyang natigilan nang makita ang litrato ni Lucien na nakadikit sa record paper.Hindi makapaniwalang dinampot niya iyon. Confidential medical record ang nakalagay sa itaas.Kaya siguro nasa hospital si Lucie

  • She Runaway With His Hidden Heir   Kabanata 4

    "SERAPHINA! emergency sa ER!" sigaw ni Nina.Napapitlag si Seraphina mula sa charting desk."Anong nangyari?""Multiple car accidents. Critical condition!"Walang pag-aalinlangan, tumakbo siya papunta sa emergency room.Nasa loob na ang mga doctor at nurses, lahat ay abala."Vitals dropping!""Prepare intubation!""BP is unstable!"Sunod-sunod na sigaw ng mga doctor.Huminga nang malalim si Seraphina at agad sumali sa team para tumulong."IV line ready!""On it!" sabi niya.Habang nagtatrabaho, ang utak niya ay naka-focus lang sa isang bagay, ang iligtas ang pasyente."Move!"Napalingon siya sa bagong pasyenteng walang malay na nakahiga sa stretcher at duguan ito.Nanlamig ang buong katawan ni Seraphina nang makilala ang pasyente. "C-Camille...?" anas niya.At sa likod ng stretcher ay si Ethan."Move aside!" sigaw ng doctor.Ngunit hindi niya magawang igalaw ang sarili dahil ang kapatid niya ay naliligo sa sarili nitong dugo."Sera!" sigaw ni Nina dahilan para bumalik sa katinuan ang

  • She Runaway With His Hidden Heir   Kabanata 3

    “SERAPHINA!”Napakurap si Seraphina nang marinig ang boses ng kaibigan niyang si Nina habang nagmamadaling naglalakad sa hallway ng hospital.Ilang araw na siyang lutang dahil hindi mawala-wala sa isip niya ang nangyari sa gabing iyon. Every time she remembered Lucien's face, ay bumibilis ang tibok ng puso niya.“Girl, ayos ka lang ba?” tanong ni Nina habang pinagmamasdan siya. “Pansin ko parang ilang araw ka nang distracted sa trabaho.”“If only you knew,” anas niya.Napakunot ang noo nito. “May sinasabi ka?”Mabilis siyang umiwas ng tingin. “Nothing.”Ayaw niyang ikwento ang nangyari. Hindi nga rin niya alam kung paano niya nagawang sumama sa isang estranghero. Totally out of her character.“By the way,” bulong ni Nina habang naglalakad sila, “your fiancé was looking for you earlier.”Biglang nanlamig ang ekspresyon ni Seraphina. "Ex-fiancé."Napasinghap si Nina. "Oh my God... ano ba ang nangyari?""Nahuli ko lang naman siyang may babae," walang gana niyang sabi."Sinong babae? Kila

  • She Runaway With His Hidden Heir   Kabanata 2

    MAHINANG sinag ng araw ang tumama sa mukha ni Lucien ang gumising sa kanya. Marahan siyang nagmulat ng mga mata at saglit na tumitig sa brown na kisame ng hotel room na kinaroroonan niya.Pagkatapos ay kusang gumalaw ang tingin niya sa kabilang bahagi ng kama. Pero wala na ang babae sa tabi niya.Bahagyang kumunot ang noo niya at marahang bumangon habang sinusuklay ng daliri ang nagulo niyang buhok.Tahimik ang buong kwarto kaya nasisiguro niyang wala na ng babae.A cold smile slowly formed on Lucien's lips, dahil karamihan sa mga babaeng nakaka-sex niya ay ginagawa ang lahat para manatili. Pero naiiba ang babaeng iyon. Umalis ito nang walang paalam, at ang pangalan lang na ibinigay nito ay 'Sera'.Muli niyang naalala ang lungkot sa mukha nito kagabi. The tears in her eyes and the anger. Marahil iyon ang naging dahilan kung bakit nakuha nito ang atensyon niya.Marahas siyang nagbuntong-hininga habang naalala ang naganap sa nagdaang gabi.—KAAGAD na napayapos sa leeg ni Lucien ang bab

  • She Runaway With His Hidden Heir   Kabanata 1

    IT felt as if a metal bar had slammed into Seraphina’s head as she stood outside the hotel suite.Nanlalamig ang buo niyang katawan habang nakikita sa maliit na awang ng pinto ang ginagawa ng dalawang tao sa loob ng silid.Ang fiancé niya ay nakikipaghalikan sa kanyang kapatid!“Mm… Ethan…” mahina ngunit malanding ungol ni Camille habang nakakapit sa batok ni Ethan.Parang may kung anong puwersa ang pumiga sa puso ni Seraphina.Tatlong taon niyang minahal si Ethan Alcantara at tatlong taon din niyang pinaniwala ang sarili na siya ang babaeng dadalhin nito sa altar.Pero kitang-kita ng kanyang mga mata na halos hubaran na ni Ethan ng damit ang kanyang kapatid.Bahagyang napaatras si Seraphina. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit. Ang makita ang fiancé niyang may ibang babae o ang malaman niya na sariling kapatid niya ang babae nito?Tumulo ang mga luha niya bago pa niya napigilan at doon siya napansin ni Camille.Biglang nanlaki ang mga mata nito. “Ate S-Sera—”Mabilis namang lum

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status