Mag-log in“SERAPHINA!”
Napakurap si Seraphina nang marinig ang boses ng kaibigan niyang si Nina habang nagmamadaling naglalakad sa hallway ng hospital. Ilang araw na siyang lutang dahil hindi mawala-wala sa isip niya ang nangyari sa gabing iyon. Every time she remembered Lucien's face, ay bumibilis ang tibok ng puso niya. “Girl, ayos ka lang ba?” tanong ni Nina habang pinagmamasdan siya. “Pansin ko parang ilang araw ka nang distracted sa trabaho.” “If only you knew,” anas niya. Napakunot ang noo nito. “May sinasabi ka?” Mabilis siyang umiwas ng tingin. “Nothing.” Ayaw niyang ikwento ang nangyari. Hindi nga rin niya alam kung paano niya nagawang sumama sa isang estranghero. Totally out of her character. “By the way,” bulong ni Nina habang naglalakad sila, “your fiancé was looking for you earlier.” Biglang nanlamig ang ekspresyon ni Seraphina. "Ex-fiancé." Napasinghap si Nina. "Oh my God... ano ba ang nangyari?" "Nahuli ko lang naman siyang may babae," walang gana niyang sabi. "Sinong babae? Kilala mo ba?" Saglit itong napahinto sa paglalakad bago muling sumabay sa kanya. "Kasama ni Ethan ang kapatid mo kanina—don't tell me si Camille ang babae ni Ethan?" Hindi nakasagot si Seraphina dahil hanggang sa ngayon hindi niya akalain na magagawa siyang saktan ng kapatid niya. "Si Camille ang babae ni Ethan?" hindi makapaniwalang tanong ni Nina. "Don't mention her." Agad namanh natahimik si Nina. Pagdating nila sa nurses' station, agad na nagsimula ang magulo niyang duty hours. Sinubukan ni Seraphina ilibing ang sarili sa trabaho para makalimot. Pero kahit anong pilit niya ay paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang lalaking nakilala niya ilang gabi na ang nakalilipas. Especially the way he looked at her. Parang kaya nitong tunawin ang buo niyang pagkatao. —— PAUWI na sana si Seraphina nang tumunog ang cellphone niya. Nagbuntong hininga siya nang makita niyang ang ama niyang si Samuel ang tumatawag, pero agad niya iyong sinagot. "Dad." "Anniversary namin ngayon ng mommy mo. Dito ka na mag-dinner sa bahay,” sabi nito. Gusto sana niyang tumanggi dahil siguradong nandoon din si Camille at hindi pa siya handa na makita ito. Magsasalita na sana siya nang magsalita ang ama niya. "Come on, hija. We miss you. Ilang Lingo ka na naming hindi nakikita." Nagbuntong-hininga si Seraphina. Na-miss na rin naman niya ang mga magulang niya kaya pumayag na rin siya. "Sige ho, Dad." "See you, hija." Iyon lang at pinutol na nito ang tawag. — TAHIMIK lang si Seraphina habang naka-upo sa harap ng mahabang dining table. Tulad ng inaasahan niya ay nandoon si Camille. Ang masaklap nandoon din ang taksil niyang ex-fiancé. “Kumusta ang trabaho mo, Sera hija?” basag ng ama niya sa katahimikan. “Ayos lang, Dad,” walang gana niyang sagot. "Mabuti kung ganu'n. Alam mo ba itong si Camille natanggap sa CrownAxis Corporation—” “I'm not interested to know," putol niya sa sinasabi ng ama niya. Tumikhim ang ama niya. “Nandito na rin naman na ang lahat... Sera, anak, alam namin na malaking kasalanan ang ginawa ng kapatid mo—” Huminto siya sa pagkain. “Nagpunta ho ako rito para sa inyo ni mommy, hindi para kanino pa man.” “Sera, hindi mo ba kayang magpatawad?” tanong ng mommy niya. Akmang hahawakan siya ni Camille ay mabilis niyang iniwas ang kamay. “Ate, I'm sorry. Sinubukan namin ni Ethan na iwasan ang mga damdamin namin pero hindi namin napigilan,” naiiyak na sabi ni Camille. Kahit hindi tingnan ni Seraphina ang kapatid ay halata sa boses nito ang pagsisi at kunsensya. “Sera, ako na lang ang kamuhian mo, huwag na si Camille. Kasalanan ko naman talaga. I fell In love with her kahit na mali.” Malamig ang mga matang tiningnan ni Seraphina ang dalawa. Halata sa mukha ng mga ito ang stress. Bahagya siyang natawa. Sila na nga ang nanloko, sila pa may ganang ma-stress. “Madaling sabihin dahil hindi naman kayo ang nasaktan. Kapag ako ba ang nanakit mapapatawad mo ba ako agad, Ethan? Diba hindi? Kaya wala kang karapatan na sabihin sa'kin na ikaw lang ang kamuhian ko dahil kayong dalawa ang may gustong lokohin ako!” Hindi na napigilan ni Seraphina ang mapasigaw dahil sa emosyong nararamdaman niya. Dahil sa galit ay nagawa niyang makipag-sex sa lalaking hindi niya kilala. They ruined her life. “Sera, wag ka naman magsalita ng ganyan. Dalawa na lang kayong magkapatid ni Camille,” sabi ng ama niya. Tiningnan niya ang kanyang ama. “Bakit parang ako pa ho ata ang mali rito, Dad?” “Hindi naman sa ganu'n, hija,” ang mommy niya. “Eh ano ho pala?” Binitawan niya ang mga kubuertos. “Walang patutunguhan 'tong usapan na 'to. Uuwi na ho ako,” aniya na tumayo na. “Seraphina...” tawag ng daddy niya. Pero hindi niya ito pinansin ang nagpatuloy lang sa pag-alis. ——— TATLONG Lingo na ang lumipas pero hanggang ngayon, hindi pa rin mahanap ni Lucien si Sera. Tahimik ang buong executive floor ng CrownAxis Corporation, pero sa loob ng glass office ni Lucien ay ramdam ang tensyon. “Still nothing?” galit na tanong ni Lucien habang nakatingin sa malawag ng lungsod. “Sir, we checked all hotel CCTV, even CCTV outside the area. Wala ho talaga. Nung oras na umalis siya nasira ang CCTV footage.” Naningkit ang mga mata ni Licien. “I want you to file a complaint against their management, Marcus.” “Are you sure, Sir? I mean, pagmamay-ari ho ng Villamor ang Heavens Hotel. Calix Villamor is your friend, Sir. I guess?” “I don't care,” mariin niyang sabi. Sandaling natahimik ang assistant niya bago muling nagsalita. “Sir… with all due respect,” maingat nitong sabi, “it’s been three weeks. Maybe you should let this go.” Doon napalingon si Lucien kay Marcus. Isang tingin lang niya, alam na nito na mali ang sinabi nito. “Let go?” mabagal niyang ulit. Napaatras ng kaunti si Marcus. “I mean… you have more important matters. The board meeting, the inheritance issue, your uncle’s movements—” “Are you telling me what to prioritize, Marcus?” “No, sir.” Marahang nagbuntong-hininga si Lucien bago muling nagsalita. “Find her.” “Sir—” “Do what I say, Marcus.” Mas lumalim ang boses niya. “Sir… you know this is dangerous, right?” Nangunot ang noo niya. “What do you mean?” Umayos ng tayo si Marcus. “Someone like you showing interest in a woman outside your world? It gives your enemies leverage. You’re already in the middle of a corporate war, Sir.” Naningkit ang mata ni Lucien. “Since when did I ask for your opinion, Marcus?” “I'm just concerned, Sir. If your uncle finds out that you’re distracted—” “Distracted?” humakbang palapit si Lucien. “Say that again.” Natatakot man ay nagpatuloy si Marcus. “You know what I mean Sir. Emotions are dangerous for someone in your position. Hindi lang delikado para sa'yo kundi pati sa babaeng ‘yon. Kapag nalaman nila na interisado ka sa babaeng iyon, gagamitin nila 'yon laban sa'yo.” Sinuksok ni Lucien ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng slacks niya ay muling tinanaw ang malawak na syudad ng Manila. Naiinis siya sa pagmamarunong ni Marcus, pero tama naman ang mga sinabi nito. Maaaring madamay si Sera sa gulo ng pamilya nila. Hindi nga niya dapat unahin si Sera dahil may mas kailangan pa siyang pagtuunan ng pansin. "Do you still want me to find her, Sir?” tanong ni Marcus. "No. Leave her alone... for now.”HALOS walang tulog si Seraphina nang pumasok siya sa trabaho kinabukasan. Napuyat siya kakaisip kay Lucien. Iniisip niya ang pinag-usapan nila kagabi. Hindi niya akalain na magagawa niyang sabihin ang mga kasinungalingan na iyon.Ginawa niya iyon dahil simula pa lang mali na sumama siya sa lalaki at ibigay ang sarili rito.“Seraphina.” tawag ni Doctor Leon na nagpabalik sa naglalakbay niyang isipan.6.Agad siyang lumapit dito. “Yes, Doc?”“Can you bring these files to my office?”“Yes, doc,” agad niyang sagot.Kinuha niya ang stack of folders sa kamay nito at naglakad papunta sa private office nito.Maingat niyang inilapag ang files sa mesa.Pero habang inaayos niya ang mga folder ay may isang papel ang aksidenteng nalaglag mula sa lamesa.Yumuko siya para pulutin iyon, pero agad siyang natigilan nang makita ang litrato ni Lucien na nakadikit sa record paper.Hindi makapaniwalang dinampot niya iyon. Confidential medical record ang nakalagay sa itaas.Kaya siguro nasa hospital si Lucie
"SERAPHINA! emergency sa ER!" sigaw ni Nina.Napapitlag si Seraphina mula sa charting desk."Anong nangyari?""Multiple car accidents. Critical condition!"Walang pag-aalinlangan, tumakbo siya papunta sa emergency room.Nasa loob na ang mga doctor at nurses, lahat ay abala."Vitals dropping!""Prepare intubation!""BP is unstable!"Sunod-sunod na sigaw ng mga doctor.Huminga nang malalim si Seraphina at agad sumali sa team para tumulong."IV line ready!""On it!" sabi niya.Habang nagtatrabaho, ang utak niya ay naka-focus lang sa isang bagay, ang iligtas ang pasyente."Move!"Napalingon siya sa bagong pasyenteng walang malay na nakahiga sa stretcher at duguan ito.Nanlamig ang buong katawan ni Seraphina nang makilala ang pasyente. "C-Camille...?" anas niya.At sa likod ng stretcher ay si Ethan."Move aside!" sigaw ng doctor.Ngunit hindi niya magawang igalaw ang sarili dahil ang kapatid niya ay naliligo sa sarili nitong dugo."Sera!" sigaw ni Nina dahilan para bumalik sa katinuan ang
“SERAPHINA!”Napakurap si Seraphina nang marinig ang boses ng kaibigan niyang si Nina habang nagmamadaling naglalakad sa hallway ng hospital.Ilang araw na siyang lutang dahil hindi mawala-wala sa isip niya ang nangyari sa gabing iyon. Every time she remembered Lucien's face, ay bumibilis ang tibok ng puso niya.“Girl, ayos ka lang ba?” tanong ni Nina habang pinagmamasdan siya. “Pansin ko parang ilang araw ka nang distracted sa trabaho.”“If only you knew,” anas niya.Napakunot ang noo nito. “May sinasabi ka?”Mabilis siyang umiwas ng tingin. “Nothing.”Ayaw niyang ikwento ang nangyari. Hindi nga rin niya alam kung paano niya nagawang sumama sa isang estranghero. Totally out of her character.“By the way,” bulong ni Nina habang naglalakad sila, “your fiancé was looking for you earlier.”Biglang nanlamig ang ekspresyon ni Seraphina. "Ex-fiancé."Napasinghap si Nina. "Oh my God... ano ba ang nangyari?""Nahuli ko lang naman siyang may babae," walang gana niyang sabi."Sinong babae? Kila
MAHINANG sinag ng araw ang tumama sa mukha ni Lucien ang gumising sa kanya. Marahan siyang nagmulat ng mga mata at saglit na tumitig sa brown na kisame ng hotel room na kinaroroonan niya.Pagkatapos ay kusang gumalaw ang tingin niya sa kabilang bahagi ng kama. Pero wala na ang babae sa tabi niya.Bahagyang kumunot ang noo niya at marahang bumangon habang sinusuklay ng daliri ang nagulo niyang buhok.Tahimik ang buong kwarto kaya nasisiguro niyang wala na ng babae.A cold smile slowly formed on Lucien's lips, dahil karamihan sa mga babaeng nakaka-sex niya ay ginagawa ang lahat para manatili. Pero naiiba ang babaeng iyon. Umalis ito nang walang paalam, at ang pangalan lang na ibinigay nito ay 'Sera'.Muli niyang naalala ang lungkot sa mukha nito kagabi. The tears in her eyes and the anger. Marahil iyon ang naging dahilan kung bakit nakuha nito ang atensyon niya.Marahas siyang nagbuntong-hininga habang naalala ang naganap sa nagdaang gabi.—KAAGAD na napayapos sa leeg ni Lucien ang bab
IT felt as if a metal bar had slammed into Seraphina’s head as she stood outside the hotel suite.Nanlalamig ang buo niyang katawan habang nakikita sa maliit na awang ng pinto ang ginagawa ng dalawang tao sa loob ng silid.Ang fiancé niya ay nakikipaghalikan sa kanyang kapatid!“Mm… Ethan…” mahina ngunit malanding ungol ni Camille habang nakakapit sa batok ni Ethan.Parang may kung anong puwersa ang pumiga sa puso ni Seraphina.Tatlong taon niyang minahal si Ethan Alcantara at tatlong taon din niyang pinaniwala ang sarili na siya ang babaeng dadalhin nito sa altar.Pero kitang-kita ng kanyang mga mata na halos hubaran na ni Ethan ng damit ang kanyang kapatid.Bahagyang napaatras si Seraphina. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit. Ang makita ang fiancé niyang may ibang babae o ang malaman niya na sariling kapatid niya ang babae nito?Tumulo ang mga luha niya bago pa niya napigilan at doon siya napansin ni Camille.Biglang nanlaki ang mga mata nito. “Ate S-Sera—”Mabilis namang lum







