Mag-log in
IT felt as if a metal bar had slammed into Seraphina’s head as she stood outside the hotel suite.
Nanlalamig ang buo niyang katawan habang nakikita sa maliit na awang ng pinto ang ginagawa ng dalawang tao sa loob ng silid. Ang fiancé niya ay nakikipaghalikan sa kanyang kapatid! “Mm… Ethan…” mahina ngunit malanding ungol ni Camille habang nakakapit sa batok ni Ethan. Parang may kung anong puwersa ang pumiga sa puso ni Seraphina. Tatlong taon niyang minahal si Ethan Alcantara at tatlong taon din niyang pinaniwala ang sarili na siya ang babaeng dadalhin nito sa altar. Pero kitang-kita ng kanyang mga mata na halos hubaran na ni Ethan ng damit ang kanyang kapatid. Bahagyang napaatras si Seraphina. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit. Ang makita ang fiancé niyang may ibang babae o ang malaman niya na sariling kapatid niya ang babae nito? Tumulo ang mga luha niya bago pa niya napigilan at doon siya napansin ni Camille. Biglang nanlaki ang mga mata nito. “Ate S-Sera—” Mabilis namang lumayo si Ethan sa kama. “Shit!” Mabilis nitong inayos ang nagusot nitong polo habang lumalapit kay Seraphina. “Baby, listen to me—” Napaatras si Seraphina. “Don’t touch me!” sambit niya habang nanginginig ang boses. Pakiramdam niya masusuka siya anumang oras. Nandidiri siya sa kanyang nasaksihan. Hindi niya inaasahan na ang sariling kapatid niya ang mananakit sa kanya. Hindi niya kayang huminga nang maayos. “P-paano ninyo nagawa sa akin ‘to?!” Umiiyak si Camille habang tinatakpan ng kumot ang halos hubad ng katawan. “Ate Sere, it’s not what you think.” Napatawa si Seraphina. “Talaga? Eh, ano pala ang ginagawa niyo? Nagbabato-pick? Anong akala niyo sa'kin tanga? Malinaw na malinaw ang ginagawa ninyong kababuyan!" “Baby, I was drunk—” Napasinghap si Ethan nang itulak niya ito palayo. “Stop calling me that!” Sigaw niya. Namumula ang mga mata ni Seraphina halos hindi niya magawang titigan ang dalawa. Naalala niya lahat. Lahat ng gabing pinaghirapan niyang suportahan si Ethan noong nagsisimula pa lang ito. Lahat ng pangarap at lahat ng mga plano nila. Tapos habang abala siyang nagtatrabaho para sa future nila ay niloloko na pala siya nito kasama pa ang kapatid niya! “How long?” mahina niyang tanong. “How long have you been sleeping together?” “Ate Sera—” si Camille. “Answer me!” sigaw niya. “H-halos isang taon na. Ate, hindi naman namin—” Galit ang mga matang tiningnan niya si Ethan. “Totoo ba? Isang taon niyo na akong niloloko?” Napatungo si Ethan kaya sapat na iyon para tuluyang mawasak ang puso ni Seraphina. Umiiling at nanlalabo ang mga paningin niyang humakbang paatras at patakbong umalis sa lugar na iyon. “Seraphina!” — MALAKAS ang buhos ng ulan nang makalabas si Seraphina ng hotel. Pero wala siyang pakialam kahit mabasa siya. Hindi niya maramdaman ang lamig dahil mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Huminto siya sa gilid ng kalsada habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha niya. Hindi niya maintindihan kung bakit nagawa siyang lokohin Ethan. Dahil ba hindi niya maibigay ang pangangailangan na gusto nito? Sapat ba 'yon para lokohin siya nito? Gusto niyang sumigaw at magwala para maibsan ang kirot sa puso niya. “O, miss! Okay ka lang ba?” Hindi niya pinansin ang matandang babae sa tabi niya at dere-diretso siyang naglakad hanggang sa mapadpad siya sa isang high-end bar sa kabilang street. Pagkapasok niya ay agad siyang sinalubong ng maingay na kapaligiran, pinaghalong tawanan, kwentuhan at nakakaindayog na tugtugin ng musica. Pero kabaligtaran iyon ng nararamdaman ni Seraphina. “Whiskey,” agad niyang sabi sa bartender nang makaupo sa harap ng bar. “Ma’am, are you sure—” “'Yung pinaka matapang," aniya. Makalipas ang ilang minuto, sunod-sunod na baso na ang nainom niya. Humahalo na ang sakit na nararamdaman niya at alak sa sistema niya. Pero kahit anong inom niya ay hindi pa rin nawawala ang eksenang nakita niya kanina. Paulit-ulit lang bumabalik sa isip niya. “Damn cheaters…” bulong niya na hindi alam kung tatawa ba o iiyak. “Sayang ang ganda mo kung iiyak ka lang.” Napalingon siya at doon ay nakita niya ang isang lalaking nakatayo ilang hakbang ang layo mula sa kaniya. Matangkad ito, may matipunong pangangatawan at suot nito ay isang black long sleeves na bahagyang nakataas ang manggas. Kahit na simple lang ang suot nito ay halatang mayaman ito. And his face was dangerously handsome. He has a sharp jaw, matangos na ilong, manipis at mapupulang mga labi. Isa rin sa napansin niya ang mga mata nitong tila walang emosyon. Halata sa mga tindig nito na hindi ito ordinaryong lalaki. Sumisigaw ang maowtoridad nitong pagkatao. Pero ang pinaka-nagpahinto kay Seraphina ay ang paraan ng pagtitig nito sa kaniya, na para bang binabasa ang buo niyang pagkatao. “Binobolo mo ba ako?” lasing niyang tanong. Bahagyang umangat ang sulok ng labi ng lalaki. “No.” Humakbang ito palapit. “Just wondering how someone beautiful enough to ruin a man’s life ended up drinking alone.” Mapait siyang napatawa. “Men ruin women first.” “Fair point.” Umupo ang lalaki sa tabi niya at agad niyang naamoy ang mabango nitong pabango. Dark, addictive and very masculine. “Who hurt you?” maya'y tanong nito pagkatapos maka-order ng alak. “Fiancé ko…” natatawa niyang sagot habang namumuo ulit ang luha sa mata niya. “Nahuli ko lang naman na kahalikan kapatid ko.” Natahimik ang lalaki at pagkatapos ay marahan itong sumandal sa upuan. “That man must be stupid.” Bahagya siyang napangiti. “Do you always flirt with broken women?” “No,” diretso nitong sagot. “Ikaw lang ang babaeng nilapitan ko.” Napatitig si Seraphina rito at sa unang pagkakataon ay may kung anong kakaibang init siyang naramdaman. “Who are you?” tanong niya. Sandaling natahimik ang lalaki bago sumagot. “Lucien.” “Just Lucien?” “Tonight… yes.” Hindi niya alam kung bakit siya natawa pero biglang gumaan nang kaunti ang pakiramdam ni Seraphina. Lumipas pa ang ilang minuto ay napalagay na ang loob niya sa lalaki. Nagkukwentuhan, nagtatawanan at habang tumatagal ay mas lalo niyang nakakalimutan ang sakit na nararamdaman niya kanina lang. Hanggang sa mapansin ni Seraphina na nakatitig na naman si Lucien sa kaniya. Tingin na nagdadala ng init sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung sino unang gumalaw, basta ang alam niya ay bigla na lang siya nitong hinihila palapit. At sa sumunod na segundo ay dumampi ang mga labi nito sa mga labi niya. Ang padampi-damping mga halik ay naging mas minit at mapusok. Para bang gustong ubusin ng lalaking ito ang lahat ng natitirang sakit sa puso niya. Dapat niya itong pigilan at umatras pero sa gabing iyon ay pagod na siyang maging mabait. “Tell me to stop,” anas nito. Pero imbes na sumagot ay hinila niya ang kuwelyo nito palapit at muli itong hinalikan. "Bring me somewhere." — MADILIM pa nang magising si Seraphina. Pakiramdam niya ay tila nanunuyo ang lalamunan niya. Doon nanlaki ang mga mata niya dahil hindi ito ang kwarto niya! Inilibot niya ang mga mata sa apat na sulok ng kwarto. Everything screamed luxury. Kinapa niya ang sarili at doon niya napagtanto na wala siyang suot ni isang saplot. Maingat siyang umupo at doon niya naramdaman ang sakit ng katawan niya at sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. “Ano ba 'tong nagawa mo, Seraphina?” Aniya sa sarili. Kasabay niyon ang pagbabalik ng alaala niya kagabi. The bar. The kisses. And Lucien. Tigil hiningang bigla siyang napalingon sa kanyang katabi. Mahimbing na natutulog sa tabi niya ang lalaki. Napakagwapo pa rin nito kahit natutulog. Kahit anong anggulo wala matulak kabigin sa kagwapuhan nito. Pero sa kabila ng kagwapuhan nito ay ramdam ni Seraphina ang kakaibang awra nito na alam niyang hindi ito simpleng tao lang. Na parang kaya nitong sirain ang buhay ng kahit sino at doon siya kinabahan. “What the hell did I do…” bulong niya. Maingat siyang umalis sa kama. Dinampot ang mga damit na nagkalat sa sahig at namumula ang mukha niya habang mabilis na nagbibihis. Hindi niya kilala ang lalaking ito. Hindi rin niya alam kung bakit siya sumama rito. Marahil dala ng alak kung bakit siya naging padalos-dalos. Pero ayaw na niyang alalahanin pa ang gabing naging mahina siya. Pagkatapos magsuot ng damit ay muli niyang sinulyapan ang lalaki na mahimbing pa ring natutulog. Parang may pumipigil sa kanyang huwag umalis. Pero pinilit niya ang sarili na hindi na dapat siya manatili. Dahan-dahan siyang naglakad sa pinto at bago tuluyang lumabas ay tiningnan niya muna si Lucien sa huling pagkakataon.HALOS walang tulog si Seraphina nang pumasok siya sa trabaho kinabukasan. Napuyat siya kakaisip kay Lucien. Iniisip niya ang pinag-usapan nila kagabi. Hindi niya akalain na magagawa niyang sabihin ang mga kasinungalingan na iyon.Ginawa niya iyon dahil simula pa lang mali na sumama siya sa lalaki at ibigay ang sarili rito.“Seraphina.” tawag ni Doctor Leon na nagpabalik sa naglalakbay niyang isipan.6.Agad siyang lumapit dito. “Yes, Doc?”“Can you bring these files to my office?”“Yes, doc,” agad niyang sagot.Kinuha niya ang stack of folders sa kamay nito at naglakad papunta sa private office nito.Maingat niyang inilapag ang files sa mesa.Pero habang inaayos niya ang mga folder ay may isang papel ang aksidenteng nalaglag mula sa lamesa.Yumuko siya para pulutin iyon, pero agad siyang natigilan nang makita ang litrato ni Lucien na nakadikit sa record paper.Hindi makapaniwalang dinampot niya iyon. Confidential medical record ang nakalagay sa itaas.Kaya siguro nasa hospital si Lucie
"SERAPHINA! emergency sa ER!" sigaw ni Nina.Napapitlag si Seraphina mula sa charting desk."Anong nangyari?""Multiple car accidents. Critical condition!"Walang pag-aalinlangan, tumakbo siya papunta sa emergency room.Nasa loob na ang mga doctor at nurses, lahat ay abala."Vitals dropping!""Prepare intubation!""BP is unstable!"Sunod-sunod na sigaw ng mga doctor.Huminga nang malalim si Seraphina at agad sumali sa team para tumulong."IV line ready!""On it!" sabi niya.Habang nagtatrabaho, ang utak niya ay naka-focus lang sa isang bagay, ang iligtas ang pasyente."Move!"Napalingon siya sa bagong pasyenteng walang malay na nakahiga sa stretcher at duguan ito.Nanlamig ang buong katawan ni Seraphina nang makilala ang pasyente. "C-Camille...?" anas niya.At sa likod ng stretcher ay si Ethan."Move aside!" sigaw ng doctor.Ngunit hindi niya magawang igalaw ang sarili dahil ang kapatid niya ay naliligo sa sarili nitong dugo."Sera!" sigaw ni Nina dahilan para bumalik sa katinuan ang
“SERAPHINA!”Napakurap si Seraphina nang marinig ang boses ng kaibigan niyang si Nina habang nagmamadaling naglalakad sa hallway ng hospital.Ilang araw na siyang lutang dahil hindi mawala-wala sa isip niya ang nangyari sa gabing iyon. Every time she remembered Lucien's face, ay bumibilis ang tibok ng puso niya.“Girl, ayos ka lang ba?” tanong ni Nina habang pinagmamasdan siya. “Pansin ko parang ilang araw ka nang distracted sa trabaho.”“If only you knew,” anas niya.Napakunot ang noo nito. “May sinasabi ka?”Mabilis siyang umiwas ng tingin. “Nothing.”Ayaw niyang ikwento ang nangyari. Hindi nga rin niya alam kung paano niya nagawang sumama sa isang estranghero. Totally out of her character.“By the way,” bulong ni Nina habang naglalakad sila, “your fiancé was looking for you earlier.”Biglang nanlamig ang ekspresyon ni Seraphina. "Ex-fiancé."Napasinghap si Nina. "Oh my God... ano ba ang nangyari?""Nahuli ko lang naman siyang may babae," walang gana niyang sabi."Sinong babae? Kila
MAHINANG sinag ng araw ang tumama sa mukha ni Lucien ang gumising sa kanya. Marahan siyang nagmulat ng mga mata at saglit na tumitig sa brown na kisame ng hotel room na kinaroroonan niya.Pagkatapos ay kusang gumalaw ang tingin niya sa kabilang bahagi ng kama. Pero wala na ang babae sa tabi niya.Bahagyang kumunot ang noo niya at marahang bumangon habang sinusuklay ng daliri ang nagulo niyang buhok.Tahimik ang buong kwarto kaya nasisiguro niyang wala na ng babae.A cold smile slowly formed on Lucien's lips, dahil karamihan sa mga babaeng nakaka-sex niya ay ginagawa ang lahat para manatili. Pero naiiba ang babaeng iyon. Umalis ito nang walang paalam, at ang pangalan lang na ibinigay nito ay 'Sera'.Muli niyang naalala ang lungkot sa mukha nito kagabi. The tears in her eyes and the anger. Marahil iyon ang naging dahilan kung bakit nakuha nito ang atensyon niya.Marahas siyang nagbuntong-hininga habang naalala ang naganap sa nagdaang gabi.—KAAGAD na napayapos sa leeg ni Lucien ang bab
IT felt as if a metal bar had slammed into Seraphina’s head as she stood outside the hotel suite.Nanlalamig ang buo niyang katawan habang nakikita sa maliit na awang ng pinto ang ginagawa ng dalawang tao sa loob ng silid.Ang fiancé niya ay nakikipaghalikan sa kanyang kapatid!“Mm… Ethan…” mahina ngunit malanding ungol ni Camille habang nakakapit sa batok ni Ethan.Parang may kung anong puwersa ang pumiga sa puso ni Seraphina.Tatlong taon niyang minahal si Ethan Alcantara at tatlong taon din niyang pinaniwala ang sarili na siya ang babaeng dadalhin nito sa altar.Pero kitang-kita ng kanyang mga mata na halos hubaran na ni Ethan ng damit ang kanyang kapatid.Bahagyang napaatras si Seraphina. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit. Ang makita ang fiancé niyang may ibang babae o ang malaman niya na sariling kapatid niya ang babae nito?Tumulo ang mga luha niya bago pa niya napigilan at doon siya napansin ni Camille.Biglang nanlaki ang mga mata nito. “Ate S-Sera—”Mabilis namang lum

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





