"Do you think, my friends will like those?" tanong sa'kin ni Tucker. Grabe talaga ang isang 'to, ang dami niyang binili hindi man lang kayang tumulong. Mas nauna pa siyang maglakad sa'kin, bakit ba kasi ang dami kong kinuha para sa sarili ko, tapos siya unti lang naman talaga ang binili niya para sa mga kaibigan nito.
"Kaya mo pa ba?" rinig kong tanong. Tanging tango na lang ang naisagot ko.
"Magugustohan naman po siguro ng mga kaibigan mo sir," sabi ko. Sana pala walo na lang ang kamay ko.
"Eh ikaw nagustohan mo naman ang mga kinuha mo?" he asked. Aba syempre naman kahit hindi mo ako tinulongan magdala.
"Oo naman sir, pasensya na po kung marami. 'Yong iba kasi para sa mga kapatid ko, pakibawas na lang po sa sweldo." pero 'wag naman sana ibawas talaga.
"Sige, mahigit binayad ko sa mga 'yan ay kalahati ng sweldo mo." Bigla akong nanlumo sa sinabi niya. Baka sa isang buwan wala akong sweldohin.
Nakarating na kami sa kotse, nauna itong sumakay at ako inayos ko pa ang mga paper bags sa likod ng kotse. Sumakay na rin naman ako pagkatapos at agad kong sinuot ang seatbelt dahil baka mapano na naman ako.
Hindi na kami nagsasalita dalawa, agad na siyang nagmaneho. Nakatingin lang ako sa labas, iniisip kung paano ko magagawa ang trabaho ko. Sana naman maging maayos ang kahinatnan pagkatapos.
"Taga saan ka pala?" Napalingon agad ako sa kanya nang magsalita ito. Nabagot 'ata si papi. Pero hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, wala naman talaga akong bahay o lugar. Bawal ko sabihin 'yong lugar namin, baka mapahamak ang buong organisasyon.
"Taga province ako," pagsisinungaling ko. 'Wag na sana siya magtanong p—
"So do you have family? Nasa province sila?" awit naman talaga. Dahan-dahan akong tumango, napaiwas ako ng tingin at pumikit nang mariin.
"We're here, magpatulong ka na lang sa iba," he said pagkatapos mag-park ng kotse. Agad naman akong lumabas at sakto ay nagsilabasan ang ibang katulong. Tumulong sila sa'kin na dalhin ang mga paper bags.
"Ang dami naman nito," komento agad ng isa. Sinabi mo pa teh, 'yong iba r'yan ay akin.
"Saan natin 'to ilalagay, sa kwarto ba ni sir?" tanong ng isa, nilingon ko siya at tiningnan ang dala nilang paper bags kung saan ang iba kong damit.
"Ah, sa kwarto ko., I said at yumuko bigla. Ngumiti ako nang bigla silang lumingon sa'kin sabay. Ang dalawa sa kanila ay nakakunot ang noo.
"Bakit sa kwarto mo? Ikaw ba inutosan na ibalot ito?" the one helper asked, sa kanya nakatuon ang attention ko kaya ngumiti ako at tumango sa kanya.
"Ah oo, ako ang inutosan niya. Hmm tara na?" nahihiya kong sabi. Nauna akong maglakad at nagmamadaling pumunta sa kwarto ko, hindi ko na napansin si Manang Petra nang dumaan siya sa sala.
Hindi ko na pinapasok ang mga katulong sa kwarto, pinalapag ko lang sa kanila sa sahig. Dahil bawal silang pumasok sa kwarto ko at baka kung ano pa ang makita nila dito. Nilapag ko lahat ng paper bags sa kama, kahit 'yong para sa kaibigan ni Tucker nasali rito. I sighed habang pinagmasdan ang maraming paper bags.
Paano ko kaya ito itago at mailabas nang maayos? Kailangan kong ibigay sa mga gaga ang ibang nandito. Inayos ko 'yong mga paper bags na para sa'kin at tinabi naman ang para sa mga kaibigan ni Tucker, hihingi na lang akong pang balot mamaya.
Lumapit ako sa cabinet ko para kunin ang maliit na cellphone, I was about to dial the number of Almina nang biglang may kumatok. Ibinalik ko agad ang cellphone at agad binuksan ang pinto. Isang katulong ang ngiting-ngiti na nasa harap ko. Pinigilan kong umirap dahil sa itsura niya, wala pa ang isang ngipin.
"Kakain na tayo para makapaghanda sa pag-uwi ng magulang ni sir Tucker," she said, kinunotan ko siya ng noo. Bakit kailangan pa maghanda kasama ako, ang dami na nila sa kusina. "Tara na," dagdag pa niya at bigla akong hinila, ang feeling close naman ng babaeng 'to.
Nakarating kami sa hapagkainan na kung saan para lang sa mga katulong at iba pang tauhan. 'Di ba ang taray may pang katulong at guards na kaininan.
"Bilisan niyo na Alora at Lina," sabi sa'min ni Manang. Lina pala ang pangalan ng feeling close na babaeng 'to. Hindi na rin ako nag-aksaya ng oras, kumuha ako ng plato at kumain na kasabay ang iba.
Dahan-dahan lang akong kumakain, hindi pinapansin ang iba kahit na nakikita kong nagmamadali silang matapos. 'Yong iba nagsitakbuhan agad sa labas pagkatapos nilang kumain, ang corny naman dito papanget ka-bonding.
Hindi ko pa rin nauubos ang pagkain ko hanggang sa ako na lang ang natira sa lamesa. Wala pa rin akong pakealam kung nagsi-alisan na si—
"Jusko kang bata ka! Bilisan mo kumain, hindi ikaw ang amo rito." Pagsulpot ni manang at sinermonan ako. Gusto kong umirap sa inasta niya, gaano ba kahalaga 'yang mga taong darating na 'yan.
Binilisan ko nalang ang pagkikos ko. Sumunod na rin ako kina Manang at nakita ko ang mga katulong na humalera sa may pintuan. Anong ganap natin mga teh?
Hindi ko pa nga siya natingnan nang mabuti agad naman akong hinila ni Manang at pinapila kasama ang iba, sinunod ko na lang ang ginagawa nila. Naka tayo nang matuwid at seryosong nakatingin sa harap. Bubulongan ko na sana ang katabi ko para tanungin kong anong trip nila nang biglang may pumasok na babae, napanganga ako nang makita ang outfit niya, nakasumbrero itong itim na pang sosyal, kulay blue ang suot n'yang dress at ang haba pa ng takong na suot niyang heels. Ano bang meron at ganito ang suot ng isang 'to.
"Sino yan?" kalmado kong tanong sa katabi ko, laking gulat ko naman na narinig pala ng iba 'yon pati na rin ang babae kaya atomatikong lumingon siya sa pwesto ko na nakataas ang isang kilay. Akala ko naibulong ko 'yon. Shit naman.
Naglakad papalapit ang babae papunta sa pwesto ko, taas no ko pa rin itong pinagmasdan. "Are you new here?" she asked, hindi pa rin nagbabago ang expression. I was about to answer her nang biglang nagsalita sila Manang.
"Pasensya na Madam, bago lang po siya rito kaya hindi niya po alam." Nakayukong sabi ni Manang, kahit kailan talaga bigla na lang nagsasalita 'to si Manang. Ako 'yong tinanong eh.
"I'm not talking to you Petra, I'm talking to this cheap girl in front of me." luh, mama mo cheap girl. I smiled at her kahit na ang sarap niyang ingudngod. Sino ba kasi 'tong kupal na 'to.
"Baka ikaw an—"
"Mom, you're here!"Nanlaki ang mga mata ko nang biglang dumating si Tucker, agad itong lumapit sa babaeng kaharap ko at yumakap. "How's in the road?" he asked. Hinawakan ng babae ang pinsgi ni Tucker.
Potek naman Klai, muntik na 'yon, Nanay pala siya ni Tucker. Minsan talaga kakupalan ng bibig at ugali mo Klai.
"I'm good son, nasa kwarto na nila ang mga kapatid mo. May pinahanda ka ba?" her mother asked, tumango si Tucker bilang sagot.
Tinawag na kami ni manang para umalis na at ayusin ang kung ano nang biglang nagsalita ang Mama ni Tucker.
"Cheap lady, stay." what the fuck! Hindi ako lumingon dahil hindi naman ako cheap, sa gandang ko 'to tatawagin niya lang akong cheap at anong stay? Mukha ba akong aso, aba talaga bastusan. "Hey, I'm talking to you, bumalik ka rito babae," dagdag pa nito.
"Mom, what happened?" rinig kong tanong ni Tucker. Sana ilayo niya ang Mommy niya habang nakapagtimpi pa ako.
"'Yong new maid natin kasi, binastos niya ako kanina," she said, napapikit ako nang mariin nang hawakan ni Manang ang braso ko. Tumingin ako sa kanya.
"Puntahan mo muna anak, humingi ka na lang ng tawad. Mahirap kausap ang babaeng 'yon," she said, mahirap pala bakit ko pa kakausapin. Manigas siya, akala mo kung si—
"Alora, sumunod ka kung tinatawag ka ni Mommy, she's your boss too." halos mawala ata ang mata ko dahil sa pag-irap. Like mother like son ba 'to? Kung hindi niya lang ako binilhan ng damit kanina hindi ko siya lilingunin.
I smiled at them bago lumapit pabalik sa kanila. "I'm sorry for what I did earlier Ma'am, I'm just new here and I didn't know who you are. No one inform me about you Madam," sunod-sunod kong sabi habang nakayuko. Nagtaka naman ako na wala akong marinig na sagot. Dahan-dahan akong tumingin sa kanila at napakunot ang noo ko nang makita ang reaction nilang nakanganga.
"Ma'am, Sir? Ayos lang po ba kayo?" I asked. Kumurap naman ang Mommy ni Tucker.
"D-don't be trying hard to s-speak English, hindi bagay sa'yo muchacha." eh? 'Yon ba ang dahilan kung bakit nakanganga lang sila kanina, psh stupid.
"Oh, I'm sorry. Can I join them now to do the household chores Sir, Ma'am?" Nakangiti kong tanong. Mainis kayo please. Ang ayaw ko pa naman ay 'yong iniinsulto ako.
"Yeah, go ahead," si Tucker na ang nagsabi, tumingin muna ako sa kanya at ngumiti ng napaka tamis bago ako tuloyang tumalikod. Napaismid ako nang nakatalikod na, bigla kasing nanlaki ang mga mata ni Tucker nang ngumiti ako sa kanya. Makuha ka sa ngiti.
Isang buwan na ako rito sa mansyon pero hindi ko pa rin nahahanap ang bagay na 'yon. Sa laki ba naman kasi ng bahay na 'to paano ko 'yon mahahanap. "Ilang kwarto ulit nandito, Len?" tanong ko sa kasama kong naglilinis dito sa sala. Hindi naman siya huminto sa paglilinis at sinagot lang din ang tanong ko. "Kung kasama sa bilang ang mga kwarto natin, 25 lahat." grabe, ang yaman talaga, kahit isang buwan na ako rito hindi ko pa rin maiwasan mamangha sa katayuan nila Tucker. "May kwarto pa ba tayong hindi napapasukan maliban kay sir Tucker?" pasimple kong tanong. "Napasukan na natin lahat, kay Sir lang talaga hindi pa. Siya mismo ang naglilinis ng kwarto niya," sagot nito. "Bakit?" tanong niya pa. Umiling lang ako sa kanya bilang sagot.Kung gano'n, nasa kwarto niya ang hinahanap ko. Nang matapos ko ang trabaho ko, pumunta muna ako sa kwarto ko para tawagan si Almina. Baka kasi may isa na ang nakatapos sa trabaho. "Yoh bitch, how are yo
"Kapag nagising na siya pakainin mo na lang ha?" "Opo Manang, ako na po bahala sa kaniya." Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang makarinig ng ingay. Ang sakit ng ulo ko. Para akong galing sa hang-over na matagal mawawala. "Ay nako, Alora. 'Wag ka munang tumayo." Tiningnan ko ang babaeng nagsasalita. Si Lina. Tumingin din ako sa paligid at nagtataka kung bakit nasa kwarto na ako. Naalala ko ang nangyari kagabi, pinalayas ako at nakatulog sa ilalim ng malaking puno habang umuulan. "Kinuha niyo ako sa labas?" tanong ko. "Si Sir ang kumuha sayo." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Imposible! "M-masakit lang ang ulo ko Lina pero hindi ako lasing. Huwag mo akong lokohin." "Hindi kita niloloko, Alora. Siya nga ang kumuha sa'yo. Magpagaling ka na para pagbayaran mo ang ginawa mo sa kaniya." Mas lalong napakunot ang noo ko. Anong bayad? Ako na nga ang pinalayas at nabasa sa ulan ako pa ang magbababayad. Baka sa damit na sinabi niya o
"Good morning, Sir!" masayang bati ko nang makita siyang bumaba at bihis na bihis. Time to work niya na yata. "Breakfast po," aya ko pa pero hindi niya ako pinansin. Dire-diretso lang ang lakad niya na para bang wala ako sa harap nito. Sungit sa umaga! Sinundan ko pa rin siya, hindi ako nakapunta sa kwarto niya kahapon para raw alagaan kuno. Tinatamad ako maglambing, hindi ko naman siya jowa. "Sir, baka po may nakalimutan ka bago mag work?" malambing kong sabi. Wow Klai, ayaw mo maglambing ha! "What?" he coldly said. "Hindi ko po alam, baka lang naman po may nakali-" "Wala akong nakalimutan, umalis ka sa harap ko." Napahinto ako dahil sa biglaang paglingon niya sa akin,
"So, you have an additional mission? Exciting, isn't?" Hindi ako sumagot sa nakangiting Jersey. After the meeting with the organization, umalis kaagad kami. Why would boss will give us a mission na konetkado rin sa una kong mission? At bakit sinasabi niyang sila Tucker ang magpapabagsak sa amin in the future? Gano'n ba ka delikado si Tucker. "Hey, huwag mo muna isipin 'yon." Lumingon ako kay Fresha. I smiled at her. Of course, basic ang pumatay. Hindi na dapat isipin kung paano namin patayin si Tucker kasama ang mga kaibigan nito. "O to the M and to G, fucking OMG!" Napakunot ang noo ko nang tumili si Munique. We looked at her, waiting her to say something. "Look! Gosh!" Pinakita niya sa amin ang litrato ng mga lalaki. Napa-awang ang bibig ko at halos manlaki ng mga mata. Ulam, tangina! "Sure ba tayo na kaya nating patayin mga 'yan? Parang gust ko muna magpalahi bago putulin ang pangpalahi nil---" "Jersey!" "
"Where have you been?" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses niya. Dahan-dahan akong lumingon, kinakabahan. Nang makaharap na siya, ngumiti ako ng napaka-tamis. "Magandang araw Sir. Umuwi lang po ako sa amin dahil kailangan po ako ng pamilya ko. Pasensya na po." sambit ko at yumuko. Ayaw ko siyang kaharap ng matagal, naiisip ko lang ang mission ko. "Really?" Nanlaki ang mga mata ko sa tono niya, tonong hindi naniniwala. Bakit niya ba ako pinapakaba lalo. "O-opo," sambit ko nalang. "Pasok na po ako." dagdag ko at mabilis nang naglakad. May kakaiba sa kanya ngayon. Dapat na ba talaga akong matakot sa kanya? Hindi, hindi dapat ako matakot. Dapat lang mag-ingat pa lalo. Kinabukasan, maaga kaming nagising lahat dahil kagabi ay sinabihan na kaming dapat kaming maghanda para sa welcome party ng isang tao na hindi ko kilala. Aligaga kaming lahat sa pag-aasikaso. Mamayang 7 PM pa
Napamulat ako nang may marinig akong mga boses. Nakita ko si Tucker at isang doctor."She's fine now, don't worry." sambit ng doctor.Ano ba ang nangyari? Nawalan ba talaga ako ng malay nang mangyari ang pagsabog? Damn you, Jersey!Dahan-dahan kong iginilaw ang aking mga kamay, kumikirot pa ang ito. Akma kong tatanggalin ang mga naka dikit nang may pumigil."What are you doing?" Tucker asked. Kinunotan ko siya ng noo. Buhay ba talaga siya? Paano ang mga kaibigan niya? Nagtagumbay ba sila Almina?"What are you looking at? Are you okay?" he asked again kaya binawi ko ang tingin ko."A-ano po bang nangyari?" I asked. Naalala kong siya ang huli kong nakita nang mawalan ako ng malay, siya rin ba ang nagdala sa akin dito?"Nawalan ka ng malay, sa sobrang daming usok ang napunta sa katawan mo." ang doctor na mismo ang sumagot. "Maiiwan ko muna kayo," dagdag nito at luma
Papunta na kami ngayon sa mansion ni Chairman. Kanina ay nagtagal siya dahil pinuntahan niya rin si Waylon pagkatapos kay Braxton. Habang inaantay ko siya kanina ay nag-usap pa kami ng matagal ni Erikiar. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Akala niya siguro ay boyfriend ko si Tucker, hindi ko nalang sinabi iyon dahil hindi naman mahalaga."Are you now okay?" Lumingon ako sa kanya.Bumabakas at bumabagay ang kanyang adams apple. At ang makinis na mukha nito ay kumikinang, ano kaya ang skin care niya? Wala manlang balbas sa mukha. Napakagandang lalaki."You're looking at me again," hindi ko siya pinansin. Paano ko kay 'to mapapatay? Sa sarap? Lagyan ko ng lason? Or diretsong saksakin? Kung ngayon nalang kaya? Guluhin ang pagmamaneho niya."You're scary, you know?" I know.Umiwas ako ng tingin sa kanya at umayos ng upo. "Ayos na po ako. By the way Sir, puwede po tayong dumaan sa bahay ninyo? Kukunin ko lan
After what happened earlier nagpaalam ako na may bibilhin muna, I said to him na ang bibilhin ko ay mga gamit ko sa pagpapanggap na ito. Pero gusto ko talagang pumunta sa hide out namin, I want to talk with them. "Maayos ka na ba? I am so sorry, Klai." sambit ni Jersey nang ma-e-kuwento ko sa kanila ang nangyari sa akin, nagsisi pa sila dahil hindi nila alam. Pero si Fresha ako ang sinisi dahil daw alam ko naman na mangyayari iyon at pumasok pa raw talaga ako sa loob. "Ayos na ako ngayon, usok lang 'yon ni Jersey." Nakangiti kong sabi. They all just nodded at nakaramdam ng kaginhawaan. "What brings you here? Sayang hindi namin napatay ang iba sa kanila," wika naman ni Munique kaya tiningnan ko sila ng seryoso. They don't know? "Hindi ba talaga kayo ang dahilan kung bakit sila nasa hospital?" I asked. They all shrugged their heads. Sino kaya? "Actually, I was about to stab the other guy named Braxton but someone grabbed me and he did me