Share

64

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nakatingin lang ako sa matalik kong kaibigan na hanggang ngayon ay hindi pa rin inalis ang baril na tinutok niya sa akin. Pasimple akong bumaling sa iba kong kasamahan na tulad ko ay nagtataka sa ginawa ni Fresha.

"What the hell are you doing, Fresha?" Hindi makapaniwalang tanong ni Almina.

Hindi siya sinagot ni Fresha, nakatingin lang siya sa amin na walang emosyon na tila ba matagal niya nang inaasahan na mangyayari ito. Bumalik ako kay Allesandra na masayang nakatingin sa amin, natutuwa siya sa nangyayari. She planned this?

"See? Kahit kayo ay hindi inasahan na mangyayari ito. Kahit ako ay hindi ko inasahan na magagawa ito ni Fresha, ang kaibigan na pinagkatiwalaan ninyo at mas tahimik sa inyong lima." Natatawang sabi ni Allesandra.

Lumapit sa kanya si Celine na masaya ring nakatingin sa amin. Ano bang nangyayari? Hindi pa rin ako makalayo kay Fresha, gusto kong marinig mula sa kanya kung ano ang naiisip niya bakit niya ito ginagawa? O b
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status