Share

65

Nagising ako nang hindi alam kung nasaan. Bumungad sa akin ang puting kisame at ang maliit na kamay na nakahawak sa kamay ko. Bumaling ako roon at nakita ang anak kong natutulog, nagulat pa ako nang bahagya nang makita siya. I was about to wake him up but I stopped myself, hinayaan ko siyang naroon. I smiled, naalala ko ang nangyari sa akin kasama ang mga kaibigan ko sa mga kamay nila Alessandra at Celine. Paano kung may nangyaring masama sa akin at hindi ko na makita ang anak ko?

Si Tucker? Nilibot ko ang paningin ko para hanapin siya and there, I saw him standing beside the window. Nakatitig din siya sa akin, naglalakad patungo sa kama ko.

"Kumusta ka? M-may masakit ba sa'yo?" Ang boses niyang napapaos. Umiwas ako ng tingin, ramdam kong nangingilid ang luha ko sa aking mga mata.

Bakit ako nasasaktan nang makita siya ngayon, mahinahon ang boses at bakas na pag-alala. "Kukunin ko na ang anak natin, ayaw niyang umalis at inaantay kang magising kaso nakatulog siya." Dahil sa sinabi ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status