Share

66

Nang umayos na ang pakiramdam ko, sinabi ko kay Tucker na bibisitahin ko ang mga kaibigan ko. Hindi na rin naman siya umepal pa at sinamahan na lang din ako. May pasok ang anak namin kaya nagkaroon kami ng oras na umalis, mamaya pa namin siya susunduin.

"Wala ka bang trabaho?" tanong ko sa kanya. Simula kasi noong nasa bahay niya lang ako, hindi ko siya napansin na lumabas. Panay utos lang sa mga tauhan niya.

"I am the boss of my company, kaya malaya akong mag-break from work kung gusto ko. And besides, naroon si East para maging substitute ko sa mga meetings." Walang ganang sabi niya.

Hindi naman porket siya ang boss ay aalis na siya para rito. Huminga ako nang malalim at humarap sa kanya. "You know what? You should go, kaya ko naman na ako lang ang pupunta sa kanila."

"No." Umiling siya. "Paano kung lapitan ka ng mga tauhan ni Alessandra na tumakas—"

"Oh Tucker. Tumakas nga e, hindi na babalik ang mga iyon dahil sa takot. Nakulong na rin naman si Alessandra, ako na lang ang aalis."

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status