Share

Chapter 34 – The Ring of Regret

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2025-09-13 23:21:50

Nakaupo ako sa sahig, nakasandal sa sofa, hawak ang baso na parang iyon ang pinanghuhugutan ko ng lakas.

“Anessa…” bulong ko, parang baliw na inuusal ang pangalan niya. Paulit-ulit, hanggang sumakit na ang lalamunan ko.

“Barton!” Napaigtad ako. Umalingawngaw ang boses ni Mommy.

“Mom…” Kumaway ako. Ngumiti ako na parang baliw. Baliw na nga yata ako — bingi pa. Hindi ko nga napansin na dumating siya.

Nakakunot ang noo niya; halos umabot na ang kilay sa hairline niya sa inis. “Anong pinaggagawa mo sa sarili mo, Barton?” Napapailing siya.

Napatingin ako sa kanya, halos hindi ko na maaninag ang mukha niya. Ang hapdi ng mata kong maga na, pero hindi nauubos ang luha. Tumawa ako ng mapakla. “Mom… wala na siya. She’s gone. Anessa… she’s leaving me.”

Lumapit siya, inagaw ang bote ng alak na muntik nang matapon. “Kasalanan mo! Wala kang karapatan na magreklamo.”

Hinampas ko ang dibdib ko, ang lakas, pero hindi ko ramdam ang sakit. “Oo na! Kasalanan ko. Gago ako, e… but Mom… nasasaktan ako. Par
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Gabinz Perida
himdi pa huli ang lahat bart suyo in mo si anissa laban lang sa hul kayo parin
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
kahit Anu Gawin Wala cya syu..
goodnovel comment avatar
Nan
Paano nayan Bart huli na bago mo nakita ang iyong mali tingnan lang natin ang mga magaganap na mapakita mo kay Anessa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   EPILOGUE

    JYRONENapangiti ako habang nakatingin kina Anessa at Bart na karga-karga ang kambal. Ang saya-saya nilang isinasayaw ang mga bata. ’Yong tawa nila, abot hanggang mata. Kita mo agad na totoo ang kasiyahan nila.At masaya akong naging bahagi ng lahat… Naging saksi sa malungkot at masayang yugto ng buhay nila, at masaya rin akong naging ninong ng kambal.Binyag ng mga bata kanina, kaya heto, nandito kami sa mansyon nila Bart. Nagtipon-tipon ulit kami matapos ang anim na buwan.Ang laki na ng mga bata. Parang kailan lang, ang liit-liit pa nila. Ngayon, ang bibibo na. Mas malakas pa ang tawa nila kaysa tugtog mula sa speaker.“Jyrone…”Napalingon ako nang marinig ang boses na ’yon. Boses ni Ferly.Isa rin siya sa mga ninang. Dahil siya ang OB ni Anessa, naging close na rin sila sa isa’t isa.“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya habang nakatanaw din kina Bart at Anessa.“Nagpapahangin lang… in-enjoy ang magandang tanawin.”Ngumiti siya at sumandal sa railing katabi ko. “Magandang tanawin…

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 120 — She Was My Wife, My Love, My Forever

    BARTNanginginig ang mga kamay at tuhod ko habang nakatayo sa harap ng malaking pinto. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang nabigkas ang salitang “Diyos ko, gabayan mo ang asawa ko. Sana ligtas sila…”Ito na kasi ‘yon, ang araw na pinakahihintay namin—ang araw ng panganganak niya.Kanina pa siya sa loob. Kanina pa ako naghihintay na makarinig ng iyak. Pero dalawang oras na ang lumipas, wala pa rin akong naririnig.“Bart… umupo ka nga muna…” sabi ni Mama Bettina. Katabi niya si Mama Anelita na katulad ko ay tahimik ding nagdadasal.Rinig na rinig ko ang sinabi niya, pero parang lutang ako na hindi ‘yon maintindihan. Puro si Anessa at ang kambal ang laman ng utak ko.“Relax ka lang, Bart,” sabi na naman ni Mama Bettina. “Paano po ako mag-relax, dalawang oras na…” Nahagod ko ang buhok ko. “Kakayanin ni Anessa… malakas at matapang ang anak ko,” sabi ni Mama Anelita.Tama… malakas at matapang si Anessa. Pero kahit na, hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala. I did my research, alam kong m

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 119 — For the Rest of Our Lives

    ANESSA“Good morning, Mrs. Divinagracia…” Napangiti ako nang marinig ang boses ni Bart. Medyo paos, pero malambing. Ramdam ko ang braso niya sa dibdib ko, mabigat pero ang sarap sa pakiramdam. Ito kasi ang unang araw na magising ako bilang Mrs. Divinagracia, hindi lang sa pangalan, kundi sa puso niya.“Good morning, Mr. Divinagracia,” bulong ko pabalik at humarap sa kanya.Medyo antok pa ako kanina, pero ngayong nakita ko na ang gwapo niyang mukha—gising na gising na ako. Ngumiti siya, kumislap rin ang mga mata gaya ko.“Binuhat mo na naman ako kagabi?” tanong ko habang nililibot ang paningin sa buong silid.“Yeah… ang peaceful ng tulog mo, kaya hindi na kita ginising…” Dinampian niya ako ng mabilis na halik sa labi at saka umupo sa gilid ng kama, hinaplos ang tiyan ko. “Go back to sleep. Alam kong pagod ka… kasi ikaw ang nagmaneho kagabi…”“Bart!” Hinampas ko siya. Pero pilyong ngiti lang ang sagot niyang humihimas na sa hita.“Ang galing mong magmaneho… alam mo ba ’yon?”“Tumigil k

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 118 – The Honeymoon

    ANESSAKita ko sa gilid ng mga mata ko na lumapit na rin ang ibang mga bisita. Sumasayaw na rin sila, pero kami ni Bart, parang nalulunod pa rin sa sarili naming mundo.Ni saglit, hindi maalis ang tingin namin sa isa’t isa. Hindi rin maalis ang mga ngiti. ‘Yong para bang hindi kayang sukatin ang saya na pareho naming nararamdaman.Maya maya ay inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko.“You look unreal tonight,” bulong niya, sakto sa pagdampi ng mainit niyang hininga sa pisngi ko.“Are you saying I don’t look real on normal days?” pilya kong tanong.Tumawa siya. “I’m saying, you don’t look like you belong to this world.”“Gano’n? Eh, saan ako belong?”“With me… in my world… in my heart, my love…”Napaangat ako ng ulo. Pakilig ‘tong asawa ko… Nakagat ko tuloy ang labi ko. “Masyado ka nang cheesy… baka maihi ako…”“Ayos lang, maihi ka lang… kasi mamaya, sa honeymoon natin, hindi mo na magagawa ‘yan…”“Hoy, Bart!” gigil kong sita, sabay kurot ng palihim. “Wala nang ibang laman ‘yang utak

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 117 –The Wedding

    ANESSAHindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatitig sa salamin. Pinagmamasdan ang magandang repleksyon ko. Oo, ang ganda-ganda ko ngayon, hindi dahil sa makeup o ayos ng buhok ko, kundi dahil sa ngiti.Ito na kasi ‘yon… ang araw na magiging Mrs. Divinagracia na ulit ako. Kinapa ko ang dibdib kong kanina pa nagtambol.“Anessa…” mahinang tawag ni Mama Anelita sabay bukas ng pinto.“‘Ma…” Napangiti ako. Ang ganda rin kasi ni Mama. Minsan ko lang siyang makitang mag-ayos. Pero kahit simple lang ang suot niyang saya at baro, tumingkad pa rin ang ganda niya. Mana nga ako sa kanya.“Handa ka na ba, Anak?” mahinahon niyang tanong.Tumango ako, ngumiti. “Opo, Mama.”Lumapit siya, inayos ang isang hibla ng buhok sa may tainga ko. Napakahina ng kilos, para bang takot niyang mabura ang makeup ko.“Ang ganda mo, Anak...” Ngumiti siya, sabay pahid ng luha sa gilid ng mata niya.Hinawakan ko ang kamay niya. “‘Ma, walang iyakan… masisira makeup natin…”Ngumiti siya at tumango-tango. “Pipi

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   CHAPTER 116 – Celebration

    BARTNapangiti ako habang nakatingin sa lahat. Kanina lang ay nasa courtroom pa kami, kabado sa kung ano ang magiging hatol sa pamilya Hordan. Pero ngayon, kasama ko na lahat ng taong mahalaga at nagpapasaya sa akin. Sila ang mga taong parte ng buhay namin, mga taong mas nagbigay kulay sa mundo namin ni Anessa. Ang sarap pakinggan ng halakhakan nila, parang tuluyang nabura ang mantsa ng nakaraan.Napalingon ako kay Anessa. Na katulad ko, tahimik lang siya, pero may ngiti sa labi at nangingislap ang mga mata. Klarong-klaro sa mukha niya ang saya. Parang lalo siyang gumanda. Hindi ko nga maawat ang sariling titigan siya. Pinisil ko ang kamay niya at agad naman siyang lumingon sa akin.“What?” tanong niya, umangat ang mga kilay.Umiling ako. “I’m just happy… because the person I love the most is right here with me.”Ngumiti siya at dinampi ang pisngi sa balikat ko.Sabay kaming napapangiti sa kakulitan ng mga kaibigan niyang nakapalibot sa mesa kung saan nakalagay ang mga alak at cake n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status