Share

Chapter 40 — The Cold Between Us

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2025-09-19 22:44:27
BART

Yumuko ako. Hindi dahil sa kahihiyan, kundi dahil sa bigat ng mga salitang binitiwan ni Anessa. Para bang bawat titik ay punyal na tumarak sa dibdib ko. Ang sakit. Ang bigat. Pero kahit ramdam kong winawasak niya ako, hindi ko pa rin kayang umalis.

Lakas-loob akong nagtaas ng ulo. Tumitig sa mga mata niyang malamig, matalim, at puno ng hinanakit. Pero kahit gano’n, gusto ko pa ring manatili. Kahit itaboy niya ako nang paulit-ulit, hindi ako aalis… hindi ako lalayo.

Akmang tatalikod siya, pero mabilis kong iniangat ang braso ko at hinarangan siya.

“Anessa…” Mahina, mabagal ang pagbigkas ko sa pangalan niya.

Matalim na titig ang sagot niya, at winaksi ang kamay ko.

Napalunok ako. Hindi ko na alam kung paano ilalabas ang mga salitang paulit-ulit lang na umiikot sa utak ko.

Muli kong inangat ang mga kamay ko. Gusto kong hawakan siya. Gusto kong hilahin siya palapit, yakapin, at sabihing please, ‘wag mo akong iwan. Magsimula tayong muli. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Natatakot akong
sweetjelly

Tuloy-tuloy ang update. Pero isang chapter pa rin... Happy much na mabasa ang mga komento niyo. May gigil pa rin kay Bart, pero may inis na rin kay Anessa... haha... Sana rate n'yo ang book na 'to... Maraming salamat.

| 15
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Vima Galleras
bat di mo magawang sumbatan c Kyline sa lahat ng ginawa Niya
goodnovel comment avatar
sweetjelly
update po later◉⁠‿⁠◉ Paanong 4days?kagabi lang po ako di nakapag-update ma'am(⁠ ⁠╹⁠▽⁠╹⁠ ⁠)
goodnovel comment avatar
Nisha Hernandez
4 days na wala pang update ???
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...    Chapter 47 — Between the Lines

    Tumunog ang phone ko sa gitna ng nakaka-ilang na titigan namin ni Bart. Para akong natauhan. Agad ko itong sinagot, hindi man lang tiningnan kung sino ang tumatawag.“Hello?”“Anessa, it’s me.” Si Jyrone. Nag-init ang tainga ko. Napatingin ulit sa name ng caller, saka muling nilapat sa tainga ko.“Napatawag ka?” Iniiwasan kong mapatingin kay Bart.“I’ll be flying back to Manila tomorrow. Can we meet tonight before I leave?”Tumango-tango ako na para bang nakikita niya ako. “Yes. Mamaya, let’s meet.”“Good. I’ll message you the time and place.” Malumanay ang tono niya, pero bakas ang tuwa. “Take care, Anessa.”Pagkababa ng tawag, hindi sadyang mapatingin ako kay Bart. Parang nakakaubos ng hangin sa baga tingin niya. Tahimik nga siya, kilay niya salubong naman. Mata nanliliit na parang nagseselos sa kausap ko. Nilagay ko ulit sa bag ko ang phone. Tinuro naman niya ang plate ko, “finish your meal.” Umawang ang labi ko. Sasabihin sanang busog na ako pero umasim ang ekspresyon niya. Paran

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 46 — Since You Left

    Inis akong kumilos. Papasok na sana ako sa backseat nang tumikhim si Bart. Napalingon ako.“Are you making me your driver?”Napapikit ako sandali, pigil ang hininga, saka dahan-dahang isinara ang pinto at lumipat sa harap. Naninigas ang panga ko sa inis. Pinigil ko ang sarili kong ‘wag sumabog sa galit. Pagpasok ko, agad niyang pinaandar ang makina.“Where to?” tanong niya na parang walang nangyari.Grabe. Parang sinusubok niya ang pasensya ko.“Ako na lang sana ang nag-drive, Sir Bart—hindi ka sana tanong ng tanong,” sagot ko, pilit pinapakalma ang tono ko.Tiningnan niya ako nang matalim. Para akong natusta sa tingin na ’yon, kaya wala akong nagawa kundi ituro ang daan.“Straight lang.”Ngumisi pa siya bago pinaandar ang sasakyan. Ako naman, mahigpit ang hawak sa seatbelt, pilit iniiwas ang tingin habang siya naman ay sumisipol-sipol lang. Nakuyom ko na naman ang kamay; naninigas na ang mga daliri ko. Parang mauubos na rin ang hangin sa baga ko dahil sa pagpipigil.“Saan na tayo pu

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 45 — Bound by Duty

    “Alam mo naman pala, nagtatanong ka pa,” sagot ko, madiin pero mahina. Sapat para umangat ang sulok ng labi ni Bart. Nanliit ang mga mata ko. Para bang sinadya niyang asarin ako. At mas nakakainis, mas inilapit pa niya ang mukha sa akin.Napatayo ako, pero hindi ko siya tinantanan ng titig. ‘Yong titig na papatay sa balak niyang gawin. Pero parang wala lang na sumandal siya sa desk ko. Inangat pa ang picture namin ni Mama, sandaling tinitigan. “Hindi ko alam, kaya nga ako nagtatanong.” Nilapag niya ang frame. Napasulyap ako kay Estra na napasinghap. Halos malaglag ang panga, nanlalaki ang mga mata habang nakatingin kay Bart. Tinapik ko siya. Napakurap-kurap naman siyang umayos sa pag-upo. At si Bart, ngumiti. Sumakit ang batok ko sa nakakataas-presyon na pagmumukha niya.Aalis na sana ako, pero agad siyang humarang sa daraanan ko. Madiin kong kinuyom ang mga kamao ko. Dibdib ko, nagtambol na sa inis. Nasa amin na kasi ang tingin ng lahat. Nagsimula na rin ang bulungan. Napahapl

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 44 – The Weight of His Eyes

    Mainit ang upuan ng driver’s seat, pero mas mainit ang ulo ko. Hirap na hirap akong pakalmhin ang sarili. Hindi ko nga alam kong iiwas ng tingin, o makipagtitigan kay Bart na iba ang tingin—may kakaibang ngiti.“Hi, Anessa,” malumanay niyang bati.Bahagyang nanginig ang mga daliri ko sa manibela. Sasagot na sana ako, pero bothered ako kay Ms. D na nagpalipat-lipat ang tingin sa amin.“You two know each other?” tanong niya, kilay nakataas, tinapik pa ang tuhod ni Bart na para bang sinisita ito. Pinipilit tumingin sa kanya.“Yes,” agad na sagot ni Bart. Malambing, pero pabulong. “We do.” Hindi siya tumigil doon; nanatili ang mga mata niya sa akin, malagkit, parang nang-aakit.Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Doon ko binuntong ang inis ko. Pinilit kong maging propesyonal. “Opo,” sagot ko, madiin, pero magalang. “I used to be Sir Bart’s secretary.” Sinadyang diniinan ko ang salitang secretary.Kumipot ang mga mata ni Bart, parang diskontento sa naging sagot ko. Pero hindi na siya nagsal

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 43 – Arrival of the CEO

    Matamlay akong pumasok sa opisina. Mabigat ang hakbang, parang may nakasabit sa balikat ko na hindi ko matanggal. Nakakainis. Dapat sana masaya ako ngayon. Nakita ko ulit si Jyrone kahapon pagkatapos ng halos isang buwan. Pero imbes na ligaya, guilt ang bumalot sa akin.Kahit pilit na siyang ngumingiti, hindi pa rin nabura ang tension sa pagitan namin. Hinatid ko siya sa hotel kung saan siya mag-stay, at sa byahe, nag-sorry pa siya. Sinabi niya, baka raw nakukulitan na ako sa kanya. At oo, ang kulit nga niya, pero hindi naman ako naiinis. Naiintindihan ko siya. Ang totoo, ako ang may kasalanan. Para akong paasa. Hinahayaan ko siyang suyuin ako, ligawan ako—pero hindi ko naman kayang suklian."I’ll wait. Even if it takes forever, I’ll wait. Because no one makes me feel the way you do, Anessa." Iyon ang iniwan niyang salita bago siya bumaba. Hanggang ngayon ay parang echo na paulit-ulit sa isip ko.Bakit ba gano’n siya? Ilang beses ko na siyang pinakiusapan. Tumigil ka na, Jyrone. Tam

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 42 – Chained by Fear

    Paglabas ko ng building, ramdam ko agad ang maalinsangan na hangin. Pero hindi ko na iyon pinansin. Bumungad kasi si Jyrone. Nakangiti. Mas mainit pa sa maalinsangan na panahon ang tingin sa akin. May bitbit siyang bouquet ng puting lilies—alam niyang paborito ko ang lilies, kaya iyon ang lagi niyang binibigay sa akin.Lumapit siya. “Para sa napakagandang babae na kilala ko,” sabi niya, sabay abot ng bulaklak. Pero bago pa ako makakilos—makapagsalita, dumampi ang kanyang labi sa pisngi ko.Nanigas ako. Nanlaki ang mga mata, pero hindi na ako nagreklamo. Hindi ko rin siya tinabig nang yakapin niya ako.Tinapik ko ang likod niya. Agad naman siyang bumitiw. Ngiting-ngiti na muling inabot sa akin ang bulaklak.Tinanggap ko at ngumiti nang pilit. Kunwari, hindi ako apektado sa halik at yakap niya.“Salamat, Jyrone,” mahina kong sabi.Mas lalo siyang napangiti. Lumiwanag ang mukha, kumislap pa ang mga mata. Parang may nabuhay sa loob niya.“Anong oras ka dumating?” tanong ko, para pagtakpan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status