Masuk
Nang dumating si Mauren Piñeda- Varron sa paliparan sa lungsod ng Buenavista, lampas na sa alas nuebe ng gabi.
Ngayong araw ay kaarawan niya.
Nang binuksan niya ang kanyang telepono, sunod-sunod na bati ang bumungad sa kanya. Ang mga mensahe na mula sa kanyang mga kaibigan, mga kamag-anak, at mga kakilala.
Ngunit sa kabila ng mga mensaheng natanggap niya, wala ni isang bati man lang sa kanyang kinakasamang si Samuel, Varron ang natanggap.
Bahagyang natunaw ang mga ngiti sa labi ni Mauren.
Lagpas na sa alas-diyes ng gabi bago nakarating si Mauren sa Villa ng bahay nila.
Pagpasok niya, nagulat ang kasambahay na si Manang Lita nang makita siya: "Madam, ahh… nakauwi na po pala kayo?"
"Nasaan sina Samuel at Aleya?" Agad na tanong ni Mauren.
"Hindi pa po nakakabalik si Boss; ang prinsesa naman po ay naglalaro sa kanyang silid.” magalang na sagot ni Lita.
Inabot ni Mauren ang kanyang mga dalang gamit sa kasambahay at umakyat sa itaas. Nakita niya ang kanyang anak na nakasuot ng pantulog at nakaupo sa isang maliit na mesa, na lubos na abala sa isang bagay. Napakalalim ng kanyang atensyon kaya’t hindi man lang niya napansin na may pumasok na sa silid.
"Aleya?"
Nang marinig ang tawag, lumingon si Aleya at masayang sumigaw, "Mommy!"
Pagkatapos, ibinaling din kaagad nito ang kanyang atensyon sa ginagawa.
Lumapit si Mauren at niyakap ang bata, ngunit pagkatapos lamang ng isang halik, itinabig na siya nito: "Mommy, may ginagawa pa po ako."
Dalawang buwan nang hindi nakikita ni Mauren ang kanyang anak at labis na labis niya itong namimiss. Hindi siya magsasawa sa paghahalik dito at nais na niya itong makausap.
Ngunit nang makita niya kung gaano ito nakatuon sa ginagawa, ayaw niyang sirain ang kasiyahan nito: "Hmm, gumagawa ka ba ng kwintas na yari sa mga kabibe, Aleya?" mahinahon niyang tanong.
"Opo!" Malinaw na puno ng sigla si Aleya habang nagsasalita: "Isang linggo na lang at kaarawan na kasi ni Tita Monica! Ito ang regalong inihanda namin ni Daddy para sa kanya! Ang mga kabibeng ito ay maingat naming kinintasan at pinakinis gamit ang mga kagamitan. Hindi ba’t napakaganda nila?"
Bahagyang naninikip ang lalamunan ni Mauren, at bago pa man siya makasagot, narinig pa niyang masayang nagkukuwento ang kanyang anak habang nakatalikod sa kanya, "May binili pa pong ibang regalo si Daddy para kay Tita Monica bukas."
Biglang bumigat ang pakiramdam ni Mauren at hindi na niya napigilan ang kanyang sarili na magtanong, "Aleya... naaalala mo pa ba kung kailan ang kaarawan ni Mommy?"
"Ha? Ano po?" Tumingala si Aleya sa kanya, at pagkatapos ay ibinaling ang tingin sa kuwintas na hawak habang nagreklamo, "Mom, huwag niyo po muna akong kausapin, nagulo na po ang ayos ng mga butil oh."
Hinawi na lamang ni Mauren ang kanyang mga bisig at hindi na nagsalita pa.
Ilang sandali pa siyang nakatayo roon, at nang makitang ni minsan ay hindi man lang siya nilingon ng kanyang anak, kinuyom ni Mauren ang kanyang mga labi at sa huli ay lumabas na lamang siya ng silid nang walang imik.
Nang makita siya ni Manang Lita, marahan itong nagsalita, "Madam, kakatawag ko lang po sa inyong asawa, at sinabi niyang may inaasikaso siya ngayong gabi at kayo po ay magpahinga nalang muna."
"Ah ganun ba."
Sagot ni Mauren, ngunit bigla siyang natigil nang maalala ang sinabi ng kanyang anak, at dinayal ang numero ni Samuel.
Makalipas ang mahabang sandali, sinagot naman ang tawag, ngunit malamig at walang emosyon ang boses ng nasa kabilang linya: "May inaasikaso ako, bukas na lang tayo mag-usap."
"Samuel, sino ba 'yan at sa ganitong oras pa talaga tumatawag?"
Boses iyon ni Monica, Santiago.
Mahigpit na napahawak sa telepono si Mauren sa telepono.
"Wala ito." sumagot naman ang lalaki.
Bago pa man makapagsalita si Mauren, pinutol na ni Samuel ang tawag.
Dalawa o tatlong buwan na silang hindi nagkikita. Masaya siyang nakapaglakbay hanggang sa lungsod ng Buenavista, ngunit hindi lang siya sinalubong o pinuntahan agad nito, kundi wala man lang itong pasensyang pakinggan siya hanggang sa matapos ang kanyang sasabihin sa tawag...
Sa loob ng mahabang panahon ng kanilang pagsasama, ganoon pa rin ang pakikitungo nito sa kanya: malamig, malayo ang loob, at walang pasensya.
Sa katunayan, nasanay na siya rito.
Kung maibabalik ang mga panahon noon, tiyak na tatawagan pa rin niya ito ulit, at magtatanong nang may pasensya kung nasaan ito at kung makauuwi ba ito.
Ngunit marahil ay sobrang pagod siya ngayong araw, at bigla na lang siyang nawalan ng gana na gawin pa iyon.
Kinabukasan, ng magising si Mauren, pinag-isipan niya muna at nagpasyang tawagan muli si Samuel.
May labimpito hanggang labingwalong oras na pagkakaiba ng oras sa pagitan ng lungsod Buenavista at Valencia. Sa lungsod ng Buenavista ang araw na ito ay ang kaarawan niya.
Bukod sa kagustuhang makita ang kanyang anak at si Samuel kaya siya pumunta sa Buenavista sa pag-asang makakakain silang tatlo nang masaya at payapa sa araw na ito na espesyal para sa kanya.
Iyon sana ang kanyang hiling para sa kanyang kaarawan ngayong taon.
Hindi sinagot ni Samuel ang tawag.
Makalipas ang mahabang oras, isang memsahe ang dumating.
Anong kailangan?
Sumagot si Mauren: [May oras ka ba ngayong tanghali? Isama mo si Aleya, at magsama-sama tayong tatlo sa tanghalian?]
[Sige, sabihan mo lang ako kapag napili mo na kung saan tayo kakain.] Tugon ni Samuel.
Sumagot si Mauren: [Sige.]
Pagkatapos noon, wala na muling balita o sagot pa mula sa lalaki.
Hindi man lang nito naalala ang kaarawan niya.
Kahit na inaasahan na ito ni Mauren, hindi pa rin niya naiwasang makaramdam ng labis na panghihinayang at pagkadismaya.
Pagkatapos maligo at mag-ayos ni Mauren, pababa na sana siya ng marinig niya ang boses ni Aleya at ni Manang Lita mula sa ibaba.
"Halika ka nga muna. Mukhang malungkot ngayon ang munting prinsesa?" mahinahong tanong ni Lita.
"Nangako na po kami ni Daddy na pupunta kami sa dalampasigan kasama si Tita Monica bukas. Kung bigla na lang sasama si Mommy, magiging mahirap at nakakailang po iyon." malungkot na sabi ni Aleya.
"At masama pa po si Mommy, lagi na lang po niyang pinapagalitan si Tita Monica."
"Binibini, sa iyong Ina mo dapat ito sinasabi. Masasaktan siya kapag narinig niya iyan, alam mo ba?" pinayuhan siya ni Manang lita.
"Alam ko po, pero mas gusto po namin ni Daddy si Tita Monica. Pwede po bang siya na lang ang maging Mommy ko?" muling sabi ng bata.
"..." Hindi na narinig pa ni Mauren ang sumunod na sinabi ni Manang Lita.
Siya mismo ang nagpalaki sa kanyang anak. Sa nakalipas na dalawang taon, mas madalas na magkasama ang mag-ama, at lalong napalapit ang bata kay Samuel. Noong nakaraang taon, nang pumunta si Samuel sa Buenavavista upang itaguyod ang kanilang negosyo, mapilit itong sumama sa kanya.
Hindi niya kayang mahiwalay sa kanyang anak, at natural lang na nais niyang laging nasa tabi niya ito.
Ngunit ayaw niyang makitang malungkot ang bata, kaya pumayag na rin siya.
Ngunit hindi niya aakalain na...
Nanatiling nakatayo roon si Muren parang nanigas, at namutla ang kanyang mukha. Matagal siyang hindi kumilos ni gumalaw man.
Ipinagpaliban niya ang kanyang trabaho upang makapunta sa Buenavista, dahil nais niyang makasama at makapiling nang mas matagal ang kanyang anak.
Kinabukasan.Nang makarating si Samuel sa kompanya, nakasalubong niya si Mauren. Hindi pa alam ni Mauren na nagbalik na pala sa Valencia ang lalaki kasama ang anak nilang babae.Biglang napatigil si Mauren nang makasalubong niya ang lalaking sa loob ng kumpanya, at ganoon din si Samuel, ang inakala nga niya'y kakabalik lang nito galing sa isang business trip kaya't hindi na ito nag-isip pa ng kung ano-ano.Walang anumang makikitang ekspresyon sa mukha ni Samuel, sa halip ay agad siyang dumiretso sa silid ng kanyang opisina, parang isang estranghero lamang ang tingin niya kay Mauren.Kung nuon, talaga namang magugulat at magugulat pa si Mauren sa biglaang pagbalik nito sa Valencia.Ngunit sa sitwasyong kung saan kahit hindi niya magawang yakapin ang lalaki, tititigan pa rin niya ito ng masaya at masigla, habang ang mga mata'y puno ng pagmamahal sa kanya. Kahit malamig ang pakikitungo ni Samuel sa kanya, ngingitian pa rin niya ito at babatiin niyang "Magandang umaga." Ngunit ngayon, ha
Kahit na gustong-gusto ng anak ni Arlene ang luto ni Mauren, sa kanyang puso, minumukha siya nitong isang katulong. Halos utusan lamang siya ng bata, na parang isang yaya.Noon, dahil kay Samuel, mabuti ang pakikitungo ni Maurene sa anak niya. Hindi niya nga pinapansin ang kawalang galang ng bata. Ngunit dahil sa nakapaghanda na si Mauren sa diborsyo nila ni Samuel, ayaw na niyang magkompromiso para sa kanya.Kaya diretsyong tumanggi si Luna at sinabi, "Pasensya na Arlene, ngunit wala akong bakanteng oras bukas." Isang malinaw at matatag ang kanyang mga salita.Dahil babalik na siya sa kanyang propesyon, mas ilalaan niya ang lahat ng kanyang oras para sa hinaharap na negosyo.Kahit na si Samuel man o si Arlene, ay wala na siyang pakialam sa kanila pagkatapos ng diborsyo. Wala na siyang balak pang sayangin ang kanyang oras para sa kanila.Gayunpaman, hindi inaasahan ni Arlene sa unang pagkakataon ay tatanggihan siya ni Mauren.Sapagkat noon, pinilit ni Arlene na ibaba ang kanyang sari
Si Mauren ay tila nahihirapang magsalita habang nakatingin sa seryusong mukha ni Diego. Para bang naghihinatay ito ng isang malinaw na kasagutan habang pinagmamasdan siya. Hindi naman sa ayaw niya, ngunit dahil sa napakabilis na pag-unlad ngayon ng larangan ng INTELEX.Anim na taon na siyang nawala sa industriya, natatakot siyang hindi na niya maabutan ang mabilis na pag-unlad ng panahon, at lalong hindi na niya kayang pangunahan ang lahat tungo sa pinaka asenso ng industriya tulad na lamang ng dati.Matagal na panahon na ring pala noong huling nagkita sina Diego at Mauren. Pero sa isang beses na muling nagkita sila, napansin niya ang pagiging kakaiba nito, kumpara sa babaeng masigla na nakilala niya noon.Nang maisip niya ang isang Mauren noon, hindi niya inakala na darating ang araw mararananasan pala ng babaeng ito ang pakiramdam ng pagiging hindi karapt-dapat.Wala ring kaalam-alam si Diego patungkol sa kasal nila ng lalaking si Samuel.Ngunit may kaunting kaalaman siya sa katotoh
Iyon ang unang beses na hinanap ni Aleya ang kanyang ina sa loob ng maraming araw. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili, at naisip niyang tawagan ang kanyang ina.Ngunit pagkadayal palang niya sa numero ng kanyang ina, bigla niyang naisip ang palalapit na pagkikita ng kanyang Tita Monica. Biglang naalala niya ang ugali ng kanyang ina, at tiyak na hindi siya papayagan nito na makipagkita sa Tita Monica niya.Maaring hindi na niya makikita ang Tita Monica niya tulad ng dati. Nang maisip iyong ni Aleya, biglang nagbago ang mood niya.Sa lungsod ng Valencia ay maaga palang tulog na si Mauren.Ginising siya ng isang tawag mula sa anak niyang babae. Pagkagising niya, akmang sasagutin na sana niya ito ng biglang binaba ng bata ang tawag nang may galit.Kahit na isinuko na ni Mauren ang pag-aaruga sa bata kay Samuel ayon sa kasunduan ng kanilang diborsyo, ay hindi maitatangging anak pa rin niya ito, at may pananagutan parin siya dito.Malaking pagkabahala ang naramdaman ni Mauren sa kanyan
Ngunit ang hindi nila alam na ang ama ng kanyang anak ay ang pinakapunong tagapamahala ng kanilang kumpanya.Pagkatapos ng trabaho noong gabi, pumunta si Mauren sa pamilihan at bumili ng ilang gulay at ilang halamang itatanim na iuwi.Pagkatapos kumain ng hapunan, naghanap at nagbasa siya sa internet ng mga balita tungkol sa pagtatanghal ng mga makabagong teknolohiya.Matapos itong tingnan, tumawag siya sa telepono at sinabing: "Maaari po bang maglaan ng tiket para sa akin sa pagtatanghal ng teknolohiya sa susunod na buwan?""Sigurado ka ba?" malamig na tugon mula sa kabilang linya. "Dalawang beses ka na ring humiling na magtabi ako ng tiket para sa iyo noon, ngunit hindi ka naman dumating. Marami ang nagnanais na makakuha ng mga tiket na iyan, at sayang lamang ang mga iyon dahil sa iyo."Ang taunang pagtatanghal ng teknolohiya sa Valencia ay isang malaking pangyayari sa larangan ng teknolohiya, at hindi ito nakukuha ng sinuman lamang.Nakakuha rin ang kanilang kumpanya ng ilang puwes
Sa kabilang panig naman.Halos tapos na sa pagkain ng almusal ang mag-ama.Kahit alam ni Samuel na halos araw-araw ay tumatawag si Mauren sa kanilang anak sa ganitong oras, hindi naman siya laging nasa bahay, at wala rin siyang gaanong inaalala o pinapahalagahan tungkol dito.Ngunit ngayong araw, ay hindi tumawag si Mauren. Napansin agad ito ni Samuel ngunit wala pa rin itong halaga sa kanya. Pagkatapos kumain ng almusal, umakyat siya sa itaas upang magpalit ng damit.Para naman kay Aleya, lalong nagiging masyadong madaldal at mahaba ang usapin nila ng kanyang ina, kaya unti-unti na ring nawawalan siya ng gana na makipag-usap dito sa telepono.Dahil huli na at hindi pa rin tumatawag si Mauren, naisip niyang baka may ginagawa o may inasikaso itong ibang bagay.Mabilis na kumislap ang kanyang mga itim na mata, saka niya inagaw ang kanyang bag at tumakbo palabas ng pinto.Nang makita ito, mabilis na sumunod si Manang Lita at sinabing: "Binibini, maaga pa naman, makakarating ka pa rin kah







