FIFTEEN (15)
- Rhea's POV –Tilian ng mga classmates ko ang unang nambwisit sa umaga ko, pagpasok ko ng room. Halos mabutas ang eardrums ko sa sobrang lakas ng kanilang tilian.“Ano bang meron?” Nakataas ang isa kong kilay habang nakacrossed arms nang sitahin ang maiingay kong classmates.Kunti nalang at mapupunit na ang bibig ni Almira sa sobrang laki ng ngiti niya nang naglakad ito papalapit sa akin na may dalang tatlong rosas.“Dumaan kasi dito si Ceejay tapos pinapaabot niya ito sayo.” Nakikiliting pahayag pa niya saka inabot sa akin ang rosas.“Sayo na. Di ko naman yan makakain.” Sarcastic kong sagot saka naglakad patungo sa upuan ko.“Ang sama nito.” Dinig kong sabi niya at sinundan niya ako hanggang sa upuan ko.Lahat ng tingin ng nakangiti kong classmates ay nasa akin pero pinalampas ko nalang yun kahit yung iba ay naririnig kong nagbubulungan tungkol sa akin. WalaSIXTEEN (16)-Third Person's POV –Tumunog na ang bell para maging hudyat na tapos na ang isang oras na klase ni Rhea sa NSTP.“See you tomorrow, everyone.” Pamamaalam ni Ma'am MC saka naglakad na ito papunta sa pinto at nauna na itong lumabas sa kanila.“Kitakits sa English mamaya.” Wika ni Almira at mahinang tinapik ang balikat ni Rhea.Tumango lang ito habang nagliligpit ng gamit niya ng hindi nililingon si Almira. Nauna ng lumabas ang kaibigan nito ng room habang naguunahan naman ang mga kaklase niyang lumabas.Dahan-dahan ang bawat hakbang niya papunta sa pinto habang nalulunod siya sa kakaisip tungkol sa naganap kanina. Hindi niya lubos maisip na muntik na siyang maging Fallen dahil sa sobrang kompyansa sa sarili at nakaligtaan niya ang tunay na misyon niya sa lupa.Dahil sa sobrang nalulunod ang isip niya sa ibang bagay ay wala siyang kamalay-malay na dinala na umano siya ng mga paa niya
SEVENTEEN (17) - Third Person's POV – Rhuji, Akinka: 🎼 Penge naman ako niyan Ang pangit ng araw ko Parang biglang napuno ng kamalasan Rhuji: 🎼 Kailangang malimutan Ang araw na dumaan Libangin mo ako kasi kailangan Rhuji, Akinka, Nono, Uno: 🎼 Kung ano man yang iniinom mo Ipasa mo naiingit ako Bilisan mo at buksan mo na yan At gaganda ang ating samahan Akinka, Rhuji, Nono, Uno, Jhunz, Juviler, Dos: 🎼 Penge naman ako niyan Penge naman ako niyan Penge naman ako niyan Penge naman ako niyan “Hoy! Ang ingay!” Malakas na sita ni Almira sa mga binatang nagkakantahan habang napadaan ito sa kanila. Halos lahat sa mga binata ay nakabungisngis na lumingon sa kinaroroonan ni Almira na naglalakad papunta sa long table kasama sila Rhea, Ceejay at Otso. “Ang tagal niyo.” Pahayag naman ni Nono, “Gutom na kami dito.” “Eh di kumain na tayo.” Aniya ni Otso habang isa-isang tinanggalan ng takip ang stainless na pinaglagyan ng ulam na nakahelera sa long table. Tumulong naman si Rhea
EIGHTEEN (18)-Third Person's POV –Umalingawngaw sa buong bahay ang malakas na tawanan ng mga binatang nasa living room. Sa sobrang gulo ng paligid ay mahihilo kang intindihin kung ano man ang kababalaghang ginawa ng mga ito.“Huling shot nalang ‘to.” Binandera ni Lil_ron ang bote ng alak na hawak niya habang inaalog ito. Upang maipakita sa kanila ang laman nito.“Itagay mo na lahat yan sa bashoo.” Yumayango ang ulo ni Juviler habang sinasabihan si Lil_ron.Nakangiting sinalin naman ni Lil_ron ang huling laman ng bote sa baso at tama lang ito para mapuno ang isang baso.“Kung kaya mo lang namang ubusin.” Natatawang pang-aasar pa ni Juviler habang sinisinok.Nagsitawanan ulit ang mga binatilyo na nagbigay ingay sa tahimik na living room habang nakasimangot naman si Lil_ron na parang nahihirapang ibuka ang mga mata.“Kaya mo yan tol. Yan na rin naman ang huli.” Panghihikay
NINETEEN (19) - Rhea's POV – Muling kinuha ni Boss Ganda ang walang laman na bote ng beer at muli itong pinaikot. Niyanig ng tilian ng mga kababaihang kasama ko sa balcony ng huminto ang bote na nakaturo ang bibig nito kay Almira. Sabay-sabay nilang kinukutya ang nakabungisngis kong kaibigan habang tinuro siya. Habang ako naman ay nakangiting nakatingin sa kanya. “Ikaw magbigay ng dare, Sais.” Aniya Otso dahil nakaturo ang pwet ng bote kay Sais. “Sige.” Nakatitig si Sais sa bote habang nagiisip. Pandaliang natahimik ang lahat habang nagiisip si Sais ng dare para kay Almira ngunit nakangiti parin ang lahat na halatang sobrang excited. Ako naman ay medyo sinuswerte sa bawat ikot ng bote. Dahil ubos na ang tagay, di pa ako natuturo ng bote. Pero kinakabahan pa rin ako baka maubos ang swerte ko bago matapos ang gabing ito. Biglang ngumiti si Sais na halatang may pumasok na sa isip niya, “Isigaw mo sa labas, ‘Bumalik ka na, Lorenz'.” Muling nabuhay ang tilian ng maibigay na ni Sais
TWENTY (20)-Third Person's POV –Sa kabila ng malakas na tilian at pangungutya ng lahat, di parin makapaniwalang nakatingin si Jc kina Rhea at Ceejay. Si Rhea naman na nanlalamig ang buong katawan ay halos malaglag na mata at nanginginig ang mga kamay. Tulalang-tulala itong nakatingin kay Ceejay na noo'y halos mapunit na ang mukha sa sobrang bungisngis nito.Kalaonan ay nakaramdam ng kakaibang paninigas ng katawan ni Rhea. Natataranta siya ngunit hindi niya maigalaw ang kahit anong parte ng katawan niya. Mas lalong nanlilisik ang mata niya dulot ng mahirap nitong paghinga.Habang pinagmamasdan ni Ceejay ang dalaga ay dahan-dahang naglalaho ang ngiti nito sa mukha at unti-unting napalitan ng nagtatakang tingin. Lahat naman ng mga mata ay nakatuon sa kanya ng mapagtanto ng lahat na kakaiba ang naging reaksyon ng mukha ng dalaga. Mukha itong nahihirapan kaya ganun na lamang ang pagtataka ng lahat.Kahit nahihirapan ay pilit paring inabot ng dalaga ang kanyang dibdib at mariing binaon a
TWENTY-ONE (21)-Rhea's POV –🎼 It took one lookAnd forever laid out in front of meOne smile and I diedBut I do need to be revived by you🎼 There I wasThought I had everything figured outGoes to show just how much I know‘Bout the way life plays out🎼I take one step awayThen I find myself coming back to youMy one and only, one and only you….Nakarinig ako ng maamong boses mula sa kung saan nang bumaba ako mula sa balcony. May bagong kalokohan na naman kasing pumasok sa utak ni Otso kaya nagsibaba kaming lahat mula sa balcony papunta sa kwarto niya.Pero habang binabaybay ko ang hagdan ay pilit na hinihila ang tenga ko ng kung sinong boses na kumakanta. Hindi ko na nagawang pumunta sa kwarto dahil namalayan ko nalang na hinahanap na pala ng tenga ko yung napakalamig na boses na naririnig ko.🎼 Now I knowThat I know not a thing at allExcept the fact that I am yoursAnd you are mine🎼 They told me that it wouldn't be easyAnd I knowThat I am not the one to co
TWENTY-TWO (22)-Third Person's POV –Sa mga members na nakarinig ng malakas na tili ni Rhea, nagtatakbo silang lumabas para alamin kung kanino ang malakas na tili na kanilang narinig.Nasaksihan nilang bumagsak sa lupa si Juviler, matamlay at wala nang lakas para bumangon, si Ceejay na nakahiga sa lupa habang nasa ibabaw niya si Jc. Mahigpit na hinawakan ang kwelyo at pinagsusuntok ang mukha.Binaon naman ni Ceejay ang kanyang kamao sa tagiliran ni Jc, dahilan para mapahinto ito sa pagsuntok sa mukha niya at umungol sa sakit. Sinamantala niya ang pagkakataon at sinipa niya ang tiyan ni Jc. Tumilapon ito at bumagsak.Parehong nanghihina na ang dalawa ng lumapit ang mga lalaking members sa kanila para harangan ang harap nilang dalawa at masigurong hindi na sila makakalapit sa isa't isa.Pagkalabas ni Almira ay unang nakaagaw ng tingin niya ang katawan ni Rhea na nakahandusay sa lupa, ilang hakb
TWENTY-THREE (23) - Jc's POV -Sinipa ko ang pinto ng bahay pagkadating ko. Wala akong pake kung marinig man ni tita, pero mukhang wala naman siya dahil naka.off ang ilaw ng bahay pagdating ko. Hinampas ko ng aking kamay ang switch na nasa tabi ng pinto at lumiwanag ang paligid.Nanggigigil talaga ako sa sobrang galit na parang gusto kong tirisin ang nakikitang bagay ng mga mata ko. Lalo kong naikuyom ang kamao ko na parang malilibing na ang mga daliri ko sa aking palad. Wala talagang paglalagyan ang init ng ulo ko."Sige, sirain mo yung pinto na parang bahay mo!"Nakakunot ang noo kong lumingon sa likod ko. At nakita kong naka.crossed arms si Almira saka sobrang sama ng tingin niya sa akin.Nagkusang lumitaw ang isang sarcarstic smirk sa mukha ko, "Lasing ka na talaga dahil naliligaw ka na ng bahay."Bahagya lamang siyang ngumiti, "At nangaling pa talaga sayo."Masyado ng sira ang gabi ko para makipagtalo pa sa kanya kaya tinalikuran ko nalang siya at naglakad papunta sa kwarto. Na