Share

Forty-One (41)

FORTY-ONE (41)

- Jc’s POV –

Ramdam ko ang malakas na paghampas ng aking ulo sa kung saan dahilan upang dumilat ang aking mga mata. Napahimas ako sa aking ulo habang maingat na nilingon ang paligid.

Nasa kwarto ako? Nasa sahig pa. Bumagsak yata ako sa kama. Pero paano ba ako nakauwi? Wala akong maalala… Sumobra yata ang inuman namin at bukod sa bumagsak sa sahig ang ulo ko, ang sakit din dahil sa hangover.

Magkasalubong ang aking kilay at minamasahe ko ang aking noo habang maingat na tumayo. Bahagyang nilingon ko ang aking ulo upang matignan ang kama. Wala si Cesha. Malamang nasa living room siya. Kailangan ko nang magluto baka nagugutom na yun.

Medyo umiikot pa rin ang aking paningin habang dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina. Pinagmamasdan ko ang bawat hakbang ng aking mga paa. Baka kasi may maapakan ako at gumulong pa ako. Wala pa namang lakas ang tuhod ko, parang nanginginig nga ito habang inihahakbang ko. Halo-halo kasi ang ininom namin. Pinaghalo pa nga ni Juviler ang Te
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status