Share

KABANATA 2

Soo's Point of View

I was smiling from ear-to-ear while cooking. You know what I cooked? Egg and bacon. Hindi naman ako maalam sa pagluluto. I'm just trying to prepare breakfast for my soon to be husband. 

He's living near my condo. Well, it's obvious na sinundan ko siya. This is the nearest condominium sa village nila so I took it na.

I was scrolling through my cellphone, stalking his social media accounts kasi baka mamaya may ibang babae na siya. Pero, I only saw few posts about his business. Puro promotions and advertisements. Hindi ba siya marunong magselfie? Para namang nabuhay sa nakaraan 'tong Wyatt na 'to.

But wait... I can smell something... not fishy... something like sunog. Oh my gosh! My egg and bacon!

I almost cried seeing the food turn black. How can I even give it to him when it's sunog?! 

***

When I arrived at his house, hindi na ako kumatok. Derecho na akong pumasok. Bakit, 'yong mga asawa ba 'pag umuuwi nang bahay, kumakatok pa?

"Ma'am! Saan po kayo pupunta? Pa'no kayo nakapasok dito?"

One of his guards asked. Yes, he has guards inside the house pero outside wala. Maybe umalis. This is how guarded he is. Nakapalibot sila sa buong bahay.

Wyatt is a dangerous man, but at the same time, his life is in danger too. Because of being a mafia, some of his rivals wants to kill him, all because he's at the top. 

Hindi na tago sa akin ang pagiging mafia niya. I just accidentally found out about it. No one else knows, but me and Kevin. I don't know sa other workmates namin, but I guess they doesn't know about it. It's not something na basta-basta lang ipinapaalam. Kevin is his second cousin that's why he knows.

"I went through the door, kuya, obviously," I answered at dire-direchong pumunta sa kusina. 

Nagulat ang ibang maids na nando'n, but as if I care. Soon, magiging amo rin nila ako kapag pinakasalan na ako ni Wyatt kaya dapat 'wag nila akong inaano.

"Ma'am bawal po talaga kayo dito. Hindi po basta-bastang nagpapapasok si boss nang ibang tao."

He's too KJ at sinundan niya pa talaga ako sa kusina while I prepare Wyatt's food.

"Kuya Robert naman, parang di mo 'ko kilala ah. Nakapagpashave ka lang ng ulo inaapi-api mo na ako," I pouted.

Yes, I know him. He's Robert, kanang kamay ni Wyatt. Siya ang pinakapinagkakatiwalaan ng hubby ko, kaya nga siya kanang kamay diba. Magiging kaliwang kamay lang siya kapag kalewete na si Wyatt.

Napakamot siya ng ulo kahit wala namang buhok 'yon.

"Eh..." he was about to explain pa when someone came.

"What's the commotion all about?"

It was Wyatt. Mukhang bagong gising pa siya dahil sa suot niyang pajama at puting t-shirt. Magulo rin ang buhok niya. Damn, my baby looks so good.

"Wyatt! Dinalhan kita ng breakfast. Look, here's adobo, sinigang, and kare-kare. Diba these are your favorites? I cooked it for you," I said at him smiling while showing off the foods I prepared.

"You bought it," tipid niyang sabi.

"Ha? Hindi ah, niluto ko 'yan! Tignan mo, napaso pa nga ako e," pagtatanggol ko sa sarili. Mukhang aping-api ah.

I smiled widely when he took a receipt na nasa sahig. Nahulog ko pa pala, ang tanga. 

"Hehe. Sorry. I really cooked for you naman e, 'yon nga lang nasunog kaya bumili na lang ako. Sit down! Kain ka na," pag-aamin ko at agad ba iniba ang usapan.

I moved the chair for him at abot tenga ang ngiti ko nang makita siyang umupo at agad na kumuha ng kanin.

"Go home now," he commanded.

"Ha? E kakarating ko nga lang e," I pouted, but napaayos rin ako ng tayo nang bigla niya akong tignan ng masama.

"Robert will drive you home," he said at sinimulang kumain.

"Yes. Robert drives me home, while you drive me crazy," I said at nagwink sa kaniya.

Ganon na lang ang pagkataranta ko nang makitang nabulunan ito.

"Water! Water!" natatarantang sabi ko at dali-dali namang kumuha ang isang maid ng water at binigay kay Wyatt. Hinimas ko ang likod niya upang mas mahimasmasan ito. Oh, paraparaan lang 'yan para makahawak.

"Just... just go home."

At wala na nga akong nagawa kundi sumunod na lang. Para naman kasing ewan 'yong joke ko. Nabasa ko lang 'yon kanina e. Kung sino mang nakaimbento non, sana mabulunan rin.

***

"Okay, that's enough for now! Magbreak muna tayo."

"Ouch, sakit naman non, direk," Kevin said.

We were doing a little advertisement, and now we're taking break for lunch.

"Ngapala, Soo, pinapatawag ka ni Sir Wyatt sa office niya," sabi ng director namin bago lumabas.

Napaawang ang bibig ko at napalingon kay Kevin na ngayon ay nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.

"OMG! Narinig mo 'yon, Kevin?! Pinapatawag niya ako! Ano kayang gagawin namin do'n? Sa tingin mo kagaya nang mga nababasa ko sa libro? Dahan-dahan siyang lalapit sakin, tapos ilalapit niya ang mukha niya sa mukha ko..."

Napatigil ako sa pag-iimagine when someone snapped his fingers in front of me.

"Hoy day, gising. Gusto niya lang mameet mo 'yong bagong designer natin na makakasama mo sa mga susunod mong projects. 'Wag kang masiyadong paday-dreamer diyan," it was my manager Niko. Niko sa umaga, Nikki sa gabi. 

Bumagsak ang balikat ko't tumingin sa kanila with my disappointed looks. Oo, disappointed. Ang saya-saya na ng imagination ko tapos puputulin lang nila.

"E bakit di kasama 'tong mokong na to?" tukoy ko kay Kevin.

"Anong mokong ang pinagsasabi mo diyan? Magkaiba tayo ng designer ngayon. Yong dating designer, sa kaniya ako, tas ikaw don sa bago, kasi di na daw matiis ni Malia 'yang bunganga mo, hindi masara-sara," pang-aasar niya.

"At least 'yong bunganga ko mabango, kesa naman sayo, amoy imburnal," asar ko sa kaniya pabalik. Akala niya siya lang. Ha! Baka nakakalimutan niyang ako si Soo.

"Sya, sya, sya, tama na yan. Gumora ka na do'n, day, bago ka pa balatan ni sir sa sobrang tagal mo," pag-aawat ni Niko sa amin. Agad naman akong sumunod at pumunta sa office.

***

Hindi na ako kumatok at direcho nang pumasok sa opisina niya. Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang makitang magkahawak ang kanilang kamay habang nakapatong sa taas ng lamesa.

"Umm..." hindi ko alam kung anong sasabihin.

Gano'n na lang kabilis ang paglayo nila ng kamay sa isa't isa nang makita ako. Buti naman. Dumistansiya ka sa Wyatt ko kung ayaw mong manirahan sa ospital nang isang buwan.

"Is this Soo?" tanong ng babae.

I smiled widely.

"Yes, I am Soo, the one and only. Anyway, nasaan 'yong bagong designer na sinasabi nila?" pag-iiba ko ng usapan.

Kung sa tingin niya ay tatanungin ko rin ang pangalan niya, sorry siya. I'm not interested.

"It's me," she answered.

Oh, so it was her. Malay ko bang may designer na walang fashion sense.

"Sit down," singit ni Wyatt.

Ito naman, kung makautos parang aso ako ah. Ba't di mo na lang rin sabihing roll over? Pasalamat ka mahal kita. Hmp!

“So, hi! I’m Kali. It’s my pleasure to meet you,” sabi niya nang nakangiti.

Magkaharap kami ngayong nakaupo sa harapan ng lames ani Wyatt. Nakatingin lang siya sa amin habang magkasaklop ang kaniyang mga kamay.

“Yeah, I know,” tipid kong sagot.

It’s everyone’s pleasure to meet me, duh.

“Anyway, bakit mo ba ako pinapunta dito, Wyatt? Kakawater break lang namin. I wanted to rest sana. If everything’s fine na, then I should go,” pagpapatuloy ko at tumayo mula sa aking kinauupuan.

Tama! Cold ako ngayon. Pahawak-hawak pa siya sa kamay ng babaeng ‘to. If I know, mas magaspang pa ‘yan sa ugali ko. Oo, aminado akong magaspang ang ugali ko. E ano naman? At least maganda. ‘Di tulad ng iba diyan, walang fashion sense.

“Wyatt?” tanong niya.

Takang-taka, girl? I’m the only one calling him that name. Pati nga ibang tao nagtataka kapag tinatawag ko siya ng gano’n. Some said na he hates to be called by that name pero parang hindi naman.

“She calls you Wyatt too?” dugtong ni Kali na siyang dahilan ng pagsalubong ng aking kilay ngayon.

What does she mean with “too”? Ibig sabihin may iba pang tumatawag sa kaniya no’n, at...kilala ni Kali? Weh.

Tumayo si Wyatt at ang susunod an nangari ay siyang pina-hindi ko inaasahan. He wrapped his arm around my waist as he pulled me closer to him. Napatingin ako sa kaniya ngunit wala siyang sinabi. Patuloy lang siyang nakatingin sa babae. Pekeng tumawa si Kali at umiwas ng tingin. Teka, apektado ba siya? Bakit kanina pa akong may naaamoy na kakaiba dito? What’s happening?

“Anyway... I guess I have to go. See you around Soo... and Mr. Lehmann,” sabi niya bago umalis.

Saktong pag-alis niya saka naman ako binitawan ni Wyatt at bumaliik sa swivel chair niya. Napanganga ako sa ginawa niya.

“What was that?” ‘di ko na rin mapigilang tanungin siya. Ngunit, tinignan niya lang ako sandal saka binalik ang kaniyang mga mmata sa computer niya.

“Anong ibig sabihin no’ng ginawa mo, Wyatt?” puno ng kyursodidad ang aking salita. Curious ako. Bakit niya gagawin ‘yon sa harapan ni Kali? Napaka-obvious naman kasi, pag-alis ng babaeng ‘yon, aakto naman siya na parang wala siyang ginawa.

“It was nothing, just go back to your work,” irita niyang sagot nang hindi man lang ako tinitignan.

“Pinag...pinagseselos mo ba si Kali?”

Umangatt ang ulo niya kasabay nang pagliyab ng kaniyang mga mata. I flinched when he slammed his hands on the table. Nagagalit ba siya? Masama ba ang sinabi ko?

“Get out,” nagngingitngit na utos niya.

“Wait! Bakit ka ba nagagalit? Was I right? Pinagseselos mo si Kali? Why? Sino ba siya? Bahagi ba siya ng...” hindi natapos ang dapat kong sasabihin ng bigla siyang sumigaw.

“I said get out!”

His voice reverberated around the corners of his office. Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng sulok ng aking mga mata, bago nagbagsakan ang mga masasagana kong luha. Ngayon lang niya ako nasigawan ng ganito. At ano? Dahil lang sa Kali na ‘yon?! Sino ba siya sa buhay niya para kelangan niyang pagselosin?

“Don’t cry in front of me, Soo. Just f-cking get out and leave me alone!! Do it before I lose the tiniest bit of my patience, Soo. You won’t like me when I’m mad.”

Wala akong nagawa kundi punasan ang mga luhang nagsisilabasan sa aking mga mata. Wala na, sira na ang make up ko.

Lumabas ako nang namumula ang akig mga mata. Ilang minute akong pumikit para irelax ang sarili. Napagdesisyunan kong pumunta na lang sa restroom at maghilamos. Sasabihin ko na lang sa make up artist na nairita ang mukha ko sa make-up.

Kali. Muling pumasok ang pangalan niya sa isip ko. I’ll find out who you really are. I’ll find out who was she sa buhay ni Wyatt.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status