Share

KABANATA 4

Soo's Point of View

Mabilis pa sa alas kwatro akong bumangon nang tumunog ng pagkalakas-lakas ang alarm clock ko. Sinadya ko talaga ‘yon para magising talaga ako ng bongga. Minsan kasi tulog mantika ako, lalo nakagabi dahil napagod ako sa trabaho tapos ‘di pa ako nakatulog kakaisip sa kaniya. Grr! Kasalanan talaga ni Wyatt pag namatay ako kakapuyat ko.

Alas tres na pala ng umaga. Agad akong nagtungo sa banyo upang gawin ang aking morning routine. Syempre nagkuskos ako ng mabuti at nagtoothbrush na rin. Ayoko naming humarap sa kaniya ng may libag at manila-nilaw ang ngipin, baka maturn off ang lolo niyo.

Pagkatapos ko sa aking sarili, agad akong nagpunta sa kusina para umpisahan ang pagluluto. Sisiguraduhin ko na talagang walang masusunog. Nagsearch pa naman ako sa youtube kagabi ng mga dishes saka special ways to cook. Well, special naman na pag galling sa akin kasi may halong pagmamahal.

Nagluto lang ako ng French toast, quinoa salad, at, of course, sinamahan ko na rin ng cranberry juice na nilagay ko sa tumbler.

Kagaya ng inaasahan, tadtad ng paso ang kamay ko, dahil na rin sa first time kong magprepare ng mga ganong klaseng breakfast. Madalas talaga ay itlog at hotdog lang ang alam kong lutuin, pero marami akong alam kainin.

5:30 ay tapos ko na ang lahat. Hinihintay ko na lang pumatak sa ala sais para makatungo na ako sa soon to be bahay ko. Yes, declare it! Nagset na lang ako ng alarm at sandalling natulog muli sa sofa.

***

“Ay butiki!” gulat na bulalas ko ng tumunog ang alarm clock.

Mabilis akong nagretouch bago lumabas at nagtungo na sa bahay ni Wyatt.

“Aga natin, ma’am ah. Akala ko ba 7:00 a.m ang usapan niyo ni sir? Kakaalas-sais pa lang ah,” bungad ni Kuya Robert ng dumating ako.

Wow. Ininform na pala sila ni Wyatt. Buti naman at hindi na ako mahihirapan pang pumasok.

“Ayokong malate ano. Anyway, tulog pa ba siya?”

Siguro puyat rin ‘yon kagabi. Sabay lang kaming umuwi. Sigurado, mga ilang oras lang rin ang tulog niya.

“I’m awake,” boses ‘yon ni Wyatt habang pababa siya ng hagdan.

Tanging pajama lamang ang suot nito. Wala mang lang itong suot na kahit na ano sa taas. Feeling ko tuloy namamawis ako kahit airconditioned naman ang buong bahay. Grabe, mars! Ang hot! Ito ba ang mapapangasawa ko?

“Stop drooling.”

Nabalik ako sa wisyo ng muli siyang magsalita. Hmp! Assuming talaga ‘to. Who’s dooling ba? Baka si Kuya Robert.

“Eat with me, sabay na rin tayong pumunta sa kompanya.”

Oh, my gracious tinapa! Totoo ba talagang nangyayari ‘to? Pakisampal ako, please! Bakit biglang may pasabay papuntang kompanya? Naihatid na nga kagabi, tapos makakasabay nanaman ngayon. Muah! I love you, Lord! Tunay ngang hindi mo ako pinapabayaan.

“You seem so quiet,” pag-uumpisa niya.

No, baby, I’m not quiet, my heart is too loud! Baka nga mamaya marinig mo, akalain mong may party sa loob.

“Umm… Wala lang,” peke akong tumawa. Awkward, beh!

Lumipas ang ilang minuto, matapos naming kumain, mag-isa akong naghintay sa sala habang nagpeprepare si Wyatt.

Ganito pala ang feeling. Para kaming mag-asawa.

“Nasa itaas pa po siya, ma’am. Kung gusto niyo po hintayin niyo na lang siya dito.”

Nangunot ang noo ko nang marinig ang boses ng isang maid. Mmay dumating ba? Sino naman? May iba pa ba siiyang bisita bukod sa akin?

“No, I have to see him, right now, okay? Aakyat ako sa itaas. Kabisado ko ang bahay na ito, manang. Don’t worry.”

Familiar ang boses na ‘yon. Parang narinig ko na ‘yon, pero di ko lang maalala kung saan.

“Pero ma’am…” hihirit pa sana ang maid ng magsalita ang babae.

“No, buts. Maid ka lang naman dito, ba’t kita susundin? Bakit ba kasi ayaw mo akong papasukin…. Oh… Soo? What are you doing here?”

Laking gulat k nang tuluyan kong makita ang may-ari ng boses na iyon. Si Kali. Anong ginagawa niya dito?

“Umm…”

“I told her to come over. How ‘bout you? What are you doing here?” saktong pababa si Wyatt ng hagdan. Nakabihis na siya at ready nang umalis.

“What? Didn’t you… texted me to come over?”

Napatingin ako kay Wyatt.

“Did I? Maybe I sent it to the wrong number,” sabi nniya kasabay ng pagdikit sa akin at paghawak sa balakang kagaya ng ginawa niya noong nasa opisina kami.

“What?! Are you serious?! And… why would you tell her to come over?” pang-uusisa niya. Grabe, sis, media reporter yarn?

“You know what, paalis na kami papuntang kompanya. I bet you have your own car so you can go. Manang, accompany her,” utos niya na siiya naming sinunod ng maid.

“Let’s go…” hahawakan niya sana ang kamay ko pero iniwas ko ‘yon. Nagtataka siyang tumingin sa akin.

“No, thanks, I can go on my own,” malamig na tugon ko.

“What the heck, Soo?!”

‘Yan nanaman siya sa galit-galitan niya. Palibhasa, dinadala niya lang sa galit ang lahat para matakot sa kaniya at sumunod.

“Stop it, Wyatt. I know that you’re only using me papra pagselosin si Kali. Yes, I do love you, Wyatt, pero ‘wag mo naman akong gamiting panakip buutas!” nagsimula na ring magtaas ang boses ko.

Ang pagkakaalam ko’y sinadya niyang isend ang message na ‘yon kay Kali, para pumunta siya dito, at para makita niyang magkasama kami at para magselos siya.

He did not talk. He didn’t, kasi totoo. Natamaan siya at wala siyang masabi kasi totoo.

“Ha! Ang galig mo rin, ano? Gagamitin mo pa ako para sa pansariling kapakanan mo? I have loved you from a distance, and that’s enough rather than being close to you pero hindi naman genuine ‘yong turing mo sa akin…” I stopped for a while para huminga ng malalim. “I’m not like those women sa libro na magpapakatanga para lang sa isang lalaki… Well, I guess I have been a tanga since then, pero not to this extent. Respect me as a woman.”

Mariin lang siyang nakatitig sa akin sa sandalling iyon. Akala ko magsosorry siya, but instead of apologizing, he chuckled. Iniinsulto ba niya ako?

“Don’t you think you’re getting too far? I really sent the wrong message to her. Tsk, whatever, let’s just go,” sabi niya at nauna nang naglakad.

What the heck? Parang nasayang ‘yong pagdadrama ko ah?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status