Share

KABANATA 3

Soo's Point of View

“Hoy, Soo, tulala ka diyan, kanina pa kita tinatawag,” ani ni Kevin bago umupo sa tabi ko.

We’re currently in the studio. Sunod-sunod na shoots rin kasi ang kinailangan naming gawin. Ang masama pa do’n, maya-maya raw ay dadating na si Kali para mag-observe muna kung pa’no nangyayari ang trabaho naming dito.

“Gano’n ba? Sorry, busy ako.”

“Busy saan? Sa kakatitig sa hangin? Ano ba kasing iniisip mo? Bigla kang natahimik ah. Noon para kang naglalakad na sirang plaka.”

I glared at him. ‘Tong taong ‘to talaga, wala nang ginawa sa buhay kundi asarin ako. Supalpalin ko ‘to e.

“Oy, joke lang. Para mo naman akong papatayin sa titig mo na ‘yan. Seryoso nga kasi, what’s bothering you?”

I sighed. Baka naman diba may alam siya tungkol kay Kali? Baka may masabi siya sa aking impormasyon nang malaman ko kung sino talaga ‘yong babaeng ‘yon.

“Do you know Kali?” I asked him, at nakita ko kung paano siya nagulat sa tanong ko.

“Kali? P… pano mo siya nakilala?”

“Ibig sabihin kilala mo siya?”

Nagsimula siyang umakto na tila ba’y hindi mapakali. What is it about her that’s making him act like it is forbidden to say her name?

“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Pa’no mo siya nakilala?” pag-uulit niya.

“Hindi mor in sinasagot ang tanong ko. Sino siya?”

Bakit pakiramdam ko, she was once a significant person sa buhay ni Wyatt? The way he acted, and the way Kevin feel uncomfortable every time I say her name says a lot about it. And I need to know that ‘a lot’ about her.

“She’s… she’s an old acquaintance. Ngayon, sagutin mo ang tanong ko, how did you know her?”

Parang nagging seryoso ang buong paligid dahil sa topic naming ngayon. I know she’s not just a simple acquaintance. She’s something more than that.

“She’s the new designer.”

His eyes widened.

“Ano?!”

“Gulat na gulat, ‘te? Ano ba kasing meron sa kaniya, Kevin? Sa nakikita ko kay Wyatt, I know may something. Please tell me, may alam ka diba?”

I saw how his eyes softened.

I’m not threatened kay Kali. She’s beautiful… and simple… tapos parang mabait pa.

“You don’t have to know, Soo. Pabayaan mo na lang siya. ‘Wag ka nang…”

“No!” sigaw ko na siyang nagpalingon sa ibang mga tao na nando’n. Pero hindi ko sila pinagbigyan ng pansin. “Bakit ba ayaw mong sabihin?”

Masiyado namang suspicious. Gaano ba kaprivate ang buhay ng babaeng ‘yon para hindi sabihin?

“Fine!”

Nabuhayan ang aking loob nang marinig ko ang mga katagang ‘yon mula sa kaniyang bibig. Finally! Bibigay rin pala. Pakipot pa e.

“Sasabihin ko sa’yo. But Soo, I warned you. Ayokong magkaroon ka ng pake sa mga taong nasa paligid ni Caesar. They’re not significant in your life,” panimula niya.

Aba… Parang si grandma lang kung makapangaral ah. Aling Tarsing, is that you?

“But they’re significant in Wyatt’s life, and Wyatt is significant to me, and that makes it reasonable para magkaroon ako ng pake sa kanila. Does that make sense?” I chimed in.

“Kali…”

“Kali is my ex-girlfriend.”

Nagulat kaming pareho nang biglang may sumulpot sa likod namin. Nang lingunin ko ‘to ay doon ko nasilayan ang mukha nang lalaking matagal ko nang pinapangarap ngunit hindi ko makamit-kamit. Diamond e. But wait, what did he say?!

“Dude/Ano?!” sabay naming ani.

“I said Kali is my ex-girlfriend and it is none of your f-cking business to butt in with that, Ms. Duncan,” his voice was firm.

Galit ba siya? Nanaman? Galit siya dahil pinag-uusapan naming si Kali? Si Kali nanaman ang rason?

Nagsitinginan na rin ang iba naming kasamahan sa studio.

“Ex-girlfriend?” pag-uulit ko. Baka lang kasi nabingi ako o ano.

“Do I have to repeat that? And please, don’t act as if you are entitled to involve yourself with my life. I am your boss, and you are my employee. If I get enough of you, I’ll not hesitate to fire you. Besides, you’re not a waste,” napaawang ang labi ko sa sinabi niya, kasabay ng pagtarak ng milyon-milyong karayom sa dibidb ko. “Everybody, get back to work! Finish this work today, kung kinakailangan magovertime kayo. Next time kasi unahin niyo ‘yong trabaho bago chismis,” dagdag pa niya bago niya kami talikuran. 

Agad na nagsilapitan sa akin ang iba naming kasamahan. Dahan-dahan akong napaupo sa kung saan ako nakaupo kanina. Natulala ako. Hindi ko gets. Hindi ko gets kung bakit kailangan niyang ipamukha sa akin na hindi niya ako gusto? Sa harap pa talaga ng maraming tao? He could’ve just said that she was his ex and just shut his mouth! I hate him! But… but I love him too.

“Soo, ayos ka lang ba?” Niko asked habang hinihimas ang likod ko.

“’Wag ka nang malungkot, Soo. I’m sure, wala lang sa mood si sir kaya niya nasabi ‘yon. Diba, guys?” dagdag pa ni Hannah, isa sa mga staff naming dito na nagging kaibigan ko na rin, na siya naming sinang-ayunan ng karamihan.

“Pasensya na kayo. Because of me napag-overtime pa tayo,” I apologized.

“Bakit kasi napakapakealamera mo?! Buhay ng iba, pinapakealaman mo,” pataray na sabi ni Martie, isa sa production team. Agad naman siyang pinatahimik ng mga kasamahan niya.

“Don’t worry, Soo. Ayos lang. Maganda rin ‘yon para matapos na natin ‘tong project na ‘to at magkaroon tayo ng pahinga bago ang susunod na project,” sabi ng director namin.

“Magiging kalmado rin siya maya-maya,” mahinang bulong ni Kevin bago ako ngitian.

Mabuti na lang may mga kasamahan akong katulad nila. Hays. You’re so cruel, Wyatt. Hiring your ex as a designer? Para saan? Para magkamabutihan ulit kayo? Paano naman ko? How about my feelings?

“Okay, sige na, everyone, get back to work! Let’s proceed to the next part, alright? Soo, kaya ba?” our director said as he clapped his hands to get our attention. I nodded to him. Kakayanin, as if naman meron akong choice.

***

“Soo, it’s 10:45, hatid n akita pauwi,” pagpresenta ni Kevin.

Kakatapos lang naming sa shoot and thank God at successful naman. Kelangan na lang ng malupit ng editing skills mula sa production team. Grabe! Napaka exhausting ng araw na ‘to. And, anyway, Kali never came. I didn’t know the reason.

“Hindi, ayos lang ako, Kev. Thanks. Sasakay na lang ako ng taxi,” kung meron pang nadaan dito sa ganitong oras.

“Sige na, Soo, I insist,” papgpupumilit niya. Pero sadyang matigas ang ulo ko kaya pili akong huumihindi sa kaniya.

“No, I’m fine. Ayokong magkautang na loob sa’yo ‘no,” pang-aasar ko.

“Anong pinagsasabi mong utang na loob diyan? Kung may mangyaring masama sa’yo dito, konsensiya ko pa. Kaya sige na, halika na, ‘wag na maarte ang abunjing na ‘yan.”

Inismiran ko siya. Daming alam.

“Tsk, oo na…” papayag na sana ako, dahil na rin sa pagpupumilit niya ng biglang may sumingit sa usapan naman.

“You can go, I’ll drive her home,” Wyatt.

Anong ginagawa niya dito? I thought kanina pa siya nakauwi?

I was looking at him clueless. Ano bang trip ng lalaking ‘to? Napakamoody ha. Kanina ang sungit-sungit. I rolled my eyes on him. Akala niya nakakalimutan ko na ‘yong ginawa niya kanina.

“Tara na, Kev. Ngayon ko lang naalala kelangan ko na palang umuwi. ‘Di pa kumakain ‘yong alaga kong aso,” pagdadahilan koo.

“May alaga kang aso? I thought you have allergic rhinitis?” tanong ni Kevin na siyang dahilan kung bakit gusto ko siyang ilibing ng buhay ngayon. Didn’t he realize that I was just making excuses?

“Umm… Yeah, bago lang. Cute e,” sagot ko na siya naming ikinatango niya.

“Tara na…”

Hindi ko pa nga natatapos ang dapat kong sabihin nang biigla nanamang sumingit ‘yong masungit na CEO.

“I have something to discuss to you about your job. I don’t have time tomorrow. Tonight’s the perfect timing.”

Nagkatinginan kaming dalawa ni Kevin. He shrugged.

“Oh, gano’n ba? Sige, Soo, sumabay ka na lang pala sa kaniya. Baka impotante ‘yan. Una na ko, dude.”

Tinanguan lang siya ni Wyatt. Mokong talaga, kanina todo pilit tapos ngayong sasama na ako biglang aatras. Humanda ka sa’kin bukas.

“Anong pag-uusapan natin?” tanong ko sa kaniya habang nasa sasakyan kami.

Kanina pa kami parehong tahimik, nakakabingi na nga e. Nagtataka nga ako kasi akala ko may importante siyang sasabihin about sa trabaho pero di naman nagsasalita. Maybe mas gusto niyang mas mauna akong magsalita. Mapride pa naman ‘to. Akala mo walang kasalanan sa akin kanina, hindi man lang nagsorry.

“Nothing,” tipid niyang sagot.

Napalingon ako sa kaniya nang nanlalaki ang mga mata. Anong trip mo, tsong?

“What?! You lied?” halos pasigaw na tanong ko, pero nagkibit balikat lang siya.

I rolled my eyes and crossed my arms on my chest. Buong biyahe, nakatingin lang ako sa dinadaanan naming. Nakakainis kasi siya, parang ewan. Hindi ko na siya maintindihan. Minsan mabait, minsan seryoso, minsan suplado, tapos ito nanaman. ‘Di ko alam anong tawag dito. Maybe kahibangan? Grr! Sana sumabay na lang ako kay Kevin no’ng una pa lang para di na niya kami naabutan.

“We’re here,” rinig kong sabi niya, sakto bago huminto ang sasakyan sa harap ng condominium ng tinutuluyan ko.

Tinanggal ko na ang seatbelt ko at lumabas na. Pero bago ko pa man maisarado ang pinto, tinignan niya ako at sinabi ang mga salitang hindi ko inaasahang marinig mula sa kaniya.

“Bring me breakfast tomorrow. 7 p.m sharp. Ayoko ng sunog.”

Hindi ako nakapagsalita. Totoo ba ‘to?

“Anything else to say?” tanong niya nang mapansing nakatayo lang ako doon at hindi kumikibo.

Agad akong umiling at mabilis na sinarado ang pinto. Pinanood ko na lang ang pag-alis niya hanggang nawala na sa aking paningin ang kaniyang sasakyan.

“7 p.m.,” inulit ko pa na parang tanga.

Totoo ba ‘yon? Did he really want me to prepare his breakfast?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status