Share

KABANATA 5

SOO’s PoV

“OMG! Sabay silang pumunta dito?”

“Really? Baka nagkataon lang?”

“No! I’ve seen it with my own two eyes! Sabay sila!”

Tsk, kahit kailan talaga itong mga chismosang ‘to! Akala ko sa labas lang makikita ang mga chismosa, sa loob rin pala ng kompanya.

“Soo! Hey!” pagtawag ni Kevin sabay kaway ng kaniyang mga kamay upang maagaw ang atensyon ko.

Nakangiti akong bumaling sa kaniya at pupunta na sana ako sa direksiyon niya when someone held my wrist which made me stop.

“Where do you think you’re going? We have something important to discuss in my office,” striktong sabi ng baby ko—este, ng boss ko.

“Ha? E bakit hindi mo sinabi kagabi. Sabi mo busy ka ngayong umaga. Tinanong kita tapos panothing-nothing ka pa, meron naman pala talaga,” I murmured.

Sino kasi ang hindi maiirita? Napakahirap niya kasing hulaan kung ano ang nasa isip niya! Paiba-iba.

“Trip ko lang.”

Halos hindi madrawing ang mukha ko bilang reaksyon sa sinabi niya. Para akong natuwa na nagulat na naiinis na rin. Ewan ko! Hindi naman kasi maikakaila na ang cute niya nang sinabi niya ‘yon. Pero ‘yong thought nang pahayag na ‘yon ay nakakainis. Minsan talaga sarap pisain ng mokong na ‘to.

Pero syempre, sa huli, hindi ko pa rin natigilang tumawa ng malakas. Nagtitinginan na sa akin ang ibang mga empleyado pero wala akong pake sa kanila. Bakit, bawal ba tumawa?! Hmp!

“San mo naman natutunan ‘yan? Para kang timang!”

Halos hirap pa akong bigkasin ang bawat salita dahil sa pagtawa ko. Kumunot ang noo niya.

“I… I just read it somewhere, but… does it even matter? You better hurry, I have meetings after this.”

Oh, well. Para talagang may button na pinipindot ‘tong lalaking ‘to e. Kapag gusto niya magchange ng mood pipindutin niya lang tapos ‘yon na. Bilis magbago ng ihip ng hangin e.

“Two weeks from now I’ll be having a business trip to Italy.”

Nakapangalumbaba ako habang nakatitig sa kaniya na nakaupo sa kaniyang swivel chair at magkakrus ang dalawang kamay. Napakastrikto niyang tignan lalo na sa suot niyang eyeglasses.

“Share mo lang?” pambabara ko.

Hindi naman sa killjoy ako pero kasi ano namang pake ko do’n diba? Pampainggit lang, gano’n?

“Could you please act like a woman, Ms. Duncan? First of all, don’t put your hand on your chin like that. You almost look like you lost a million…”

Nakakunot ang noong sinunod ko ang sinabi niya. Boss ko pa rin naman siya.

“And don’t sit like that! What are you? Tambay sa kanto? Sit properly!”

Lord, please! More patience pa para sa lalaking ‘‘to! Ipaalala niyo po sa akin kung gaano ko siya kamahal, kung hindi masasapok ko na ‘to sa mukha.

“Happy?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya matapos umupo nang nakacross ang legs na parang señorita, e kaming dalawa lang naman dito. Kasalanan ko bang komportable ako around him?

“Better. Anyway, you have to come with me.”

Halos magningning ang mata ko sa sinabi niya. For real?! Gosh! Italy has been my dream destination since then but I never had the time and the courage. Hindi ako marunong magtravel mag-isa ‘no!

“Talaga?! Oh my gosh! For real?! Hindi ka ba nagbibiro? Ah! Baka ginogoodtime mo lang ako ah!”

Pero nananalangin ako na sana totoo! Grabe, mula bata ako hanggang ngayon, Italy lang talaga ang pangarap kong puntahan! I wonder why he’s taking me. It’s almost as if he knows my desire to visit Italy. Err! Never mind! Mag-ooverthink pa ba ako e Italy na ‘yon oh! Gora na agad!

“When did I ever joke? I’m taking you with me but… under one condition.”

Ayon. May kondisyon pala. Pinaglihi ba siya sa roller coaster o ano?

“You have to move in with me before we go to Italy,” dagdag pa niya.

I gasped.

“‘Yong totoo? Kondisyon ba ‘yan o pabor? Alam mo, iisipin ko talagang nasisiraan ka na kung iniexpect mo na aatras ako sa so-called-condition na ‘yan. Kung gusto mo mamayang gabi do’n na ako uuwi e.”

Thank you, Lord! Ang bait mo po sa akin! Daming favor in one sitting ha! Mamaya baka magpropose na ‘to sa akin. Char

Bago pa man siya makapagsalita ay biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa amin ang mukha ni Kali na tila sasabog na.

Pero mas nagulat ako nang bigla itong lumapit sa akin ang malakas na sinampal ang pisngi ko kung kaya’t bumaling ang aking mukha sa kaliwa. Napahawak ako sa namamanhid at siguro’y namumula kong pisngi. Ano bang problema ng babaeng ‘to? Kanina pa ‘to ah! Nakakarami na siya!

“What the heck, Kali?!” Wyatt chimed in pero walang pakealam si Kali.

“Slut! Wala kang karapatan na ahasin si Wyatt mula sa akin, you understand?! Kahit kailan, hindi maghahalo ang tubig at ang langis. Just a little piece of advice, ‘wag mo nang pangarapin si Wyatt dahil hindi lahat ng pangarap natutupad.”

Sarkastiko akong ngumiti sa kaniya na siyang mas lalong nagpasama sa awra niya.

“Just a little piece of advice rin, Kali—know your place. Ang mga ex, kinakalimutan. Kung sa papel pa, scratched ka na: crumpled, shinoshoot sa basurahan. At pag basura na, bye-bye na. Wala ka nang karapatan kaya ‘wag mo ‘kong pagsalitaan na para bang bahagi ka pa ng storya niya kasi ang totoo, extra ka lang.”

Akmang sasampalin niya ako nang pigilan siya ni Wyatt.

CHAPTER 5.2

“Enough!”

His voice echoed like thunder around the corners of the room. Sa totoo lang, nakakatakot ‘yong ganong boses ni Wyatt. Kapag nagtataas na ng boses ‘yan, auto-tiklop na lahat. Iba magalit si Wyatt.

“My office is not a fighting arena! Kali, you are a professional! Is that how someone like you act?! And you too…”

Napaturo ako sa sarili ko. Pati ako? Aba, ako biktima dito ah.

“Learn how to respect your colleagues.”

“What?! She disrespected me first! Syempre lalaban ako! Ano ba siya sa tingin niya para hindi kalabanin?! Saka isa pa, ex ka lang naman diba? Anong karapatan mo…”

Sasampalin niya sana ako ulit pero muli siyang natigil sa isang malakas na sigaw ni Wyatt.

“I said enough!”

Kahit ako ay napatigil. Scary talaga magalit ‘tong Wyatt na ‘to. Ito kasing Kali e, kung makaasta ‘kala mo sila pa.

“Kali, if you’re problem is jealousy, please stop that nonsense. First of all we’re over, and besides, what you feel is useless. There’s nothing between me and Soo. She’s just my employee and I’m her boss and it will always remain that way, the same goes as us. We will remain workmates, please don’t expect anything more.”

I thought I won against her when he mentioned in front of her face what she was—the past. Pero nang sabihin niyang employee lang ako at boss siya at hanggang doon lang talaga ‘yon ay para akong ibinalibag sa pader. Akala ko mas lamang ako sa kaniya. ‘Yon pala… it’s a tie.

Mali bang umasa akong ipagtatanggol niya ako sa babaeng ‘to? Mali bang umasa ako na… na may meaning lahat ng mga gestures niya? Biglang bait niya sa’kin e, ‘yon pala wala lang ‘yon. But can I blame myself? Nagmahal lang ako… at patuloy na magmamahal. I’ve already reached this far. Ngayon pa ba ako titigil? Hindi. Hindi ako titigil. Mahalin niya man ako o hindi, I will never stop. Kasi ang totoong pagmamahal ay unconditional. Hindi ito naghahangad nang anumang kapalit. Makita ko lang siya araw-araw, malapitan at mahawakan kahit dulo lang ng buhok niya ay ayos na sa’kin.

Hindi niya kailangang mahalin ako pabalik. Hayaan lang niya akong mahalin siya. Okay na ako do’n.

purplemystique.0

Sorry for the super super super late update. I forgot my account and was just able to retrieve it now. Please support my book because from now on, I’ll be updating regularly. Thank you!

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status