Share

Chapter Two

C H E L O

                Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa pisngi ko. Ito ang pinakagusto ko tuwing umaga, iyong pumapasok sa bintana ang sikat, nakakagaan sa pakiramdam.

Naligo na ako at nagbihis. Sinuot ko ang formal attire ng isang secretary and ofcourse black sandals. Pinusod ko rin ang black na black kong buhok atsaka nagsuot rin ako ng jacket, umuulan-ulan kasi sa labas. I received a text from Sir Alton or Alton nalang daw at pinapapunta niya ako sa isang coffee shop na malapit lang naman sa'min.

I locked the door and opened my umbrella. It's raining hard at mukhang mas dumilim pa ang langit kahit pasado alas 8 y media na. 

I started the engine of the car at pinaharurot iyon papunta sa nasabing coffee shop na sabi ni Alton.

I parked my car at after kong buksan ang pinto, binuklat ko palabas ang payong. Mas lumakas ata ang ulan kahit ilang minuto lang akong bumiyahe.

Binuksan ko ang glass door at mula dito ay natanaw ko na si Alton. Natawa ako nang mahina dahil halos lahat na ata ng tao dito ay sa kaniya nakatingin. Especially ang mga girls na kulang na lang ay lapitan siya at halikan. Nilapag ko sa gilid ng pinto ang umbrella ko at pumasok na.

"Hey Alton, kanina ka pa ba?" sabay upo ko.

"You're 2 minutes late, Ms. Salmonte,"  puna niya habang naka crossed arms.

Tinignan ko ang wrist watch ko at tama nga siya. Umirap nalang ako dahil ang OA niya talaga minsan. I rolled my eyes heavenward.

"I have my reason, at valid iyon. It's raining Alton kaya please kaunting konsiderasyon naman," inis na sagot ko sa kaniya. Napansin ko ang white cup na nasa harapan ko. Uminom na lamang ako para mahismasan sa lamig na nararamdaman.

He just made a sound that perfectly fits his aura, the 'tsk' one.

Sinusumpong na naman siguro ito. Kahapon ang bait-bait, may padikit pa ng katawan sa braso ko tapos ngayon nagsusungit na naman. Kainis, hindi ko talaga matantiya ang ugali ng isang 'to. Matagal na nga ako dito pero tama si Jon, hindi ko parin saulo ang modo ng lalakeng ito.

Naghintay ako ng sasabihin niya pero wala akong narinig. Nagkibit balikat na lamang ako atsaka tumingin sa labas. Ang lakas pa rin ng ulan, madilim ang buong paligid sa labas pero may mga iilang batang nagpapaulan. Naka-on rin ang ilaw dito sa loob ng coffee shop dahil parang gabi na talaga kahit maaga pa.

Narinig ko ang pagtikhim ni Alton. Binalingan ko siya ng tingin. Nakakunot ang kaniyang noo, habang naka crossed arms pa rin. Nakasandal rin siya sa mono block chair.

"Ah, may gagawin ka ba bukas?" pukaw niya sa atensyon ko.

"Day off ko bukas," tipid na sagot ko.

He leaned forward at pinagsiklop ang mga palad at nilapit niya iyon sa kanyang bibig . Nanatiling nakakunot ang noo at tiningnan ako ng diretso.

"What?"

Umirap ako. "Ang sabi ko day off ko bukas kaya wala akong gagawin. Baka maglilinis lang ng bahay."

Tumango siya at bumalik sa pagkasandal sa upuan.

Busy lang ako sa pagce-cellphone dahil ang boring naman at feeling ko mapapanis laway ko dahil sa taong kaharap ko. I smiled when I saw Jon's IG post. Mukhang nag enjoy talaga siya kahapon, hindi sa meeting kundi sa ka-meeting niya.

Napaangat ako ng tingin nang hilahin bigla ni Alton ang braso ko. May kinuha siya sa wallet niya, pera pala pambayad. Nagpatianod na lang ako sa kaniya dahil ang higpit ng hawak niya sa braso ko. Tinulak niya ang glass door at lumabas na kami. Tumila na rin ang ulan, ang bilis ah. Dali-dali ko namang sinilid sa bulsa ng blouse ko ang cellphone at inayos ang buhok ko. Ang lakas pa rin pala ng hangin sa labas kahit wala ng ulan.

"Teka Alton, doon na lang ako sasakay sa kotse ko," I said habang pilit kong kinukuha sa kanya ang braso ko. Pero mas hinigpitan niya ang hawak.

"Shut up," cold niyang sabi sa'kin. 

Sandali akong napahinto at tila sumabay ang kirot na naramdaman ko sa lamig na bumalot sa katawan ko. Pinikit ko na lamang ang mga mata ko pero ilang saglit lang iyon dahil sa gulat, napamulat ako. Nasa harapan ko si Alton at matamang nakatitig sa akin. Medyo uminit rin ang pakiramdam ko, na jacket ni Alton ang dahilan. Agad namang napalitan ng magandang pakiramdam ang kirot kani-kanina lang.

"Hurry up, jacket won't save you from cold," malumanay niyang saad at tinalikuran ako.

Hindi na ako sumagot pa bagkus sumunod na lang sa kaniya.

"Get in the car," utos niya sa akin.

Ako naman ay parang tuta na sumunod at umupo sa passenger's seat pagkatapos ay kinabit ang seatbelt. Maya-maya ay pumasok na rin si Alton at pinaandar na ang kotse.

Diretso lang ang tingin sa labas habang siya ay panay ang sulyap sa akin. Hindi ko maiwasang mailang at pamulahan ng mukha. Pakiramdam ko para na akong kamatis na hinog.

He's bipolar. Minsan galit tapos maya-maya ngingiti na parang ewan. But most of the time, blanko lang ang mukha, na kahit ako ay hindi alam kung paano siya pakikisamahan.

"Ah, about your car, ipapakuha ko na lang iyon sa driver. Don't worry, just relax or you can sleep here," basag niya sa katahimikan.

Hindi na ako nag-abala pang kausapin siya. Tinikom ko na lamang ang aking bibig at tinuon ang atensyon sa labas. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone, hindi na tuloy ako nakapagsuot ng wristwatch dahil sa sobrang pagmamadali kanina. Past 9 na pala sa umaga, ilang sandali nalang work hours na.

Huminto na ang sasakyan sa tapat ng building. Bumaba na ako at hindi ko na hinintay pa si Alton. Pero kahit nagmamadali ay hindi ko pa rin mabita-bitawan ang jacket na nasa balikat ko. Nanunuot sa ilong ko ang amoy niya at masasabi kong ang bango kahit may pawis na.

Lumabas na ako ng elevator at dumiretso sa opisina ko. Mabuti naman at walang Alton na nakasunod sa akin. Baka hindi na ako makapagpigil at matanong ko siya ng mga hindi dapat.

Naupo ako at hinilot ang binti ko. I sighed. Hindi pa rin ako sanay gumamit ng ganitong sapatos, nangangalay pa rin ang paa't binti ko dahil dito.

Nilapag ko sa mesa ang jacket ni Alton at pinamulahan naman ulit ako ng pisngi nang maalala ang nangyari kanina. I shook my head when I realized who I am thinking. Mali. 

After a few minutes, I heard a knock.

"Pasok," ani ko pagkatapos kong siguradohin na maayos na ang mukha ko.

Niluwa ng pintuan ang nakangiting mukha ni Jon.

"Oh anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya. Inayos ko rin ang nakalatag na folders sa mesa. Nakakahiya naman kung mapansin ni Jon ang magulo kong office. At pasimple kong hinila ang jacket papuntang ilalim ng mesa.

Lumapit siya at umupo sa visitor's chair sa harap ko.

"Are you free this lunch?" diretsahang tanong niya.

Saglit akong nag-isip. Wala namang nakascheduled na meeting si Alton. 

Hinarap ko si Jon at tumango sabay ngiti. Napa 'yes' naman siya. Napailing na lang ako.

"Para kang nanalo sa lotto Jon ah," biro ko sa kanya sabay hampas ng mahina sa balikat niya.

"Wala masaya lang, syempre gusto kong maging close pa tayo," panatag niyang sagot.

I arched my eyebrow. 

"Talaga?"

"Yeah and gusto ko lang bumawi dahil alam kong stress ka sa ugali ng boss mo. As his friend I'm honored to make you happy instead of him".

Doon naman ako natigilan. Mabuti pa ang isang 'to, marunong bumawi kahit wala namang kasalanan. Unlike Alton, he doesn't care about things around him. Para siyang baril na kailangan mo pang i-pull ang trigger to make him talk.

Tinapos ko na lahat ng kailangang tapusin sa nakatambak na files dito atsaka inayos ang sarili ko. Mabuti na rin at naisipan ni Jon na magyaya kasi I really need to unwind. Tama nga siya, stressful ang ugali ni Alton but it's my choice to stay with him anyway.

Nagretouch lang ako ng kaunti at sinilid sa sling bag ko ang cellphone at kung ano pa man.

Lumabas na ako ng office ko at dumiretso sa elevator. Pero nagulat ako nang nakatayo sa loob si Alton habang may pinipindot sa cellphone niya. Natigil lang 'yun nang tumunog ang takong ng sandals ko sa sahig.

"Hi Sir," bati ko sabay ngiti. Kahit pilit lang 'yun kailangan kong ngumiti, baka itaboy ako nito palabas ng wala sa oras.

Sumarado na ang elevator at ni isang tunog ay wala akong marinig. Nakakabingi ang silent atmosphere kahit ito palagi ang nangyayare tuwing magkasama kami.

"You forgot something and it made me upset now," he casually said and looked at me intently.

Buti naman at naisipan niyang magsalita. Kung hindi pa niya ginawa yun, baka umalis na lang ako dito sa elevator at mas pipiliin na lang na maghagdan kaysa makasama ang bakulaw na'to. But what he said made me stop from mentally blubbering for something.

Umiwas ako ng tingin at inisip kung ano ang nakalimutan ko. I mentally rolled my eyes when I made sure that I have nothing to worry about because I don't usually forget things especially it is important.

"Wala naman akong nakalimutan Sir--" Hindi pa ako tapos sa pagsasalita nang sumabat siya. Rude.

Nakasandal ang kaniyang likod sa dingding ng elevator habang nakataas ang ulo. Nakaawang ang bibig at ang kanang kamay ay nasa bulsa ng kaniyang slacks.

"Damn it. Just forget it and stay away from me starting today. I won't tolerate bad attitude from my hardheaded secretary, and yeah that's you who I'm talking about."  He looks iritated while explaining it to me. Sakto namang bumukas ang elevator ay lumabas na siya. Pero bago iyon, may simabi pa siya sa akin na ikinanuot ng noo ko.

"Jon and me are your bosses. Calling him in his first name is unrespectful but if you'll do it to me, well, I would make that law vanished until it will be erased on every person's mind."

Mas lalo akong yumuko at iginiya ang aking katawan sa sulok. Nanlalamig ang mga kamay ko and at the same time ay nanginginig. Para na ring lalabas ang puso ko dahil sa sobrang kabog. I took a deep breathe and licked my lower lip to ease my nervousness.

I pushed the parking lot area botton and after a few minutes, the elevator opened.

Kinuha ko na lang sa sling bag ko ang cellphone ko atsaka nagsend ng message kay Alton. Wee need to talk.

To: Boss

Sir kailangan kitang makausap,meet me at the coffee shop where we met awhile ago.

Sent message.

Binalik ko agad sa sling bag ang cellphone, pero bago iyon tinignan ko muna ang mukha ko doon. Baka nagulo ang buhok ko nang hindi ko nalalaman.

"Hey mukha naman akong hangin dito Chel." 

Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Jon. Ay nga pala! Kahiya naman. Dito na pala siya sa harapan ko. Sandali ko siyang nakalimutan dahil kay Alton.

"Sorry may iniisip lang, tara na?" yaya ko sa kanya sabay kapit sa braso niya.

He chuckled. "Hindi ka naman excited eh 'no?" tanong niya sakin.

Tumango lang ako bilang sagot. Ang gaan lang talaga ng loob ko kay Jon. Feeling ko kasi may kuya na ako na pwede kong makakasama palagi. Napangiti ako nang maisip ko yun. 

"Eh Chel masyado naman atang mahigpit ang yakap mo sakin," saway sa akin ni Jon. I know I'm a bit childish but this is what I want. 

Napakalas naman ako bigla.

"I'm sorry , just carried away. Masyado lang akong natuwa."

He patted my head atsaka ginulo ang buhok ko. Sumimangot ako atsaka inayos ulit ang nagulo kong bangs.

"Stop it Jon! I don't like it."

Pero imbes tigilan niya, mas ginulo niya pa ang buhok ko.Tawang-tawa siya sa kanyang ginawa, pinisil niya pa ang tungki ng ilong ko. Namula tuloy! Ilang sandali kong nakalimutan ang tungkol kay Alton pero hindi naman nagtagal.

"Ms. Salmonte, let's talk." Napatigil kami ni Jon sa biglang pagsulpot ni Alton.

Nakatayo siya sa likod ko kaya hindi ko makita ang ekspresiyon niya. Pero base sa mukha ni Jon, na gulat na gulat at nakaawang ang bibig ay sa tingin ko, kailangan ko na talagang kausapin si Alton.

Nilingon ko siya. Sabi na nga ba. Nakakatakot na naman ang mukha niya at ang dilim pa. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang kamao na litaw na litaw ang mga ugat doon. 

At dinagdagan pa ang takot ko dahil tinawag niya ako sa surname ko which is second time na ngayong araw. Mukhang gulo na naman 'to.

"B-boss, sige po. Bye Jon mukhang hindi tayo matutuloy ngayon."

Binigyan ko lang ng sorry-look si Jon at mukhang naintindihan naman niya dahil ngumiti lang ito.

Nilapitan ko na si Alton na hindi pa naalis ang galit na ekspresiyon niya.

Gulat akong napasigaw nang bigla niya nalang akong buhatin na pang bridal style atsaka dumiretso kami sa parking lot ata. Sumigaw sigaw ako upang ibaba niya ako pero walang epekto! Hindi niya pa rin ako binibitawan. Mabuti na lang at walang tao ngayon dito sa parking lot, nakakahiya naman kung nagkataon.

"Alton let me go.Ibaba mo na ako," inis na singhal ko sa kaniya. 

Hindi na talaga siya nakakatuwa. Ang hilig niya sumulpot sa kung saan tapos bubungad na lang sa'kin ang galit niyang mukha.

Hinampas ko siya sa dibdib pero parang wala lang sa kaniya. Mas nilapit niya pa ako sa kanya upang hindi ako makapalag pa.

"Ano ba! bitawan mo na ako!" reklamo ko pa din.

"Tumahimik ka or else I'll put you down nang mabali yang mga buto mo sa katawan." 

Syempre dahil natakot ako sa banta niya, tumahimik na lang. Kawawa naman ang beauty ko kapag nabali ang backbone ko. Sagad na sagad na talaga ang inis ko sa lalakeng ito. Kahit boss ko siya, papatulan ko talaga kapag naubos na ang pasensya ko. 

Naramdaman ko namang uminit ang pisngi ko. Binubuhat na ako na para bang bagong kasal. Walangya, bakit ako kinikilig? 

Tinagilid ko nalang ang aking ulo dahil baka mapansin niya ang pamumula ng pisngi ko. 

At sa wakas binaba niya rin ako. Binuksan niya ang pinto sa passenger's seat at pinapasok ako doon. Walang imik na sumunod ako sa kanya at tahimik na umupo. Siya naman ay umupo na sa driver's seat at nagulat ako nang nilapit niya ang katawan niya sa akin. Pati ang mukha niya ay napakalapit.

Namilog ang mga mata ko at pilit iniiwas ang aking mukha. Kumalabog ang aking dibdib noong mas nilapit niya ang kaniyang katawan sa akin. Amoy na amoy ko ang hininga niya. Nanunuot rin ang bango ng kaniyang katawan sa aking ilong.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang init ng kaniyang hininga sa aking leeg. Mas dumoble ang init na lumitaw sa aking pisngi at para akong mapapaso sa init na nararamdaman. 

"A-anong ginagawa mo?" hirap na sambit ko. Takot akong kumilos dahil baka dumikit ang leeg ko sa bibig niya. Napapikit na lang ako.

"What do you think, huh?" asar niya.

Napakislot ako nang maramdaman ang kamay sa bandang puson ko. Hindi ko na kaya, tama na. Baka mahimatay ako na wala sa oras.

Tinulak ko siya ng buong pwersa dahilan para makabalik siya sa kaniyang upuan. Minulat ko ang aking mga mata at tiningnan agad si Alton. Nakakunot ang noo at nakaawang ang bibig. Tumaas baba rin ang kaniyang adams apple. Is he seducing me? Hindi na nakakatuwa.

"Inaasar mo ba ako ha? Hindi na nakakatuwa Alton," sigaw ko sa pagmumukha niya. 

Napailing siya at hinawakan na lamang ang manibela.

"I don't know what you're trying to say, Chelo. I'm just trying to help you." May diin ang bawat salitang binibitawan niya.

Ang noo ko naman ang kumunot. 

"Help? Tapos ganoon ang ginawa mo? Halos magdikit na ang labi mo sa leeg ko!" 

Ngumisi siya at tiningnan ako ng diretso. Heto na naman siya sa mga nakakapaso niyang tingin. A pair of his gray eyes, looking at me intently as if they're reading what my mind thinks.

He leaned forward causes me to move backward. I almost leaned on the car's door.

"Kinabit ko lang ang seatbelt mo, Miss Salmonte. Don't think too much." 

Iniwas ko ang aking tingin at tiningnan ang seatbelt, fvck. He's right. Napahiya ako sa kaniya at parang  tinusok ng ilang karayom ang aking puso dahil sa dismaya. Sa kabila ng aking inis, mas nanaig pa rin ang kagustuhan ko sa ginawa niya. Ano ba ang nangyayari sa akin?

"I'm sorry," tipid na sagot ko at ngumiti upang itago ang hiya at sakit na nararamdaman.

He just nodded at pinaandar na ang engine ng sasakyan. 

Pasimple kong pinukpok ang bandang puso ko. Ang sakit pala kapag umabot ka sa expectation mo. Galit ako sa kaniya, hindi dahil hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. Galit ako dahil ayokong umasa. Ayokong bigyan ng kahulugan ang mga simpleng bagay na ginagawa niya para sa akin. Galit ako sa sarili dahil kahit anong pigil ko, hindi ko parin kayang itago ang totoo. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status