Share

Chapter One

C H E L O

             "Chelo, can you close your mouth? Can't you see? I'm busy here," he yelled at me sabay himas ng sintido niya.

I frowned. Eto na naman tayo, sa pagiging mainitin ng ulo niya. I scanned his face. Perfect jawline, red thin lips, a pair of deep cold eyes and his pointed nose that made him more attractive. At kahit nakakunot ang noo at magulo ang buhok ay gwapo pa rin siya. Nakaramdaman naman ako ng hiya dahil doon.

"Staring is rude, Ms. Salmonte." He then turned his gaze at me and smirked. 

Para akong naubusan ng salita nang magtama ang tingin namin. Sinasabi ko lang naman sa kaniya ang natitirang schedule niya for today. Pero dahil sa malamig na titig niya, para kong nalimutan lahat at hindi alam ang gagawin.

"It's just that.. I'm waiting for your response Sir," I murmured.

He just 'tsk' and started to focus again on the papers in front of him.

Naghintay pa ako ng ilang sandali at nang masigurado na wala na siyang sasabihin ay lumabas na ako at dumiretso sa elevator. I took a deep breath and inayos muna ang sarili ko bago pumasok ng elevator. Naabutan ko doon so Jon na nakatayo habang nasa dalawang bulsa ng pantalon ang mga kamay. We're not that close pero balita ko ay mabait naman siya.

"Hi," Jon greeted.

"Hello," I replied with a smile. There's no reason to be cold.

"Mukhang napagalitan ka na naman ni Boss," saad niya.

Tumango ako.

Niyaya niya ako sa labas para maglunch. Pumayag naman ako kasi nakaramdam na rin ako ng gutom atsaka kailangan kong i-refresh ang ulo ko. Mahirap na baka madagdagan ang wrinkles ko dahil kay Sir Alton.

"What do you want to order?" tanong sa akin ni Jon.

Binuklat ko ang menu book atsaka sinabi sa naghihintay na waiter sa harapan namin. 

"So that's all. My treat okay? Ako ang nagyaya sa'yo dito," giit niya.

"Sige salamat Jon. Kaka-stress kasi si Sir palaging galit. Pinaglihi ata 'yun sa sama ng loob," nakabusangot kong reklamo.

"Hindi ka pa ba sanay Chel? Halos 5 years ka na sa company dapat alam na alam mo na iyong mga kilos ni Boss."

Napatango-tango na lamang ako atsaka tahimik na hinintay ang order.

Bakit kaya ganoon si Sir? Simula noong magtrabaho ako doon, ganoon na talaga 'yung ugali niya. Pero sabi naman ng iba, mabait naman siya kapag kapatid na niya ang kausap. Gusto ko na sana ma-meet ang kapatid niya para malaman kung bakit ganoon siya. Kidding!

Ilang sandali pa ay dumating na ang order namin. Ngumiti kami at nagpasalamat sa waiter.

"By the way Chel, okay lang ba kung magpatulong ako sa'yo mamaya?" Jon broke the silence.

Nangunot ang noo ko. "Saan naman?"

He sipped his cokefloat first bago sagutin ang tanong ko. Tuhikhim pa ito at ngumisi.

"Ang dami kasing folder na kailangang ayusin doon sa opisina ko. Kaya magpapatulong ako sa'yo atsaka hahatid na kita pauwi kapag maka over time tayo," paliwanag niya.

I nodded to agree. 

"After work, bababa ako sa opisina mo. Don't worry, hindi mo na ako kailangang ihatid, may kotse ako," saad ko naman at tinutok muli ang atensyon sa pagkain.

"Okay, thanks."

*

Lunch time, done. Kaya nagsibalikan na rin kami sa kaniya-kaniyang trabaho. Umakyat na ako at dumiretso sa aking opisina, samantalang si Jon naman ay nag-attend ng meeting.

Naupo ako sa swivel chair at agad na ni-review ang mga kailangan ng approval ko. Minsan kasi, sa'kin pinapasa ni Sir Alton ang mga maliliit na bagay tungkol sa company. 

Ilang sandali, narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko.

From: Sir Alton

Come here, immediately.

Sent: 1:15pm

I took a deep breathe. Nakaradam na naman ako ng pamilyar na emosyon na pumapaibabaw sa sarili ko. Malakas na kalabog ng dibdib, nag-iinit na pisngi at parang nagpapanic na ewan. I can't even understand myself.

Nang masigurong okay na ako at presentable na tingnan ay kumatok ako ng ilang beses bago ito buksan. Ito kasi ang bilin ni Sir Alton sakin. Ayoko namang sigawan niya ulit ako kapag pumasok nalang ako bigla. 'Yun kasi ang nangyari sa'kin noong bago palang ako dito. Nasigawan ako at kamuntikan na akong umiyak, pero buti naman at napigilan ko.

Pumasok na ako sa loob. As usual, naabutan ko naman siyang tutok na tutok sa laptop niya. Gulong-gulo na rin ang kanina niyang maayos na buhok at nakasuot na rin siya ng eyeglasses. Ang gwapo pa rin kahit ganiyan ang ayos niya, pero 'yun nga lang, ang sungit. Dinaig pa ang babaeng may regla.

Sa pagsusuri ko sa mukha niya ay hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. But before I could even erase my smile, he already caught me.

"Do you have a boyfriend?"

Kinausap niya ako pero sa laptop pa rin ang atensiyon. Is he asking me or what? 

Lumapit ako sa kanya at umupo sa visitor's chair.

"Bakit niyo po natanong Sir?"

"You're smiling as if you do some sweet moments with your boyfriend," kalmadong sagot niya at tinignan ako. Para akong matutunaw sa mga titig niya. Iniwas ko ang tingin ko at doon sa kamay ko inihinto.

"W-wala po,may naisip lang po kasi ako," I lied.

A smile plastered in my face to ensure him that I'm telling what is true. And guess? He believed my lie.

"Okay."

"Ah sige po, ibibigay ko lang 'to sa inyo Sir," sabay lahad sa kanya ng isang brown envelope. Hindi niya ito tinanggap kaya nilagay ko na lang sa table niya, sa tabi ng kaniyang laptop.

"Help Jon later."

"Sige po, nabanggit niya rin sa'kin 'yan kanina. Wala pong problema," nakangiti kong sagot.

Dumilim ang kaniyang mukha nang sambitin ko iyon. Tumiim pa ang kaniyang bagang atsaka kinuyom ang mga palad.

"You're with him awhile ago?" nagpipigil na tanong niya.

Nagulat ako pero iwinakli ko iyon. Tumayo ako ng matuwid atsaka tumango.

He sighed. Nag-angat siya ng tingin at diretso ang tutok ng kaniyang kulay abong mata sa'kin. I stiffened. Pakiramdam ko pati kaluluwa ko ay inoobserbahan niya. 

Bumilis ang pagtibok ng aking puso na para bang lalabas na ito anumang oras. 

Umatras ako ng kaunti atsaka yumuko. Hindi ko na ata kakayanin ang mga titig niya. Sa bawat hagod niya, para akong nasusunog dahil sa hiyang nararamdaman.

"Alis na po ako," mahinang sambit ko at walang pasabing tumalikod.

"Wait, Chelo." 

Awtomatikong napahinto ako sa paglakad. Lumingon ako na agad ko namang pinagsisihan agad. Diretso pa rin ang tingin niya sa'kin. He's clenching his jaw. 

"Ano po iyon?" 

Lumapit siya sa'kin habang ako nama'y umaatras. Hanggang sa idikit niya ang kaniyang katawan sa braso ko. 

"Drop the formality, just call me Alton." 

Para akong nahilo dahil sa sobrang lapit niya sa'kin. Amoy na amoy ko ang kaniyang hininga. Umatras pa ako ng kunti at yumuko.

"S-sige po sir-este Alton pala. Alis na ako bye."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad kumaripas ng takbo palabas. Napasandal ako sa dingding habang sapo-sapo ang aking dibdib. Sobra akong kinabahan don. Sht naman, bakit kaya ganoon siya sa'kin? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status