Share

Shotgun Marriage: Beneath his Wings (Tagalog)
Shotgun Marriage: Beneath his Wings (Tagalog)
Author: SleepyGrey

Prologue

UMAGAW nang matinding atensyon ang isang itim na Lamborghini Veneno na pumarada sa harap ng St. Claire Academy.

 “There he go again,” ngising wika ni Ruru, isa sa mga kaibigan ng St. Claire’s heartthrob, habang nakatingin sa itim na kotse.

Nagsimulang magsitilian ang mga babae nang bumukas ang pinto ng kotse at lumabas dito ang isang matangkad at agaw pansin na binata.

“Axel!” tili at hiyaw ng mga babaeng nasa labas ng academy na halos hindi magkamayaw sa paglukso na parang kuneho na hindi alam kung saan pupunta at ilulugar ang kanilang mga sarili.

Itinaas ni Axel ang suot niyang shades dahilan para mas makita ang angkin nitong kag’wapuhan na mas lalong ikinabaliw ng mga babaeng naroon.

“Bro!” tawag ni Ruru kay Axel at saka ito nakipag-abrasahan ng kamay.

“It’s not unusual to see you here at this hour,” wika ni Axel.

“Ulol! I came here early to show my support for you, and you’re going to treat me this way?” hindi makapaniwalang saad ni Ruru. “I’m quite upset, Mr. Montegrande.” At napahawak sa dibdib ang binata na umaarte na animo’y nasasaktan sa sinabi ni Axel.

“Baliw!” saad ni Axel sabay sapak sa ulo ng kanyang kaibigan.

“Bro! That’s foul!” angal ni Ruru ngunit natigil ang kanilang pagbibiruan nang may pumaradang puting Bugatti Chiron sa kanilang harapan.

“Our Goddess has arrived!” wika ng isang lalaki at nagsimulang magsikumpulan ang mga lalaking naroon.

Pagbukas ng pinto ng kotse ay isang napakagandang babae na may blonde na buhok ang bumaba sabay flip ng kanyang buhok dahilan para kumalat napakahalimuyak nitong amoy na siya namang ikinabaliw ng mga kalalakihang naroon. Maging ang mga babaeng naroon ay hindi mapigilang mamangha at mainggit.

Napataas naman ng kilay si Ruru sa malakas na aurang binigay ng dalaga sa madla. “Oh, oh!” bulalas ni Ruru na napaakbay kay Axel. “Here comes your lovely lady.” Sabay ngisi habang tinitignan ang dalagang bumaba sa kotse.

“Ysabella,” mahinang saad ni Axel na nakatuon ang mga tingin sa dalaga.

Naramdaman naman ng dalaga ang presensya ni Axel kung kaya naibaling nito ang tingin  dito. Nakataas ang isang kilay ni Ysabella nang mahagip ng mga mata nito ang binata matapos nitong isara ang pinto ng kotse.

“There you are,” pagtataray na saad ni Ysabella.

“So, I am,” maikling tugon ni Axel.

Sa hindi maipaliwanag na rason ay napatiim-bagang ang dalaga dahil sa tono ng pananalita sa kanya ni Axel dahilan para mas lalong maging seryoso ang aura nito. Ramdam sa buong paligid ang labis na tensyon na namamagitan sa dalawa na hindi mawala sa tuwing magkakasalubong o makakaharap ang dalawa. Hindi naman natiis ni Ruru ang mabigat na hangin na bumabalot sa paligid kung kaya para alisin ang tensyon na nilalabas ng dalawa.

“Hi, Bella!” nakangiting bati ni Ruru. “It's too soon to be serious, so just relax, take a deep breath, and smile, will you?” pakiusap nito para patayin ang tensyong namamagitan sa dalawa.

Ngunit hindi siya pinansin ni Ysabella at matalim pa rin ang mga tingin ang tinatapon nito kay Axel.

“Accept your defeat because I will never be merciful to you,” mariing saad ni Ysabella kay Axel na may tono ng pagbabanta.

“Don’t you think it’s too soon for you to declare victory, Ysabella? We haven’t even begun, and you’re already cocky and arrogant,” b’welta ni Axel sa dalaga.

Napahalukipkip si Ysabella at napapalatak. “I’m confident that I’ll come out on top in this fight. The victory is mine,” buong loob at buong kumpyansang saad ng dalaga na halatang hindi papadaig sa binata.

Hindi nagsalita si Axel at tinignan lamang si Ysabella. “Then we’ll see who truly wins.”

“I’m not going to let myself get lost in you,” mariing saad ni Ysabella na punong-puno ng determinasyon na talunin ang binata.

Kitang-kita ni Axel ang determinasyon ni Ysabella sa mga mata nito ngunit nanatili siyang kalmado.

“So, do I,” maikling tugon ng binata.

Naglakad ang dalaga ngunit bago nito malampasan si Axel ay nagsalita itong muli. “So, brace yourself.” At tuloy-tuloy na itong naglakad papalayo sa binata.

Napalingon naman si Axel sa direksyon ni Ysabella na kitang-kita ang kumpyansa nito sa sarili sa bawat hakbang na ginagawa nito.

“Bro, I don’t really get it. We used to be friends when we were kids, so how come you two had a bad blood relationship with each other? What actually happened between you two?” nagtatakang tanong ni Ruru na hindi mawari kung bakit humantong sa ganitong relasyon ang dalawa. Ang dating magandang samahan noong mga bata pa lamang sila ay naging aso't pusa na walang sandali na hindi magkairingan.

Hindi umimik si Axel at patuloy lang na pinagmasdan ang unti-unting nawawalang imahe ni Ysabella.

“Bro, tell me! I’ve been dying to know since how you two got into a fight. Please tell me!” na-cu-curious na pangungulit ni Ruru.

Nanatiling walang kibo si Axel at nagsimulang ihakbang ang kanyang mga paa.

“Bro!” tawag ni Ruru at patakbong hinabol ang kaibigan na malayo na sa kanya dahil sa malalaki nitong paghakbang.

Hindi pinansin ni Axel ang  pagtawag sa kanya ng kanyang kaibigan at tuloy-tuloy pa rin sa kanyang paglakad.

“Bro, aren’t you really going to tell me?” patuloy na pangungulit nito.

“…”

“Bro! Spill the beans, will you? 18 years na nakalipas and  I still have no idea what happened to you and Bella. Will you keep me, your best friend in the dark?”

“…”

“Bro!”

Napatigil si Axel sa paglalakad at hinarap ang hinihingal na kaibigan.

“You’re really too short.”

“Bro, ‘wag mong idamay height ko! ‘Yong sainyo ni Bella ang gusto kong malaman.”

“Just walk instead of talking. It will help you conserved your breath.”

Matapos noon ay nagsimulang muli na maglakad si Axel. Hindi gumalaw si Ruru sa kinatatayuan nito dahil sa labis na pagkapos sa paghinga nito. Pinagmasdan nito ang kanyang kaibigan habang naglalakad papalayo sa kanya ngunit buo ang determinasyon niya na malaman ang dahilan kung kaya gagawin niya ang lahat para malaman ito—kahit na kung ano-ano na lang ang lumabas sa bibig nito.

“Is that because you like Bella?” sigaw na tanong ni Ruru nang hindi nag-iisip.

Nanlaki ang mga mata ni Ruru dahil sa hindi kapani-paniwalang tanong na lumabas sa mismong bibig nito ngunit dahil sa tanong niyang iyon nagawa nitong mapatigil si Axel sa paglalakad.

“Tell me,” determinadong saad ni Ruru.

Ilang saglit nanahimik si Axel bago niya hinarap si Ruru na may malamig na ekspresyon sa buo niyang mukha at kasabay nito ay nagpakawala siya nang malakas na pagpalatak. “Ruru, put down your wild guesses. It will never happen, not even in the slightest possibility. She’s my implacable enemy, and falling in love with an enemy doesn’t exist in my vocabulary.”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cici Muschroom
...️...... woah can't believe, nays content.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status