Share

Chapter 1: Scandal

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT, 0247H,

Pagkalabas ni Ysabella mula sa arrival area ay nakita niya ang sandamakmak na reporters ang nagkalat sa buong airport.

“What the—” udlot na mura niya at napakagat sa kanyang labi.

Bumigat ang kanyang paghinga nang sandaling iyon dahil sa mga reporters na kanyang nakikita ngunit kailangan niyang ikumpas ang kanyang sarili para hindi siya suspetsyahan ng mga ito. Inayos niya ang kanyang shades at hinila niya ang kanyang hood pababa para mas lalong maitago ang kanyang mukha at saka naglakad palabas ng airport. Ngunit sa kabila ng suot niyang itim na jacket at shades ay hindi nito nagawang maitago ang malakas niyang presensya dahilan para mapansin siya ng mga reporters.

“That’s her!” sigaw ng isang lalaking reporter.

“Ms. Santibanez!” sigaw ng mga reporters na mabilis na rumagasa sa kanyang harapan.

Akmang tatakbo si Ysabella sa ibang direksyon ngunit na-corner siya ng mga reporters dahilan paara hindi niya na magawang matakasan ang mga ito.

“Ms. Santibanez, totoo ba ang kumakalat na sex scandal niyo kasama ang isang kilalang politiko?”

“Ms. Santibanez, totoo ba na ikaw ang may pakana sa kumakalat na sex scandal niyo ni Mr. Marco para mag-extort ng pera sa kanilang pamilya dahil sa naluluging kompanya ng mga Santibanez?”

“Ms. Santibanez, sumagot po kayo. Totoo po ba ang lahat ng mga paratang na ito sainyo?”

“Ms. Santibanez, totoo bang may relasyon kayo ni Mr. Marco?”

“Ms. Santibanez!”

“Ms. Santibanez!”

Inulan nang samu’t saring tanong si Ysabella nang sandaling pinagkumpulan siya ng mga reporters at kahit saan siya tumingin ay bukang-bibig nito ang kanyang apelyido. Unti-unti siyang nakaramdam nang paninikip ng dibdib at mahirapan huminga. Gusto niyang umalis sa lugar na ‘yon ngunit hindi niya alam kung paano dahil sa ayaw siyang tigilan ng mga ito.

“Somebody help me,” pagmamakaawa niya sa kanyang isipan.

Bago pa man tuluyang kumawala ang luha sa mga mata ni Ysabella nang sandaling iyon, naramdaman niya ang coat na ipinatong sa kanyang ulo kasunod noon ay ang mainit na brasong bumalot sa nanginginig niyang katawan. Naramdaman niya din ang marahan na pagpisil nito sa kanyang braso.

“Sino—”

Hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin nang maamoy niya ang isang pamilyar na amoy.

“Can’t it be—”

“Step back or we’ll sue everyone here for harassment. If you require answers to your questions, our statement will be released tomorrow morning. Now, make a way,” malamig na saad ng binata.

Walang nagawa ang mga reporters kung ‘di bigyan ng daan sina Ysabella at ang binata. Inalalayan naman ng binata si Ysabella hanggang sa makalabas ng airport ng walang anong masamang nangyayari sa dalaga. Nang makasakay na sila sa kotse ay saka pa lamang muli nagsalita ang binata.

“Are you okay, Bella?” tanong ng binata. Ang malamig na tinig nito kanina ay napalitan nang tono ng pag-aalala.

“That voice…”

Nang sandaling marinig ni Ysabella ang pagtawag sa kanya ng binata ay doon niya lang nakumpirma ang kanyang hinala kung sino ba ang binatang tumulong sa kanya sa mga hindi magpaawat na mga reporters.

Inangat ng dalaga ang kanyang ulo at sa kanyang harapan ay nakita niya ang nag-aalalang mukha ng binata. “Ruru…” mahina niyang sambit sa pangalan ng binata.

“Are you okay?” tanong muli ni Ruru.

Hindi sumagot si Ysabella dahil hindi niya na nagawang pigilan pa ang kanyang mga luha habang umiiling bilang tugon sa tanong sa kanya ng binata.

Ikinulong siya ng binata sa malaki nitong mga braso. “Hush, stop crying,” alo ni Ruru habang hinahaplos ang likod ni Ysabella.

“I’m not—” nahihirapang tugon ni Ysabella na patuloy sa pagbuhos ng mga luha— “I’m not okay.”

“Shh…I’m here now, Bella. Everything will be fine so stop crying,” pag-aalo ni Ruru sa dalaga. “I will make sure that everything will be fine.”

Bagamat binabalot nang mabigat na pakiramdam ang dalaga ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan ng binata at ang sinseridad sa boses nito dahilan para unti-unti siyang kumalma.

“BELLA, tell us what really happened?” naguguluhan at nag-aalalang tanong ni Rosetta, ang kanyang ina. “How did this happened?”

Inihatid ni Ruru si Ysabella sa bahay ng mga magulang nito at ngayon na nakauwi na siya ay tinatanong siya ng kanyang mga magulang sa kung paano siya nasangkot sa isang eskandalo habang nasa Amerika ito.

“Bella, please tell us what happened,” pagmamakaawa ng kanyang ina.

Huminga nang malalim si Ysabella bago hinarap ang mga nag-aalala niyang mukha.

“Papa, I’m sorry,” paghingi ng tawad ni Ysabella na halos madurog ang puso sa nakikita ng kanyang dalawang mga mata. Labis ang ibinagsak ng katawan ng kanyang ama nang dahil sa problemang hinaharap ng kompanya sa nakalipas na mga buwan—nang dahil sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa mga Marco.

Umiling ang kanyang ama at binigyan siya ng isang mahinang ngiti. “No, Bella. You don’t have to. I know it’s not your fault,” wika ng kanyang ama na kitang-kita ang panghihina dahil sa nangyaring pagkaatake nito sa puso nang nakaraang buwan.

“But—”

Umiling ang kanyang ama. “Bella, it’s not your fault.” Pagpuputol ng kanyang ama sa kanyang sasabihin. “I know you will never do such thing.”

Napakagat ng labi si Ysabella sa kanyang narinig mula sa kanyang ama. Bagamat labis ang natatanggap niyang pambabatikos at pananakot sa ibang tao ay buong loob siyang pinagkakatiwaan ng kanyang ama. Kilalang-kilala talaga siya ng kanyang ama, alam nito na hindi siya ganoong uri ng babae na sisirain ang imahe para sa isang lalaki dahil mas prioridad niya ang kanyang pangarap.

“I understand you have a lot to catch up on, but I need to know what happened and how you became involved in this scandal so we can plan our counterattack,” pagpuputol ni Ruru sa masinsinang pag-uusap ng mag-ama.

Naramdaman ni Ysabella ang mainit na kamay ng kanyang ina na pumatong sa kanyang mga kamay dahilan para mapatingin siya sa kanyang ina.

“Please, Bella,” pagmamakaawa ng kanyang ina.

Napapikit ng kanyang mga mata ang dalaga at humugot nang malalim na paghinga bago ibinaling ang kanyang tingin kay Ruru na naghihintay lamang sa kanyang sasabihin.

“It all began when I handled my first case assigned to me by my superior. It is one Marco’s girlfriend whom that bastard sexually assaulted; it was difficult for me to win the case, especially since that bastard is the son of the Philippines’ most powerful politician,” panimulang paglalahad ni Ysabella.

“Wait, are you referring to Luigi Marco, the son of Miguel Marco?” paninigurong tanong ni Ruru sa dalaga.

Tumango si Ysabella. “Yes. He is.”

Napalatak si Ruru nang marinig ang kumpirmasyon ng dalaga. “Your superior wants your life to be messed up.”

“We can’t change the fact that it’s traditional, so there’s nothing we can do about it,” saad ni Ysabella na nagpakawala nang mabigat na pagbuga.

“That is why I do not want you to study law. Consider what happened in this case,” nasisiphayong sabi ng ina ni Ysabella. “Look what happened.”

“Rosetta, we can’t blame Bella for taking Law. That is what she desires, so as parents, we should support our child, especially since she is the only daughter we have,” wika ng ama ni Ysabella.

“But, Ysmael, take a look at what’s going on. She became embroiled in a scandal that she was not supposed to be involved in simply by winning her client’s case,” pagpoprotestang saad ni Rosetta. “This is ridiculous!”

“That’s what a lawyer should do, Rosetta. Other than defending and proving the innocence of a client, what should a lawyer do?” pagtatanong ni Ysmael sa kanyang asawa.

“I know what their job is—”

“Then you should understand what our daughter is up to and why she got involved just to save an innocent person.”

“But—”

“Rosetta, I know it upsets you that our daughter has gotten herself into this situation, but she wants to be a lawyer, and we should respect that. We can’t force her to do what we want because it will make her life more difficult, which is not what we want. She’s already decided what she wants, she graduated, passed, and got the job; what’s the point of regretting it now?”

Gustuhin pa man ng ina ni Ysabella na umalma pero naiintindihan nito ang gustong sabihin ng kanyang asawa. Tama ito dahilan para hindi na siya makaimik.

“Mama,” pagtawag ng pansin ni Ysabella sa kanyang ina na alam niyang nasisiphayo sa pakikipag-usap sa kanyang ama.

Hinawakan ni Ysabella ang kamay ng kanyang ina. “Mama, I know it’s difficult for you to deal with what’s going on, and I understand your frustrations, but as Papa said, this is what I want, so please don’t blame for wanting this profession,” mahinahong pakiusap ng dalaga.

Hindi umimik ang kanyang ina at tanging malalim na buntong-hininga ang naging tugon nito. Matapos ng ilang saglit ay ibinaling niya ang kanyang pansin sa kanyang ama.

“Papa, I know how you understand everything about me and what I want but don’t be too harsh to Mama.”

“I’m sorry. I don’t want your Mama to get hurt, either,” paghingi ng despensa ng kanyang ama.

“I know I shouldn’t get involved in your family matter,” Ruru said. “But it’s already happened, and regretting it isn’t going to help things get back on track. The only way to clear Bella’s name is to prove that she is innocent, which is why I’m here. I will make certain that she is not guilty.”

“Thank you, Ruru,” pasasalamat ni Ysabella na binigyan ito nang sinserong ngiti.

Matapos na huminahon ang tensyon sa pagitan ng mga magulang ni Ysabella ay nagpatuloy ang pagtatanong ni Ruru ng mga impormasyon na kailangan nito para linisin ang pangalan ng dalaga.

“That bastard, as I expected, he set you up to ruin your reputation,” wika ni Ruru matapos na marinig ang buong k’wento ni Ysabella.

“That's exactly what happened, and it's obvious that he's retaliating, after all, he faced a lot of shame after losing his case and tainted his clean name,” wika ng ama ni Ysabella.

“What kind of upbringing did he receive from his parents?” nasisiphayong tanong ng kanyang ina.

“Having both power and money can make people walk on a clean slate regardless of how they commit illegal acts or abuse their authority. It's never been new in our society. And now that their son has been dragged into public humiliation, they devise a scheme to destroy you and everything you own, Bella.”

Napatiim-bagang si Bella dahil alam niyang mali ang nabangga niyang tao ngunit hindi naman siya papayag na may masirang inosenteng buhay lang dahil sa hindi niya nagawang ipaglaban ang hustisya na nararapat dito. Bawat tao ay may karapatan na makuha ang hustisyang para sa kanila hindi iyon dapat mawala sa kanila nang dahil sa mga taong tulad ng mga Marco.

“If that’s what he wants, we should look into his shady past. If he wants to ruin my life and my family, I should give him a dose of his own drug,” makahulugan at determinadong saad ni Ysabella.

“It’s going to be a hell of a fight, Bella,” saad ni Ruru.

“If that’s the only way to teach him a lesson, I’m not going to let him get away with it,” saad ni Ysabella na walang takot at handang makipagbakbakan sa mga Marco.

“Then, if that's what you want, let's get ready for this bloody war,” seryosong saad ni Ruru na tila nabuhayan ng dugo habang naglalaro sa isipan nito ang mga posibilidad na mangyayari sa kanilang magiging laban sa mga Marco.

“THAT’S HER!”

“Ms. Santibanez!”

“Ms. Santibanez, totoo ba ang kumakalat na sex scandal niyo kasama ang isang kilalang politiko?”

“Ms. Santibanez, totoo ba na ikaw ang may pakana sa kumakalat na sex scandal niyo ni Mr. Marco para mag-extort ng pera sa kanilang pamilya dahil sa naluluging kompanya ng mga Santibanez?”

“Ms. Santibanez, sumagot po kayo. Totoo po ba ang lahat ng mga paratang na ito sainyo?”

“Ms. Santibanez, totoo bang may relasyon kayo ni Mr. Marco?”

“Ms. Santibanez!”

“Ms. Santibanez!”

Kitang-kita ng sekretarya kung paano humigpit ang pagkakahawak ng kanyang boss sa tablet na hawak nito habang pinapanood ang balitang kumakalat sa anak ng mga Santibanez.

“Sir, what do you plan me to do?” tanong ng sekretarya sa kanyang boss.

Biglang hinagis ng binata ang tablet sa mesa nito at isang malawak na ngisi ang gumuhit sa labi nito.

“Nothing.”

Napakunot-noo ang sekretarya sa itinuran ng kanyang boss ngunit hindi siya binigyang pansin nito at pinaikot ang swivel chair paharap sa bintana ng opisina kung saan kitang-kita ang buong siyudad na binabalot ng dilim at nang maliliit na ilaw.

Ngumising muli ang binata habang pinagmamasdan ang buong siyudad. “You’re back, Ysabella.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status