“One month. After one-month maghihiwalay kami at wala nang pakialaman.” Malamig ang tinig na suhestiyon ni Farrah.
“Isang buwan? Masyado naman yata iyong maiksi? Hector, talk to her now.” Balisang utos ng matandang Hontiveros sa apo. “Okay, just one month.” Sang ayon ni Hector. “It’s a deal.” Itinaas ng dalaga ang kamay para makipag-pinky promise. Tinanggap iyon ng binate. “I will never break my promise.” Sa puntong iyon ay agkasundo ang dalawa. But the old man was anxious about the deal. “Hey—” Huminga siya ng malalim bago nakapagsalitang muli. “Kung iyan ang gusto niyo. Antayin niyo na makapili ako ng araw ng engagement ninyo.” “Okay.” Tipid na sang-ayon ni Farrah. “It’s getting late, I think I should go.” “Dito ka na maghapunan bago ka umalis.” Habol pa ng matanda upang manatili pa ang dalaga sa mansiyon nito. “Ilang araw na akong hindi nakakauwi, baka hinahanap na ako sa amin, baka mahirapan na ako magdahilan sa pamilya ko.” Ani Farrah. Nakatulala si Stephen habang pinapanood ang papalayong babae. “Ilang araw siyang hindi umuwi? Nag-aaral siya ‘di ba? Hindi naman siya mukhang may sakit na lumiban sa mga klase niya. Bakit hindi siya pumapasok?” “Sinabi pa niyang mahihirapan siyang magpaliwanag sa mga magulang niya. Baka nagka-cutting classes si Farrah?” Bumaling si Stephen sa matanda. “Lo, siya po ba talaga ang napili mong maging manugang para sa nag-iisa niyong apo na si Hector, baka naman mapahamak ang apo niya sa padalos dalos na desisyon ninyo?’ “Wala kang alam!” Galit sa sagot ng matanda. Dahil sa glit ng matanda sa mga sinasabi niya ay hindi na lang siya kumibo, kahit matindi ang tutol niya kay Farrah para kaibigan niya. Umalis na ang matanda at iniwan sila. “Oo nga pala, bago ko malimutan.” Ani Stephen na bumaling sa kaibigang si Hector. “Nakausap ko na ang Chess Grandmaster na si Shane Tan.” “Really?” Biglang nangliwanag ang mukha ni Hector sa sinabi ng kaibigan, kitang kita ang saya sa madalas na seryosong mukha nito. Maging ang malalim tumingin na mga mata ng binata ay kumikinang sa saya. Napatutop sa bibig si Stephen “Sigurado akong masaya ka kapag naglalaro ka ng chess. Tignan mo ‘yang saya sa mukha mo ngayon. Twenties ka pa lang pero nagmumukha kang matanda dahil sa pagiging seryoso mo. Ngayon sa excitement mo, you look like your age that is full of vitality.” “Kung ano-anong pinagsasabi mo!” Natatawang sabi ng binata. “Kailan mo pa na-contact si Shane Tan? Pumayag ba siya na makalaro ako ng Chess?” Excited at sunod-sunod na tanong ng binata. “Hindi ko pa talagang nakakausap si Shane Tan, pero may nakausap akong close friend niya. Busy daw si Shane at walang panahon para tumanggap ng tawag, kaya sasabihan niya na lang daw ito kapag nagkita sila.” “Okay, I’ll wait.” Hector stretched his arms and flexed his fingers in excitement. *** Torres Family Mansion Humahangos na tumakbo papasok ang isa sa mga katulong ng mga Torres. “Ma’am! Naririto na po si Ma’am Farrah!” anunsiyo nito. “Ano? Bakit siya bumalik?” Nagkatinginan ang mag-asawang Francia at Juanito Torres. Bago pa man sila makaisip ng kasagutan sa tanong ni Francia ay nasa harap na nila si Farrah. Hinubad ang kaniyang sapatos at nagpalit ng sapatos na panloob. At nagpatuloy sa pagpasok ng mansiyon. Huminto si Francia sa pagkain at nagmamadaling lumapit sa bagong dating na anak. “Hindi ba’t hinuli ka ng mga pulis? Bakit bigla kabg bumalik? Bak naman tumakas ka sa bilangguan?!” hysterical at sunod sunod na tanong ni Francia. Sa naiisip pa lang ay kinikilabutan na si Francia. May takot rin si Juanito na tinitigan ang anak na si Farrah. “Hindi ka ba talagang tumakas sa kulungan? Kahit ako ang iyong ama, hindi kita kayang protektahan sa ginawa mo. Sumuko ka na lang, anak. Kung hindi, huwag mo akong sisishin kung kami mismo ang tumawag sa pulis para isuplong ka. We are doing this for your sake.” Nangunot ang no oni Farrah sa narinig sa sariling ama. “Sobra naman po kayong mag-isip. I didn’t commit any crime, o tumakas sa presinto.” Lumambot ang expression ng mukha ni Juanito sa sinabi ng anak. “Sigurado kang hindi ka susuko?” Tanong pa nito. Wala na sa mood si Farrah para magpaliwanag pa. Kaya hindi na siya kumibo. Sa nakitang katigasan ng ulo ng anak ay dinampot ni Juanito ang kaniyang cellphone at nagdial ng tatlong numero. 911. “Hello? Hi. I want to report a crime. Itonga nak ko kasi ay hinuli ng mga pulis two days ago, pero tumakas siya at umuwi rito sa bahay. Sinasabihan ko na siyang sumuko pero ayaw niya. As a responsible parent, I am turning her in. I want to report her to the authority.“Ah…,” may pag-aatubiling angal ni Lola Wena. Bahagyang napakunot din ang noo ni Hector, “Talaga bang kaya mong pagalingin ito?” Napansin ni Farrah na hindi sila lubos na naniniwala sa kanya. Siyempre, nauunawaan niya ito. Noon pa man, tuwing may nagpapatingin sa kanya, palaging ganoon ang reaksyon nila kapag nakita kung gaano siya kabata. “Sinasabi ko lang naman. Hindi ba may appointment kayo sa doktor? Sige, pumunta na kayo.” Nagparaya si Farrah, at parehong napabuntong-hininga sina Hector at Lola Wena—kung hindi, hindi nila alam kung paano tatanggihan. “Mauna na ako,” paalam ni Hector kay Farrah, bagamat may pag-aatubili. “Sige, pumunta ka na.” Malamig na sabi ni Farrah. Pagkatapos ay isinama ni Hector si Lola Wena papunta sa espesyalistang kausap niya. Pagkalipas ng kalahating oras, umiling ang espesyalista. “Matagal nang may sakit ang matanda. Kung nakarating siya sa akin dalawang taon na ang nakalipas, baka may pag-asa pa.” Komento ng doctor. “Wala na ba
“Pero…” Agad na nawala ang masayang ekspresyon ni Hector at muling tumigas ang kanyang mukha. “Hindi pa rin ako masaya na nasaktan ka dahil kay Christian Hans.” Hinawakan ni Farrah ang kanyang noo. “Eh ‘di sa susunod, para sa’yo naman ako masasaktan? Ayos na ba pakiramdam mo ngayon?” “Hindi.” Napalalim ang kunot sa noo ni Hector, at matapos ang ilang sandali ay nagsalita, “Hindi ko hahayaang masaktan ka para sa akin!” Parang kinurot ang puso ni Farrah sa narinig.Halos tumigil ang tibok ng kanyang puso, pero agad ding bumalik sa normal ang kanyang ekspresyon. Biglang ngumiti si Hector at tumingin kay Farrah na may pagmamalaki sa mga mata. “Talagang karapat-dapat kang maging fiancée ko. Ang dami mong alam. Curious lang ako, may iba ka pa bang ‘vests’? Gusto ko talagang tuklasin lahat at silipin.” Nginitian lang siya ni Farrah, walang imik. “Sa totoo lang, si Stephen ay tagahanga mo. Kung malalaman niyang ikaw pala ang kanyang ‘driving god’, baka mabaliw siya sa tuwa.” bulong ni
Habang naglalakad sila, biglang nagsalita si Rowena. “Ha? Parang pamilyar ‘yung babaeng ‘yon.” Narinig ito ni Hector pero hindi niya masyadong pinansin. Hanggang sa sumunod na linya… “Bakit parang kamukha ng fiancée mo?” Agad na sinundan ni Hector ang tingin ni ng Lola Wena niya at nakita nga si Farrah. Pero bakit siya naka ospital gown? Napansin ni Farrah na parang may nakatitig sa kanya nang matindi. Napalingon siya, litong-lito, pero agad ding iniwas ang tingin at tumalikod. “Scholar T, Miss Farrah, anong nangyari sa inyo? Hindi ba gusto ninyong maglakad-lakad? Bakit gusto ninyong bumalik agad pagkakalabas pa lang? Nahihilo ba kayo ulit dahil sa sugat sa ulo?” habol ng nurse, puno ng pag-aalala. Tumingin si Hector kay Yen na nasa tabi niya at sinabing, “Tulungan mo muna si Lola.” “Opo, boss.” Mabilis na sagot ni Yen. Mabilis na humakbang si Hector at hinabol papalayong si Farrah hanggang sa maabutan niya ito. Napakunot ang noo ni Farrah, walang masabi. “Ang saklap ng pa
Paniguradong magsisisi ang pamilyang ito balang araw. Pero—bago iyon, may kailangan siyang gawin agad-agad. Maya-maya, dumating siya sa Ward 308 at kumatok sa pinto nang may kaba sa dibdib. “Pasok ka,” mahinang sabi ni Farrah Nakaramdam ng matinding pagkakonsensya ang nurse at matagal siyang nag-atubili, hindi makapagsalita. “Dahil ba kay Quina kaya ka narito?” tanong ni Farrah habang nakataas ang kilay. Nanlaki ang mga mata ng nars. “Paano mo nalaman?” Itinuro ni Farrah ang kanyang ulo. “Hula ko lang.” Nakakamangha! Napatingin ang nars kay Farrah na kumikislap ang mga mata. Talagang parang hindi pangkaraniwan ang kanyang utak! “Pasensya na po!” Yumuko ang nurse nang, halos gusto nang ibaon ang ulo sa kanyang mga binti. “Hindi ko dapat tinulungan si Quina Torres, at hindi ko rin dapat sinabi sa kanya ang tungkol sa inyo. Pero may isang bagay akong maipapangako: Tinulungan ko lang si Quina dahil magkasama kami sa isang club noong high school, at narinig kong gusto n
Tiningnan ni Quina ang nurse nang may pagtataka, hindi niya maintindihan kung bakit bigla naging ganoon ang reaksyon nito. Lumipas ang isang minuto at nananatili pa rin sa pagkabigla ang nurse, nanginginig na ang mga kamay habang hawak ang patient registration form. Lubos nang nawala ang pasensya ni Quina, at nag-iba na ang tono ng kanyang boses. “Hoy, ano bang problema mo? Ano naman kung Farrah Torres ang pangalan niya? Hindi ’yan ang punto. Ang tanong, bakit mo ako niloko? Si Farrah ang nasa Room 308, malinaw ’yon, kaya bakit mo sinabi na si Scholar ang nandoon? Sabihin mo na agad, saang silid ba talaga naka-confine si Scholar T?” Naguguluhan ang isip ng nurse. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang leeg na parang robot at tinitigan si Quina nang matalim. Marami siyang gustong sabihin, pero hindi niya alam kung paano sisimulan. “Alam ko na!” nanlaki ang mga mata ni Quina at tumingin sa nurse nang may galit. “Binayaran ka ni Farrah, hindi ba? Pinagbawalan ka niyang sabihin sa
“Scholar T? Scholar T? Tulog ka ba? Kung tulog ka, makakapaghintay po ako.” maingat na tanong ni Quina. “Pumasok ka na.” sagot ni Farrah nang may bahagyang inis. Tuwa-tuwa si Quina, habang binubuksan ang pinto at pumasok sa loob ng pribadong silid. Ngunit iglap na nawala iyon noong ang makita niya sa hospital bed ay si Farrah. “Farrah? Bakit ka nandito? Nasaan si Scholar T? Hindi ba't ito ang silid ni Scholar T?” Nagulat din si Farrah sa pagdating ni Quina. Akala niya ay isa itong bisita mula sa research institute . Paano nalaman ni Quina na ito ang kanyang silid? At base sa tono ni Quina, mukhang hindi siya nito iniuugnay kay Scholar T. Kung iisipin, palaging minamaliit siya ni Quina Kahit noong maging top scorer siya sa college entrance exam sa buong Mega City, tiningnan pa rin siya ni Quina bilang isang hamak na probinsyana. “Ano’ng pakialam mo kung bakit ako nandito? Ikaw, bakit ka narito?” Balik tanong ni Farrah noong makabawi. Tumingin-tingin si Quina sa paligid