Masuk“Anong pangalan niya? Oh, Farrah Torres of Torres family.
“Okay, saglit lang ho, Sir. Check ko lang po sa files.” Sagot ng police officer na kausap ng ama ni Farrah.
Maya-maya ay rinig na rinig ang nanginginig na tinig ng tao sa kabilang linya.
“Mukhang nagkamali kayo, Torres—” Tumikhim ito sa kabilang linya. “Wala hong kahit anong nagawang krimen at o anumang tala na tumakas sa kulangan si Ms. Torres, Farrah! Kung tatawag kayo ulit para sa walang kabuluhang bagay gaya nito, ay maaari kayong kasuhan for slandering!”
Tapos biglang naputol ang linya. Natigilan si Juanito, gayun rin si Francia na katabi ng asawa at narinig ang naging usapan ng malinaw.
“Kung tapos na po kayo, Magpapahinga na po ako sa taas.” Ani Farrah na lumakad na papunta sa hagdan.
Nakokonsensiyang pinanood ni Francia ang anak na si Farrah, na paakyat. She felt guilty. Kung tutuusin si Farrah ay kaniyang dugo’t laman at siyang totoong anak.
“Arah, I’m very sorry misunderstanding you.” May himig pagsisisi sa tinig ng ginang. Sa himig ng ina ay hindi maiwasan ng dalaga ang makaramdam ng lungkot. Huminto siya at sandalling nilingon ang ina.
Napabunton-hininga naman ang ama niyang si Juanito at humingi rin ng tawad.
“Anak, patawad. Natakot lang ako para sa ‘yo. Sa takot ko ay nag-aalala ako kaya ko iyon nagawa—pero kalimutan na lang natin iyon. Please forgive me, anak.”
Nangunot ang no oni Farrah, “Hindi niyo na kailangan pang gawin iyan.” Natahimik ang buong kabahayan na binasag ng dalaga noong magsalita siya.
“Akyat na ako sa taas, I have to sleep.” Paalam niya.
“Sandali.” Pigil ni Francia sa anak. “Ano ba talaga ang nangyari sa ‘yo noong araw na iyon? Bakit maraming sumundo sayong mga awtoridad?”
“Sinabi ko na ngang, isang lihim iyon na hindi ko maaarig ibahagi sa ngayon. I will tell you, when I have the chance.” Mahaba at sinserong paliwanag ni Farrah.
Sa narinig ay uminit na naman ang ulo ni Francia at bumalik ang madilim na tingin sa anak. Kaunti na lang ay parang sasabog na naman itong muli at magagalit ng matindi.
Ayaw na ng ginang na kausapin pa ang anak tungkol doon kaya iniba na lamang niya ang usapan.
“Tumawag ang school adviser mo kaninang umaga, sinabi niya na kung patuloy ka pa sa pagliban sa mga klase mo ay baka ma-drop ka na sa school.” Halata ang inis sa tinig ni Francia.
“Ako na po ang bahala roon.” Mabilis na sagot ni Farrah, na walang halong pag-aalala sa sinabi ng ina. Gagawa na lang siya ng paraan na may makatulong sa kaniya tungkol sa bagay na iyon.
“You can solve it? Paano mo magagawa iyon? Ikaw ba ang principal ang paaralan mo? Farrah, h’wag mo sanang masamain pero para s aiyo ang mga sinasabi ko. You are already twenty and yet you’re not done with high school. Kung hindi ka sana laging absent o kung hindi ka huminto sa pag-aaral e matagal ka nang nakatapos ng highschool.” Bakas ang galit at panghihinayang sa tinig ng ginang.
“Tignan mo si Nana, magkaedad lamang kayo pero siya ay nasa ikalawang taon na sa kolehiyo sa isang magandang university sa Mega City. She is two levels ahead of you. Kung ganito ka nang ganito makakapag-college ka pa kaya o makatapos ka pa kaya ng pag-aaral?” mahabang panunumbat ni Francia sa anak.
“Kung magkolehiyo man ako, baka mamaya ay sa mga hindi gaanong kilalang university ako mapunta tapos marami na naman ang mangbu-bully sa akin.” Sabad ni Farrah.
Matagal na niyang naipaliwanag sa mga magulang ang dahilan kung bakit siya noon huminto sa pag-aaral. Ngunit ang sabi ng mga ito ay baka nagsisinungaling o exaggerated lang siyang magkuwento. Kaya napaagod na lamang siyang magpaliwanag sa kanila.
“Huwag kayong mag-aalala, hindi ako magiging kahihiyaan sa college. Papasok ako sa isa sa mga sikat na universities sa Mega City Higher Education. Hindi ako mag-aaral sa basta basta lang na paaralan.” Buo ang loob na sabi ni Farrah.
“Sigurado kang doon ka mag-aaral sa mga sikat na Mega City Higher Education?!” halata ang gulat sa tanong ni Francia.
“Opo.” Tumango tango pa si Farrah habang sumasagot.
“Iyon ang pinakatanyag na paaralan sa Mega City, at mga sikat at mga matatalinong mga mag-aaral lang tinatanggap doon.” Dugtong pa ni Francia.
“Para makapasa roon si Nana, ay halos hindi na siya natutulog para lang makapagreview sa entrance exams niya. Samantalang ikaw, lagi ka ngang hindi pumapasok sa paaralan at dalawang beses ka na ring bumagsak. Sa tingin mo ba ay makakapasa ka sa entrance examination?”
“Maging top notcher sa entrance exam, kaya ko iyon.” Confiedent na sagot ni Farrah.
Halos himatayin si Francia sa taas ng kumpiyansa ng anak sa sarili. Nang mahimasmasan siya ay tuluyan nang nakaakyat ang anak na si Farrah sa kanyang kwarto.
Pagod si Farrah sa loob ng dalawang magkasunod na araw dahil sa research na tinapos niya. Ngayon lamang siya ulit makakatulog ng maayos. She was about to prepare for a hot bath when she received a video call from a friend.
Isang gwapong mukha ng lalaki ang nakangiting bumungad sa screen ng kaniyang cellphone.
“Grand Master Farrah, I received an invitation from Yuan Hilario this morning. He wants to play a chess game with you to see who plays better.” Mabilis na naging interesado si Farrah sa binalita ng binata.
“Si Yuan Hillario?” Kitang kita sa mata ng dalaga ang excitement.
“Yes, he is!”
“Sure, I will accept that.” Sagot ni Farrah.
“Great!” Ani Levi Yambao ang malapit na kaibigan ni Farrah. “Masayang match ito, Grand Master Farrah and Master Han, ang pinamahuhusay na Masters ng Chess world. Ang magiging match niyo ay paniguradong gagawa ng ingat sa Chess world. Excited na ako! I will reply and tell them that you agreed.” Excited na anunsiyo nito.
“Okay.” Matapos iyon ay naputol na ang tawag.
Farrah then quickly goes to the bathroom to take a hot and relaxing bath before going to bed and sleep.
Walang nagawa si Luis kundi lumaban sa kalaban, at hindi nagtagal ay nagsimula na silang magsagupaan. Ngumiti si Will at bahagyang ipinikit ang kanyang makitid na mga mata habang nakatingin kay Farrah. “Ara, no one will bother us now, come on and let's finish what we have started. Habang sinasabi iyon, muling iniunat ni Will ang kanyang mga kamay, umismid, at sumugod kay Farrah. “Give me a kiss.” Itinaas ni Farrah ang kumot at mag-aakmang kikilos na sana, ngunit sa sandaling iyon, isang kamay ang biglang lumitaw at hinawakan ang likod ng kwelyo ni Will. “Who are you to bother me?” Will looked at the face of the handsome man in front of him, and immediately realized who it was. The fiancé of Farrah, the CEO of Hontiveros Group of Companies. Napatingin si Farrah kay Hector nang may pagtataka. “Bakit ka nandito?” Isang halos di-mapansing lamig ang dumaan sa madilim na mga mata ni Hector. “Buti na lang at dumating ako, kung hindi ay naabuso ka na sana.” “Asan si lola?” pag-iwas n
“May punto ka.” Muling tumingala si Wena kay Hector, “Hector, kailangan mong bigyang-pansin ito. Ang lumang rheumatoid arthritis ay hindi basta-basta sakit. Kapag umatake ito, parang gusto ko nang putulin ang mga binti ko.” “Huwag kang mag-alala, Lola. Iuutos ko agad kay Yen,” sagot ni Hector. Hindi nagtagal, nakatanggap ng tawag mula sa ibang bansa si Farrah. “Hello? Will, ano’ng gusto mong pag-usapan?” Napansin ni Farrah ang mabigat na tunog sa labas ng pinto ng silid at napalingon siya. Sa susunod na segundo, biglang bumukas ang pinto ng silid at lumitaw ang isang makisig at matipunong lalaki na may mahabang gintong buhok at mala-dagat na asul ang mga mata. May background music pa at mga nagliliparang laso. “Ara, my Ara! Are you surprised? Did I surprised you?” Bago pa makapagsalita si Farrah, inilagay ng guwapong blondeng lalaki ang daliri sa kanyang labi, gumawa ng tunog na “shhh”, at kumindat sa kanya."I know that you've missed me so much, and you are very touch r
“Ah…,” may pag-aatubiling angal ni Lola Wena. Bahagyang napakunot din ang noo ni Hector, “Talaga bang kaya mong pagalingin ito?” Napansin ni Farrah na hindi sila lubos na naniniwala sa kanya. Siyempre, nauunawaan niya ito. Noon pa man, tuwing may nagpapatingin sa kanya, palaging ganoon ang reaksyon nila kapag nakita kung gaano siya kabata. “Sinasabi ko lang naman. Hindi ba may appointment kayo sa doktor? Sige, pumunta na kayo.” Nagparaya si Farrah, at parehong napabuntong-hininga sina Hector at Lola Wena—kung hindi, hindi nila alam kung paano tatanggihan. “Mauna na ako,” paalam ni Hector kay Farrah, bagamat may pag-aatubili. “Sige, pumunta ka na.” Malamig na sabi ni Farrah. Pagkatapos ay isinama ni Hector si Lola Wena papunta sa espesyalistang kausap niya. Pagkalipas ng kalahating oras, umiling ang espesyalista. “Matagal nang may sakit ang matanda. Kung nakarating siya sa akin dalawang taon na ang nakalipas, baka may pag-asa pa.” Komento ng doctor. “Wala na ba
“Pero…” Agad na nawala ang masayang ekspresyon ni Hector at muling tumigas ang kanyang mukha. “Hindi pa rin ako masaya na nasaktan ka dahil kay Christian Hans.” Hinawakan ni Farrah ang kanyang noo. “Eh ‘di sa susunod, para sa’yo naman ako masasaktan? Ayos na ba pakiramdam mo ngayon?” “Hindi.” Napalalim ang kunot sa noo ni Hector, at matapos ang ilang sandali ay nagsalita, “Hindi ko hahayaang masaktan ka para sa akin!” Parang kinurot ang puso ni Farrah sa narinig.Halos tumigil ang tibok ng kanyang puso, pero agad ding bumalik sa normal ang kanyang ekspresyon. Biglang ngumiti si Hector at tumingin kay Farrah na may pagmamalaki sa mga mata. “Talagang karapat-dapat kang maging fiancée ko. Ang dami mong alam. Curious lang ako, may iba ka pa bang ‘vests’? Gusto ko talagang tuklasin lahat at silipin.” Nginitian lang siya ni Farrah, walang imik. “Sa totoo lang, si Stephen ay tagahanga mo. Kung malalaman niyang ikaw pala ang kanyang ‘driving god’, baka mabaliw siya sa tuwa.” bulong ni
Habang naglalakad sila, biglang nagsalita si Rowena. “Ha? Parang pamilyar ‘yung babaeng ‘yon.” Narinig ito ni Hector pero hindi niya masyadong pinansin. Hanggang sa sumunod na linya… “Bakit parang kamukha ng fiancée mo?” Agad na sinundan ni Hector ang tingin ni ng Lola Wena niya at nakita nga si Farrah. Pero bakit siya naka ospital gown? Napansin ni Farrah na parang may nakatitig sa kanya nang matindi. Napalingon siya, litong-lito, pero agad ding iniwas ang tingin at tumalikod. “Scholar T, Miss Farrah, anong nangyari sa inyo? Hindi ba gusto ninyong maglakad-lakad? Bakit gusto ninyong bumalik agad pagkakalabas pa lang? Nahihilo ba kayo ulit dahil sa sugat sa ulo?” habol ng nurse, puno ng pag-aalala. Tumingin si Hector kay Yen na nasa tabi niya at sinabing, “Tulungan mo muna si Lola.” “Opo, boss.” Mabilis na sagot ni Yen. Mabilis na humakbang si Hector at hinabol papalayong si Farrah hanggang sa maabutan niya ito. Napakunot ang noo ni Farrah, walang masabi. “Ang saklap ng pa
Paniguradong magsisisi ang pamilyang ito balang araw. Pero—bago iyon, may kailangan siyang gawin agad-agad. Maya-maya, dumating siya sa Ward 308 at kumatok sa pinto nang may kaba sa dibdib. “Pasok ka,” mahinang sabi ni Farrah Nakaramdam ng matinding pagkakonsensya ang nurse at matagal siyang nag-atubili, hindi makapagsalita. “Dahil ba kay Quina kaya ka narito?” tanong ni Farrah habang nakataas ang kilay. Nanlaki ang mga mata ng nars. “Paano mo nalaman?” Itinuro ni Farrah ang kanyang ulo. “Hula ko lang.” Nakakamangha! Napatingin ang nars kay Farrah na kumikislap ang mga mata. Talagang parang hindi pangkaraniwan ang kanyang utak! “Pasensya na po!” Yumuko ang nurse nang, halos gusto nang ibaon ang ulo sa kanyang mga binti. “Hindi ko dapat tinulungan si Quina Torres, at hindi ko rin dapat sinabi sa kanya ang tungkol sa inyo. Pero may isang bagay akong maipapangako: Tinulungan ko lang si Quina dahil magkasama kami sa isang club noong high school, at narinig kong gusto n







