Few days later… “Wow! Hindi ito kapani-paniwala. This is such a huge deal!” Nagmamadaling balita ni Stephen habang papalapit sa lames ani Hector sa opisina. Hininto ni Hector ang ginagawa at tumingin sa paper na hawak ng matalik na kaibigang si Stephen. “Tungkol ba ito sa mangyayaring press con? Tanong ni Hector sa kaibigan. “Alam mo na rin?” balik tanong ni Stephen kay Hector. Huminga isya ng malalim, lumunok ng laway, nanlalaki pa ang mga mata bago nagsalita. “Sobrang nagulat ako. Sa 28 nga gaganapin ito!” Kanina habang nag-uumagahan ay narinig ni Stephen mula sa kaniyang mga magulang ang tungkol sa press conference para sa launch ng new nanomaterials. Walang ibang araw kung hind isa 28th ng buwang iyon. “Tama si Farrah!” Pinagsalikop ni Hector ang mga daliri sa dalawang kamay at ipinatong iyon sa lamesa. Inaalala niya ang mga sinabi ni Farrah noong nakaraang naroroon ito sa kanila. Doon
Twentieth of the Month There are only few days left before the 28th of the month. Kabi-kabilaan na ngayon sa iba’t ibang balita ang tungkol sa tagumpay ng nanomaterials research. Noong gabing iyon, sama sama sa living room ang pamilyang Torres habang nanonood ng balita sa telebisyon.Channel No. 1 “Nitong umpisa lang ng buwan ay napabalitang ang research na pinamumunuan ni Scholar T, ng Hiraya Research Institute ay naging matagumpay. Tinatayang halos isang taon din ang ginugol ng mga mananaliksik upang matapos ang kanilang ginawang mga pagsusuri. Nadiskubre na nga ang pinakabagong nanomaterial. Sinasabing ang research na ito ay hindi lamang tagumpay ng Hiraya Research Institute, kun’di malaking ambag sa bansa, at ngayong pinag-usapan na rin sa buong mundo.” “Ang galing! Isang taon lang ng research ay may bago nang nagawang nanomaterial. Narinig ko rin na si Scholar T, na namuno sa research ay napakabata pa at halos kaedad lang ni Nana.”
It is the 25th of the month and the birthday of Sheena’s Birthday. Binook ni Xean ang pinakamahal na room sa isang KTV Bar. Hinila ni Lianne,ang kamay ni Farrah at hinatak para sumama sa kaniya. “Sorry Farrah, kung kailangan kitang hilahin. Alam mo namang ikaw ang pinaka-close ko, mabo-bore ako doon kung wala ka.” “Ano kaba syempre kaibigan mo ako, ayos lang at h’wag ka naman masyadong pormal!” Pagkasabing pagkasabi noon ni Farrah ay bigalang nagsalita si Mina. “Huwag kang magpanggap diyan, Farrah. Hindi bagay.” Sarkastikong sabi ni Mina. “Anong silbi ng pagiging maganda? Kung hindi naman siya ang class president. Makakasama kaya tayo sa ganoong kasosyal na lugar na nireserve ng boyfriend ni Sheena?” Para magpabango sa galanteng boyfriend ni Sheena ay nakikumpol na rin ang lahat sa usapan. “Ano ba kayo? Naalala niyo ba yong sumundo kay Farrah noong isang araw. May Maybach ‘yon ah.” Pasaring ng isa. Tumawa ang
Sinong Master? Manghang hinabol ng tingin ng lahat ang tinitingnan ng babae. It was no other than, Farrah. Ang lahat ng naroroon maging si Xean ay nanlalaki ang mga mata. Nakilala rin ni Farrah ang babaeng nasa harap bilang si Yukari, ang babaeng nais magpaturo sa kaniya ng Tai Chi noong isang linggo lang. "Ikaw pala iyan. Nasobrahan ka yata sa panonood ng mga martial arts dramas. Hindi mo naman ako master." Tumayo si Yumari at yumakap sa braso ni Farrah, pinipindot pindot niya pa iyon na parang nagpapalakas para mapagbigyan sa hiling niya. Tumawa ng bahagya si Yukari. "Master, kita mo naman, matalino ako at magaling, may sense at maayos ang ugali. Kaya tanggapit mo na ako. Promise, hindi ka malulugi sa akin. Please, Master!" Muling namangha ang lahst sa nasasaksihan nila. Mataman at hindi makapaniwalang nakatingin sila kay Farrah, na parang nakakita sila ng multo. Itong VIP na kinatatakutan ni Xean ay siyang nagmamakaawa kay Farrah. "Uhm, Miss Sanchez, bakit niyo po
Araw ng Press Conference ika-28 ng buwan.Maaga dumating si Farrah mga oras na iyon ay nakaramdam ng takot si Francia. "Lumabas ka na agad. Mag-uumpisa na ang press conference ni Scholar T at ng grupo niya. Hindi ka puwedeng gumawa ng gulo. Napakahusay mo magsinungaling, naiilang ka magsabi ng totoo, ano? Ikaw--" Nahinto si Francia sa m loob ng bulwagan. "Mag-uumpisa na ang press conference, maaari na po tayong bumalik sa mga upuan at maghanda. "Bakit ba lagi ka na lang sa akin nagbibigay ng sakit ng ulo?" Hinuli ni Francia ang kamay ni Farrah at hinatak papunta sa mga upuan. Nagpatuloy sa pagsasalita ang host sa mikropono. "Nag-uumpisa na ngayon ang press conference. Ngayon ay nais na naming anyayahan si Scholar T, at lumapit rito sa stage upang makapagbigay ng mensahe sa lahat." Pagkasabi noon ng host, ang lahat ay nag-abang sa kung sino ang tatayo sa gitna ng stage. "Hector, makikita na natin si Scholar T." Halata sa boses ni Stephen ang excitement. Kahit kalmado an
Hindi ito maganda! Mabilis ma tinakpan ni Farrah ang kaniyang mukha, walang maaaring makakilala sa kaniya. Napakataming tao rito, at maraming mga reporters ang nagla-live broadcast sa kani-kaniyang channel. Kung ang kaniyang totoong katauhan ay makikita, mapapanood iyon maging sa mga international news at television. Kung mangyayari iyon marami siyang makikilala at wala na soyang magiging kapayapaan sa buhay niya. Sa sobrang balisa ni Farrah, ay parang magdidilim ang paningin niya. Isang pamilyar at kalmadong tinig ang kaniyang narinig. "Everyone, padaanin niyo ako!" Napaka-awtoridad ng kaniyang tinig. Ang lalaking ito ay ang pinakamahusay na figher. Si Luis Logro, ang personal ma bodyguard ni Scholar T. Nakatakip na sa ulo ni Farrah ang coat ni Luis at nakangiti itong tumingin sa kaniya. "Kailan ka pa nakabalik?" "Ngayon lang." kunot ang noong sagot nito. "Pasensya na kung ngayon lang ako bumalik." "Hindi naman kita masisis
"Nakakagulat ba iyon? May kani-kaniyang desisyon ang tao. I am from Makati, so I preferred someone from my hometown. Isa pa, you are the richest man here in Makati. Kaya wala namang nakakagulat na ikaw ang napili ko 'di ba? Sa mga sinabi ng dalaga ay natigilan si Hector at wala nang masabi. "Kung wala ka nang ibang sasabihin, aalis na ako." Ani Farrah sa matigas na tinig upang maramdaman ng kausap niya na hindi na siya interesado. May nais pa sanang sabihin si Hector noong biglang pumagitna si Luis sa kanila ni Farrah. "Mr. Hontiveros, if you may excuse us." Napansin ni Hector na ayaw na siyang makausap ng kabilang partido. Nangangamba si Stephen na baka hindi matuwa si Scholar T kay Hector kaya sinuway niya ito. "Medyo kakaiba kasi ang pagkatao ni Scholar T. Hindi niya gustong makita ng kahit sinuman, o kahit makipag-usap sa kahit sino. Napagbigyan ka na niya kaya ayos na iyon. Tara na." Hindi alam ni Hector kung ano ba ang nangyari sa mga oras n
Luxury Hotel Salubong ang mga kilay ni Luis, halata sa kaniyang mukha na hindi siya masaya. "May plano ka talagang ma-engage doon sa Hector Hontiveros na iyon? Hindi siya nararapat sa iyo!" Sa puso ni Luis ay walang ibang lalaki ang nararapat kay Farrah. Sumimsim si Farrah ng juice at nagkibiy balikat. "Alam mo, ayaw mo talagang magkaroon ng utang na loob sa ibang tao. Kaso si Lolo Arnaldo ang nagligtas sa buhay ko at ng mga magulang na nagpalaki sa akin." "Pero hindi pa rin ibig sabihin noon ay kailangan mong isakripisyo ang sarili mo sa ganoong kalaking bagay." "Hindi ko kasi matanggihan. Desido ang matanda na bayaran ko ang utang na loob ko sa kaniya sa ganoong paraan. Isa pa, nangako rin naman siya na isang buwan lang iyon. Matapos ang isang buwan wala na kaming pakialamanan sa isa't isa ni Hector na parang wala lang nangyari." "Kahit na isang buwan lang 'yon, hindi ako pa—" "Okay, nakabalik ka na. Huwag na natin pag-usapan ang ibang mg
"Saludo ako sa'yo sa mga ganitong sitwasyon, Farrah. Napakalmado mo pa rin." "Wala akong oras makupagsabayan sa mga walang kwenta mong pakulo. Kung may sasabihin ka sabihin mo na." Halata sa boses niya ang pagkabot at inip. "Hindi mo ba nauunawaan ang sitwasyon? Nakasalalay sa akin ang buhay mo ngayon, may gana ka pang magsalita ng ganyan sa akin!" "Ikaw, ikaw--" Namula si Sheena sa sobrang galit. Pero naalala niya ang gusto niyang gawin, kaya isinantabi ang galit. "Farrah, sinasabi ko sa 'yo, hindi ka kailan man dapat na lumapit kay Xean!" Sa narinig ni Farrah, naunawaan niya ang sitwasyon. "Nagkakamali ka ata? Si Xean itong habol ng habol sa akin. Nasusuya rin ako sa lalalking iyon na umaasam lang ng pera mula sa mayaman niyang angkan paranipanggastos sa kapricho at mga babae niya. Hinding hindi ako makikipaglaban sa iyo sa nakakasuyang lalaking iyon." "Sino ka para magsabing nakakasuya si Xean!" "Hindi ba? Hindi ako maniniwalang hindi mo alam kung anong klase siyang
Nagbeep ang phone ni Stephen kaya mabilis niya iyong kinuha. At manghang mangha siya sa nakita. "Yes! Yes! She accepted my request! Scholar T, added me!" Sumulyap si Hector kay Stephen bago sumilip sa phone nito, totoong in-accept ang request nito. "Anong nilagay mo nung nagrequest ka?" "Sinabi ko sa message ko na ako si Stephen at close friend mo ako, tapos ayon accepted ang request ko! Diba! Iba talaga ang charms ko!" Sobrang lakas ng tawa ni Stephe na halos nakanganga siya ng matagal. Hindi pa rin makapaniwala si Hector. Pakiramdam nita ay mayroong mali. "Baka nagkamali lang talaga siya ng pindot." Komento ni Hector. "Ganyan lang ba kababa ang tingin mo sa akin?" Malungkot na tanong ni Stephen. "Kung hindi ka naniniwala sa akin, imessage mo na ngayon. Sa tingin mo ba rereplyan ka?" Nagdadalawang isip si Stephen kung susundin ang subestiyon ni Hector, at baka iunfriend siya ni Scholar T pagkasasend nita ng message. Kitang kita ni Hector sa itsura ng mukha ni Stephr
Nagmamadali si Xean na humakbang para maabutan si Farrah, mabilis niyang hinatak sa balikat ang dalaga. Galit na humarap si Farrah at hinabloy ang kamay ng binata sa balikat niya at binalibag ito, tumama ito sa isang lamesa at bumagsak sa sahig pati ang lamesa. "Aww." Malakas na sigaw ni Xean. Parang diring diri na pinagpag ni Farrah ang balikat niya na animo basura ang humawak doon kani-kanina lang. Sa huli, walang sulyap sulyap kay siya na lumabas siya ng cafe at umalis. Wala pang isang minuto ng makaalis si Farrah ay sumungaw ito mula sa isang sulok. Noong mga oras na iyon, ay malamig ang mga titig na pinupukol ni Sheena sa papaalis na si Farrah. Kung hindi pala siya sumunod sa lugar na iyon ay hindi niya pa niya malalaman na may gusto ang boyfriend niya kay Farrah. At gusto pa talaga niyang pakasalan ang dalaga. Si Xean ay mula sa mayamang pamilya na gusto niyang mapangasawa, kaya hindi siya papayag na agawin na lang ito sa kanya ni Farrah. Sa isiping iyon ay mabil
Kabado ang buong klase kaya gumawa sila ng private na meeting at hindi kasama si Farrah. "Anong gagawin natin? Paano kubg totoohin ni Farrah ang pustahan. Wala na tayong mukhang ihaharap sa mga tao." "Hindi ba sobrang sama ni Farrah?" "Walang puso iyang si Farrah, 'yan ang sinasabi ko inyo. Si Farrah lang ang wala sa grupong iyon. At ang rason kung bakit tahimik ang lahat ay dahil nag-iba ang takbo ng usapan. Sa kabilang banda, alam ni Farrah na pinag-uusapan na siya ng hindi maganda ng mga kaklase sa likod niya. Sa huli, nakaisip ang lahat ng maaaring gawing solusyon. "Pres Sheena, patulong kaya tayo sa boyfriend mong si Xean? Baka masolve niya ang problema natin." Samo't saring reaksyon ang lahat. Napaisip rin si Sheena sa isinuhestyon ng kaniyang kaklase, kaya mabilis niyang kinuha niya ang phone at tinawagan ang boyfriend. "Honey, baka puwede mo akong bigyan ng pabor." Noong sumunod na araw, pumunta si Farrah sa lugar kung saan sinabi ni Sheena na makikipagki
【Nabalitaan kong ikaw ang top scorer sa college entrance exam?】 Mukhang nakabalita ito. [Hmm] Simpleng sagot ni Farrah. 【Congratulations!】 [Salamat.] Tipid na sagot ni Farrah. 【Anong gusto mong kainin for dinner? My treat as celebration.】 [May celebration kasi kami ng ng mga magulang ko mamaya, kaya hindi pa ako makakauwi.] Nangunot ang noo ni Hector. Sa mga oras natin iyon, ay nagsalita si Stephen. "Isang buwan lang ang usapan niyo, at sampung araw na ang lumipas. Bawat araw na natitira ay mahalaga! Hector, sabihan mo si Farrah, na kailangan niyang bumawi sa mga araw na wala siya rito kapag dumating siya." "Parang hindi naman iyon tama?" Malungkot na sagot ni Hector, halata ang lungkot sa kaniyang mga mata. "May mali ba? Nahihiya ka ba? Ano ba? Bakit kailangan mo mahiya para sa mapapangasa mo?" Sa sinabing iyon ni Stephen nakita niya na mabilis na nagtype ng message si Hector at sinend iyon agad. Sumilip siya at biglang napangiti sa nabasa. Ang mensaheng pinadala ni
Sa mga oras na iyon, nagbago ang mga mukha ng lahat ng naroroon, hindi na sila sigurado sa mga nangyayari. Ang iba ay nadidismaya at hundi na nakapaniwala. Sa nakikitang reaksyon nibQuina ay lalo siyang naging balisa at umiyak ng ubod ng lakas. Para siyang batang umaatungal. "Faith, paano mo nasasbi 'yan? Nag-aaalala lang ako sa grades na makukuha ng kapatid ko. Isa pa, nakita ko lang naman ang admission ticket niya nh hindi sinasadya noong isang araw..." patuloy pa rin sa pag-iyak ang dalaga. "Ganun lang? Aksidente mo lang na nakita tapos kinuhanan mo pa ng picture gamit ang phone mo. Anong intensyon mo?" Tanong ni Faith. "Ah-ah Faith, you disappoint me so much. Pinagkatiwalaan pa naman kita kaya ko sinabi 'yan sa 'yo. Pero may lihim kang galit sa amin dahil kina Papa ipinamahala ang family business nina Lolo at Lola. Gusto mo silang mapahiya dahil umaasa ka pa rin na kayo ang mamamahala roon. Kaya nagpumilit kang idisplay ang resulta sa lahat.""The heck! Quina, may hiya ka pa b
"Farrah, anak, napakahirap ng entrance exam, tapos hindi ka pa namin naasikaso masyado. Anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita," puno ng galak na sabi ni Francia. Masamang tingin ang ipinukol ni Quina kay Farrah. Hindi lang ang kaniyang mga magulang na sina Juanito at Francia ang nagbago ang pakikitungo kay Farrah, magingsi Caius ay nag-iba ang tingin kay Farrah. Hindi ito maaari, kailangang may gawin siya. "Congrats, sis! Kahit sa paanong paraan ka pa nakapasa, nakapasa ka pa rin. Kaya mag-celebrate tayo. Bilang reward, papipiliin kita sa mga alahas ko. Sa'yo na ang magugustuhan mo." "Ah, napaka-thoughful mo naman Nana!" Masayang bumaling ang mag-asawa sa anak na si Quina. Sumulyap si Farrah kay Quina. Mas matalino siya rito ngunit mas mabilis itong mag-isip ng paraan upang magpapansin at magbida bida. Kaunting, salita lang nito ay naagaw nito ang atensyon ng lahat sa kaniya. "Oo nga, masyado siyang thoughful kaya nga sinabi niyang fake ang painting kahit hindi naman.
02042025 Farrah Torres 750 points! Perfect Score! Top scorer in the 2025 college entrance examination in the City! Kinagulat ng lahat ng naroroon ang nakita sa malaking screen. Halos hindi makagalaw ang naroroon sa matinding pagkagulat. Sa mga oras na iyon, kahit ang maliit na papel sa na mahulog sa sahig ay maririnig. "Hala, hindi- hindi siguro ito totoo. Baka nagkamali ako ng nabuksan, sa ibang tao siguro ang resulta nito." Nanginginig ang boses nito, habang nakatitig sa pangalan sa malaking screen. Farrah Torres Iyon talaga ang nakasulat roon. Baka may kapareho ng pangalan? Kinalimutan na ni Faith ang maling spelling na naiiisip niya dahil imposibleng magkamali ang ibinigay ni Quina sa kaniya na admission ticket. Siguradong ang walang kwentang si Farrah talaga ang nasa results. Nagbabaga ang mga mata ni Quina habang ang kamay nito ay hinihila na ang damit ni Faith. Hindi ito maaari... anong basehan? Paanong si Farrah ay napakahusay sa exam? Wala naman talaga s
"Oo nga, noong nakita ko ito sa tingin ko ay totoo ito. Pero sabi ni Quina hindi raw iyon totoo. Doon ko napagtanto na paano magiging totoo iyon. Paano magkakaroon ng kopya noon si Farrah kung hindi sila magkakilala ni Mez Sanchez? So naisip kong baka nga may punto si Quina!" Komento ng isa. "Sa tingin ko rin. Kasalanan talaga iyo ni Quina. Kung hindi niya di niya sinabi iyon, malamang ay hindi ito pinunit ni Gng. Torres. Milyon ang halaga ng painting na iyon! Pero nasira lang ng ganoon." Sabad rin ng isa pa. "Hindi ito usapin ng halagang perang katumbas ng painting na iyon. Pero walang katumbas na halaga ang gawa ni Mr. Sanchez at mahirap makakuha ng mga gawa niya. Maraming mayayaman o kilalang angkan ang nag-aasam magkaroon nito, pero hindi sila basta bastang nakakakuha. Hindi rin basta basta o madali makarequest ng painting sa kaniya. Pero nasira lang ng ganoon." "Shh, huwag kang maingay. Magagalit si Mr. Sanchez kung marinig niya ito. Anong mangyayaris sa mga Torres?" Si Z