Maingat bumaba ang dalaga sa bawat baitang ng ng hagdan. Bahagyang nakaangat ang layalayan upang maiwasang matapakan. Mistula ito isang anghel na lumabas mula sa langit o isang napagandang karakter sa isang obra maestra. Napakaganda nito, walang kaparis na salita upang mailarawan ang babae. "Hi-hindi ba't ito ang natatanging gawa ni Designer Hans mula sa kanyang mga koleksyon?" Halos manginig ang boses na bulalas ni Yen. Noong marinig iyon ni Hector ay doon niya lang nabigyang pansin ang suot nitong dress. Parang ito nga ang pinakamagandang design ni Christian Hans, na ilang beses niyang sinubukang mabili. Lumakad si Farrah sa pagitan ng dalawang taong pareho pang mangha. "Oo, tama kayo. Ito nga ang pinakamagandang gawa ni Designer Hans." "Paanong nasa iyo yan?" Nanlilit ang mga matang tanong ni Hector. "I got it with my own efforts. " May katotothanang sagot niya Farrah. "Ang alam ko, ang nakakuha ng damit na iyan ay ang chairman ng TF Designs." Nanalalalim at nanliliit
Halos sumigaw si Xiara noong sinagot nito ang tawag. "Ready na ang dress ko?" "I'm sorry Miss Hontiveros, tungkol po ito sa order niyo. Pero nagdesisyon po ang company namin na i-cancel po ang inyong reservation." "What?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Xiara. Halos mamilog ang nanlalaki niyang mata. "Paano? Paano niyo nagagawa sa'kin 'to?! I've already paid for my deposit!" "Pasensya na po kayo, pero ang top management po namin ang may desisyon rito. H'wag po kayo mag-alala ibabalik po namin ang binayad niyo at tutupad kami sa aming breech of agreement." "Sinong nagsabi na gusto ko ang bayad niyo? Ang dress ang gusto ko! I want the dress by Designer Hans!" Sumisigaw na si Xiara sa sobrang frustration. "Naideposit na po namin sa account niyo ang refund at bayad, you can check it." "Hindi ako payag! H-hello? Hello!" Naibaba na pala ang tawag. Sa sobrang galit ni Xiara ay halos ibato niya na ang phone niya. "Damn that TF Design Company! Ganun, ganun lsng iyon at magbabago na l
Gaganapin na naman ang taunang dinner ng pamilya Hontiveros. Magarbo ito. At taon-taong ginaganap. Lahat ng babae sa pamilya ng Hontiveros ay kanya-kanyang pagpapasadya ng kanilang mga kasuotan. Una sa lahat upang maipagmalaki na bahagi sila ng pinakamayamang angkan ng Hontiveros, ikalawa ay para kunin ang spotlight sa nasabing pagtitipon. Bago pa man maganap ang selebrasyon ay nilapitan ma agad ni Xiara at Lori si Farrah. "Farrah, remind ko lang sa'yo, fiancée ka ng pinsan ko, Don't you dare embarrass him with your dress in that family dinner! Kung wala kang maisuot dahil hindi mo afford, you can always beg for me. Marami akong mga nagamit nang damit sa closet. Kahit medyo old styles ay mga famous designers ang may gawa noon. Baka hindi pa nga nakakapagsuot ng ganoon kamahal na mga damit. Ano? Baka gusto mo nang magmakaawa sa'kin na pahiramin kita. Basta ba magmakaawa ka sa'kin pahihiramin kita ng complete outfit." Mahaba at mayabang na sabi ni Xiara. "Hindi ko kailangan magma
Maya-maya ay napakurap si Farrah. Inayos ng binata ang kanyang sintas? Kitang kita ni Farrah ang bumbunan ng lalaki habang nakayuko ito sa kanyang harapan. Sinong mag-aalala na si Hector na CEO ng isang malaking kumpanya ay nakayuko sa harapan niya? Sa mga oras na iyon ay hindi alam ninFarrah kung anonang nakakapa niya sa kanyang puso. Paranitong kumakabog pero magaan sa kanyang pakiramdam, nagririgodon pero hindi sa kaba. Hindi niya alam kung bakit ganoon. "Done." Tumayo na ito. "Oh!" Namumulang sagot ni Farrah. Hindi sanay si Hector na makita si Farrah na ganitong parang batang nahihiya, hindi niya tuloy mapigilan ang kanyang sarili at parang nagugustuhan niya na ito. "Hindi ba't sinabi mo sa akin na subukan natin itong magawork?" Napaisip si Farrah, pagkatapos ay inabot niya kay Hector ang kinakaing kamote para bigyan ito. Pero, ang nakakagulat, hindi ito tinanggap ng binata. Hinawan nito ang kanyang kamay at nilapit sa mga labi nito para kumagat sa hawak niyang p
Lumapit na si Officer Rosal kay Sheena. "Miss Santos, uulitin ko po sng tanong ko sa inyo, ang mga tao bang ito ay binayarn ni Miss Torres para pabugbog ka?" "Ah-" Magsasalita na sana si Sheena pero natatakot siya, parang namumula na ang kanyang mga mata at hindi masabi ang nais sabihin. Kaya pala lahat ng ginawa niyang paraan para sirain si Farrah ay nawawalan ng saysay dahil pala sa koneksyon nito kay Hector Hontiveros. Gaya nga ng sinabi ni Officer Rosal, mapapangasawa na ni Farrah ang youngest CEO in town at tagapagmana ng Hontiveros Group of Companies. Nasisiraan siya ng bait kung bababa pa siya at pipiliin si Xean Regal kaysa sa kanyang fiancé, ang nag-iisang si Hector Hontiveros? "Mr. Hontiveros and Miss Torres, puwede na po kayong makauwi ngayon." Ani Officer Rosal kina Hector at Farrah. "Yeah," tipid na sagot ni Hector na inalis ang suot na suit para ipatong sa balikat ng dalaga. Nilapit nito sa tainga ng dalaga ang mga labi at bumulong. "Act well." Sa narinig ay
Fiancé... Naglaro iyon sa isipan ni Farrah, parsng may kung ano siyang naramdaman sa sinabi ng binata. "Fiancé?!" Halos panabay at hindi makapaniwalang bulalas ni Xean at Sheena. Pareho silang nagulat sa narinig sa lalaking kararating lang. Pareho na nilang nakita ang lalaking ito sa gate ng school pero hindi nila alam ang kaugnayan nito kay Farrah. Kaya hindi sila makapaniwala sa sinabi nitong fiancé ito ni Farrah. "Paanong nangyari iyon? Wala akong narinig tungkol roon?" Sa palagay ni Sheena ay binayaran lang ito ng dalaga upang magpanggap na fiancé ng dalaga. "Officer Rosal, mukhang nagsisinungaling na naman siya. Wala naman siyang fiancé. Ang alam kong fiancé niya ay kinancel ang engagement nila. Hindi niya siguro masabi iyon sa mga magulang niya kaya humanap siya ng ibang mapagpapanggap na fiancé niya." Naisip rin ni Xean na may sense ang sinasabi ng nobya. Biglang sumeryoso ang mukha ni Officer Rosal at bumaling kay Farrah. "Hija, totoo bang fiancé mo ang lalaking ito