Good afternoon. Stay tuned for more updates! Huwag kalimutang mag-iwan ng mga komento, i-rate ang libro. Pa-gem vote na lang din po. Maraming salamat po!
Ella’s POVBago pa man makaalis ang kotse, biglang bumukas ang pinto ng building. Nanigas ako nang makita si Rowan. Nakatitig siya sa amin ni Neil, galit na galit ang mukha, namumula ang mga mata.“Ella!” sigaw niya. “Ano ’to? Bakit magkasama kayo ni Neil?”Napalunok ako. Hindi ko inasahan na aabutan niya pa kami rito.“Rowan, wala kang karapatang magtanong,” mariin kong sagot. “Tapos na tayo.”Lumapit siya, halos sumugod. “Tapos na tayo? Ganito na lang? Ilang taon tayong magkasama, ilang taon kong pinaghirapan lahat, tapos sasabihin mo lang na tapos na tayo? At ngayon makikita kitang kasama ang ibang lalaki?!”Hindi ko napigilang mapalakas ang boses ko. “Hindi ikaw ang biktima rito! Ikaw ang nangloko, Rowan. Ikaw ang sumira sa lahat!”“Walang katotohanan ’yang mga pinagsasabi mo!” sigaw niya. “Kung meron man, kaya natin ayusin! Pero bakit siya? Bakit si Neil pa?! Siya pa talaga?”Nanginginig ang boses ko pero pinilit kong tumingin sa mata niya. “Hindi na kita mahal, Rowan. Hindi ko n
Ella’s POVNapalingon ako sa cellphone ko nang mapansing may tumatawag. Nang makita ko ang pangalan, napamura ako. Rowan.Kumulo agad ang dugo ko. Hindi ko pa rin matanggap ang ginawa niya. Nakipagtalik siya sa ibang babae sa bar, at mismong mga mata ko ang nakakita. Wala na talagang mas sasakit pa roon.Agad kong blinock si Rowan. Hindi ko na kailangan ng kahit anong paliwanag mula sa kaniya.Bumukas ang pinto ng guest room na tinutuluyan ko rito sa bahay ni Neil. Nakita ko siyang pumasok, hawak ang isang bote ng tubig.“Pwede mo ba akong ihatid sa condo namin ni Rowan?” diretsong sabi ko. “Kukunin ko lang ang mga gamit ko roon.”Natigilan siya. “Kung maabutan mo siya roon?”Pinilit kong maging matatag. “Ihatid mo na lang ako. Ako na ang bahala kung maabutan ko siya sa condo. Kakausapin ko rin siya.”“Makikipaghiwalay ka na ba sa kaniya?” tanong niya, nakakunot ang noo.“Ihahatid mo ba ako o hindi?” malamig kong sagot.“Ihahatid,” tugon niya. Ngumiti pa siya bago lumabas ng kwarto.
Neil's POV Hinabol ako ni Savannah hanggang sa hallway. “Neil! Damn it, can you stop acting like a spoiled brat? Hindi ito tungkol sa iyo lang. It’s about the family, the company, and our name.”“Savannah, I stopped caring about our name the moment I almost died five years ago. Wala kayong ibang ginawa kundi kontrolin ang buhay ko. Hindi ko hahayaang maulit iyon.”Napahinto siya. “This is about Ella, isn’t it?”Napatigil ako pero hindi ko pinahalata. “Don’t bring her name into this.”“Admit it, Neil,” matalim ang tingin niya. “Kaya ka hindi makapunta sa direksyon na gusto ng pamilya dahil hawak ka pa rin ng isang babae. A woman who already moved on. She’s engaged, remember? Hindi ikaw ang pinili niya.”Nag-init ang dugo ko. “She was deceived. And I’ll prove it.”“God, Neil!” napapailing siya. “You sound pathetic. Hindi lahat ng bagay puwedeng kontrolin. Kahit ikaw.”Lumapit ako sa kaniya, halos magkadikit na ang mukha namin. “Watch me. Kung kaya kong kontrolin ang board, kung kaya ko
Neil's POV Umusad ako palabas ng kotse at napabuga ng hangin. Napahawak ako sa manibela nang mahigpit dahil sa galit na hindi ko maipaliwanag. Tumingin ako kay Ella sa passenger seat; namumula ang mga mata niya at kitang-kita ang pagod at panghihina. Naisip ko kaagad: hindi ko siya puwedeng iuwi sa condo nila ni Rowan. Hindi pa ako handa makita silang magkasama, lalo na pagkagising niya.“Ihahatid na lang kita sa bahay ng kapatid mo. Huwag ka nang babalik sa condo ninyo,” sabi ko. Binuhay ko ang makina at tumahak sa direksyon ng bahay ni Kira.Tahimik lang siya buong biyahe. Paminsan-minsan humahagod ang kamay niya sa kaniyang leeg, nagpapakita ng pag-aalinlangan. Gusto kong sabihin sa kaniya na lumaban para sa sarili niya, pero alam kong mahirap iyon sa kanya. Kaya pinili kong manahimik at planuhin ang susunod na hakbang.Pagdating namin sa gate, bumukas agad ang pinto nang makita ng guard ang plate ng kotse. Nagpaalam ako, kinuha si Ella at iniangat ko siya palabas. Halata sa mga k
Ella's POV Nakahinga ako nang maluwag nang makarating kami sa penthouse ni Neil. Tahimik lang akong nakaupo sa couch habang siya naman ay busy sa kusina. Naririnig ko ang pagkalansing ng mga gamit, pati na rin ang pag-igik ng ref nang buksan niya iyon.“Let’s just stay here, Ella. Mas peaceful. Walang istorbo,” aniya habang inaayos ang mga sangkap.Tumango lang ako kahit ang dami kong gustong sabihin. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Ang dami kong iniisip. Na-trauma pa ako sa ginawa nina Tita Catherine kanina. Ang hapdi pa rin ng pisngi ko.Umupo ako sandali at tiningnan ang paligid. Napatingin ako sa pool at biglang bumalik sa akin ang mga alaala namin noon. Naramdaman kong nanginginig ang kamay ko. Ayaw ko na sanang maalala, pero kusa silang bumabalik.Para maibsan ang bigat ng dibdib ko, naghubad ako ng cocktail dress at lumusob sa pool.Pagkatapos kong lumangoy ng ilang minuto, tumambay ako sa gilid at pinanood si Neil. Naka-shorts at topless siya, hawak ang kawali. N
Ella’s POVKatatapos ko lang magbihis nang mapansin ang mag-asawang papasok din sa banyo. Namilog ang mga mata ko nang makita ang mga magulang ni Rowan. Napakagat-labi ako at mabilis na pumasok sa cubicle nang maalala ang panlalait nila sa akin noong mismong araw ng kasal namin ni Rowan. Ang mga salitang iyon, hindi ko na kailanman makakalimutan.Naupo ako at mahigpit na hinawakan ang palda ng suot kong dress. Halos hindi ako makahinga sa kaba. Nang marinig kong may tinawagan si Tita Catherine, agad kong dinikit ang tainga ko sa pintuan para marinig ang usapan.“Bakit ba hindi mo maiwan-iwan ang pokpok na babaeng ’yon, Rowan? Sisirain niya ang pamilya natin!” sigaw ni Tita Catherine, puno ng inis ang boses.Nanlaki ang mga mata ko. Nakapigil-hininga akong nakikinig. At saka ko narinig ang boses na pinakaninanais ko at pinakanatatakutan ko ring marinig.“Mom, just wait. Iiwan ko rin naman ’yan.”Nanigas ako. Hindi ako makagalaw. Para bang bumigat ang dibdib ko sa bigat ng sinabi niya.