LOGINLumipas ang dalawang buwan ng puro paghihintay at pangungulila. Araw-araw, gigising si Audrey na umaasang may tatawag na kompanya sa cellphone niya, baka sakaling may email o tawag mula sa mga kompanyang pinag-apply-an niya bilang software engineer. Paulit-ulit siyang nadidismaya, hanggang sa halos mawalan na siya ng pag-asa.Isang umaga, habang nagkakape siya, biglang tumunog ang cellphone niya.“Hello, this is Audrey speaking,” mahinang sagot niya, medyo inaantok pa.“Hi, Ms. Claveria,” boses ng isang babae sa kabilang linya. “This is from Salvatore Technologies. We’re pleased to inform you that you passed the final screening. You’re officially hired. Please report on Monday for your orientation.”Napahinto si Audrey. Ilang segundo bago siya nakasagot. “A-Ah, talaga po? Hired na po ako?”“Yes, congratulations, Ms. Claveria. Please check your email for details.”“Thank you po! Thank you so much!” halos mangiyak-ngiyak na sagot ni Audrey bago niya binaba ang tawag. Napahawak siya sa
Pagkauwi ni Audrey sa apartment nila ni Trina, agad niyang naramdaman ang bigat sa dibdib. Hindi niya akalaing mas lalo pa siyang masasaktan sa gabing akala niya’y tapos na ang lahat ng bangungot. Pagbukas pa lang ng pinto, nakita niya si Trina na nakangiti habang nagbibilang ng pera sa mesa. Sa tabi nito, nakakalat ang mga gamit niya—mga damit, sapatos, at laptop bag na parang tinapon lang.“Trina?” garalgal ang boses ni Audrey. “Ano ‘tong ginagawa mo? Bakit mo nilalabas ang mga gamit ko?”Hindi man lang siya nilingon ni Trina. Patuloy lang ito sa pagbibilang ng pera, habang sumasayaw pa sa tuwa. “Oh, Audrey! Nandiyan ka na pala. Perfect timing. Pwede mo na rin dalhin ‘yang mga gamit mo, ha? Hindi na kita pwedeng patirahin dito.”“Anong ibig mong sabihin?” nanginginig ang boses niya. “Bakit mo ako pinaalis? Ako ang nagbabayad ng kuryente rito, Trina!”“Sus!” tumaas ang kilay nito, saka tumawa nang mapanlait. “Hindi mo na kailangan magpaliwanag. Alam ko na ang nangyari kagabi. Don’t a
"Audrey, may bago akong raket para sa iyo!"Napalingon si Audrey kay Trina na abala sa pag-aayos ng buhok sa salamin. Nasa maliit silang apartment na pinagsasalo nila sa Quezon City, at halatang excited si Trina habang nagme-makeup.“Raket?” tanong ni Audrey habang nagta-type sa laptop. “Trina, baka naman katulad ‘yan noong huli mong sinabi na ‘simple dinner lang,’ tapos bar pala sa Makati.”“Grabe ka naman,” sabay tawa ni Trina. “Hindi ito bar! Legit to, girl. May private event daw mga businessmen, may foreign investor pa nga raw. Ang kailangan lang nila ay mga babae na mag-a-assist, parang hostess lang. Simple lang, smile-smile, konting pakikipag-usap. You’ll get twenty thousand for one night.”Napakunot ang noo ni Audrey. “Twenty thousand? Sa isang gabi lang?”“Oo. Easy money! Hindi mo na kailangan maghintay ng next project mo. Pwede mong pambayad sa hospital bills ni Tita.”Napahinto si Audrey sa pagta-type. Bumigat ang dibdib niya sa narinig. Isang linggo na niyang iniisip kung s
My Arrogant Boss is My Baby Daddy (SPG)BLURB: Si Audrey Claveria ay isang simpleng babae na lumaking sanay sa hirap at sakripisyo. Bilang isang dalubhasang software engineer, ang tanging pangarap niya ay magkaroon ng tahimik na buhay at maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya. Ngunit isang gabing puno ng takot at pagkakamali ang tuluyang nagbago sa direksyon ng kaniyang buhay—ang gabing nakilala niya ang lalaking magpapabago sa kaniya sa paraang hindi niya kailanman inakala.Si Midnight Salvatore, ang cold-hearted at perfectionist na heir ng Salvatore Group, ay isang lalaking walang alam kundi kontrol at disiplina. Para sa kaniya, ang kahinaan ay kasalanan, at ang emosyon ay sagabal sa tagumpay. Ngunit nang muling magtagpo ang landas nila ni Audrey sa loob ng kaniyang kompanya, bumalik ang mga alaala ng gabing matagal na nilang pilit kinakalimutan.Mula sa pagiging istriktong boss, unti-unting nabasag ang pader ni Midnight nang malaman niyang nagdadalang-tao si Audrey—ang babaeng
Emosyonal sina Ella at Neil sa araw ng kanilang kasal. Si Neil ay halatang tuwang-tuwa at hindi mapakali, kasi sa wakas ay asawa na niya si Ella. Ilang taon din niyang pinangarap na mangyari ang araw na ito, at ngayong narito na, parang hindi pa rin siya makapaniwala.Tahimik siyang nakatayo sa harap ng altar habang inaayos ni Anthony ang necktie niya.“Hey, relax. Parang ngayon ka lang ikakasal,” biro ni Anthony sabay tapik sa balikat ni Neil.Ngumiti si Neil pero halata sa mukha niya ang tensyon. “Hindi ako kinakabahan. Excited lang ako. Ilang taon ko ring hinintay ‘to, kaya hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.”Napatawa si Anthony. “Kita naman sa mukha mo. Para kang batang binigyan ng laruan. Pero seryoso, proud ako sa’yo, Neil. After everything you went through, deserve mo na ‘tong happiness.”“Salamat,” sagot ni Neil. “Kung hindi rin dahil sa inyo ni Kira, baka hindi ko pa rin siya nahanap ulit. You two helped us get back together.”Nakangiting umiling si Anthony. “Wa
Ella's POV Masaya ang paligid, puno ng tawanan at halakhakan. Nasa gitna ako ng venue kung saan ginaganap ang bridal party, at hindi ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ang mga taong naging bahagi ng buhay namin ni Neil. Ang mga empleyado ko sa Vantare, mga business partners, pati mga kaibigan ko sa college — lahat sila naroon, nakikihalubilo at nag-e-enjoy.“Ella! Bride-to-be!” sigaw ni Luna, isa sa mga senior architects sa firm ko. Niyakap niya ako agad paglapit. “Grabe, hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal ka na. Parang kahapon lang, stress na stress ka sa project natin sa Hong Kong.”Napangiti ako. “Oo nga, Luna. Dati puro plano lang at overtime, ngayon wedding plans naman ang inaatupag.”“Pero deserve mo ‘to, Ma’am Ella,” sabat ni Mario, isa sa mga engineers namin. “Sobra kaming proud sa’yo. Isa kang inspirasyon. Ang dami naming natutunan sa kuwento mo at ni Ma’am Kira.”“Salamat, Mario,” sagot ko. “Hindi madali ‘yong pinagdaanan namin ni Ate. Pero kung hindi kami nag







