Anthony’s POV
Hindi ako mapakali habang nakatitig si Lolo Roman kay Kira. Halatang pinagmamasdan niya ang bawat galaw ng babae. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan kung paano nahihirapan si Kira gumamit ng kubyertos. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng kainan. Formal dinner setup kasi ito, and knowing my grandfather, bawat detalye sa table setting ay importante. Maingat kong ibinaba ang kutsara’t tinidor ko. Kinuha ko ang kamay ko at dumiretso sa pagkain gamit ang kamay. Walang imik akong kumain ng kanin at ulam. I made sure na kita iyon ni Lolo. Napalingon sa akin si Kira, gulat na gulat sa ginawa ko. Pero nang makita niyang kalmado lang ako, at hindi ko pinansin ang reaksyon ng lolo ko, dahan-dahan din siyang gumaya. Kumuha siya ng kanin gamit ang kamay. Nag-umpisa siyang kumain na mas kumportable kaysa kanina. Kumuha ako ng ulam, at walang pasabi, sinubuan ko siya. "Anthony—" bulong niya. "Just eat," sabi ko sa mababang boses, walang emosyon. Napalingon ako kay Lolo. Tinitingnan niya kami, pero ngayong magkasabay na kaming kumakain ng nakakamay, mukhang natuwa siya. Tumango siya ng bahagya, parang sinasabing "ayos lang 'yan." Tahimik kaming kumain. Wala masyadong imikan. Ramdam ko ang tensyon sa paligid, pero mas mahalaga sa akin ngayon na hindi mapahiya si Kira sa harap ni Lolo. Pagkatapos ng ilang minuto ng katahimikan, nilapag ni Lolo ang kutsara’t tinidor niya at tumingin kay Kira. "Saan ka pala nagtatrabaho bilang architect, hija?" tanong niya, diretsahan ang tono. Napatingin agad sa akin si Kira, parang humihingi ng tulong. "Sa kompanya natin, Lolo," sabat ko agad. "She's my employee. Isa siya sa mga architects ng Salvatore Holdings." Biglang huminto si Lolo sa pagkain. Napataas ang kilay niya at napatingin sa akin. "Your wife is your employee?" ulit niya. "She's an architect sa mismong kompanya natin?" Tumango ako. "Yes, Lolo. She’s one of our best architects." "Alam ba ng board ito?" tanong ni Lolo, seryoso ang mukha. "Of course. Legal ang lahat. Walang conflict of interest. Besides, hindi naman namin planado ang kasal." Hindi agad nagsalita si Lolo. Tinapik niya ang bibig gamit ang napkin, saka muling nagsalita. "Hijo, ilang beses ko nang sinabi sa ‘yo. Ayoko ng drama sa pamilya natin. Ayoko ng biglaang desisyon. Marriage is not just about love—it's also business. Dapat pumipili ka ng tamang partner." "Alam ko naman, Lolo. Pero hindi mo pa siya kilala. She’s not like other women." Tumingin si Lolo kay Kira. "Ikaw, hija. Ano'ng background ng pamilya mo?" Napatigil si Kira. Kita sa mukha niyang nahirapan siyang sumagot. "Mr. Salvatore, may maliit pong negosyo ang pamilya ko sa probinsya. Nagbebenta po sila ng—" "Nagmamay-ari ng hotel ang pamilya niya," putol ko agad sa kaniya. Alam kong hindi siya marunong magsinungaling. Ako na ang umako ng kasinungalingan. Napalingon sa akin si Kira, halatang nagulat. Siniko niya ako nang bahagya sa ilalim ng mesa pero hindi ko siya tinignan. "Hotel?" tanong ni Lolo. Tumango ako. "Yes. Small-scale. But stable naman ang operation. Family-owned for more than a decade." "Mabuti naman," sagot ni Lolo. Tumango siya, pero hindi pa rin ganap na kumbinsido. "Anong pangalan ng hotel?" "Ah…" Sandaling natahimik ako. "Navarro Suites po, sa may Batangas. Family-managed." Hindi na nagtanong pa si Lolo. Nagkunwari na lang akong uminom ng tubig. "Hindi mo kami binigyan ng pagkakataon na makilala ang pamilya ng asawa mo. Wala man lang kaming alam tungkol sa kasal ninyong dalawa," dagdag pa ni Lolo. "Biglaan kasi, Lolo. We had to get married in private. Emergency situation." Wala sa tono ko ang pagsisinungaling pero ramdam kong ayaw pa rin niyang maniwala ng buo. "Bakit hindi mo sinabi sa amin noon pa?" tanong ni Lolo. "Alam ko namang tututol kayo. At ayoko nang humaba pa ang usapan. I’m old enough to make my own decisions, Lolo." Tumango siya pero hindi sumagot. "Hija," baling niya kay Kira, "nasaan ang mga magulang mo? Nasaan ang pamilya mo ngayon?" Bago pa makasagot si Kira, nagsalita na ako. "Nasa abroad po ang parents niya. May mga negosyo sila sa labas ng bansa." Tahimik lang si Kira. Hawak niya ang baso ng tubig pero hindi siya umiinom. Kita kong naninigas ang balikat niya. Ngumiti si Lolo. "Kung ganoon, mabuti naman. Hindi ko hahayaang mapasok ng kung sino-sino ang Salvatore Empire. Ayokong maulit ang nangyari kay Tita Carmen mo. Kaya lang naman ako naging strikto sa asawa mo, Anthony, ay dahil gusto kong maprotektahan ka." "I understand, Lolo," sagot ko. "Pero sana pagbigyan mo muna si Kira. She's adjusting. Bigyan natin siya ng panahon para makilala ninyo siya ng mabuti." "Hindi ako kalaban, hijo," saad ni Lolo. "I’m only doing what I think is best. Hindi ako galit sa asawa mo. I just need assurance na hindi siya isa sa mga babaeng pera lang ang habol." Tumingin ulit siya kay Kira. "I hope hindi mo ako bibiguin, hija." Nag-angat ng tingin si Kira at tumango. "I understand po, Mr. Salvatore." "At tawagin mo na lang akong Lolo. Kasal na kayo ng apo ko. Parte ka na ng pamilya." Ngumiti si Kira, pilit. "Thank you po… Lolo." Nang matapos ang hapunan, tumayo si Lolo. "May meeting pa ako bukas. Magpahinga na kayo. Bukas ng umaga, sabay-sabay tayong mag-aalmusal." "Sige po, Lolo," sagot ko. "Good night." "Good night, hijo. Good night din sa iyo, Kira." Pagkaalis ni Lolo sa dining area, nanatiling tahimik si Kira. Nakaupo lang siya habang hawak pa rin ang baso. "Sorry," sabi ko. Napatingin siya sa akin. "Bakit mo sinabi kay Lolo na may hotel kami?" "Hindi niya pwedeng malaman ang totoo. Baka kanselahin niya ang kasal natin." "Iyon nga ang problema. Kung magiging tutol siya sa atin, ayos lang naman. Babayaran ko na lang buwan-buwan ang utang ko sa iyo. Isasauli ko rin pala ang limang milyon mo." "Totoo sa papel. Legal. At kailangan nating panindigan ito." Napayuko siya. "Ang hirap pala ng ganito." "Three years lang, Kira. After that, we're free. Malaya ka nang gawin ang gusto mo." "At pagkatapos ng three years, ano?" tanong niya. "Babalik tayo sa dati? Parang walang nangyari?" Hindi ako nakasagot. Tumayo siya. "I'm tired. Gusto ko nang magpahinga." "Sige," sagot ko. "Nandoon ang guest room mo sa kanan. Fully furnished na ‘yan." "Salamat." Habang paakyat siya sa hagdan, pinanood ko lang siya. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Pero wala na akong atrasan. Isa lang ang malinaw—kailangan kong mapaniwala si Lolo na totoo ang lahat. At si Kira… kailangan niyang magpanggap. Para sa kaniya, para sa makuha ko ang mana, at para sa perang pinambayad ko sa pinagkautangan ng pamilya nila. *** Author's Note: August 1, 2025 Hello. New story na naman po. Sana ay suportahan ninyo ang librong ito kasi kasali po siya sa GoodNovel PH Contest. Maari n'yo rin basahin ang iba ko pang mga akda. Huwag kalimutang mag-iwan ng mga komento, gem vote, at i-rate ang libro. Maraming salamat po!August 1, 2025 Hello. New story na naman po. Sana ay suportahan ninyo ang librong ito kasi kasali po siya sa GoodNovel PH Contest. Maari n'yo rin basahin ang iba ko pang mga akda. Huwag kalimutang mag-iwan ng mga komento, gem vote, at i-rate ang libro. Maraming salamat po!
Kira's POV Isang pulis ang lumapit sa amin.“Ma’am, kailangan po nating i-settle ‘yung damage sa kotse. May estimated cost na pong lumabas, twenty-five thousand.”“Okay. Ako na po ang magbabayad.”Bumalik ako sa loob ng presinto at tinapos ang settlement. Nakakunot ang noo ng pulis pero hindi na sila nagsalita pa.Pagbalik ko kay Ella, nakaupo na siya sa bench.“Halika na. Uuwi na tayo.”“Pasensya na, Ate…” mahina niyang bulong habang papunta kami sa taxi.Wala akong sinagot. Hindi ko alam kung anong mas sasakit—‘yung makita siyang unti-unting nawawala sa direksyon o ‘yung marinig mula sa kaniya na hindi niya kailanman naisip ang mga sakripisyong ginagawa ko.Pagkauwi sa apartment, pinaupo ko siya sa sofa habang ako naman ay kumuha ng tubig. Iniabot ko sa kaniya.“Inumin mo ‘yan.”Sumunod siya. Tahimik pa rin.“Ella,” panimula ko habang tinatanggal ang suot kong blazer, “hindi ako galit kasi uminom ka. Galit ako kasi nagsinungaling ka. Kasi nilalagay mo sa alanganin ang sarili mo. Ka
Kira's POVPagod na pagod akong humiga sa kama sa bago naming apartment. Sobrang bigat ng katawan ko. Ang daming reports na kailangan kong tapusin sa office at halos wala na akong tulog dahil sa overtime. Pero kahit gano'n, mas kampante akong pagod ako sa trabaho kaysa pagod ako kakaisip.I was about to close my eyes when my phone rang.Tumagilid ako para abutin 'yon sa side table. Unknown number. “Hello?” mahina kong bati habang sinasapo ang sentido ko.“Miss Navarro?” tanong ng lalaki sa kabilang linya.“Opo, speaking.”“This is Dean Ramirez from Eastview University. I just wanted to check if everything’s okay with your sister, Ella.”Napaupo ako agad sa kama. “Bakit po, Sir? May nangyari ba?”“Nothing serious—yet. But she hasn’t been attending her classes for weeks now. Some of her professors reported that she’s always absent. And I’ve heard from other students that she’s been… frequenting bars.”“Bars?” halos sigaw ko. “Sir, sigurado po kayo?”“Yes. And she reportedly collapsed l
Kira's POV Halos mapatigil ang paghinga ko nang marinig ang boses ni Lolo Roman. Nakatayo siya sa pintuan ng guest room, nakapamewang at nakatitig nang diretso sa amin ni Anthony. Kita ko sa mga mata niya na wala siyang tiwala sa relasyon namin.Gulat na gulat ako, hindi ko alam kung sasagot ba ako o hahayaan na lang si Anthony na dumiskarte.“Lolo, medyo… ano kasi si Kira, eh… pagod siya sa biyahe. Gusto ko lang sanang makapagpahinga siya muna,” palusot ni Anthony habang lumapit sa matanda.Hindi siya umubra.“Asawa mo siya, ‘di ba? Doon kayo sa silid mo matulog. Hindi siya bisita sa bahay ko. Asawa mo si Kira,” mahinahon pero mariing sabi ni Lolo habang tinatapik ang balikat ni Anthony.Napasulyap ako kay Anthony. Ramdam ko ang kaba ko habang tumitindi ang pagtitig ni Lolo sa amin.“Actually, dito po ako matutulog, Lolo,” sagot ni Anthony.Napalingon ako agad sa kaniya, pinanlakihan ko siya ng mga mata.Pero imbes na ayusin niya ang sinabi niya, lalo pa niya itong nilubog.“Aba’y m
Anthony’s POVHindi ako mapakali habang nakatitig si Lolo Roman kay Kira. Halatang pinagmamasdan niya ang bawat galaw ng babae. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan kung paano nahihirapan si Kira gumamit ng kubyertos. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng kainan. Formal dinner setup kasi ito, and knowing my grandfather, bawat detalye sa table setting ay importante.Maingat kong ibinaba ang kutsara’t tinidor ko. Kinuha ko ang kamay ko at dumiretso sa pagkain gamit ang kamay. Walang imik akong kumain ng kanin at ulam. I made sure na kita iyon ni Lolo.Napalingon sa akin si Kira, gulat na gulat sa ginawa ko. Pero nang makita niyang kalmado lang ako, at hindi ko pinansin ang reaksyon ng lolo ko, dahan-dahan din siyang gumaya.Kumuha siya ng kanin gamit ang kamay. Nag-umpisa siyang kumain na mas kumportable kaysa kanina.Kumuha ako ng ulam, at walang pasabi, sinubuan ko siya."Anthony—" bulong niya."Just eat," sabi ko sa mababang boses, walang emosyon.Napalingon ako kay Lolo. Tinit
Anthony’s POVKatatapos lang naming mag-lunch ni Lolo Roman sa mansiyon. Katulad ng dati, may pagka-diretsong tao si Lolo. Hindi siya marunong magpaligoy-ligoy. Pag upo pa lang namin sa hapag, diretso na agad sa tanong.“Kailan mo ba ipakikilala sa amin ang asawa mo, hijo?” tanong niya habang pinapahid ang bibig gamit ang panyo.Humigop ako ng tubig bago sumagot. “Malapit na, Lolo. May inaasikaso lang siya sa trabaho. Pero pinaplano ko na.”“Pinakasalan mo na agad pero hindi mo man lang kami ininform. Parang minadali mo naman,” komento pa niya. “Hindi man lang kami naimbitahan. Ni walang engagement announcement.”Napatingin ako sa kanya habang hawak ko ang cellphone ko. Tumatawag ako kay Kira, pero hindi niya sinasagot.“Hindi kasi naging normal ang sitwasyon, Lolo,” mahinahong sagot ko. “Biglaan ang lahat. May mga kailangan kaming ayusin pareho. Saka kayo rin naman ay ilang taon nang nasa Italy, hindi ba? Maging ang communication natin, bihira. Kaya hindi ko na rin inasahan na magigi
Kira’s POVAlmost two weeks na akong hindi pumapasok sa Salvatore Holdings. Halos araw-araw akong gising hanggang madaling-araw, nakatitig lang sa kisame. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na si Mama. Sabi ni Anthony, siya na raw ang bahala sa kompanya. Hindi na raw ako dapat mag-alala sa trabaho ko. Pero alam kong hindi pwedeng habang buhay akong nakatunganga lang sa sulok.Kaya heto ako ngayon, papasok sa trabaho nang may baon pa ring bigat sa dibdib.Pagpasok ko sa lobby ng Salvatore Holdings, agad akong napalingon sa mga empleyadong nagkukumpulan malapit sa reception area. May hawak silang mga cellphone, sabay-sabay na nag-uusap.“Grabe ‘no, kasal na pala si Sir Anthony. Hindi man lang natin alam!”“Ang bilis. Wala man lang announcement. Hindi man lang kami inimbita,” sarkastikong hirit ng isa.“Alam mo na, secret marriage. Pero sino kaya ‘yung babae?”Napahinto ako. Pakiramdam ko’y may malamig na hangin na dumaan sa batok ko. Lahat sila, excited. Pero ako, kinakabahan. Ako an