Share

Kabanata 6

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-08-01 19:59:59

Anthony’s POV

Katatapos lang naming mag-lunch ni Lolo Roman sa mansiyon. Katulad ng dati, may pagka-diretsong tao si Lolo. Hindi siya marunong magpaligoy-ligoy. Pag upo pa lang namin sa hapag, diretso na agad sa tanong.

“Kailan mo ba ipakikilala sa amin ang asawa mo, hijo?” tanong niya habang pinapahid ang bibig gamit ang panyo.

Humigop ako ng tubig bago sumagot. “Malapit na, Lolo. May inaasikaso lang siya sa trabaho. Pero pinaplano ko na.”

“Pinakasalan mo na agad pero hindi mo man lang kami ininform. Parang minadali mo naman,” komento pa niya. “Hindi man lang kami naimbitahan. Ni walang engagement announcement.”

Napatingin ako sa kanya habang hawak ko ang cellphone ko. Tumatawag ako kay Kira, pero hindi niya sinasagot.

“Hindi kasi naging normal ang sitwasyon, Lolo,” mahinahong sagot ko. “Biglaan ang lahat. May mga kailangan kaming ayusin pareho. Saka kayo rin naman ay ilang taon nang nasa Italy, hindi ba? Maging ang communication natin, bihira. Kaya hindi ko na rin inasahan na magiging available kayo sa panahon na ‘yon.”

Tumango si Lolo pero hindi siya kumbinsido. Alam ko ‘yon sa paraan ng pagkibit-balikat niya.

“Siguruhin mo lang na galing siya sa matinong pamilya. Alam mo naman ang nangyari dati, ayokong maulit ‘yon. Ayokong may sabit, Anthony. Hindi pwedeng galing sa pamilya ng may utang, eskandalo, o anumang kahihiyan.”

Napapikit ako ng ilang segundo. Hindi ko alam kung paano ko ipapakilala si Kira kay Lolo. Hindi ko pa rin alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang hindi galing sa mataas na pamilya ang napangasawa ko. Isa lang siyang empleyado ko noon. Pero wala na akong magagawa. Nangako na ako kay Kira. Tinulungan ko na siya, at ito lang naman ang hinihiling ko.

Pagkatapos kumain, bumalik ako sa study room. Doon ko muling tinawagan si Kira.

Tatlong beses. Wala pa ring sagot.

Binuksan ko ang laptop ko at nagsend ng chat sa secretary ko.

"Irene, I want you to check if Kira Navarro is present at the office today. I need confirmation. I don’t want her running away after everything I’ve done for her."

Makalipas ang ilang minuto, nagreply si Irene.

"Sir, Architect Navarro reported for work this morning. She’s currently in the design area, working on a project proposal."

Mabuti. At least hindi siya nagkulang sa trabaho. Pero hindi ko maalis ang inis ko na hindi man lang siya sumasagot sa tawag ko. Kung kailan kailangan ko siya, saka siya nagkakaganito.

Tumunog ang cellphone ko. Si Kira. Sa wakas.

“Sorry. Busy lang sa trabaho,” sabi niya. Walang emosyon ang boses niya. Hindi ko maramdaman kung may pinagdadaanan ba siya o wala lang talaga siyang gana kausap ako.

“I’ve been calling you multiple times, Kira.” Hinilot ko ang sentido ko. “Nasa Pilipinas na si Lolo. Kailangan mo nang lumipat dito sa mansiyon. Kailangan ka na niyang makilala.”

Nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya. Hanggang sa sumigaw siya.

“What?!” sigaw niya. “Bakit kailangang lumipat? Hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang? May ginagawa pa ako sa office. May deadlines ako, Anthony.”

Napapikit ako. “I didn’t marry you for charity, Arch. Navarro,” diin ko sa apelyido niya. “You needed help, and I helped you. Pinagbabayad ko ba kita sa lahat ng ginastos ko sa ospital ng nanay mo? Sa pagpapalibing niya? Sa pagbabayad ng mga utang ninyo? Sa pagkakaligtas ng apartment ninyo sa eviction? Hindi ko ‘yon sinumbat. Pero huwag mong akalaing hindi ko ie-expect ang commitment mo.”

“Alam ko 'yon,” malamig niyang sagot. “At nagpapasalamat ako sa lahat ng ginawa mo.”

“Then prove it. Do your part.”

Bigla siyang natahimik.

“May ipapa-deliver na credit card ang secretary ko. Use that. Bumili ka ng damit na maayos. Ayokong magpakita ka kay Lolo na parang ordinaryong empleyado lang. You are my wife now. Act like one.”

“Hindi ako laruan, Anthony.”

“I never said you were,” balik ko. “But this marriage comes with responsibilities. Ayokong mapahiya sa Lolo ko.”

“Akala ko ba fake lang ang kasal natin?”

“Hindi ‘yan ang point. Ipinakilala na kita bilang asawa ko. Ibinigay ko na lahat. Wala ka nang karapatang umatras.”

“Hindi ako umaatras. Pero hindi mo puwedeng kontrolin lahat ng kilos ko,” mahina pero matigas ang boses niya.

Napabuntong-hininga ako. “Hindi ako namimilit, Kira. Pero kung talagang seryoso kang makabayad sa utang na loob, ito lang ang hinihingi ko. Makipag-cooperate ka.”

Ilang segundong katahimikan.

“Kailan mo gusto?”

“Bukas ng gabi. May dinner tayo with Lolo. I want you here by 6 PM.”

“Sige. I’ll make time.”

“Thank you.”

Binaba ko ang tawag. Umupo ako at nagpakawala ng buntong-hininga. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya makitungo. Kung bakit parang masyado siyang defensive. Ginawa ko naman ang lahat para sa kaniya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit parang tinuturing niya akong kalaban. Pinaramdam ko ba sa kaniya na pag-aari ko siya?

Kinabukasan, maaga akong bumaba para ayusin ang mga kailangan para sa dinner. Sinabihan ko si Yaya Liza na maghanda ng formal dinner setup. Tinawagan ko rin ang stylist para dumaan kay Kira mamaya bago siya pumunta sa mansiyon. Hindi ko siya pwedeng hayaan na lumitaw sa harap ni Lolo na parang hindi handa. Ayokong isipin ng pamilya ko na napakasalan ko lang siya dahil sa kung anong kapritso.

Mga 4:30 PM, tumawag ang stylist.

“Sir, we’re on the way to pick up Ms. Navarro. She just got out of the office.”

“Good. Make sure she looks perfect. Elegante, classy. Nothing cheap-looking.”

“Yes, Sir.”

By 6:00 PM, nasa dining area na si Lolo. Nakaayos na rin ako—black suit, white polo, walang tie. Casual formal.

Pagka-check ko sa relo, alas sais na.

Nasaan na si Kira?

Tumayo ako at lumabas ng dining hall. Tinawagan ko ang driver.

“Nasaan na kayo?”

“Sir, malapit na po kami sa gate. Papasok na po kami.”

“Sige. Diretso sa receiving area. I’ll meet her.”

Pagdating niya, bumaba agad si Kira sa sasakyan. Napatigil ako nang makita ko siya.

Nakasuot siya ng dark blue na dress na sakto ang fit sa kanya. Nakalugay ang buhok, pero may konting ayos. She's beautiful. Elegant.

Pero malamig ang tingin niya. Hindi siya ngumiti.

“Kumusta ang biyahe?” tanong ko.

“Maayos naman,” maikli niyang sagot.

“Pasok tayo. Naghihintay na si Lolo.”

Hindi siya umimik. Sumabay lang sa lakad ko.

Pagpasok sa dining area, agad tumayo si Lolo. “So ikaw pala si Kira Navarro,” sabi niya. “Sa wakas, nakilala rin kita.”

Ngumiti si Kira, pero hindi buong ngiti. “Magandang gabi po, Sir. I'm Kira.”

“Call me Lolo. Wala nang formality. Asawa ka ng apo ko.”

Nagkatinginan kami ni Kira saglit bago siya tumango.

“Yes, Lolo.”

Pinaupo namin siya. Habang kumakain, tahimik lang si Kira. Saglit lang siya sumasagot sa mga tanong ni Lolo. Tinititigan ko siya, sinusuri ang bawat kilos niya. Kita ko sa mukha niyang hindi siya sanay. Hindi siya komportable.

***

Author's Note:

August 1, 2025

Hello. New story na naman po. Sana ay suportahan ninyo ang librong ito kasi kasali po siya sa GoodNovel PH Contest.

Maari n'yo rin basahin ang iba ko pang mga akda.

Huwag kalimutang mag-iwan ng mga komento, gem vote, at i-rate ang libro.

Maraming salamat po!

Deigratiamimi

August 1, 2025 Hello. New story na naman po. Sana ay suportahan ninyo ang librong ito kasi kasali po siya sa GoodNovel PH Contest. Maari n'yo rin basahin ang iba ko pang mga akda. Huwag kalimutang mag-iwan ng mga komento, gem vote, at i-rate ang libro. Maraming salamat po!

| 99+
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (40)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
Salamaaaat po
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
NICE STORY
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
salamat poooo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Book 3 — Midnight Salvatore (Second Generation)

    My Arrogant Boss is My Baby Daddy (SPG)BLURB: Si Audrey Claveria ay isang simpleng babae na lumaking sanay sa hirap at sakripisyo. Bilang isang dalubhasang software engineer, ang tanging pangarap niya ay magkaroon ng tahimik na buhay at maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya. Ngunit isang gabing puno ng takot at pagkakamali ang tuluyang nagbago sa direksyon ng kaniyang buhay—ang gabing nakilala niya ang lalaking magpapabago sa kaniya sa paraang hindi niya kailanman inakala.Si Midnight Salvatore, ang cold-hearted at perfectionist na heir ng Salvatore Group, ay isang lalaking walang alam kundi kontrol at disiplina. Para sa kaniya, ang kahinaan ay kasalanan, at ang emosyon ay sagabal sa tagumpay. Ngunit nang muling magtagpo ang landas nila ni Audrey sa loob ng kaniyang kompanya, bumalik ang mga alaala ng gabing matagal na nilang pilit kinakalimutan.Mula sa pagiging istriktong boss, unti-unting nabasag ang pader ni Midnight nang malaman niyang nagdadalang-tao si Audrey—ang babaeng

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   WAKAS — Book 2

    Emosyonal sina Ella at Neil sa araw ng kanilang kasal. Si Neil ay halatang tuwang-tuwa at hindi mapakali, kasi sa wakas ay asawa na niya si Ella. Ilang taon din niyang pinangarap na mangyari ang araw na ito, at ngayong narito na, parang hindi pa rin siya makapaniwala.Tahimik siyang nakatayo sa harap ng altar habang inaayos ni Anthony ang necktie niya.“Hey, relax. Parang ngayon ka lang ikakasal,” biro ni Anthony sabay tapik sa balikat ni Neil.Ngumiti si Neil pero halata sa mukha niya ang tensyon. “Hindi ako kinakabahan. Excited lang ako. Ilang taon ko ring hinintay ‘to, kaya hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.”Napatawa si Anthony. “Kita naman sa mukha mo. Para kang batang binigyan ng laruan. Pero seryoso, proud ako sa’yo, Neil. After everything you went through, deserve mo na ‘tong happiness.”“Salamat,” sagot ni Neil. “Kung hindi rin dahil sa inyo ni Kira, baka hindi ko pa rin siya nahanap ulit. You two helped us get back together.”Nakangiting umiling si Anthony. “Wa

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 105

    Ella's POV Masaya ang paligid, puno ng tawanan at halakhakan. Nasa gitna ako ng venue kung saan ginaganap ang bridal party, at hindi ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ang mga taong naging bahagi ng buhay namin ni Neil. Ang mga empleyado ko sa Vantare, mga business partners, pati mga kaibigan ko sa college — lahat sila naroon, nakikihalubilo at nag-e-enjoy.“Ella! Bride-to-be!” sigaw ni Luna, isa sa mga senior architects sa firm ko. Niyakap niya ako agad paglapit. “Grabe, hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal ka na. Parang kahapon lang, stress na stress ka sa project natin sa Hong Kong.”Napangiti ako. “Oo nga, Luna. Dati puro plano lang at overtime, ngayon wedding plans naman ang inaatupag.”“Pero deserve mo ‘to, Ma’am Ella,” sabat ni Mario, isa sa mga engineers namin. “Sobra kaming proud sa’yo. Isa kang inspirasyon. Ang dami naming natutunan sa kuwento mo at ni Ma’am Kira.”“Salamat, Mario,” sagot ko. “Hindi madali ‘yong pinagdaanan namin ni Ate. Pero kung hindi kami nag

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 104

    Ella's POV Nakatitig ako sa salamin habang sinusukat ang wedding gown na pinili ni Neil para sa akin. Tahimik lang ako habang hinahaplos ko ang tela, pinagmamasdan kung gaano ito kasimple pero napakaganda. Hindi ko lubos maisip na ilang araw na lang, ikakasal na ako. Matagal ko ‘tong inisip—kung darating pa ba talaga ang araw na ganito ako kasaya, na wala nang iniintindi kundi ang pagbuo ng bagong buhay kasama si Neil.“Ella, grabe! Ang ganda mo,” sabi ni Ate Kira habang umiikot sa paligid ko. “Parang hindi ka na pwedeng pakawalan ni Neil n’yan. Sigurado akong maiiyak ‘yon sa altar.”Napangiti ako. “Ate, huwag mo nga akong takutin. Baka ako ‘tong maiyak sa kaba.”Umupo siya sa sofa at tumawa. “Kaba? Ano ka ba, ilang taon mo na siyang kilala. Alam mo na lahat ng ugali niya, pati ‘yong mga pinakamasungit niyang araw.”“Alam ko,” sagot ko, sabay tingin sa sarili sa salamin. “Pero iba kasi ‘yong pakiramdam ngayon, Ate. Alam mong malapit na ‘yong araw, tapos biglang mare-realize mo na… it

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 103

    Neil's POV Tahimik kong pinagmamasdan si Ella habang abala siyang magbasa ng mga dokumento sa harap ng laptop niya. Nasa terrace kami ng condo, gabi na at maaliwalas ang paligid. Sa tuwing tinitingnan ko siya, ramdam ko kung gaano siya kasipag at kung gaano ko siya kamahal. Tatlong buwan na mula nang matapos ang lahat ng gulo, pero parang kahapon lang nang muntik kong mawala ang lahat. “Ano ba ‘yan, Neil,” sabi ni Ella nang mapansin niyang nakatingin lang ako sa kanya. “Kanina ka pa diyan, hindi mo pa rin sinisimulan ‘yong report mo.” Ngumiti ako at lumapit sa kanya. “Mas gusto kong panoorin ka, mas interesting kaysa sa report ko.” Napailing siya at pinandilatan ako ng mata. “Neil, seryoso ako. Hindi porket ikaw ‘yong fiancé ko, exempted ka na sa trabaho. You’re still the CEO of Archangel Group.” Tumawa ako. “Alam ko. Pero minsan lang naman ako makakita ng CEO na ganito kaganda habang nag-a-approve ng proposals.” “Neil!” tumatawa niyang sabi habang hinampas ako sa braso. Umupo

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 102

    Neil's POV Nasa loob ako ng kotse, nanginginig ang kamay ko habang hawak ang cellphone. Unknown number ang tumawag, pero sinagot ko pa rin dahil baka update ng pulis.“Hello?” maingat kong sabi.“Neil Archangel.”Parang bumagsak ang mundo ko nang marinig ko ang boses ni Roberto Villareal. “Anong gusto mo?” mariin kong tanong.Tumawa siya, maikli lang pero nakakabingi. “Simple lang. You have thirty minutes. Kung hindi ka darating, I’ll kill your parents and your dear sister, Savannah.”“Putang—anong ginawa mo sa kanila?!” sigaw ko, halos mabasag ang cellphone sa pagkakahigpit ng hawak ko.“Relax, Neil. Buhay pa sila. Pero kung gusto mong manatiling gano’n, pumunta ka rito. I’ll send the location. Don’t bring the police. Alam kong may kausap kang Inspector Reyes. Try anything stupid, and you’ll hear their screams next.”“Kapag sinaktan mo sila, Roberto—”“Shut up and move,” sabat niya, bago pinutol ang tawag.Huminga ako nang malalim. Tumunog agad ang phone ko ulit, message from an un

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status