Good morning.
Anthony’s POVHindi ko maalis ang paningin ko sa TV. Nasa balita na agad kami. Headline pa.“Salvatore Holdings, may kinakaharap na milyong pisong ghost projects scandal.” Halos lahat ng channel, pinapakita ang mga nagrereklamong clients sa harap ng building kanina.“Anthony, turn it off,” mahina pero mariing sabi ni Kira habang hinihimas ang sentido ko. “You’ve been watching for hours. Alam ko naiinis ka, pero hindi makakatulong ‘yan sa 'yo.”“I can’t,” sagot ko, mariin ang tono. “Look at this. Paulit-ulit nilang binabanggit ang pangalan ng pamilya natin. They keep asking—where did the money go? Sino ang may hawak? And they keep showing Carmen’s face. Kasama pa pangalan ko. Kira, this is beyond embarrassing. This is destruction.”Hinawakan niya ang kamay ko. “I understand. Pero hindi ikaw ang may kasalanan. Ang tiyahin mo ang gumawa nito.”Napabuntong-hininga ako at napasandal. “But I’m the president. Ako ang humaharap. Ako ang sisihin kapag nag-pullout ang mga investors. If we lose
Anthony’s POVKatatapos lang ng usapan namin ni Mardy tungkol sa audit report nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kita ko agad sa mukha niya na may problema bago pa siya makapagsalita.“Sir…” medyo namutla si Mardy. “Head security po. Nagkakagulo raw sa labas ng building.”Agad akong napatigil. “What kind of commotion?”Huminga siya nang malalim. “Maraming clients, Sir. Nagwawala. Nagrereklamo tungkol sa ghost projects. Specifically under the divisions handled by Ms. Carmen — Architect and Design Group, Construction and Engineering, Real Estate and Properties. Mga may-ari ng hotels, restaurants, at ilang foreign investors… nandito na sila mismo sa lobby.”Napakuyom ang kamao ko. “Damn it. Ilang tao?”“Sir, dozens. May iba galing pa sa probinsya. May mga nagdadala ng dokumento, may iba sumisigaw na isauli raw ang pera nila.”Hindi ko na pinatapos si Mardy. Tumayo ako at mabilis na kinuha ang coat ko. “Where’s Tita Carmen?”“Nasa office po niya, Sir. Parang walang pakialam. Hindi s
Anthony’s POV Galit na galit na sumugod si Tita Carmen sa opisina ko pagkabalita niya na tinanggal ko si Bianca sa Salvatore Holdings. Hindi man lang siya nagpa-schedule. Bigla na lang bumukas ang pinto, sabay sigaw niya. “Anthony! Ano na namang kalokohan itong ginawa mo?” Tumayo ako mula sa kinauupuan ko, hindi na nagulat. “It’s not a joke, Tita. I made a decision as President of Salvatore Holdings.” “Decision? Decision ba talaga ‘yan o kagagawan na naman ng asawa mong si Kira?” matalim ang tingin niya. “Dahil lang ba sa babae na ‘yon, kaya mo sisirain ang kompanya na pinaghirapan ng pamilya natin?” Umigting ang panga ko. “Don’t drag Kira into this. This has nothing to do with her. Bianca made a mess. At kung hindi ko siya aalisin, mas lalo tayong mapapahiya.” “Mapapahiya?!” Halos tumaas ang boses niya. “Hindi mo ba naiintindihan? Si Bianca ang isa sa mga pinakamahusay na architect ng kompanya. Siya ang nagdadala ng maraming kliyente.” Umiling ako. “That’s where you’re wrong. A
Anthony’s POV Pagkalabas nina Bianca at ng kaibigan niyang impostor, biglang bumagsak si Lolo Roman sa upuan. “Lolo!” mabilis kong sigaw. Hawak-hawak niya ang dibdib niya, hingal nang hingal. “Heart attack! Call the ambulance, now!” sigaw ko sa mga staff. Nagkagulo ang lahat. Tumakbo ang mga tao, may nagsisigaw, may tumatawag ng emergency. Gustong lumapit ni Kira para tumulong, pero bago pa siya makalapit ay biglang hinarang siya ni Tita Carmen at itinulak palayo. “Huwag ka ngang lumapit dito! Ikaw ang dahilan kaya na-stress ang ama ko!” galit na sabi ng tiyahin ko. “Enough!” halos pasigaw kong sabi. Hinila ko si Kira papalapit sa akin at tinitigan si Tita Carmen. “Walang karapatan ang kahit sino sa inyo na saktan ang asawa ko. One more time na gagawin mo ‘yan, Tita, hindi na kita palalagpasin.” Namutla siya, hindi makatingin nang diretso. “A-Anthony, hindi mo alam ang sinasabi mo. Siya ang dahilan—” “Siya ang asawa ko!” putol ko agad. “Kung may problema kayo, ako ang harapin n
Kira's POV Pag-akyat namin sa stage, kinuha ng host ang mic at ngumiti. “Ladies and gentlemen, I’m sure many of you are shocked. Tonight, we are finally revealing the brilliant minds behind one of the most innovative design firms in the country. Let us hear from them.” Iniabot sa akin ang mic. Huminga ako nang malalim. “Good evening, everyone,” panimula ko. “Alam kong marami sa inyo ay nagtataka kung bakit limang taon kaming nagkubli. May rason po kami. Gusto naming patunayan na hindi kailangang nakikita ang mukha ng isang tao para magtagumpay. Ang mahalaga, nakikita ninyo ang gawa niya.” Nagpalakpakan ang audience. Kita ko ang matalim na tingin ni Bianca mula sa mesa nina Anthony. Hindi siya makapaniwala. Ella spoke next. “We wanted our work to speak for itself. Hindi namin hinayaang masapawan kami ng mga pangalan ng tao o koneksyon. What you’ve seen these past years—those designs, those structures—that’s ours. That’s Vantare.” Tumindig ang balahibo ko sa tuwa at pride sa kapat
Kira’s POV Umigting ang panga ni Bianca. Bakas sa mukha niyang hindi makapaniwalang sa akin mismo nanggaling na hindi kami hiwalay ng asawa kong si Anthony. “Wow, ang kapal din ng mukha mo,” sarkastiko niyang tugon. “Matagal ka na niyang hiniwalayan kasi hindi ka nababagay sa pamilya niya!” “Kung hindi ako nababagay sa kaniya, sino ang nababagay? Isang katulad mong manggagamit?” diretsahan kong sagot. “Hindi ko hahayaang dumapo ang kamay mo sa asawa ko. Baka may sakit ka na nga kasi kung sino-sinong lalaki ang tumitira sa ’yo.” Sinipat ko siya mula ulo hanggang paa. “Wala ka pang anak, pero look at yourself, Arch. Bianca De Leon—mas nagmumukha ka pang losyang kesa sa akin. May anak ako, pero parang nagkaroon ka ng isang dosenang anak.” “How dare you say—” Sasampalin niya sana ako pero nahawakan ko agad ang kamay niya. Pagkabitiw ko, kinuha ko ang sanitizer ko at nag-spray sa kamay ko. “Baka mahawa pa ako sa karumihan mo,” pang-aasar ko. “Umalis ka na, Kira. Hindi ka nababagay sa