Share

Chapter Forty

Rhia

UMUWI na muna si Jay pero nagpababa na lang ako sa kumpanya ni Daddy para dalawin siya. Kahapon kasi hindi kami gaanong nakapag-usap dahil busy sila sa event pero masaya ako na kahit papano ay hindi naman pala sila galit sa akin kundi nagtampo lang.

Naayos na rin namin ni Rain ang relasyon namin bilang magkapatid, we even ate lunch together, napansin ko na sa loob ng limang taon ay nag-mature na siya. Minsan parang nagkakailangan pa kami dahil nga limang taon din ang namagitan sa aming dalawa pero nung huli ay para kaming bumalik sa dati na nagtatawanan na rin ulit.

"Dad?" Ngumiti si Daddy sa akin pagpasok ko ng opisina niya.

"Rhia, anak!" Tumayo siya at sinalubong ako ng lakad, "So glad to see you again, pasensya ka na kahapon hindi kita naasikaso dahil alam mo naman na busy ako."

"Naintindihan ko naman po." Nakita ko na hinilot ni Daddy ang tuhod niya, "Bakit Dad?"

"Sumasakit na ang tuhod ng Daddy

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status