Share

KABANATA 10

Author: KokoyIsMyLife
last update Last Updated: 2025-02-10 14:14:32

Wala sa wisyo si Leigh habang parang isang zombie na naglalakad patungo sa garden ng hotel.

Naghilamos din siya ng mukha, at hindi na nag-abalang maglagay muli ng make-up dahil wala rin naman mangyayari, hindi iyon matatakpan ang tunay niyang nararamdaman.

Sinulyapan niya ang langit, isang maliit na ngiti ang nagawa niya. Kung puwede lang siya kunin ngayon nito para mataksan niya ang buhay na naghihintay sa kaniya bilang misis ni Hunter.

Hindi namalayan ni Leigh ang masasalubong, kasalukyan pa rin siyang nakatingala. Napapikit siya nang maramdaman ang pagbangga ng kaniyang kanang balikat sa kung ano. Sa lakas ng puwersa ay alam niyang babagsak ang kaniyang katawan. Mariin niya pang idiniin ang pagkakapikit, ito na yata ang sagot sa dasal niya.

Ang mabagok ang ulo, ma-comatose at hindi na magising.

"Miss?"

Tumikwas ang isang kilay ni Leigh nang maulinigan ang boses na tumawag. Pamilyar ang baritono ngunit malambing na boses na iyon.

Boses?

Ibig-sabihin ay may malay tao pa siya!

Ang pag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 63

    "P-Papa," sambit ni Lewis."Yes, son. I'm your Papa," doon na tuluyang bumigay ang kaniyang mabigat na emosyon.Dinutdut ng anak niya ang luha sa kaniyang pisngi. Tiningnan niya si Leigh bago sila sabay na tumawa.Kung may makakita man sa kanila ngayon ay aakalaing mga baliw sila.Natawa sila kasabay ng mga luha."Narinig mo? He called me Papa?" anang ni Leonardo sa kaniya.Tumango si Leigh.Tila hinaplos ang puso niya nang makita kung paano yakapin nito ang kanilang anak. Walang kasing-higpit iyon. Ang mga braso nito ay pilit na kinukulong si Lewis.At nang mag-angat ang binata, at nasilayang pinanonood lamang sila ni Leigh ay awtomatikong iginaya rin ito ng braso niya palapit.Saglit na nilayo ni Leonardo ang mukha sa anak para halikan ang babaeng nagbigay nito sa kaniya. Isang matagal na halik sa pisngi ang ginawa niya. Pagkaraan muling niyapos nang ubod nang higpit ang dalawang pinakamahalaga sa buhay niya.Napatingala siya sa langit.Hindi niya inasahang ganito ang mararamdaman n

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 62

    "Naku, Mare!"Sandaling napapikt siya nang marinig ang malakas na boses ni Grace. Kasalukuyan siyang nagmamaneho pauwi sa kanilang bahay."Buti napatawag ka," dagdag pa nito sa masayang himig."Oo nga, medyo busy lang dito. I-invite sana kita, as well as Amber. Tommorow, magbiyahe na kayo para matulungan ninyo ako sa preparation ng birthday," anang niya."Oo naman! G, kami riyan!"Napangiti si Leigh sa sigla ng boses ni Grace. Kahit may isang taon nang magkahiwalay ay hindi pa rin nagbabago ang closeness nilang dalawa.May pagkakataon na ito ang bumibisita sa kanila, at sobrang na-a-appreciate niya ang butihing kaibigan."What about Amber?" tanong niya nang lumiko ang kaniyang sinasakyan."Excited na excited na nga, e!""After this, puntahan ko na siya sa opisina niya.""Thank you, girls. Ingat kayo sa biyahe.""A, wait, Leigh!"Hindi niya tuluyang hinubad ang earphone na nakalagay sa isang tainga, at pinakinggan ang sasabihin pa ni Grace."Narinig mo na ba, napatawan na ng gulity si

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 61

    Marahang iminulat ni Leonardo ang mga mata. Puting kisame ang bumungad sa mga nanlalabong paningin niya.Ramdam pa niya ang kirot sa likod ng kaliwang balikat. Iginala ng binata ang mga mata, siguradong wala pa siya sa langit."Leonardo!"Awtomatikong yumakap si Maricel sa anak."M-ma," hirap niyang aniya."Kumusta na ang pakiramdam mo?" Umiiyak na tanong ng kaniyang ina.Pinilit niyang bumangon paupo habang yapos-yapos ni Maricel. Nang kumalas ito ay nakangiwing tiningnan niya ito."Ayos na ako, Ma.""Huwag na kayong umiyak," saad niya, at pinunasan ang mga luha nito.Saglit na sumilip si Leonardo sa likod ng ginang. Tila may hinahanap, napansin naman iyon ni Maricel."Si, si Leigh, Mama?"Nagkatitigan silang mag-ina.Lumunok siya, bago pilit na inayos ang pagkakaupo kahit na masakit pa ang buong katawan."Where is she?""Is she okay?" sunod-sunod na usisa ni Leonardo."Hey, kumalma ka," Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay.Bago sinalubong ang kaniyang tingin."Ayos lang siya."Nap

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 60

    Humahangos si Leigh at Maricel habang tulak-tulak ang rolling bed kung saan sakay, at nakahiga ang walang malay na si Leonardo.Hindi niya na-imagine sa buong buhay niya na puwedeng matakot siya nang ganito. Ni hindi humihinto ang mga luha niya sa pagtulo. Hawak-hawak niya ang kamay ng binata."Dr. Guanez!" gulat na sambit ni Dr. San Juan.Agad niyang hinawakan ito sa magkabilang kamay. Tensyonadong tinitigan niya sa mga mata ang kapwa doktora."Amber, please. Save him," Iyak niya.Takang sinulyapan nito ang nakahigang si Leonardo."Take him to the operating room," mando nito sa mga nurse bago siya binalingan.Hinigpitan ni Amber ang kapit sa mga kamay niya. Kabado ito pero pinanatili ang pagiging pormal."I will do everything, Leigh for Leonardo."Tumango siya, binitiwan ng kasamahan ang kamay niya, at nagmamadaling sumunod sa loob."Leigh," tawag ni Maricel."Mama," mas lalo lamang siyang napaiyak nang mapaharap sa biyenan.Nagyakap sila nito habang parehong umaagos ang mga luha. Ra

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 59

    "Hu-hunter," hirap hiningang aniya ni Leigh.Nakabalibid sa leeg niya ang wire ng telepono. Nakasampa sa kaniya si Hunter habang nagdidilim ang mukha nito, at determinadong malagutan na siya ng hininga. Gamit ang pananakal ng kable ng kanilang telepono.Namumula siya habang nagkakaroon ng paninikip ng dibdib. Labas na rin ang mga ugat niya, at unti-unting lumalabas ang dila.Naroon ang kanyang mga nangingimay na mga kamay sa kamao nito na pilit sinisikipan ang pagkakatali ng kable sa leeg niya.Sinusubukang niya iyong pigilan pero walang lakas ang kaniyang mga kamay.Tumulo ang mga luha ni Leigh.Ito ba ang kabayaran ng nagawa niyang kasalanan?Ito na ba ang katapusan ng masalimuot niyang buhay?Sa kamay talaga ng asawang napilitan lamang siyang pakasalan?Sa kamay ng lalakeng kahit kailan hindi niya minahal dahil wala siyang makitang kamahal-mahal sa bawat pagkakataon na ibinibigay rito?Paano kung may buhay nga sa tiyan niya?Kakayanin ba niyang madamay ito?Bunga pa naman iyon ng t

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 58

    "Hunter!"Naroon na agad si Leonardo. Pilit na inaalis ang matatag na mga kamay ng asawa sa leeg niya. At nang nagtagumpay ito ay ang binata naman ang binalingan.Isang suntok ang natamo nito dahilan para bumagsak."Leonardo!" tili niya.Awtomatikong hinawakan ni Hunter ang magkabilang kwelyo ng binata, at walang habas na itinaas.Magkaharap ang mukha ng mga ito."Hanggang kailan mo ba ako aagawan?""Una, sa pamilya ko.""Tapos ngayon, sa asawa ko?""You are such a worthless bitch, Leonardo!""It's better for you to die kaysa mabuhay nang sinisira ang buhay ko!""Hunter!" sigaw ni Leigh nang bigyan na naman sa sikmura si Leonardo na nakapagpayuko ng katawan nito.Kahit walang lakas ay nagtungo siya sa nagwawalang asawa. Nagbabakasakaling mapapakalma ito.Hinawakan niya sa braso si Hunter nang akmang lalapitan ang binatang nakayuko, at iniinda pa ang suntok.Hingal na hingal, at poot na poot ang anyo nito nang maharap sa kaniya."Hunter, please. Tama na," humagulgol na pakiusap ni Leig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status