Share

KABANATA 4

Author: KokoyIsMyLife
last update Last Updated: 2025-01-20 13:19:47

"I just wanted to help, Leigh-"

"But I don't want you too nor even asking for you too!' galit na agap ni Leigh na nakapaghinto kay Hunter.

"Look, I know you care. But is this too much?"

"To meddle with us, to our own dilemma!" dagdag pa niya.

Sumungaw ang maliit na ngiti sa labi ng binata ngunit hindi nakaligtas kay Leigh ang pag-igting ng mga panga nito, at tila nagpipigil lamang ng galit.

"I don't know why you're acting this way. Leigh, I wanted to help you whether you ask for it or not," mahinahon na salansala ni Hunter habang tumatayo mula sa kinauupuan.

Natigilan naman ang dalaga, at sunod-sunod na napakurap. Animo'y bumalik sa wisyo, binasa niya ang ibabang bahagi ng labi. Mukhang natalo siya ng galit, at nagawang sugurin ang kaniyang direktor rito.

Muling binalikan ni Leigh nang tingin ang kalmadong mukha ng binata na palapit sa puwesto niya.

"I'm sorry, hindi ko agad sinabi sa iyo kasi alam kong magagalit ka. And I don't want that to happen," paliwanag nito nang huminto sa tapat niya.

"I'm sorry," malambing na ulit nito, at masuyong nakipagtitigan sa kaniya.

"I-i'm sorry, Director. Nabigla lang din ako," mahina niyang despensa, at umiwas nang tingin.

Kahit galit siya ay hindi pa rin dapat ganito ang ginawa niya. Pinili niya dapat na kausapin ito ng maayos, ganoong wala naman itong ginawang masama.

"Forget it!" naging masaya ang tono ni Hunter, at mabilis na pinisil ang baba ng dalaga.

Mabilis na napatingin si Leigh rito, at tuwang-tuwang binata ang nasalubong niya. Bahagya siyang lumayo rito, at nilinis muna ang lalamunan bago muling nagsalita.

"Babayaran kita, I will transfer it to your account. But hindi pa buo, pero magbayad ako, that's a promise," pormal na pangako niya.

"What if, ikaw ang gusto kong maging bayad?"

Tumaas lahat ng buhok sa katawan ni Leigh sa narinig kay Hunter. Naging mabilis din ang pagtibok ng kaniyang puso dahil sa kaba buhat sa sinabi nito.

Habang nakatitig siya sa mga matatalim na mga mata nito ay nababasa niya ang tila pagnanasa, labis na pagnanasa.

"Paano kung ikaw ang gusto kong maging kabayaran, Leigh?" nakatatakot nitong ulit, sinipat siya nang tingin mula ulo hanggang paa at kinagat ang ibabang bahagi ng labi.

Napalunok si Leigh habang inaapak ang mga paa paatras. Umaalon din ang kaniyang dibdib dahil sa umaalipin na kaba sa kaniyang katawan.

"Kidding!" bawi agad ni Hunter nang mapansin ang pamumutla ng kaharap na dalaga. Hilaw na tumawa ang binata, at pinalitan ang matatalim na tingin.

"I'm just kidding, Leigh!" ulit nito nang walang matanggap na response sa dalagang doktora.

"Salamat, Director!"

Nakipagkamay pa si Benjamin kay Hunter matapos maibalik ang titulo ng lupa, at ang kaniyang furniture shop.

"Don't mind it, Mr. Guanez or should I call you, Uncle Ben?" Maluwag ang ngiti nito sa labi, at saglit na sumulyap sa dalagang katabi ni Benjamin.

"Nagdagdag na rin ako ng ibang tao riyan para makatulong ninyo."

Sabay na tinanaw ng mag-ama ang loob ng shop. Ilang linggo rin itong sarado dahil inasikaso pa nila ang pagbabalik ng titulo.

"Sige, titingnan ko lang sila," paalam ni Benjamin, at hinawakan sa braso ang dalaga para magpaalam.

Nakangiting sinundan nang tingin ni Leigh ang ama. Ilang araw rin itong matamlay dahil sa nangyari. Natuon ang atensyon niya kay Hunter, malaki rin talaga ang pasasalamat niya rito dahil sa pag-aasikaso nito ng mga bagay gamit ang sariling pera.

Ayaw man niyang pumayag ay wala na siyang nagawa. At dahil sa pag-aasikaso nito sa kaso ay naging mas madalas silang magkasama. Sabay na napasok sa hospital, sa sasakyan na rin siya nito napipilitang sumakay. Mas lalo tuloy silang tinutukso ng mga kasamahan sa trabaho, at kalat na kalat na mayroon na silang relasyon, kahit wala pa naman.

Kaya lang siya sumasama kay Hunter dahil sa utang na loob.

Walang ibang dahilan.

Nahihiya siya tumanggi sa mga alok nito dahil may tinatanaw siya malaking utang na loob dito, na tatanawin niya buong buhay.

Pero kung aasa ito ng higit pa roon ay malabong mangyayari iyon.

Matagal ng sarado ang puso niya, at kung sinuman ang nakapasok doon ay naroon pa rin.

Isang lalake lang ang nakatatak, at umukupa ng espasyo na iyon. Kahit wala na ito sa bansa ay habambuhay pa rin iyon na puso niya, at hindi mapapalitan ng kung sinuman.

"Leigh?" untag ni Hunter sa nakatulalang dalaga.

Mabilis namang bumalik sa hintatao ang dalaga, sa tuwing naaalala niya ang lalakeng iyon ay parang napupunta siya sa ibang mundo.

"Y-yes, ano 'yon?" nagkandautal niyang usisa.

"Sabi ko, we need to go. Baka kailangan na tayo sa hospital."

"Yeah, yeah, let's go!" Nagpatiunang lumakad si Leigh.

Habang lulan ng sasakyan pabalik ng hospital. Natigilan ang dalaga nang maramdaman ang tila paghawak sa kanang kamay niya ni Hunter.

Tensyonado siyang napalunok habang slow motion na lumilinga rito. Napasulyap siya sa nakahawak nitong kamay bago sa mukha ng binata.

Kaswal itong pokus sa pagmamaneho habang tila balewala kung walang paalam na nakahawak sa kamay niya.

"I think okay lang naman na gawin natin 'to," aniya nito, at hindi pa rin sinasalubong ang tingin niya.

Paanong naging okay? Wala naman tayong relasyon, ito ang gustong isagot ni Leigh habang pinipigil ang sarili na basta na lamang palisin ang kamay nito.

"Director-"

"Hunter. I told you, call me Hunter," pagtatama ni Hunter, at sa pagkakataong ito ay nagtama saglit ang mga mata nila.

"I'm not just your director, right?" may bahid na inis nitong dagdag bago muling binalik ang tingin sa daan.

Laglag ang mga panga ni Leigh, mukhang mali ang pag-intindi ng kanilang direktor sa mga simpleng pagpayag niya sa mga imbitasyon nito.

Iba na pala ang iniisip nitong relasyon nila.

"Direktor Hunter Ceneron-"

Natigilan siya nang magpreno ang binata, at mabilis na humarap sa kaniya. Agad na hinagip ang kaniyang dalawang kamay, at determinadong tinitigan diretso sa mga mata.

"Leigh, why don't you give me a chance?"

"I already proved my intention to you."

"I will do anything just to be with you," pagsusumamo nito sa tigalgal na dalaga.

"Please?" patuloy na kumbinsi ni Hunter kay Leigh.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 63

    "P-Papa," sambit ni Lewis."Yes, son. I'm your Papa," doon na tuluyang bumigay ang kaniyang mabigat na emosyon.Dinutdut ng anak niya ang luha sa kaniyang pisngi. Tiningnan niya si Leigh bago sila sabay na tumawa.Kung may makakita man sa kanila ngayon ay aakalaing mga baliw sila.Natawa sila kasabay ng mga luha."Narinig mo? He called me Papa?" anang ni Leonardo sa kaniya.Tumango si Leigh.Tila hinaplos ang puso niya nang makita kung paano yakapin nito ang kanilang anak. Walang kasing-higpit iyon. Ang mga braso nito ay pilit na kinukulong si Lewis.At nang mag-angat ang binata, at nasilayang pinanonood lamang sila ni Leigh ay awtomatikong iginaya rin ito ng braso niya palapit.Saglit na nilayo ni Leonardo ang mukha sa anak para halikan ang babaeng nagbigay nito sa kaniya. Isang matagal na halik sa pisngi ang ginawa niya. Pagkaraan muling niyapos nang ubod nang higpit ang dalawang pinakamahalaga sa buhay niya.Napatingala siya sa langit.Hindi niya inasahang ganito ang mararamdaman n

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 62

    "Naku, Mare!"Sandaling napapikt siya nang marinig ang malakas na boses ni Grace. Kasalukuyan siyang nagmamaneho pauwi sa kanilang bahay."Buti napatawag ka," dagdag pa nito sa masayang himig."Oo nga, medyo busy lang dito. I-invite sana kita, as well as Amber. Tommorow, magbiyahe na kayo para matulungan ninyo ako sa preparation ng birthday," anang niya."Oo naman! G, kami riyan!"Napangiti si Leigh sa sigla ng boses ni Grace. Kahit may isang taon nang magkahiwalay ay hindi pa rin nagbabago ang closeness nilang dalawa.May pagkakataon na ito ang bumibisita sa kanila, at sobrang na-a-appreciate niya ang butihing kaibigan."What about Amber?" tanong niya nang lumiko ang kaniyang sinasakyan."Excited na excited na nga, e!""After this, puntahan ko na siya sa opisina niya.""Thank you, girls. Ingat kayo sa biyahe.""A, wait, Leigh!"Hindi niya tuluyang hinubad ang earphone na nakalagay sa isang tainga, at pinakinggan ang sasabihin pa ni Grace."Narinig mo na ba, napatawan na ng gulity si

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 61

    Marahang iminulat ni Leonardo ang mga mata. Puting kisame ang bumungad sa mga nanlalabong paningin niya.Ramdam pa niya ang kirot sa likod ng kaliwang balikat. Iginala ng binata ang mga mata, siguradong wala pa siya sa langit."Leonardo!"Awtomatikong yumakap si Maricel sa anak."M-ma," hirap niyang aniya."Kumusta na ang pakiramdam mo?" Umiiyak na tanong ng kaniyang ina.Pinilit niyang bumangon paupo habang yapos-yapos ni Maricel. Nang kumalas ito ay nakangiwing tiningnan niya ito."Ayos na ako, Ma.""Huwag na kayong umiyak," saad niya, at pinunasan ang mga luha nito.Saglit na sumilip si Leonardo sa likod ng ginang. Tila may hinahanap, napansin naman iyon ni Maricel."Si, si Leigh, Mama?"Nagkatitigan silang mag-ina.Lumunok siya, bago pilit na inayos ang pagkakaupo kahit na masakit pa ang buong katawan."Where is she?""Is she okay?" sunod-sunod na usisa ni Leonardo."Hey, kumalma ka," Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay.Bago sinalubong ang kaniyang tingin."Ayos lang siya."Nap

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 60

    Humahangos si Leigh at Maricel habang tulak-tulak ang rolling bed kung saan sakay, at nakahiga ang walang malay na si Leonardo.Hindi niya na-imagine sa buong buhay niya na puwedeng matakot siya nang ganito. Ni hindi humihinto ang mga luha niya sa pagtulo. Hawak-hawak niya ang kamay ng binata."Dr. Guanez!" gulat na sambit ni Dr. San Juan.Agad niyang hinawakan ito sa magkabilang kamay. Tensyonadong tinitigan niya sa mga mata ang kapwa doktora."Amber, please. Save him," Iyak niya.Takang sinulyapan nito ang nakahigang si Leonardo."Take him to the operating room," mando nito sa mga nurse bago siya binalingan.Hinigpitan ni Amber ang kapit sa mga kamay niya. Kabado ito pero pinanatili ang pagiging pormal."I will do everything, Leigh for Leonardo."Tumango siya, binitiwan ng kasamahan ang kamay niya, at nagmamadaling sumunod sa loob."Leigh," tawag ni Maricel."Mama," mas lalo lamang siyang napaiyak nang mapaharap sa biyenan.Nagyakap sila nito habang parehong umaagos ang mga luha. Ra

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 59

    "Hu-hunter," hirap hiningang aniya ni Leigh.Nakabalibid sa leeg niya ang wire ng telepono. Nakasampa sa kaniya si Hunter habang nagdidilim ang mukha nito, at determinadong malagutan na siya ng hininga. Gamit ang pananakal ng kable ng kanilang telepono.Namumula siya habang nagkakaroon ng paninikip ng dibdib. Labas na rin ang mga ugat niya, at unti-unting lumalabas ang dila.Naroon ang kanyang mga nangingimay na mga kamay sa kamao nito na pilit sinisikipan ang pagkakatali ng kable sa leeg niya.Sinusubukang niya iyong pigilan pero walang lakas ang kaniyang mga kamay.Tumulo ang mga luha ni Leigh.Ito ba ang kabayaran ng nagawa niyang kasalanan?Ito na ba ang katapusan ng masalimuot niyang buhay?Sa kamay talaga ng asawang napilitan lamang siyang pakasalan?Sa kamay ng lalakeng kahit kailan hindi niya minahal dahil wala siyang makitang kamahal-mahal sa bawat pagkakataon na ibinibigay rito?Paano kung may buhay nga sa tiyan niya?Kakayanin ba niyang madamay ito?Bunga pa naman iyon ng t

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 58

    "Hunter!"Naroon na agad si Leonardo. Pilit na inaalis ang matatag na mga kamay ng asawa sa leeg niya. At nang nagtagumpay ito ay ang binata naman ang binalingan.Isang suntok ang natamo nito dahilan para bumagsak."Leonardo!" tili niya.Awtomatikong hinawakan ni Hunter ang magkabilang kwelyo ng binata, at walang habas na itinaas.Magkaharap ang mukha ng mga ito."Hanggang kailan mo ba ako aagawan?""Una, sa pamilya ko.""Tapos ngayon, sa asawa ko?""You are such a worthless bitch, Leonardo!""It's better for you to die kaysa mabuhay nang sinisira ang buhay ko!""Hunter!" sigaw ni Leigh nang bigyan na naman sa sikmura si Leonardo na nakapagpayuko ng katawan nito.Kahit walang lakas ay nagtungo siya sa nagwawalang asawa. Nagbabakasakaling mapapakalma ito.Hinawakan niya sa braso si Hunter nang akmang lalapitan ang binatang nakayuko, at iniinda pa ang suntok.Hingal na hingal, at poot na poot ang anyo nito nang maharap sa kaniya."Hunter, please. Tama na," humagulgol na pakiusap ni Leig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status