"Ayos ka lang?"
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Leigh bago luminga sa amang nagmamaneho. "Hindi dapat ginawa ni Hunter 'yon," sa inis niya ay hindi na niya na gawang galangin ang direktor ng hospital na kaniyang pinagtatrabauhan. "Tama ka naman, kahit tayo lang ang nakakita sa ginawa niya sa batang nurse na iyon ay napahiya pa rin ang kasamahan mo na iyon." Muli niyang ibinalik ang tingin sa kalsada. Sa sobrang pagkainis ni Leigh kay Hunter sa inasal nito kay Zib, napagpasyahan niya at ng ama na umuwi na lang. "Patagong bastos siya," bulong niya. "Kaya ba ayaw mo sa kaniya?" seryosong tanong ni Benjamin sa dalaga, at sandaling tinapunan ito nang tingin. "Yeah, I don't trust him, I don't trust Hunter." "I can't even imagine having a special relationship with that ill-mannered man," matigas na litanya ni Leigh. Mas lalo lang nadagdagan ang bwisit niya sa binatang iyon. At sa tingin niya ay hindi iyon mababawasan sa mga matamis nitong salita o kilos. "Scalpel." Maingat ngunit mabilis na inabot ni Nurse Marianne ang scalpel sa surgeon na si Leigh. Matapang na kinuha iyon ng dalaga, at sandaling tumigil. Kasalukuyan siyang nasa operating room para sa isang heart transplant ng isang batang babae. Ilang beses siyang nagpakalawa nang mabigat na paghinga. Hindi naman bago sa kaniya ang ganitong klaseng operasyon pero katulad noon ay lagi siyang tinutubuan ng kaba, lalo na't isang buhay ng tao ang nakasalalay sa kaniya, at sa kapwa doktor na kasama. Inilapit niya ang scalpel sa balat ng bata, may tiwala siya sa sarili, kakayahan at kasamahan. Magtatagumpay sila sa operasyon na ito. "Mrs. and Mr. Dawi!" bungad ni Leigh nang makalabas ng operating room. Maliksing tumayo ang magulang ng bata, at bumabaha ang takot sa mukha ng kapitan ang dalagang doktora. "Kumusta po ang anak ko?" mangiyak-iyak na tanong ng ginang. "Huwag na ho kayong mag-alala, ayos na po si Sam." "Talaga po?" tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Mrs. Dawi habang hindi matatawaran ang ngiti sa labi. "Opo, kaya huwag na po kayong umiyak. Successful ang heart transplant niya," Nakangiting saad ni Leigh. Bahagyang nagulat ang dalaga nang yakapin siya ng ginang habang umiiyak, at paulit-ulit siyang pinasasalamatan. Bilang ganti ay tinapik niya ang likod nito habang nakangiti kay Mr. Dawi na pinagmamasdan sila. Hindi niya talaga mailalarawan ang ligaya sa tuwing napapasaya niya ang mga kamag-anak ng mga pasyente dahil na iligtas niya sa bingit na kamatayan ang mga mahal sa buhay ng mga ito. Ito siguro ang pakiramdam na sinasabi sa kaniya noon ng yumao niyang ina. Ang nag-impluwensya kay Leigh sa larangan ng medisina. Dating doktora ang kaniyang ina, kahit na maraming kumukuhang pribadong hospital dahil sa maganda nitong performance ay minabuti nitong maglingkod sa isang pambulikong ospital. Gustuhin man ni Leigh na lumipat ay hindi naman niya kaya. Aamining ng dalaga na malaki ang sahod dito, na kailangan nilang mag-ama lalo na at dalawa na lang sila. Kaya ibinabawi na lang niya sa mga medical mission, isa o dalawang bees sa isang buwan para kahit papaano ay makatulong sa iba. Nang makapasok sa kaniyang opisina ay naabutan pa ng dalaga ang cellphone na nagvi-vibrate sa ibabaw ng mesa. "Hello?" agad na bungad ni Leigh sa unregistered number. "Hello? Is this Leigh Guanez?" tanong ng boses lalake sa kabilang linya. "Yes, sino po sila?" "Si PO1 Santiago po ito, narito po si Mr. Benjamin Guanez sa presinto," pagbibigay-alam nito. "What?!" gulantang na bulalas ng dalaga. Halos paliparin ni Leigh ang sasakyan para makarating lamang sa presinto. Abot-abot ang kabang bumabalot sa buong katauhan niya. Wala siyang ideya kung bakit o ano'ng dahilan, bakit mapupunta room ang ama? "H-hi. I'm Leigh Guanez, where's my Papa?" nanginginig ang boses niya nang magtanong sa front desk officer ng police station na pinasukan. "Doon po, Ma'am!" Itinuro ng pulis ang isang mahabang hallway. Lakad-takbo ang ginawa ng dalaga, nais na niyang makita ang ama para mapanatag kahit konti ang kabang bumabalot sa kaniya. "Leigh!" "Pa!" halos mapa-iyak siya nang makita ang ama na nasa loob ng rehas. Mabils na tumulo ang ilang luha ni Leigh nang lumapit doon. Hati sa pagitan ng awa, at pagtataka nang sipatin niya nang tingin ang kabuuan ni Benjamin. "W-what happened?" tanong niya habang nakakapit sa mga kamay ng ama na nasa bakal na rehas. "Pasensiya ka na," Nakayukong despensa nito. "Bakit kayo narito, Pa?" "Mr. Guanez, laya ka na!' Sabay na lumipad ang tingin nila sa isang officer na nagbukas ng kulungan. Bago muli silang nagkatinginan. "Sino'ng nagpiyansa sa akin?" takang tanong ni Benjamin. "Leigh." Napalingon ang dalaga, at napakurap siya nang makitang palapit si Hunter, may kasunod pa itong tila abugado. "Mr. Guanez, napiyansahan na kita. Kaya puwede ka nang lumabas," saad nito. Nag-arko ang mga kilay ni Leigh habang puno ng pagtatakang pinagmamasdan si Hunter. "Direktor, ano'ng ginagawa ninyo rito?" "I heard what happened to your father. So I decided to call Atty. Legaspi," kaswal na paliwanag nito. "You don't have to this," seryosong sagot ni Leigh. Hindi niya alam kung ano ba'ng dapat niyang maramdaman sa ginawa nito. At nagtataka siya kung paano nalaman ng binata ang nangyari dahil si Grace lamang ang sinabihan niya sa hospital nang umalis siya. Hindi kaya't pinakikiramdaman, at sinusundan lahat ni Hunter ang ginagawa niya? "Why not?" balik tanong nito habang nakalahad ang mga kamay. "I can take care of this matter. Problema namin 'to, problema namin ni Papa-" "Ang problema mo ay problema ko na rin Leigh," agap ni Hunter, at naglakad palapit sa dalaga. Sandaling sinulyapan si Benjamin bago muling itinuon ang mga mata sa maamo, at maliit na mukha ni Leigh. "You know that I like you and that means, I must take care of you and person who are close to you too," malambing na pagdiga nito sa kaniya habang namumungay ang mga mata. Naramdaman pa ni Leigh ang pasimpleng paghawak nito sa braso niya. Napatingin siya sa mga kamay nito bago muling sinalubong ang tingin ni Hunter. Infairness naman, nakaramdam siya kahit papaano ng kasiyahan sa ginawa nitong pagpapahalaga sa ama. Ngunit may namuo na naman takot sa puso ng dalaga. Paano kung manghingi ito ng kapalit sa ginawa nitong pagpalaya sa amang si Benjamin?"P-Papa," sambit ni Lewis."Yes, son. I'm your Papa," doon na tuluyang bumigay ang kaniyang mabigat na emosyon.Dinutdut ng anak niya ang luha sa kaniyang pisngi. Tiningnan niya si Leigh bago sila sabay na tumawa.Kung may makakita man sa kanila ngayon ay aakalaing mga baliw sila.Natawa sila kasabay ng mga luha."Narinig mo? He called me Papa?" anang ni Leonardo sa kaniya.Tumango si Leigh.Tila hinaplos ang puso niya nang makita kung paano yakapin nito ang kanilang anak. Walang kasing-higpit iyon. Ang mga braso nito ay pilit na kinukulong si Lewis.At nang mag-angat ang binata, at nasilayang pinanonood lamang sila ni Leigh ay awtomatikong iginaya rin ito ng braso niya palapit.Saglit na nilayo ni Leonardo ang mukha sa anak para halikan ang babaeng nagbigay nito sa kaniya. Isang matagal na halik sa pisngi ang ginawa niya. Pagkaraan muling niyapos nang ubod nang higpit ang dalawang pinakamahalaga sa buhay niya.Napatingala siya sa langit.Hindi niya inasahang ganito ang mararamdaman n
"Naku, Mare!"Sandaling napapikt siya nang marinig ang malakas na boses ni Grace. Kasalukuyan siyang nagmamaneho pauwi sa kanilang bahay."Buti napatawag ka," dagdag pa nito sa masayang himig."Oo nga, medyo busy lang dito. I-invite sana kita, as well as Amber. Tommorow, magbiyahe na kayo para matulungan ninyo ako sa preparation ng birthday," anang niya."Oo naman! G, kami riyan!"Napangiti si Leigh sa sigla ng boses ni Grace. Kahit may isang taon nang magkahiwalay ay hindi pa rin nagbabago ang closeness nilang dalawa.May pagkakataon na ito ang bumibisita sa kanila, at sobrang na-a-appreciate niya ang butihing kaibigan."What about Amber?" tanong niya nang lumiko ang kaniyang sinasakyan."Excited na excited na nga, e!""After this, puntahan ko na siya sa opisina niya.""Thank you, girls. Ingat kayo sa biyahe.""A, wait, Leigh!"Hindi niya tuluyang hinubad ang earphone na nakalagay sa isang tainga, at pinakinggan ang sasabihin pa ni Grace."Narinig mo na ba, napatawan na ng gulity si
Marahang iminulat ni Leonardo ang mga mata. Puting kisame ang bumungad sa mga nanlalabong paningin niya.Ramdam pa niya ang kirot sa likod ng kaliwang balikat. Iginala ng binata ang mga mata, siguradong wala pa siya sa langit."Leonardo!"Awtomatikong yumakap si Maricel sa anak."M-ma," hirap niyang aniya."Kumusta na ang pakiramdam mo?" Umiiyak na tanong ng kaniyang ina.Pinilit niyang bumangon paupo habang yapos-yapos ni Maricel. Nang kumalas ito ay nakangiwing tiningnan niya ito."Ayos na ako, Ma.""Huwag na kayong umiyak," saad niya, at pinunasan ang mga luha nito.Saglit na sumilip si Leonardo sa likod ng ginang. Tila may hinahanap, napansin naman iyon ni Maricel."Si, si Leigh, Mama?"Nagkatitigan silang mag-ina.Lumunok siya, bago pilit na inayos ang pagkakaupo kahit na masakit pa ang buong katawan."Where is she?""Is she okay?" sunod-sunod na usisa ni Leonardo."Hey, kumalma ka," Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay.Bago sinalubong ang kaniyang tingin."Ayos lang siya."Nap
Humahangos si Leigh at Maricel habang tulak-tulak ang rolling bed kung saan sakay, at nakahiga ang walang malay na si Leonardo.Hindi niya na-imagine sa buong buhay niya na puwedeng matakot siya nang ganito. Ni hindi humihinto ang mga luha niya sa pagtulo. Hawak-hawak niya ang kamay ng binata."Dr. Guanez!" gulat na sambit ni Dr. San Juan.Agad niyang hinawakan ito sa magkabilang kamay. Tensyonadong tinitigan niya sa mga mata ang kapwa doktora."Amber, please. Save him," Iyak niya.Takang sinulyapan nito ang nakahigang si Leonardo."Take him to the operating room," mando nito sa mga nurse bago siya binalingan.Hinigpitan ni Amber ang kapit sa mga kamay niya. Kabado ito pero pinanatili ang pagiging pormal."I will do everything, Leigh for Leonardo."Tumango siya, binitiwan ng kasamahan ang kamay niya, at nagmamadaling sumunod sa loob."Leigh," tawag ni Maricel."Mama," mas lalo lamang siyang napaiyak nang mapaharap sa biyenan.Nagyakap sila nito habang parehong umaagos ang mga luha. Ra
"Hu-hunter," hirap hiningang aniya ni Leigh.Nakabalibid sa leeg niya ang wire ng telepono. Nakasampa sa kaniya si Hunter habang nagdidilim ang mukha nito, at determinadong malagutan na siya ng hininga. Gamit ang pananakal ng kable ng kanilang telepono.Namumula siya habang nagkakaroon ng paninikip ng dibdib. Labas na rin ang mga ugat niya, at unti-unting lumalabas ang dila.Naroon ang kanyang mga nangingimay na mga kamay sa kamao nito na pilit sinisikipan ang pagkakatali ng kable sa leeg niya.Sinusubukang niya iyong pigilan pero walang lakas ang kaniyang mga kamay.Tumulo ang mga luha ni Leigh.Ito ba ang kabayaran ng nagawa niyang kasalanan?Ito na ba ang katapusan ng masalimuot niyang buhay?Sa kamay talaga ng asawang napilitan lamang siyang pakasalan?Sa kamay ng lalakeng kahit kailan hindi niya minahal dahil wala siyang makitang kamahal-mahal sa bawat pagkakataon na ibinibigay rito?Paano kung may buhay nga sa tiyan niya?Kakayanin ba niyang madamay ito?Bunga pa naman iyon ng t
"Hunter!"Naroon na agad si Leonardo. Pilit na inaalis ang matatag na mga kamay ng asawa sa leeg niya. At nang nagtagumpay ito ay ang binata naman ang binalingan.Isang suntok ang natamo nito dahilan para bumagsak."Leonardo!" tili niya.Awtomatikong hinawakan ni Hunter ang magkabilang kwelyo ng binata, at walang habas na itinaas.Magkaharap ang mukha ng mga ito."Hanggang kailan mo ba ako aagawan?""Una, sa pamilya ko.""Tapos ngayon, sa asawa ko?""You are such a worthless bitch, Leonardo!""It's better for you to die kaysa mabuhay nang sinisira ang buhay ko!""Hunter!" sigaw ni Leigh nang bigyan na naman sa sikmura si Leonardo na nakapagpayuko ng katawan nito.Kahit walang lakas ay nagtungo siya sa nagwawalang asawa. Nagbabakasakaling mapapakalma ito.Hinawakan niya sa braso si Hunter nang akmang lalapitan ang binatang nakayuko, at iniinda pa ang suntok.Hingal na hingal, at poot na poot ang anyo nito nang maharap sa kaniya."Hunter, please. Tama na," humagulgol na pakiusap ni Leig