LOGINMAKALIPAS ang pitong taon, tahimik at payapa ang umaga ko kaya naman naisipan kong maglakad na lang papunta sa trabaho ko.
Minsan ay nakakagaan din sa pakiramdam ang sinag ng araw sa balat tuwing umaga dahil mas ginaganahan akong simulan ang araw ko ng may ngiti sa aking mukha. Walking distance lang naman mula sa bahay namin ang café na pinagtatrabahuhan ko kaya naman mabilis lang din akong nakarating doon. Hindi pa man ako nakakapasok ay napansin ko na mula sa labas na may commotion sa loob ng café. Kaagad akong nagmadaling pumasok sa glass door at nagitla ako nang mapahiyaw ang isa sa mga waitress sa café. Mabilis akong naglakad papunta sa lamesa kung saan nagaganap ang kaguluhan. “T*nga ka bang waiter ka? Sa tingin mo ba gugustuhin kong uminom ng iced americano sa umaga? Ang sabi ko sa counter hot americano, hindi ba?” Aniya ng isang customer sa waitress, bakas sa mukha nitong galit na galit ito dahil mataas din ang tono ng kaniyang boses. Kaagad na kumunot ang noo ko habang inoobserbahan ang nangyayari sa pagitan ng waitress at ng customer sa café. Basang basa ang waitress pati na rin ang sahig dahil sinadyang itapon ng lalaki sa kaniya ang iced americano na inihatid ng dalaga sa lamesa niya. “S-sorry po, Sir. H-hindi ko po naalalang hot americano po pala ang in-order niyo. P-pero hindi naman po ata tamang itapon niyo sa akin yung kape...” Aniya nito habang pinapawi ang mga luhang tumutulo sa kaniyang magkabilang pisngi dala ng pagkapahiya nito sa maraming tao. “Aba't may gana ka pa talagang sumagot sa akin ngayon?! Hindi ba tinuturo sa inyo rito yung customer is always right? Kami ang boss niyo rito! Kung wala kaming mga customers niyo, matagal ng sarado ang café niyo at wala ka na ring trabaho! Umalis ka na nga sa harapan ko—” “I don't really think that the owner of this café believes in the saying 'Customer is always right', Sir. There are circumstances like this one wherein people like you abuse rights as a customer. Also, you don't even have a bit of right to disrespect employees or anyone here...” Mabilis akong nakisali sa usapan nang ang lalaking customer ay magtangkang itulak ang empleyado. Agad kong hinila ang dalaga papunta sa likuran ko at ako ang humarap sa barumbado at galit na galit na customer. “At sino ka naman sa tingin mo para sumabat sa usapan naming dalawa? Empleyado ka lang din ba rito? Ka-trabaho mo ba ‘yan? Ganito ba talaga ang pamamalakad niyo sa café na 'to? Tignan niyo nga itong kahihiyang ginagawa niyo sa akin ngayon!” Pag-iiskandalo pa nito at mas sinasadyang kunin ang atensyon ng ibang mga customers sa loob ng café. Nagbulungan ang mga ito at napapailing pa dahil sa mali at hindi makatarungang ikinikilos ng lalaki. “There's no reason for you to raise your voice at us, Sir. I can hear you well. Kung may nakakahiya man po ngayon, it's definitely you and your sh*tty behavior.” Matapang na sagot ko rito at napatanga naman ito sa akin. Hindi agad ito nakapagsalita kaya dinuro ako nito habang may ekspresyon sa kaniyang mukha na tila ba hindi ito makapaniwala sa sinabi ko patungkol sa kaniya. “What do you mean I'm the embarrassing one here?! How dare you para sabihing shitty ang behavior ko when I'm just complaining about your employee getting my order wrong?!” “I know my employee got your order wrong but it doesn't give you the right to be rude towards her. You're harassing her, you even threw the coffee at her.” “Sumasagot pa sa akin ‘yan, eh. She deserves it. Anyway, so you're the owner of this café, huh?” “Yes, Sir. If you would give us a chance, We would like to make your order right this time. We're sorry for the inconvenience...” Magalang at nakangiting sagot ko rito at sinenyasan ko na ang empleyado kong mas lumapit pa sa akin. “Dapat lang, you should also compensate me for wasting my time pero hindi ko na gagawin ‘yon. I would like to give you some tips na lang. Ayusin niyo ang serbisyo niyo rito—” “But first, apologize to my employee.” Seryosong sambit ko rito at nabigla ito sa akin. Tinitigan ko ito sa kaniyang mga mata, hindi ako nagpatinag dahil wala naman akong dapat ikatakot sa kaniya. Pagak itong tumawa na para bang kahibangan ang sinabi ko sa kaniya. “At bakit naman ako mag-so-sorry sa kaniya? I didn't do anything wrong.” “It’s really obvious na may mali ka rin dito, Sir. Apologize for throwing the coffee at her and for being disrespectful.” “No, why would I?” “Are you sure about that? This is the last time I'm asking you to apologize…” “Yes, I'm absolutely sure—” “Okay, since you don't want to make this easier for us...” Sumilip ako sa pintuan ng café at sinenyasan ko ang guard na lumapit sa akin. Kaagad naman itong sumunod at lumapit sa akin. “Guard, paki-alalayan naman ‘to… Palabas ng café. Sobrang iskandalosa na kasi, eh...” Nakangisi kong pakiusap sa guard at kaagad ako nitong sinunod. “Hindi ako aalis dito! Customer ako rito— teka!” Hindi na ito nakapalag pa nang hilahin na ito papalabas ng guard. Nagulat ako nang ang mga tao sa loob ng café ay nagpalakpakan pagkalabas ng lalaki. “Serves him right!” “Tama lang na pinaalis na 'yon dito!” “Sobrang bungangero! Ang aga aga gumawa ng eksena!” “Pa-main character masiyado!” Kaniya-kaniya nilang opinyon at kaagad naman akong nagpaumahin sa kanila dahil naabala ang pagkakape nila sa café. “I apologize po for disturbing your peaceful mornings... Para makabawi po, we will give a free cookie to all dine-in customers today, thank you...” Pagbibigay alam ko sa mga ito at mas lumakas pa ang palakpakan nilang lahat. Kaagad kong inalalayan papunta sa loob ng staff room ang empleyado kong basang basa ang damit dahil sa itinapon sa kaniyang kape. “Ayos ka lang ba? Hindi ka ba sinaktan nung lalaking ‘yon?” "Yes po, Ma'am... Ayos lang po ako. P-pasensya na po talaga kayo...” “It's okay. Lahat tayo nagkakamali pero never dapat 'yon maging dahilan para magkaroon ng karapatan ang ibang tao na maliitin ka...” Nakangiting usal ko rito habang inaalo ito at saka ko siya inabutan ng isang pack ng tissue. “Magbihis ka na rito at basang basa ka na. Kaya mo pa bang mag-duty o gusto mo na munang magpahinga?” “Kaya ko pa pong mag-duty, Ma'am. Thank you po...” Tumango ako rito bilang sagot at kalauna’y lumabas na rin ako sa staff room. Bumalik na sa normal ang operation ng café at napangiti na lamang ako nang makita kong kahit maaga pa lang ay halos mapuno na ulit ng mga customers ang loob ng café. Malaki ang pasasalamat ko na hindi naapektuhan sa nangyari kanina ang café. Nagpunta muna ako sa cashier para tignan kung ayos lang ba ang lahat o kung ano ang mga kulang sa café. “Hi, Miss busangot...” Saktong patapos na ako mag-check ng cashier nang may tumawag sa atensyon ko. Kaagad akong nag-angat ng ulo para makita kung sino ang nasa harapan ko. “Uy, ikaw pala 'yan!” Nakangiting bati ko kay Luke nang makita ko ito. Ngumiti ito sa akin habang may pilit itinatago sa kaniyang likuran kaya naman napangisi ako dahil alam ko na kung ano ang tinatago niya roon. “Look who's here with me?” “Hello, Mama!” Panggugulat sa akin ni Ryuta at lumabas na ito sa pagkakatago mula sa likuran ni Luke. Kaagad akong lumapit dito at niyapos ko ang bata. Malawak ang ipinakita na ngiti nito sa akin kaya naman ang singkit nitong mga mata ay halos nakapikit na. “What are you doing here, baby? You kulit your Nongnong again para isama ka niya rito sa café, 'no?” “Yes po, hihi...” Natatawa nitong sagot sa akin kaya naman hinalikan ko ito sa pisngi niya bago tumayo para kausapin si Luke. “Kumusta naman ang business?” “Ay nako, kanina may nag-aamok na customer ang aga-aga...” “Weh? Sayang at hindi ko siya naabutan, kung hindi...” “Sus, bakit? Ano namang gagawin mo kung naabutan mo yung nag-aamok?” “Ganito lang naman.” Natawa na lamang ako nang sumuntok ito sa hangin. Ginaya pa siya ng inaanak niya kaya naman napailing na lamang ako. “Bakit mo pala sinama si Ryuta rito? Saan na naman ba ang punta ninyong mag-ninong?” “Sumama sa akin nung nagpunta ako sa inyo, eh. Alam mo namang hindi ko natitiis ‘yan. By the way, ayos na yung door knob niyo sa banyo...” “Thank you, maaasahan ka talaga...” Nakangiting pagpapasalamat ko kay Luke at nag-thumbs up naman si Ryuta sa ninong niya. “Anong thank you? Bayaran mo ko…” Natatawang usal nito habang inilalahad ang kamay niya sa akin. Pinalo ko ang kamay nito at saka umirap. “Oo na, send ko na lang sa Gc*sh mo yung payment later…” “Okay. Ryuta, where do you want to go with your most handsome and kind Nongnong?” Tanong ni Luke sa anak ko at nagkunwari akong naduduwal kaya naman natawa ito. Nag-isip naman si Ryuta kung saan niya gustong pumunta kasama ang ninong niya. “Mama, do you have free time? Tapos na ba work niyo po here? I want you to come with us ni Nongnong po…” Nagpapa-cute na tanong sa akin ni Ryuta kaya naman binuhat ko ito at saka hinalikan sa pisngi. Humalik din ito sa pisngi ko kaya naman mas napangiti ako. “Why, baby? I think Mama is free naman po today. Where do you want to go?” “I miss Ryuji today, Mama…” My smile slowly faded away when I heard Ryuji’s name out of Ryuta’s mouth. Luke intently looked at me so I just forced myself to smile even though tears started to form in my eyes. “You miss your twin brother? Let's go to him… Mama misses him too…”HIDEO'S POV AFTER two days of staying at my family's house, I decided to return to the condo to check on Janella. I finally found the peace I wanted since she didn't text me once while I was away from her. I parked my car and took the elevator to my condo floor. When I got to the door, I entered my password and walked in, but I didn't see Janella anywhere. "Janella?" Pagtawag ko sa pangalan ni Janella habang hinahanap ko ito sa loob ng kwarto pero hindi ko ito mahanap at makita kahit saan. Lumapit ako sa kama nang mapansin ko ang isang papel na nakatiklop doon. Nang tignan ko muna ang mga loob ng aparador ay doon ko nakitang wala na ang mga gamit ni Janella doon. I think she already left the condo. I was dumb founded when I read Janella's letter for me. 'I've had enough of this. I'm going back to my parent's house. I'm so sick of how you treat me. I feel like I'm your mistress, waiting for you to come home just to make me feel crap again after seeing me. F*ck you, Hideo.
LUMIPAS ang ilang mga araw na nanatili lang ako at ang anak kong si Ryuta sa loob ng bahay nila Tito Hiroshi. May mga ilang beses na kinukulit ako ni Ryuta na lumabas naman kami ng bahay pero hindi ko muna ito pinagbibigyan at kalmado kong pinapaliwanag sa kaniya ang sitwasyon namin ngayon at kung bakit pansalamantalang hindi muna kami lalabas ng bahay. "Mama, why can't I go to school? I miss my classmates and teachers na..." Malungkot na turan sa akin ni Ryuta kaya naman ngumiti ako sa kaniya at kinandong ko ito sa mga hita ko bago ako sumagot sa tanong niya sa akin. "You can't go to school for a while lang naman, baby. I'm afraid kasi... remember that bad guy from the last time? I'm afraid he will see us again then hurt one of us. I don't want that to happen again, Ryuta. But Mama promises you by next week, you will go back to school na. Okay po ba 'yon?" Pagpapaliwanag ko nang maayos at kalmado kay Ryuta at tumango tango naman ito bilang sagot sa mga sinabi ko kaya naman
KINABUKASAN, unti unti kong binuksan ang mga mata ko nang hindi ko makapa si Ryuta sa tabi ko. Nang maimulat ko na ang mga mata ko ay saka ko lamang nakumpirmang wala na talaga si Ryuta sa tabi ko. Kaagad akong luminga linga sa buong kwarto dahil baka nagtatago lamang ito sa akin pero hindi ko talaga ito mahagilap sa kahit anong sulok ng kwarto. Tumayo na agad ako mula sa pagkakahiga at saka ko mabilis na itinatali ang magulo kong buhok dahil sa napasarap ang tulog ko kagabi. Nagmadali ako kaagad na makalabas ng kwarto at mabilis kong binuksan ang pintuan. Nahihirapan akong itali ang magulong buhok ko kaya naman bahagyang nakayuko ang ulo ko habang naglalakad ako. Hindi naman sinasadyang may nabunggo ako sa aking harapan dahil sa pagmamadali ko at hindi ko rin kasi masyadong kita ang dinadaanan ko. Mabuti na lamang at kaagad akong nasalo nito dahil kung hindi ay babagsak na naman ang pwetan ko sa matigas na sahig. 'Nasalo?! Akala ko, eh nabangga ko ang pader!' Nang mapagta
ZELICA'S POV "RYUJI!" Malakas na pagsigaw ko sa pangalan ng isa sa mga kambal na anak ko pero hindi ako nilingon man lang nito dahil naka-pokus ang atensyon nito sa bolang gusto niyang makuha sa gitna ng daan. "Ryuji, huwag! Come back here, anak!" Masyadong malayo ang distansya naming dalawa kaya nang habulin ko ito sa daan ay huli na ang lahat para masagip ko pa ang anak ko dahil bigla na lamang may dumating na humaharurot na sasakyan at sinalpok nito ang maliit na katawan ng anak ko. Nanlamig ang buong katawan ko sa nasaksihan ko at hindi na ako makagalaw pa paalis sa kinatatayuan ko kaya kahit na gusto kong tumakbo papalapit sa katawan ng anak ko ay hindi ko na 'yon magawa pa kahit na anong pilit kong gawin sa aking mga paa ay ayaw nitong gumalaw. "A-ahh!" "Zelica, anak!" Napasigaw ako at saka napabalikwas ng gising dahil sa masamang panaginip ko. Kaagad na lumapit sa akin si Nanay Felicity para aluin ako dahil sunod sunod na naglandas ang mga luha ko pababa sa aking
HIDEO'S POV I am currently driving my car to go to my parents' house because I forgot to bring some of my things with me last night. I just remembered right after I left the house and I was so tired to go back last night. Just before I left the condo, Janella started a fight with me after knowing that I intentionally did not bring her with me to the family dinner. I let out a heavy sigh as I am starting to get annoyed again just by remembering what happened earlier. ***** "How dare you make me wait for you all night, Hideo?! Tapos malaman laman ko na nagpunta ka pala sa family dinner without me?! Ano naman ang gagawin mo ngayon, ha? Aalis ka na naman nang hindi ko alam kung saan lupalop ka pupunta! Am I really nothing to you? Hangin lang ba ako sa mga mata mo?" Janella histerically said to me the moment she saw me about to walk out of the door. I immediately turned around to face her because I am actually aware she is mad at me right now. And there she is, pulang pula na
"ABA, anak mo nga talaga 'tong sutil na 'to at may gana ring lumaban sa akin. Dapat sa'yo tinuturuan din ng leksyon katulad ng nanay mong matigas ang ulo!" "Huwag!" Akmang sasampalin nito ang anak kong si Ryuta nang biglang may humawak sa kamay nito mula sa kaniyang likuran. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking pumigil kay Tatay Arthur upang hindi nito mapagbuhatan ng kamay si Ryuta. "Who the f*ck are you?" Inis na tanong ni Hideo sa aking ama at saka nito itinulak ang lalaki papalayo sa amin. Nawalan din ito ng balanse sa kaniyang katawan kaya naman bumagsak din siya sa sahig. "H-hideo..." Naluluhang pagtawag ko sa pangalan ni Hideo dahil hindi ko na alam ang gagawin pa kung hindi siya dumating ngayon. Hindi ko rin alam kung anong mga posibleng kayang gawin ng tatay ko sa aming mag-ina. Napatingin ito sa gawi ko dahil sa pagtawag ko sa kaniya. Kaagad itong lumapit sa akin habang hawak niya sa kamay ang hindi na matigil pa sa pag-iyak na si







