LOGIN“RYUJI! We're here na!”
Ryuta shouted his little brother's name as he ran towards Ryuji's tombstone. Luke lightly patted my back and I immediately wiped the tears falling on my cheeks. “I miss you so much, Ryuji! You visited me last night in my dreams, that's why me, Mama, and Nongnong went to see you today!” Masigasig na pagkukuwento ni Ryuta kay Ryuji habang maayos nitong inilalapag ang bulaklak na binili namin kanina para sa kapatid niya. “Hi, baby… We're happy to see you again… M-mommy misses you so much…” Naluluhang usal ko rito at marahan kong hinimas ang bawat letrang nakaukit sa lapida ni Ryuji. Kumandong sa akin si Ryuta at natatarantang pinunasan nito ang mga luha sa pisngi ko at saka bumulong sa akin. “Mama, why are you crying po? Baka po akalain ni Ryuji sobrang makulit na po ako kaya ka nagka-cry sa kaniya…” Malungkot na turan nito sa akin kaya naman natawa kaming dalawa ni Luke sa kaniya. “Huwag ka na kasing makulit lalo na kapag si Nanay Felicity mo lang ang kasama mo at nagbabantay sa'yo para hindi na mag-cry si Mama mo…” Usal nito kay Ryuta at kaagad naman itong tumango sa kaniya bilang sagot habang hinahalikan ako nito sa pisngi. Ilang oras din kaming nanatili sa puntod ni Ryuji bago namin naisipang umuwi na dahil padilim na rin at magsasara na ang sementeryo. Dahil hindi ako nakapagdala ng sasakyan ay hinatid pa kami pauwi ni Luke sa bahay. Lumipas lamang ang ilang minutong biyahe ay huminto na ang sasakyan ni Luke sa harapan ng gate namin at matiwasay kaming nakauwi sa bahay. Pagkababa ko sa kotse nito ay nagmamadali ring lumabas ng sasakyan si Luke at inunahan ako nitong buhatin papasok ng bahay ang natutulog na si Ryuta. Napangiti na lamang ako sa ginawa nito at nauna sa kanilang dalawang maglakad para buksan ang gate pati na rin ang main door namin. Umakyat kami sa second floor ng bahay patungo sa kwarto ni Ryuta. Marahang ibinaba ni Luke ang batang mahimbing nang natutulog sa higaan at kinumutan niya rin ito. “Pagod na pagod kakalaro si Ryuta kanina. Sa kotse pa lang, bagsak na siya kaagad…” Natatawang pagkausap nito sa akin habang nakatitig sa inaanak niya. Lumabas na kami sa kwarto ni Ryuta at bumaba na sa first floor ng bahay. Nauunang maglakad si Luke at bigla itong lumingon sa akin kaya naman napatingin ako rito. “I have to go now, Zelica. May pupuntahan pa ako…” “Aalis ka na? Hindi ka na mag-i-stay for dinner?” “Next time na lang ako sasabay sa inyo ni Nanay Felicity mag-dinner. Bye, see you next time…” Nakangiti nitong pamamaalam sa akin kaya naman tumango na lamang ako sa kaniya. “Thank you so much for today, Luke. I appreciate everything…” “No worries. Basta para sa inyong dalawa ni Ryuta…” Hinatid ko na ito papalabas ng gate namin at nang umandar na papalayo ang sasakyan nito ay bumalik na rin ako sa loob ng bahay. “Pasado na talaga…” “Ay p*wet ng kabayo! Mama naman!” Wala sa sariling naisigaw ko dahil sa pagkabila nang biglang magsalita si mama mula sa gilid ko. Nakangisi ito sa akin habang magka-krus ang magkabilang braso sa dibdib niya. “Alin ang pasado na, Mama?” “Pasado na para sa akin na maging son in law ko si Luke…” “Si Mama naman, eh!” “Bakit? Hindi mo pa rin ba nahahalatang may gusto sa'yo ‘yang si Luke?” “Mama naman, mabait lang talaga si Luke lalo na at ginawa ko siyang Ninong nina Ryuji at Ryuta…” “Ay sus! Sa loob ng pitong taon, sa tingin mo lahat ng mga ginagawa ni Luke para sa inyong mag-ina ay dahil lang sa Ninong siya ng anak mo? Alam na alam ko ‘yan, eh! Ang tagal na niyang nagpapahiwatig sa'yo pero manhid ka lang talaga…” “Ay nako ka talaga, Mama… Matalik na kaibigan ko lang talaga si Luke at saka mabait lang talaga yung taong ‘yon… Lalo na at alam niya rin ang pinagdaanan ko nitong mga nakaraang taon…” Nakangiting usal ko kay mama kaya naman natahimik na ito at hindi na nangulit pa. Bumuntong hininga na lamang ito sa akin bago magsimulang maglakad papuntang kusina namin. “Malaki ka naman na kaya bahala ka nang magdesisyon para sa sarili mo… Tara na at maghapunan na tayong dalawa para makapagpahinga ka na rin…” Aya nito sa akin kaya naman naglakad na rin ako para sumunod sa kaniya papuntang kusina. Marami pa kaming napag-usapan ni mama habang kumakain bago namin napagpasyahang umakyat para makapagpahinga at matulog na. Matapos kong linisin ang katawan ko at gawin ang mga bagay na kailangan kong gawin ay dumiretso na ako papunta sa kwarto ni Ryuta dahil gusto kong matulog katabi ang anak ko ngayon. “M-mama?” Tawag nito sa akin nang maalimpungatan ito dahil tumabi ako sa kaniya sa kama. Kaagad ko naman itong hinele dahil mababaw lang talaga itong matulog ngunit mabilis din naman siyang makagawa ulit ng tulog. Ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay malalim na ulit ang pagkakatulog ni Ryuta. Napayakap ako kay Ryuta at marahan kong hinaplos ang ulo nito habang pinagmamasdan ko ang tila anghel sa amo nitong mukha. “Kung hindi lang sana nangyari ‘yon, kasama pa natin sana ang kambal mo…” Naluluhang turan ko dahil bumabalik na naman sa aking ala-ala ang mga nangyari sa nakaraan na kahit anong pilit ko ay hindi na mabubura sa aking isipan. Kaagad kong pinunasan ang mga tumulong luha sa aking pisngi dahil baka magising si Ryuta at makita ako nitong umiiyak. Papikit na sana ako pero tumunog pa ang cellphone ko kaya naman inabot ko ito sa side table. Nag-message pala si Luke sa akin. Luke: Zelica, gising ka pa ba? Zelica: Why? I'm about to sleep na. Luke: Just checking. I thought you're crying again, that's why I asked you. Zelica: You know me so well hahaha pero okay lang ako, Luke. Matutulog na rin ako since I'm sleeping with Ryuta tonight. Luke: Okay, good night and sweet dreams… Zelica: Good night din… Pinatay at ibinaba ko na ulit sa lamesa ang cellphone ko matapos kong magpaalam kay Luke. Napangiti na lamang ako dahil sa pagiging mabuti nito sa aming pamilya Magmula kasi nang mabuntis ako hanggang sa paglaki ni Ryuta ay nasa tabi ko ito para tulungan ako. Bumalik sa aking isipan ang naging usapan namin ni mama kanina sa baba. Hindi naman siguro totoong may gusto si Luke sa akin dahil sino ba namang magkakagusto sa isang babaeng may anak na? Alam niya lang kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko kaya nagiging mabuti ito sa amin. “Malabo…” Naiusal ko na lamang sa sarili ko at pinilit kong tanggalin sa isip ko ang tungkol sa bagay na ‘yon. Kaibigan lang talaga ang turing ko kay Luke at alam ko sa aking sarili na hindi ko kayang ibigay ang higit pa roon.HIDEO'S POV AFTER two days of staying at my family's house, I decided to return to the condo to check on Janella. I finally found the peace I wanted since she didn't text me once while I was away from her. I parked my car and took the elevator to my condo floor. When I got to the door, I entered my password and walked in, but I didn't see Janella anywhere. "Janella?" Pagtawag ko sa pangalan ni Janella habang hinahanap ko ito sa loob ng kwarto pero hindi ko ito mahanap at makita kahit saan. Lumapit ako sa kama nang mapansin ko ang isang papel na nakatiklop doon. Nang tignan ko muna ang mga loob ng aparador ay doon ko nakitang wala na ang mga gamit ni Janella doon. I think she already left the condo. I was dumb founded when I read Janella's letter for me. 'I've had enough of this. I'm going back to my parent's house. I'm so sick of how you treat me. I feel like I'm your mistress, waiting for you to come home just to make me feel crap again after seeing me. F*ck you, Hideo.
LUMIPAS ang ilang mga araw na nanatili lang ako at ang anak kong si Ryuta sa loob ng bahay nila Tito Hiroshi. May mga ilang beses na kinukulit ako ni Ryuta na lumabas naman kami ng bahay pero hindi ko muna ito pinagbibigyan at kalmado kong pinapaliwanag sa kaniya ang sitwasyon namin ngayon at kung bakit pansalamantalang hindi muna kami lalabas ng bahay. "Mama, why can't I go to school? I miss my classmates and teachers na..." Malungkot na turan sa akin ni Ryuta kaya naman ngumiti ako sa kaniya at kinandong ko ito sa mga hita ko bago ako sumagot sa tanong niya sa akin. "You can't go to school for a while lang naman, baby. I'm afraid kasi... remember that bad guy from the last time? I'm afraid he will see us again then hurt one of us. I don't want that to happen again, Ryuta. But Mama promises you by next week, you will go back to school na. Okay po ba 'yon?" Pagpapaliwanag ko nang maayos at kalmado kay Ryuta at tumango tango naman ito bilang sagot sa mga sinabi ko kaya naman
KINABUKASAN, unti unti kong binuksan ang mga mata ko nang hindi ko makapa si Ryuta sa tabi ko. Nang maimulat ko na ang mga mata ko ay saka ko lamang nakumpirmang wala na talaga si Ryuta sa tabi ko. Kaagad akong luminga linga sa buong kwarto dahil baka nagtatago lamang ito sa akin pero hindi ko talaga ito mahagilap sa kahit anong sulok ng kwarto. Tumayo na agad ako mula sa pagkakahiga at saka ko mabilis na itinatali ang magulo kong buhok dahil sa napasarap ang tulog ko kagabi. Nagmadali ako kaagad na makalabas ng kwarto at mabilis kong binuksan ang pintuan. Nahihirapan akong itali ang magulong buhok ko kaya naman bahagyang nakayuko ang ulo ko habang naglalakad ako. Hindi naman sinasadyang may nabunggo ako sa aking harapan dahil sa pagmamadali ko at hindi ko rin kasi masyadong kita ang dinadaanan ko. Mabuti na lamang at kaagad akong nasalo nito dahil kung hindi ay babagsak na naman ang pwetan ko sa matigas na sahig. 'Nasalo?! Akala ko, eh nabangga ko ang pader!' Nang mapagta
ZELICA'S POV "RYUJI!" Malakas na pagsigaw ko sa pangalan ng isa sa mga kambal na anak ko pero hindi ako nilingon man lang nito dahil naka-pokus ang atensyon nito sa bolang gusto niyang makuha sa gitna ng daan. "Ryuji, huwag! Come back here, anak!" Masyadong malayo ang distansya naming dalawa kaya nang habulin ko ito sa daan ay huli na ang lahat para masagip ko pa ang anak ko dahil bigla na lamang may dumating na humaharurot na sasakyan at sinalpok nito ang maliit na katawan ng anak ko. Nanlamig ang buong katawan ko sa nasaksihan ko at hindi na ako makagalaw pa paalis sa kinatatayuan ko kaya kahit na gusto kong tumakbo papalapit sa katawan ng anak ko ay hindi ko na 'yon magawa pa kahit na anong pilit kong gawin sa aking mga paa ay ayaw nitong gumalaw. "A-ahh!" "Zelica, anak!" Napasigaw ako at saka napabalikwas ng gising dahil sa masamang panaginip ko. Kaagad na lumapit sa akin si Nanay Felicity para aluin ako dahil sunod sunod na naglandas ang mga luha ko pababa sa aking
HIDEO'S POV I am currently driving my car to go to my parents' house because I forgot to bring some of my things with me last night. I just remembered right after I left the house and I was so tired to go back last night. Just before I left the condo, Janella started a fight with me after knowing that I intentionally did not bring her with me to the family dinner. I let out a heavy sigh as I am starting to get annoyed again just by remembering what happened earlier. ***** "How dare you make me wait for you all night, Hideo?! Tapos malaman laman ko na nagpunta ka pala sa family dinner without me?! Ano naman ang gagawin mo ngayon, ha? Aalis ka na naman nang hindi ko alam kung saan lupalop ka pupunta! Am I really nothing to you? Hangin lang ba ako sa mga mata mo?" Janella histerically said to me the moment she saw me about to walk out of the door. I immediately turned around to face her because I am actually aware she is mad at me right now. And there she is, pulang pula na
"ABA, anak mo nga talaga 'tong sutil na 'to at may gana ring lumaban sa akin. Dapat sa'yo tinuturuan din ng leksyon katulad ng nanay mong matigas ang ulo!" "Huwag!" Akmang sasampalin nito ang anak kong si Ryuta nang biglang may humawak sa kamay nito mula sa kaniyang likuran. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking pumigil kay Tatay Arthur upang hindi nito mapagbuhatan ng kamay si Ryuta. "Who the f*ck are you?" Inis na tanong ni Hideo sa aking ama at saka nito itinulak ang lalaki papalayo sa amin. Nawalan din ito ng balanse sa kaniyang katawan kaya naman bumagsak din siya sa sahig. "H-hideo..." Naluluhang pagtawag ko sa pangalan ni Hideo dahil hindi ko na alam ang gagawin pa kung hindi siya dumating ngayon. Hindi ko rin alam kung anong mga posibleng kayang gawin ng tatay ko sa aming mag-ina. Napatingin ito sa gawi ko dahil sa pagtawag ko sa kaniya. Kaagad itong lumapit sa akin habang hawak niya sa kamay ang hindi na matigil pa sa pag-iyak na si







