Share

Chapter 4.1 Real Jack The Ripper

Xyra Pov 

Malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan habang linilibot nang tingin ang kabuoang police station.

Sa paglalakad ko papasok, tila naging normal na sa pandinig ko ang kanya-kanyang ingay na pagtitipa ng keyboard sa computer, mga nagsisikalat na mga basurang papel na hindi naitapon ng tama sa basurahan at sandamakmak na mga paper files na nakalagay sa kanya-kanyang desk.

Sa loob ng limang taon na paninilbihan ko bilang isang pulis, masasabi ko na isa na sa naging pangalawang bahay ko ang police station.

Halos araw-araw dito na 'ko natutulog lalo na kapag meron akong kasong hinahawakan.

" Good noon maam!" 

" Zup buddy!"

 Isa yan sa mga naririnig kong pagbati na nakapag balik sa'kin sa ulirat. 

Karamihan sa mga nakasalubong ko ay ang mga kasamahan ko na galing sa crime detection and investigation department kaya tanging mumunting ngiti nalang ang naging sagot ko sa kanila 'tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

Hanggang sa makasalubong

ko si Sergeant Rey Chavez.

Malayo palang kita ko na ang mga ngiti niya na namumutawi sa kanyang mga labi.

Isang ngiting kinahuhumalingan ng mga binabae at kababaihan.

Masasabi na napakaperpekto ng kanyang mukha mula sa buhok na araw-araw niyang inaayos pababa sa napaka perpektong hubog ng kanyang katawan na halatang alaga sa gym. 

Nakapagdagdag pa sakanyang karisma ang mala tsinito niyang mga mata at mga labing kasing pula ng mansanas na aakalain mong linalagyan ito palagi ng lipstick.

Napakaganda ng kaniyang tindig lalaking lalaki na kahit sino ay mapapalingon kapag nakasalubong ang ganitong klaseng nilalang.

 "Liutenant Tayco are you okay?" 

 "Hey!" napatigil ako sa pagkakatulala ng medyo napalakas ang pagtawag niya sakin.

"hmmm…you look stressed? Liutenant, you also need to take a rest," buong pag alala nitong saad na nakapagparamdam sa'kin ng isang banayad na haplos sa aking puso.

"By the way Liutenant tamang tama nagkasalubong tayo ngayon pinapatawag ka pala ni hepe."Nakangiting tapik nito sa'king balikat kaya napatango nalang din ako dito 'tsaka nagmadaling umalis papunta sa direksyon ng opisina nang aming hepe.

Pagkarating ko sa pinto ng opisina agaran akong kumatok ng tatlong beses sabay sabi nang

 " Second liutenant Xyra Tayco permission to enter your office sir!" 

Maya-maya bigla itong bumukas at bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ng aming hepe kaya madalian ako ditong sumaludo bilang pag galang sa nakakataas.

"Oh your here hija halika! pasok ka!"nagagalak nitong akay sa'kin papasok ng kanyang opisina.

"Hija we had a visitor Mr.Zander Montenegro! "natutuwang pagbibigay alam ni hepe na ikina awang ng aking bibig ng makita ko nga siyang prenteng nakaupo sa upuan.

Sa loob ng isang buwan na nagtalo kaming dalawa ay kailanman hindi na kaming muli pang nagkita.

Nakagawa na din ako ng report tungkol sa nasagap kong impormasyon at ongoing na ang imbestigasyon tungkol sa kanyang ama.

"It's nice to see you again lieutenant!" nakangiting tumayo ito at inilahad ang kanyang kamay.

"Nice to see you too Mr.Montenegro."napipilitang inabot ko ang kanyang kamay habang  nagtatakang binalingan ng tingin si hepe.

"Mr.Montenegro! Lieutenant! come and have a seat!"malugod na inilahad ni hepe ang kanyang mga kamay sa dalawang bakanteng upuan na kaagad din naming sinunod.

Nang makaupo na kaming dalawa ay rinig ko ang mahihinang tikhim mula sa kay hepe bago siya sumeryoso ng upo sa aming harapan. 

"Mr. Zander Montenegro wants to clear his family reputation sinabi niya sa'kin na alam niya na kong sino ang tunay na Jack the Ripper tama ba Mr.Montenegro?"seryosong pinagsalikop nito ang kanyang mga kamay at binalingan ng tingin si Mr.Montenegro.

"Yes! I investigate my father's  whereabouts and check all the personal records of his associates 

which later I figured it out that attorney Wartskis is an orphan kid and his biological father is Doctor Richard McGill who do malpractice operation towards my late grandfather Alexander Montenegro and because of that doctor McGill was getting trolled and received negative criticism that made him end his own life."nakailang buntong hininga na kwento nito samin 'tsaka inilagay saming harapan ang isang brown envelope.

Kaagad itong kinuha ni hepe at inisa-isa inilabas ang bawat laman ng envelope.

Kaagad tumambad sa amin ang lahat ng personal records

ni atty.Robert Wartskis at napatunayan namin na totoo nga ang kanyang mga sinasabi.

"Also this!" kaagad niyang ipinakita sa'min ang isang recorder na kaagad niya itong pinindot para ipinarinig sa amin ang laman nito.

Narinig namin na pupuntahan ni Atty.Wartskis ang kanilang laboratory site bukas ng gabi para e check ang ginawa nilang virus na tinatawag nilang black death.

Sa mga ipinakita niyang ebidensya sa'min ay nakasigurado na kami na makakakuha na kami ng warrant of arrest laban sa tunay na jack the ripper.

"And I also gave Atty.Wartskis a fulgus nocturnus pen which I attached micro hornet tracking chip used to trace his location," muling pinakita nito sa'min ang isang tablet na kong saan makikita ang gps location ni atty.wartskis.

"Thank you for your cooperation Mr.Montenegro malaki ang naitulong mo sa amin!"masayang pagpapasalamat ni hepe sa kanya at akmang kukunin na sana ang tablet na hawak-hawak niya ng bigla niya itong ibinalik sa kanyang bag.

"Mr.Montenegro we also need that,"naguguluhang untag ni hepe sa kanya habang pasimply niya lamang itong binalingan ng tingin.

"Yeah! I know! but I just want to make sure and see it with my own eyes that the hell he plans for my father is the place he is gonna rot in. I will send his location tomorrow."Buong pagpapasyang turan nito at nauna ng lumabas sa opisina.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status