Share

Chapter 3.1 Accidentally met his parents

Xyra Pov  

Nagising ako sa sinag ng araw na dumadampi sa'king balat.

Kaagad akong napabangon at mariing ipinikit ang aking mga mata habang pilit inaalala ang mga nangyari sa'kin kagabi.

Nanumbalik sa'king isipan ang mga hindi kaaya-kaayang eksena na nangyari sa aming dalawa ni Mr.Montenegro.

Hanggang ngayon hindi ko parin sukat akalain na magtagpo ulit ang landas naming dalawa at magigising ulit ako sa isang hindi pamilyar na silid.

Tanging mararahas na buntong hininga ang aking pinakawalan at marahang itinukod ang aking mga kamay sa kama.

Bahagya kong kinuha sa bedside table ang aking bag at inayos muna ang aking sarili bago ko napagpasyahang maglakad-lakad sa buong silid.

Dahan-dahan akong nagtungo

 sa nakadisplay na mga antique figurines at paintings.

Iniisa-isa ko itong tinitigan ng malapitan hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang isang treasure clock na ang disenyo ay isang ibon na pinapakain ang kanyang mga inakay sa loob ng isang pugad.

Ang kabuoan ng treasure clock ay napapalibutan ng ibat ibang klase ng mga bulaklak at sa bandang paanan naman nito ay napapalibutan din ng ibat ibang uri ng limestones at gemstones.

"Glad you are now awake!"napasinghap ako sa gulat ng makarinig ako ng isang baritonong boses mula sa'king likuran.

Dahil sa sobrang focus ko sa pagtingin sa isang napakagandang orasan ay hindi ko namalayan ang pagpasok niya sa silid.

Nakangiting lumapit siya sa'king pwesto habang nakapamulsa.

Nakasuot siya ng isang gray v-neck t-shirt at shorts.

Nakalugay din ang buhok nito hindi kagaya ng una ko siyang makita.

"This is Patek phillip treasure nest clock! my mom gave me this. She believe that magpies is a messenger of good luck. She told me that if you see three magpies build there nest near your home it means your having a baby girl and if you see four or more it means your having a baby boy,"pagkukwentong itinuro nito sa'kin ang isang 

orasan na kanina ko pa tinititigan.

"Im sorry for bringing you here mi amore but I need to talk to you priva…"naputol ang dapat na sasabihin nito sa'kin ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang isang mestisang babae na nakasuot ng isang bulaklaking bistida.

"Ahmm! it seems like your having a beautiful morning my dear brother?" nakataas kilay na saad nito habang pabalik balik ang tingin sa'ming dalawa ni Mr.Montenegro.

Masasabi na girl version siya ni Mr.Montenegro ang kaibahan lang she had a small and delicate feature na makakagaanan mo kaagad ng loob.

"Hello! I am Zesna the youngest sister of this grumpy old man!" natatawang binilatan nito ang kanyang kuya na ikinasimangot nito.

"Why are you here? I thought you are in Paris?"takang tanong ni Mr.Montenegro sakanyang kapatid na ikinangiti lamang nito.

"Mom and dad wants a family breakfast! sissy! come on join us!"hyper na iwinasiwas nito ang kanyang kamay at mabilisang hinawakan ang magkabila naming kamay palabas ng silid.

"Amm….. Miss Zesna thank you for inviting me for breakfast pero kailangan ko ng umuwi," pilit na ngiting pagpapalusot ko dito at pasimpleng bumitaw sa kanyang mga kamay.

"But Captain Buensalido and co-pilot Zarraga are not here for the mean time sissy! they fetched Atty.Wartskis my father trusted lawyer,"malumanay na sagot nito at nauna ng humakbang pababa ng hagdan.

 Pero hindi ako natinag sa mga naging sagot nito kaya muli ko siyang hinabol.

"O…okay lang miss Zesna may iba pa bang masasakyan dito?"nahahapong tanong ko dito na ikinailing niya lamang.

"Sorry sissy, but this is a private place at tanging private aircraft lang ang masasakyan mo pauwi!"medyo nabubulol na sagot nito habang napapailing na binalingan ng tingin si Mr.Montenegro na tahimik lamang na nakasandig sa main door ng kanilang bahay.

"Join us for breakfast sissy! after this I will tell mom and dad about your concern. okay sissy?"malambing na turan nito at marahang hinawakan ang aking mga kamay palabas ng bahay.

"Mom and dad we're here!"isang masiglang sigaw ni Zesna ang namayani sa buong paligid ng hardin.

Bigla niyang binitawan ang aking mga kamay at agad siyang yumakap sa kanyang ina habang meron itong ibinubulong dito.

" Oh! we had a visitor! come! come! and have a sit let's eat breakfast!"kaagad na tumayo ang ina nila at malugod na nakipagbeso beso sa'kin habang pinaghila pa ako ng upuan.

"Thank you ma'am!"tanging tipid na ngiti ang aking pinakawalan at bahagyang binalingan ng tingin ang mga nagagandahang ibat ibang klase ng mga bulaklak sa buong paligid nito.

"Oh! drop the formality! just call me tita Isabelle or you can call me mom it's fine with me!"mapanudyong sagot nito na ikinangiti ko ng pilit.

"By the way mahilig ka ba sa mga bulaklak hija?"mahinhing lumagok si ma'am Isabelle sa kanyang kopita 'tsaka taimtim itong tumingin sa'kin na halatang nag hihintay ng sagot.

Napansin niya siguro ang panaka-nakang pagsulyap ko sa mga bulaklak.

"Opo ang tiyahin ko dati merong flowershop kaya bata palang ako nakahiligan ko narin ang mga bulaklak,"pagkwekwentong sagot ko sa kanya habang pasimpleng tinitigan sa malayuan ang mga nagagandahang ibat ibang klase ng mga rosas at bagong breeding ng geranium na ngayon ko lang nakita sa personal.

"Wow! thats good to know! we've both had the same likes hija!"pumapalakpak na saad nito 'tsaka mahinhin na sinenyasan ang katulong para lagyan ako ng pagkain sa'king plato.

 "What's your name hija?" pambabasag katahimikan na tanong ng ama ni Mr.Montenegro na kanina pang tahimik na nakamasid sa aming lahat. 

"I am Xyra tayco sir," nahihiyang sagot ko dito habang pakunwaring tinititigan ang aking pagkain.

 "She's Liutenant Xyra Tayco dad,"muling sabat ni Mr.Montenegro na ikina awang ng aking bibig dahil sa pagbanggit niya ng posisyon ko sa trabaho.

Akmang babalingan ko na sana siya ng tingin ng biglang magsalita ang ama nito.

"Oh! you are police officer! nice to meet you hija! you can call me tito Kallinski it's been a nice feeling for me that I had now two beautiful daughters!" Isang makahulugang saad ng ama nito habang panaka-nakang sinusulyapan ang isang papel na hawak-hawak ni Zesna.

"Oh diba dad? they are look the same," natatawang saad ni Zesna sa kanyang ama na kaagad naman nitong sinang ayonan.

"I really like this sketch portrait artist! brother, me I have his calling card? "Agaw pansin na tanong ni Zesna sa kanyang kuya na hindi mawala-wala sa mga labi nito ang mapang asar na ngiti.

Pansin ko ang biglang pagkunot ng noo ni Mr.Montenegro at akmang hahablutin na sana ang papel na hawak-hawak ni Zesna ng biglang may nagsalita sa'ming likuran.

"Good morning! It's seems like your having a family breakfast! I'm sorry for interrupting you all!" nakayukong pagpaumanhin ng isang lalaking nasa late thierties at mapapansin ang pagiging banyaga nito dahil sa kulay asul nitong mga mata.

"Oh! Atty.Wartskis! come and join us!" malugod na lumapit si ma'am Isabelle dito at muling sinenyasan ang katulong para paglagyan ito ng pagkain.

"Thank you ma'am but I am now in a hurry! Sir, Mr. chu urgently need you to sign this important documents." nakangiting lumapit siya sa harapan ni sir Kallinski at inilahad ang isang malaking brown envelope na merong  tatak na black panther sa gitna nito.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status