Share

Chapter 2 Enormous Tension

Xyra's POV

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa San Luis Bar ay rinig ko na agad ang musikang there's nothing holdin' me back by Shawn Mendes.

"Oy! Lieutenant long time no see maaga ka ngayon ah!" malugod na iwinasiwas ni mario ang kanyang kamay habang hawak ang isang bote ng champagne.

Si mario ang isa sa mapagkatiwalaang bartender sa bar na ito at bukod pa doon magaling siyang makipag usap sa mga customers.

Ngumiti ako sa kanya 'tsaka umupo malapit sa bar counter.

"Same order Lieutenant?"marahang lumapit siya sa'king pwesto habang nagpupunas ng kamay.

" No sampung shots nga ng El hombre tequila,"nakangiting sagot ko dito.

"Right away Lieutenant!" Masiglang bumalik siya sa kanyang pwesto at bihasang itinapon sa kanyang likuran ang isang bote ng tequila at sinalo ito ng kabila niyang kamay.

Namamangha ako sa bawat galaw na pinapakita niya sa'kin na halos kada punta ko dito ay paiba-iba siya ng estilo sa pagba bartending.

Kahit papaano pansamantala kong nakakalimutan ang naramdaman kong stress at problema sa naging palpak na misyon ko kagabi.

Bukod sa hindi ko nakita ng personal si Mr.Jack the Ripper naibigay ko pa sa lalaking nakilala ko lang sa bar na 'yon ang V card ko.

"Here you go Lieutenant, ten shots of El hombre tequila with lemon hope you like it!"Kaagad inilahad ni Mario sa'king harapan ang inorder kong inumin 'tsaka  binigyan ako ng isang saucer na merong lamang lemon at asin.

Tipid ko siyang nginitian at kaagad inisang lagok ang isang shot ng tequila.

Biglang nangunot ang aking mukha sa kakaibang init at lasa na dumadaloy sa'king lalamunan pero isinawalang bahala ko 'yon at binigyang pansin ang kabuuan ng bar.

Napansin ko na kakaunti pa lang ang mga taong nagiinuman dahil sa mag aalas tres palang ng hapon at maaga pa para mag inuman session.

Tanging sunod-sunod na lagok ang aking ginawa hanggang sa hindi ko   namalayan ang oras at mag alas otso na pala ng gabi.

Unti-unting dumarami ang mga taong pumapasok sa bar at halos dumagdag pa sa hilo ko ang malilikot na neon lights sa buong paligid.

"Hello miss byutipul tara punta tayo sa langit!" bigla akong nagulat sa pagsulpot sa harapan ko ng isang lalaking lasing at sapilitang hinihila ang aking kamay.

Kahit ramdam ko ang hilo ay pinilit ko paring tumayo ng tuwid 'tsaka pwersahan akong nakipaghilaan dito.

Aambahan ko na sana ng suntok ang lalaking lasingero ng biglang inunahan ako ng suntok ng isang lalaking hindi ko masyado maaninag ang mukha.

"Does bar hopping really your hobbies? are you really making fun with this kind of place didn't you?"naiinis na turan ng lalaking tumulong sa'kin.

Kahit na hindi ko masyado maaninag ang  mukha nito pero nakaramdam ako ng pangamba sa'king dibdib ng marinig ko ang pamilyar niyang boses.

Hindi ako pweding magkamali kahit sumasakit na ang aking sintedo sa sobrang pagkahilo ay ramdam ko parin ang kakaiba niyang presensya gaya ng una ko siyang makilala.

"Hey! answer me!"malakasang hinampas nito ang bar counter na nakapagpabalik sa'kin sa reyalidad.

Agad lumukob sa buo kong katawan  ang takot at kaba pero pinilit kong ipakita sakanya na hindi ako apektado.

"Mr...Mr. Montenegro, glad to see you here! I'm sorry hindi kita kaagad na kilala,"pilit na ngiti kong sagot 'tsaka umupo ulit sa'king pwesto.

"Why are you here?"magkasalubong kilay nitong tanong na para bang nahuli niya ako sa akto na merong ginagawang mali.

"Just….just doing my job isn't it obvious Mr.Montenegro? naghahanap ng lalaking papatol sakin,"pagpapalusot kong sagot habang iniinom ulit ang natirang shots ng tequila.

Nagpanggap akong babaeng bayaran kaya kailangan ko 'yon panindigan.

"Let's talk!"magkasalubong kilay nitong saad na halatang napipikon.

Sa mga nakikita kong reaksyon galing sakanya ay hindi ko mapigilang mapailing.

"Just a minute, come on let's talk privately!"marahas na hinawakan niya ang aking kaliwang kamay at sapilitan akong kinakaladkad palabas ng bar.

"F*ck! stop meddling us okay? she's my fiancee! " marahas na bulyaw nito sa mga taong concern at pilit  hinaharangan ang aming daanan.

Nang marinig nila ang mga pinagsasabi ni Mr.Montenegro ay kaagad silang nagsialisan at bumalik sa kanya-kanyang pwesto.

Pinilit kong sumigaw at sabihin sa kanila na hindi totoo ang kanyang pinagsasabi pero mas lalong 

lumakas ang musika at hiyawan ng mga taong nasa dance floor.

Napabuga ako ng hangin sa sobrang frustration.

Wala na akong iba pang choice kundi kailangan ko siyang labanan para makatakas.

Naghanap ako ng magandang tyempo at walang pakundangang pinilipit ang kanyang kamay at sinipa ang kanyang likuran na naging dahilan ng pagbagsak naming dalawa sa sahig.

Ramdam ko ang hilo sa'king pinag gagawa pero isinawalang bahala ko 'yon at nagmadali akong tumakbo para makatakas.

"F*ck! Lamont catch her f*ck!" kahit sa malayuan ay rinig ko parin ang malulutong nitong mura na para bang isang mabangis na tigre na handa akong lapain.

Kumaripas ako ng takbo papuntang parking lot pero sa hindi inaasahang pangyayari biglang may anim na kalalakihan ang humarang sa'king harapan.

Kaagad akong pumorma ng suntok habang naghihintay sa kanilang pagsugod ng biglang may yumakap sa'king likuran at mabilisang tinakpan ng panyo ang aking ilong.

Pinilit kong manlaban pero masyado na akong nanghihina sa klase ng gamot na aking nalanghap.

"I'm sorry mi amore but I need to do this."Tanging huling katagang narinig ko bago ako kusang makaramdam ng paninikip sa'king dibdib at tuluyang nawalan ng malay.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status