Share

Chapter 4

"Ano ba ang gagawin mo sa Canada, Janine?  Maayos naman ang trabaho mo dito?" tanong ng Mama niya habang nag-aalmusal silang tatlo ng kakambal niya.  Nagpaalam kasi siya na susunod sa kaibigan niyang si Gelai na isang taon nang nasa Canada ngayon bilang caregiver.  Magbabakasyon lang ang paalam niya pero  baka magtagal siya doon at mag-apply siya ng working visa kapag nakahanap siya ng trabaho. 

"Pupuntahan ko nga si Gelai, 'Ma.  Kasama ko si Dennis."

"Boyfriend mo ba ang Dennis na 'yun?"

"Hindi ho."

Nanliligaw si Dennis sa kanya pero noon pa niya nilinaw na wala talaga itong pag-asa.  At hindi naman nagbago ang pagkakaibigan nila sa kabila ng pagbasted niya dito. 

"Aba'y hindi pala pero ayan sasama ka sa lalaking 'yun nang mag-isa?  Hindi ka ba nahihiya sa sasabihin ng ibang tao?"

Napatingin siya kay Jane na dalawang linggo niya na ring iniiwasan pagkatapos ng engagement party nito at ni Patrick.  Nahihiya siya sa kapatid dahil buong akala nga ni Patrick ay ito ang naging katalik nito.  Nagkagulo pa nga ang mga katulong dahil may dugo daw sa bedsheet kinaumagahan.  Lalo tuloy pinagtibay ng pangyayaring 'yun na dapat magpakasal ang dalawa. 

Sumisikip ang dibdib niya sa alalahaning iyon.  Magkasama ang dalawa sa opisina kaya't dapat lang talaga na ayusin ng dalawa ang relasyon para na rin sa ikabubuti ng kumpanya.  Kaya mabuti na rin na mangibang bansa muna siya para na rin sa ikatatahimik niya.  Kinabukasan pagkatapos ng kasal ni Jane at ni Patrick ay lilipad siya patungong Canada.

"Eh di sasagutin ko ho, hindi na ba nakakahiya kapag gano'n?" Hindi niya alam kung sarkastiko ang pagkakabigkas niya ng mga salita.  Minsan lang siya sumama sa isang lalaki pero ang pangit na ng tingin ng ina sa gagawin niya.  Pero nakailang palit noon ng boyfriend si Jane at kung sino-sino ang kasama sa bar hanggang madaling araw, wala siyang narinig na masamang sinabi ang Mama niya. 

"Aba'y mabuti at nang makapag-asawa ka na rin.  Tingnan mo 'tong kakambal mo, ikakasal na.  Hindi ka ba naiinggit?"

Isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya.  Hindi lang inggit na inggit, selos na selos pa.  Kung bakit kasi sa dinami-dami ng lalaki ay kay Patrick pa siya kasi tinamaan.  At hindi rin niya alam kung bakit sa kabila ng pagiging kambal nila ni Jane, hindi nito maibaling ang pagtingin sa kanya eh magkamukha naman sila ng kakambal niya. 

"Darating din siya d'yan, 'Ma, huwag niyong i-pressure.  Ako nga eh hindi pa dapat magpapakasal eh."

"Aba, Jane, huwag na huwag kang aatras kung ayaw mong mademanda tayo ng mga Romano."

"Madedemanda?  Bakit naman madedemanda?"

"Hindi mo nga pala alam," paismid na wika ng kakambal niya.  "Nakadispalko kasi si Mama ng pera sa kumpanya kaya't ako ang ipinambayad."

"Ano?  Bakit, 'Ma?  Kailan pa 'to?"

"Ano ba kayo, para tatlong milyon lang 'yun eh.  Magkano ba ang shares natin sa kumpanya?  May twenty million naman tayo d'yan ah!" 

"Pero bakit kailangan niyong kumuha sa pera ng kumpanya, 'Ma?  Naghihirap na ba tayo?"

"E di nagsusugal.  Sama kasi ng sama sa mga amiga niya sa casino eh, ayan tuloy," sagot pa ulit ni Jane. 

"Ma... Walang mabuting idudulot sa inyo ang sugal.  Tigilan niyo na 'yan dahil hindi lang tatlong milyon ang susunod na maipapatalo niyo."

"Ano ba kayo, minsan lang ako maglibang ah!  Akala niyo ba madali ang buhay mula nang mamatay ang Papa niyo?"

Hindi na sila sumagot ni Jane.  Kapag ganoon ang drama ng Mama nila ay kasunod na ang pag-iyak.  Tinapos na lang niya ang pagkain para makaakyat na siya sa silid niya. 

Dalawang linggo na lang ay paalis na siya papuntang Canada.  Mabuti na lang dahil may nakahanda siyang passport dahil galing din sila ng ka-officemate niya sa San Francisco noong isang taon.  Kailangan talaga niya nang ibang environment kahit pansamantala lang.  Naka-indefinite leave din siya sa banko na pinapasukan hangga't hindi pa siya makapagpasya kung ano ang gagawin sa buhay niya.

She felt empty.  Lost.  And hurt. 

"Biglaan yata ang pag-alis mo, my dear twin sister."  Napalingon siya sa biglang pagpasok ni Jane sa silid niya.  .

"Hindi naman.  Last year namasyal din kami sa San Francisco, di ba?"

"I wish I could go with you.  Nababato na talaga akong magtrabaho sa opisina.  Idagdag pa na matatali na rin ako kay Patrick."

Isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya. 

"Alam mo bang pinipilit ako ni Patrick na dito matulog paminsan-minsan?"

"Ano?!" Dumagundong ang tibok ng puso niya dahil alam niya na ang kasunod nun.  "Bakit daw?  Hindi ba siya makakapaghintay pagkatapos ng kasal niyo?"

"Pinatikim mo ng sarap eh.  E di ayun, hinahanap-hanap."

"H-hindi ko sinasadya."  Kailangan niyang magsinungaling.  "E di ba lasing ako?  Ang himbing na mg tulog ko paggising ko nakadagan na siya sa 'kin."

"Okay lang 'yun, ano ka ba..." Tumawa pa ito sa pagiging defensive niya.  "Basta nag-enjoy ka din dapat.  Basta walang makakaalam ha?  Sikreto lang nating dalawa 'yun."

"Hindi ka galit?"

"Of course not!  Una, hindi pa naman kami kasal.  Kumusta ang performance niya?  Totoo ba 'yung sinabi ko na malamya siya sa kama?"

"Hoy, ano ka ba!  Malay ko ba eh madilim?  At saka antok na antok talaga ako nun kasi andami kong nainom, di ba?"

"Hindi man lang tumirik ang mata mo?  Sabi ko na eh!"

Hindi niya gustong salungatin ang akala ni Jane dahil masyadong personal ang nangyari sa kanila ni Patrick kung siya ang tatanungin.  At hindi rin naman na naulit dahil lumipat na siya ng silid.  Hindi naman talaga tumirik ang mata niya sa pag-angkin ni Patrick dahil mahapdi ang kaselanan niya hanggang kinabukasan.  Pero espesyal 'yun sa kanya.  At sang-ayon siya kay Jane na kailangang manatili iyong sekreto.

"Andami mo naman kasing pinagkukumparahan eh."

"Siya nga pala ang una mo no?"

Marahan siyang tumango.  Kung makapagsalita si Jane ay para lang isang bagay si Patrick na kailangan lang nilang maghiraman.  O isang damit na nabili ng kakambal sa mall na pagkatapos siya lang ang unang nakagamit pero kailangan niyang isauli.

"Huwag na nga nating pag-usapan 'yan.  Ano ang gusto mong regalo ko sa inyo sa kasal niyo?" pag-iiba niya ng usapan.

"Magpalit muna kaya tayo?  Ako ang aalis papuntang Canada tapos ikaw ang maiiwan dito sa bahay?"

"Sira!  Hindi mo na maloloko 'yang mapapangasawa mo kasi hindi na 'yun lasing."

Isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Jane.

"Oo nga no?  Lasing na lasing ang walanghiya ni hindi alam kung sino ang ka-s*x niya," pranka nitong wika na naiiling.   "Madali palang i-setup 'yan sa isang motel tapos taniman ko ng mga ebidensya."

"Ano ba, Jane, ba't ganyan ang pinag-iisip mo?" awat naman niya sa kakambal.

"Joke lang naman.  Napakaseryoso mo eh.  Basta huwag kaming magpapakialamanan kahit pa kasal na kami no."

Naiiling na lang siya sa inaasal ni Jane tungkol kay Patrick.  Sana'y makahanap siya ng lalaking magmamahal din sa kanya kung paano minamahal ni Patrick ang kakambal niya.

Sa araw ng kasal ay doon na lang niya ulit nakita si Patrick.  Iniwasan din niya ang ilang dinner sa bahay nila na naroon ang binata.  Hindi na rin siya lumapit sa bagong kasal hanggang sa reception.  Ang alam niya ay aalis din ang dalawa papuntang Palawan para sa honeymoon.

Masaya ang lahat para sa bagong kasal maliban sa kanya.  Bukas ay papunta na siya sa Canada para doon pahilumin ang puso.  Isang buwan lang naman ang balak niya.  Siguro naman ay hindi ganoon kalalim ang damdaming iniukol niya kay Patrick kaya madali din 'yun mawala. 

Mga Comments (31)
goodnovel comment avatar
Malou Gonzales
halla mbubuntis siguro to si janine
goodnovel comment avatar
JaNe
thank you ms weng love it
goodnovel comment avatar
JaNe
ms weng sana mag update na din ito.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status