Wala sa plano ni Isabella Santos na ma-assign bilang executive assistant ng CEO ng Hale & Co. Enterprises. Tahimik at simple ang buhay niya sa Finance Department—hanggang sa pansamantala siyang ilipat bilang assistant ni Sebastian Hale: cold, intimidating, at hindi mo basta-basta mabasa. For years, Sebastian kept his feelings hidden behind strict rules and cold stares. Boss siya. Period. Pero just when he finally opened up, someone from Isabella’s past returned—someone who once had her heart… and maybe still does. Now Isabella is torn. Will she take a chance on the man who finally let his guard down? Or will she fall again for the one who never really left her heart?
View MoreTatlong taon na si Isabella Santos sa kumpanya.
Pero kahit kailan, hindi niya inakalang mauuwi siya rito, bilang Executive Assistant ng mismong CEO. Noong una siyang pumasok sa Hale & Co. Enterprises, ayos lang siya sa pagiging behind-the-scenes. Trabaho sa Finance Department, laging nakatutok sa Excel files, liquidation, petty cash, at kung anu-ano pang number related na bagay na ayaw ng karamihan. Tahimik lang. Wala masyadong interaction. Sakto lang sa personality niya. Pero isang araw, tinawag siya ng HR—Si Ma’am Macy.. “Isabella, we’re reassigning you. Temporary lang. EA ni sir, ng CEO. Kailangan lang ng someone reliable habang naghahanap pa ng permanent replacement.” Nag-resign daw kasi bigla yung previous secretary. Walang handover, walang pasabi. Ang sabi pa ng HR, “Magaling ka sa system at kilala ka na ni Sir Hale, at least kahit papano.” Kilala? Eh, ni hindi nga siya pinapansin ng CEO dati maliban sa ilang email approval. Pero wala siyang nagawa. Temporary lang daw. Kaya pumayag siya. Sayang din ang experience, di ba? One year later, andito pa rin siya. At hindi na temporary ang title niya. Hale & Co. Enterprises ay isang private corporate holdings company na may investments sa real estate, tech, distribution, at kung anu-ano pang hindi niya lubos maintindihan kahit ilang beses na siyang umatend ng corporate briefings. Basta ang alam niya, malaki ang kita ng kumpanya at mas malaki pa ang pangalan ni Sebastian Hale. Nasa desk siya sa labas ng executive office, binabasa ang ilang emails nang biglang bumukas ang intercom. “Miss Santos, inside.” Boses ni Sebastian Hale. Ilang beses na niyang narinig yon, pero hanggang ngayon may kakaibang effect pa rin sa kanya. Calm, direct, low. Tipong hindi mo matanggihan. She stood, smoothed her blouse, and entered his office. Malamig ang ambiance ng room at parang museum. Puro black, gray, at silver. Walang personal photos. Walang kalat. Organized to the point na parang hindi talaga opisina kundi showroom. Nakatayo si Sebastian sa harap ng floor-to-ceiling window. Suot ang paborito niyang charcoal suit, walang tie, top button undone. Casual-formal. May hawak siyang glass of water, nakatingin sa skyline ng BGC. “Sir?” He didn’t turn around immediately. “I need you to clear the 3PM with Donovan Group. Move it to Thursday, and have Legal send a revised draft of the MOU before end of day.” “Yes, sir.” “Also, tell Finance to freeze expense requests above two hundred thousand. Effective immediately.” Napakagat-labi si Isabella. “Noted po. Pero sir, may pending request po si Sir Calvin na 280K. Processing na po siya as of this morning…” Finally, he turned. At tulad ng dati, hindi siya handa sa level ng presence ng lalaki sa harap niya. Hindi ito yung tipong pogi lang. May aura si Sir Sebastian na intense, composed, intimidating. Para kang nasa job interview kahit simpleng tanong lang ang sagot mo. “Re-route it for my approval. I want eyes on anything over that limit starting today.” “Understood, sir.” Tahimik saglit. Tinitigan lang siya ni Sebastian. Straight, unreadable expression. Hindi siya sure kung may mali ba siyang sinabi. Natakot tuloy siya bigla. “Is that all po sir?” she asked, hindi makatingin diretso. “You’ve been here a year, haven’t you?” Napatingin siya, bahagyang nagulat sa tanong. “Y-Yes, sir. One year last week as EA.” “Hmm.” That was all he said. Then, “You may go.” Tumango siya at agad lumabas ng office. Pagkalapat ng pinto, napabuntong-hininga siya nang mahina. Habang naglalakad pabalik sa desk, tinignan niya sandali ang reflection niya sa glass wall. Hindi naman siya pang-beauty queen. Pero alam niyang presentable siya. Maayos magdamit, neat ang bun. Pero sa tuwing kaharap niya si Sebastian Hale, parang bumabalik siya sa pagiging baguhan, yung tipong ayaw magkamali. Hindi niya alam kung ano ba talagang iniisip ng CEO niya minsan. Tahimik. Madalas isang salita lang kapag may utos. Wala man lang casual conversation, except pag work-related. At hindi rin niya alam bakit siya pa rin ang EA hanggang ngayon. Hay nako! “Wala na bang iba?” minsan na niyang naitanong sa sarili. Pero ayaw niya ng assumption. Wala naman siyang karapatan. At kung tutuusin, okay naman siya sa trabaho. Maliban sa pressure. That night, habang naglalakad siya pauwi mula sa sakayan sa Guadalupe, sumagi sa isip niya ang unang araw niya bilang Executive Assistant. Kung paano siya tinignan ni Sebastian that day. Mataas ang kilay, parang nag-a-assess. Parang… hindi niya ma-explain. “Hindi naman ako special,” bulong niya sa sarili habang naglalakad. “Nagkataon lang siguro.” Sa kabilang banda ng siyudad, sa isa pang mataas na building, nakatayo rin si Sebastian sa parehong posisyon at na sa harapan ng bintana. Nakapatay na ang ilaw sa office, pero nananatili siya sa dilim. Sa kamay niya, nakabukas ang isang folder. HR reassignment records from one year ago. Nakabold ang pangalan ni Isabella. “One year,” bulong niya. “And she still doesn’t know.”Isabella’s POVMedyo mabigat ang talukap ng mata ko nang magising. Ramdam ko pa ang kabigatan ng iyak kagabi, pero habang unti-unti kong binubuksan ang mata, isang ngiti ang sumagi sa labi ko—naalala ko kung paano ako pinakalma ni Sebastian kagabi.“Why are you smiling?”Napagitla ako. Napaupo ako sa kama at doon ko siya nakita—si Sebastian, nakahiga sa maliit na sofa sa kwarto ko. Maliit para sa kanya, at halatang nakatulog siya roon. Napangiti lang siya nang bahagya, parang alam niya ang iniisip ko.“S-Sebastian… good morning,” mautal ko, sabay takip ng mukha ko.“Good morning, Isa.” Umupo siya saglit sa sofa at nagbigay ng maikling ngiti bago lumabas ng kwarto.Tahimik akong tumingin sa kanya habang lumalakad palabas.Paano siya nakatulog doon sa sofa? Ang laking tao niya para sa maliit na sofa na yun. Napangiti ako muli, may halong hiya at pagkabigla.Pagkatapos ko ring ayusin ang sarili, lumabas ako ng kwarto at
Isabella’s POVDahan-dahang bumukas ang pinto, at sa bawat paggalaw ng door knob ay lalo akong kinabahan. Pinunasan ko agad ang pisngi ko, pero alam kong huli na. Hindi ko kayang itago ang bakas ng pag-iyak, lalo na sa isang taong mabilis makabasa ng tao—si Sebastian.Narinig ko ang maingat niyang mga hakbang papasok. Mabigat ang presensya niya kahit wala siyang sinasabi. Hindi ko siya nakikita dahil nakatalikod ako, hindi pa nga ako nakakaupo, pero ramdam ko ang malamig at sabay mainit na aura niya habang papalapit. Hindi na kailangan ng salita para magpaliwanag; alam kong alam na niya.“Isa.” Mahina lang, pero diretso ang boses niya.“You’ve been crying… Don’t even try to deny it.”Napapikit ako. Parang gusto kong magtago sa kumot at magkunwaring tulog. Pero alam kong hindi iyon uubra. Kilala niya ako—at higit sa lahat, hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niya.“I’m fine,” mahina kong sabi, pilit ang b
Isabella’s POVPagkatapos kong mabasa ang text ni Adrian, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pinilit kong i-off ang phone, ayokong tanggapin na muling pumasok siya sa mundo ko. Pero kahit nakapatay na iyon, hindi mawala ang bigat sa dibdib ko.Kailangan kong mag-distract. Kaya dumiretso ako sa kusina, kung saan naamoy ko ang niluluto ni Sebastian.Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng stove, naka-roll up ang sleeves habang iniikot ang sauce sa pan. Ang composed niya pa rin kahit naka-apron lang. Parang siya yung tipong hindi mo aakalain na marunong magluto, pero eto siya—at ang ganda niyang tingnan.“Need help?” tanong ko, pilit na pinapakalma ang sarili.Tumingin siya saglit, para bang sinusuri ang bawat galaw ko. “You can chop those vegetables,” sagot niya, sabay abot ng cutting board.Kinuha ko iyon at nagsimulang maghiwa. For a moment, tahimik lang kami. Pero ramdam ko yung mga sulyap niya paminsan-minsan, parang may k
ISABELLA’S POVTahimik ang kotse habang nagmamaneho si Sebastian papuntang grocery.Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, sinusubukang huwag masyadong isipin ang nangyari kanina—ang biglaang pagkikita namin ni Adrian sa tulay at yung kaba na tumama sa dibdib ko.Alam kong naman na hindi na pagmamahal ang nararamdaman ko—hindi na, pero masakit pa rin maalala ang sugat na iniwan niya noon.Bakit ba siya nandito sa Tagaytay? Alam ko na. Mapakla akong ngumiti.Napansin kong tahimik si Sebastian sa tabi ko.“Isa…” mahina niyang tinawag, hawak pa rin ang manibela. Bahagyang lumingon sa akin.“Are you okay? May problema ba?”Napatingin ako sa kanya at pilit ngumiti.“Ah… wala naman. Bakit po?”Hindi siya agad nagsalita, pero ramdam ko, parang sinusuri niya bawat galaw ko. Bahagya lang siyang tumingin sa akin, sa mga kamay ko at pagkatapos sa aking mukha.“Hmm… just checking. You seem a bit… distracted.”
SIGHTSEEINGISABELLA’S POVHapon na nang lumabas kami ni Sebastian mula sa rest house. Malamig na ang simoy ng hangin, at ang langit ay kulay kahel na, parang pinipinta ng araw habang dahan-dahang lumulubog. Napagdesisyunan kasi niya na lumabas kami.“You need fresh air,” sabi niya, sabay abot ng jacket sa akin. “And maybe some calories after all the sinigang I fed you.”Napatawa ako sa sinabi niya. “Okay po, sir… I mean, Sebastian.” Naagapan ko pa ang hiya sa dulo.Tinignan lang niya ako, at sa gilid ng kanyang labi ay may bahagyang ngiti—bihirang-bihira na talaga sa dating siya.Habang naglalakad kami papunta sa parke, ramdam ko ang lamig na dumadampi sa pisngi ko at ang amoy ng damo’t bulaklak na sumasabay sa hangin.Ang paligid ay puno ng mga magkasintahang nagpi-picture, mga pamilya na namamasyal, at mga batang tumatakbo’t humahabol ng mga lobo.Sa gitna ng lahat ng iyon, naramdaman kong kakaiba ang katahimikan
ARRIVALISABELLA’S POVPagkarating namin sa rest house sa Tagaytay, halos hindi ko alam kung saan ako titingin. Malawak ang paligid, napapalibutan ng luntiang damo at matatayog na puno, at may malamig na simoy ng hangin na agad nagpa-relax sa akin. May mga bulaklak sa gilid ng pathway at isang modernong bahay na kulay puti, may malalaking bintanang salamin na kumikislap sa liwanag ng araw. Sa di kalayuan, tanaw naman ang mga ulap na dumadampi sa mga bundok at ang Taal Lake na kumikislap sa araw—parang nasa ibang mundo kumpara sa gulo ng siyudad.“Wow…” mahina kong salita habang bumababa ako ng sasakyan. Hindi ko mapigilang ngumiti. “Napaka-ganda naman dito.”Bahagya siyang ngumiti, tipid lang iyon pero sapat para bumilis ang tibok ng puso ko.“Good. At least you’ll have no excuse not to rest.”“Pero… sobra namang effort po nito,” pigil-kilig kong sagot. “Hindi mo na sana kailangan pang—”“I told you,” malamig ngunit maba
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments