Noong taon na iyon, siya ay sampung taong gulang pa lamang.Kasama niya ang kaniyang Lolo magtungo sa Imperial Capital mula sa Swallow City upang bisitahin ang mabuti niyang kaibigan, si Dylan Ares.Noon pa lamang, si Jay ay isa nang sikat at maimpluwenyang tao sa Imperial Capital. Siya ay ang magaling, gwapo, at sikat na hacker.Noong una silang magkakilala, kinilala lamang siya ni Jay bilang isang malayong pinsan, isang tagalabas. Natatakot na iistorbohin siya ng babae kapag siya ay mag-aaral, naglabas siya ng ilang kahon ng mga luma niyang Lego, binaba ang mga ito sa kaniyang harapan at sinabi, “Sapat na ang mga laruan na ito para matahimik ka sa buong araw. “‘Wag mo akong istorbohin.”Gayunpaman, mabilis siyang natapos at nang bumalik siya kay Jay nang may tapos nang mabuo na mga Lego, napanganga sa kaniya si Jay sa gulat. ‘Kaya ba ng babaeng ito na bumuo ng mga Lego nang kasing bilis ko?’Hindi niya mapigilan ang kaniyang mga mata na mapasulyap sa talentadong babae nang may puro a
Noong gabing iyon, umuwi si Jay.Nakaupo si Rsoe sa sofa nang may namamagang mukha at mapulang ilong habang mayroon siyang hawak na libro ng mga tula. Mayroong isang makapal na gasang nakabalot sa kaniyang kanang kamay. Mapait siyang tumitig kay Jay.“Mukhang pinag-isipan mong mabuti noong hiniling mo sa akin na linisin ang mga kagamitan sa ibabang cabinet,” naninising sabi ni Rose.Kaswal na lumapit sa kaniya si Jay, tinanggal ang kaniyang blazer, tinanggal ang itim niyang kurbata, at tumingin sa maliit na babae sa sofa.“Ano’ng tingin ‘yan? Sinusubukan mo ba akong pagbantaan para sa pera?” Ang seksi at kaakit-akit na mga labing iyon ay naglabas na naman ng masasamang salita.Napakaputla ng muhka ni Rose. Mukhang sa isang tabing ay masusugatan siya.Sa paglayo sa kaniya ni Jenson nang ganoon katindi dagdag pa ang pagbato nito ng mga laruan sa kaniyang mukha, madaling isipin kung gaano siyang nahihiya ngayon.Agad na tumayo si Rose, inangat ang kaniyang baba, at tumingin kay Jay. Tumaa
Pagkatapos hiwalayan ng ama ni Rose ang kaniyang ina, pinakasalan niya ang ina ni Sydney.Kahit na ito mukhang tipikal na kasal, si Sydney ay dalawang taon lamang na mas bata kaysa kay Rose.Nang hiwalayan ng ama ni Rose ang kaniyang ina, limang taon pa lamang si Rose. Mula sa paningin niya, mukhang ang ama ni Rose ay niloko ang kaniyang ina habang sila ay kasal pa.Sa oras na iyon, ang ina ni Rose ay namuhay sa isang tagong lugar at hindi alam kung paano depensahan ang kaniyang sarili sa korte.Noong labing-limang taon na si Rose, sa sobrang sipag ng kaniyang ina ay nagkasakit siya. Ang pinakatatakutan niya ay ang walang mag-aalaga ng kaniyang anak kapag siya ay namatay. Walang magawa, pinaglakbay niya ang kaniyang anak sa siyudad upang hanapin ang kaniyang mga kamag-anak.Gayunpaman, pinakilala ng kaniyang ama si Rose, ang sarili niyang dugo’t buto, sa lahat bilang isang anak sa labas.Mula sa araw na iyon, kahit na nakitira si Rose sa Pamilya Loyle, siya ay namuhay nang miserable, m
Tumigil si Jenson sa paglalakad at tumingin nang masama sa batang nagsasabi ng masama tungkol sa kaniya.Ang wasto at makapangyarihang tingin sa mga mata ni Jenson ay tila galing sa isang matanda, ang kaniyang mga mata ay handa nang pumatay.Ang tahimik na bata ay natakot, agad na nagtago sa mga braso ng kaniyang ina.Nang makita ng magulang ang pinagmumulan ng takot ng kaniyang anak, sumigaw siya kay Jenson, “Ano tinititig-titig mo diyan? Hindi ka ba tinuruan ng mommy mo na ang pagtitig sa mga tao ay hindi kagalang-galang?”Agad na nakaramdam ng awa ang assistant kay Jenson at humakbang paabente upang depensahan siya.Hinila siya ni Nancy at sinabi, “Masyadong malaki ang ego ng batang iyan. Magandang bagay kung hahayaan mo siyang matuto. Kung ‘di, hindi magbabago ‘yang ugali niya. Kung mananatili siyang ganyan, mahihirapan ako kapag naikasal na ako sa Pamilya Ares.”Tunay na kinaiinisan ni Jenson ang mga taong nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa kaniyang mommy; ang nanay ng batan
Isa-isang sinimulan ng mga nanonood na husgahan ang babae. “Oo nga. Matanda ka na, paano mo nagagawang manakit ng isang bata?”Nang makita na sumasama ang sitwasyon, dali-daling bumulong ang babae kay Jenson nang may namumulang mukha, “Humihingi ako ng tawad.”Malamig na sinabi ni Jenson, “‘Wag mo nang pagsalitaan ng masama ang mommy ko.”Tumingin si Rose kay Jenson at ang kaniyang mga mata ay namasa.Sa puso ni Jenson, ang kaniyang Mommy ay tila isang diyosa. Masyadong malaki ang utang niya sa bata.Agad na tumango ang babae at umalis doon.Naayos na ang problema. Hinawakan ni Rose ang mga balikat ni Jenson at mahinang tinanong, “Jens, pwede ba kitang ihatid sa iyong silid-aralan?”Tumingin si Jenson sa pasukan ng eskwela at ang kaniyang paglalakad ay lubos na bumagal. Halata ang pag-aalinlangan sa kaniyang mga mata.Niyakap ni Rose si Jenson.‘Ang batang ito ay halatang takot pumunta sa kindergarten, kaya bakit siya dapat pilitin? Siguro mayroong masamang nangyari dati kaya hindi na
“Bakit hindi?” Agad na tanong ni Rose.“Nakipag-away sa magulang ng isang kaklase at hinahayaan ang bata na hindi pumasok sa eskwela… tapos may lakas ka pa ng loob na magtanong?” Halata kay Jay ang panggigigil, ang galit niyang buong araw niyang iniipon sa wakas ay nailalabas na niya.Ang inis ni Rose ay naiipon na rin.Mukhang ang Nancy na iyon ay sinumbong ang kaniyang mga kilos.Napasimangot ang mukha ni Rose. “Ginoong Ares, alam mo ba kung bakit ko hinarap ang magulang na iyon? Bakit ko nilayo si Jenson sa eskwela? Iyon ay dahil--”Malamig siyang pinigilan ni Jay, “Hindi ko na kailangan malaman kung bakit. Ang ginawa mo ay sapat na upang ipakita sa akin kung gaano ka kaisip bata at kung gaano ka katanga!”Agad na sumagot si Rose, “Hinarap ko ang masamang magulang na ‘yon kasi sinaktan niya si Jenson at hinusgahan kung paano mo siya pinalaki. Alam mo ba kung gaano kasama ang epekto no’n kay Jens?”“Ginoong Ares, wala kang karapatan na husgahan ako bago mo pa man imbestigahan kung an
Kahit na nagmamadaling magtungo si Rose sa Horizon Colors, ang nagsisikipang kalsada at maikling oras na mayroon siya ay naging dahilan nanaman kung bakit siya nahuli.Nakatayo si Jay sa hardin na balkonahe sa ikalawang palapag ng villa at tumitig kay Rose na nagmamadali. Isang ngisi ang lumitaw sa malamig niyang mukha.“Binibining Rose, nahuli ka na naman.”Narinig ni Rose ang nakatitindig-balahibong tunog mula sa ibabaw niya at ang kaniyang kaluluwa ay muntik nang humiwalay sa kaniyang katawan dahil sa takot. Nang tumingin siya sa taas upang makita si Jay, siya ay nabati ng kaniyang sinumpaang ngiti.Hiningal si Rose at sinubukang habulin ang kaniyang hininga. Ang kaya niyang ilabas pagkatapos ng pagtakbo ay magkakasunod na hindi makabuluhang mga salita. “Ginoong-- Ares-- ‘Yong kalsada-- Pagmamaneho…” Pagkatapos ng ilang salita, nagsimula siyang huminga nang malalim.‘Ginoong Ares ang kalsada pagmamaneho, huh? Kakaibang pangungusap.’Ang gwapong mukha ni Jay ay naging kasing dilim ng
Ang dalawang bata ay nagtago sa likod ng hagdan sa ikalawang palapag at pinanood ang nakakainteres na debate nina Rose at Jay.Si Rose, ang sumasalungat, ay hindi masyado palaban at kulang sa presensya.“Ginoong Ares, bakit ba palagi mong pinapansin ang lahat tungkol sa akin at kahit kailan ay hindi ka natuwa sa kahit ano’ng gawin ko. Paano ka naman? Hinahayaan mo ang ibang babae na ihatid at isundo ang anak mo sa eskwela, pero nagawa mo bang tumigil upang isipin kung paano unti-unting nakakaapekto ang mga paraan mo kay Jenson?”“Rose, ang mga pamamaraan ko ay maayos na. Hindi mo na kailangan pang ipaalala sa akin. At saka, ang ibang babae na sinasabi mo ay mga kamag-anak ni Jenson. Ikaw ‘tong may maduming isip. Bakit ba kailangang may problema sa ginagawa ko?” Pagalit na sabi ni Jay.“Paano naman si Nancy? Paano siya naging kamag-anak ni Jenson?”“Rose, wala kang karapatan na makialam sa personal kong buhay.”“Wala akong paki sa personal mong buhay, ngunit pakiusap ay buksan mo ang mg