“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Magpa-divorce na tayo.”Ang gwapo ngunit aroganteng lalaki ay tumingin sa maliit na babae sa kaniyang harapan nang may blankong mukha.“Ako na ang magbabayad sa sustento,” walang bahala nyang sinabi. “Kung kailangan mo ng pera, trabaho, o ng isang mahusay na doktor para sa iyong ina, ibibigay ko ang mga ito sa ‘yo.”Pilit na nilabanan ni Rose ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata.Noong tumakas ang fiancée ni Ares sa araw bago ang kanilang kasal, napilitan silang maghanap ng pansamantalang pamalit na ikakasal para lamang maibigay sila sa mga paparazzi at labasan ng mga midya.Naniniwala siya na natanggap na ng babae ang kaniyang papel, upang makilala bilang Mrs. Ares. Gayunpaman, alam ng babaeng si Rose, na ang rason kung bakit siya pumayag ay upang maibigay ang kaniyang pagmamahal sa lalaki na tila kayang magtagal hanggang sa susunod na habang-buhay.Ngunit kahit kailan ay hindi alam ng lalaki kung gaano siya minamahal ni Rose.“Hindi kita pinakasalan para sa pera,” bulong ni Rose
Nakatanggap si Jay Ares ng isang hindi inaasahang regalo. Isang bagong-silang na sanggol.Nang tingnan niya nakabalot na sanggol na umiiyak sa gutom, tila nabalutan ng yelo ang gwapong mukha ni Jay.“Nasaan ang ina ng batang ito?” Pagalit niyang tanong, halata sa kaniyang mga mata ang inis.Ang lakas naman ng loob ng babaeng iyon na kuhain ang kaniyang binhi at iwasan ang responsibildad ng pag-aalaga ng isang bata?“Paumanhin, ginoo,” sabi ng tagadala. “Ang ina ng batang ito ay namatay na sa ospital, dahil sa dystocia.”Natigilan si Jay at natahimik. Inabot siya nang ilang segundo bago niya ito mapagtanto, at ang apoy sa kaniyang mga mata ay mayroong halong pagdududa. “Patay?”Seryosong tumango ang tagadala, inilabas ang kaniyang selpon, at ipinakita kay Jay ang litrato ni Rose na tila patay na.“Ginoong Ares, ito ang litrato ni Rose na kinuha namin. Maaari naming itong ipadala sa iyo kung gusto mo—"Mabilis na sinuri ng mga mata ni Jay ang selpon. Ang babae sa litrato ay malaki at ang
Nang simulan ni Rose na magtawag ng taksi sa gilid ng kalsada, lumapit si Jay sa kaniya kasama ang magandang dalaga sa kaniyang tabi.“Tabi.”Nagsalita siya nang may malalim, malambing, at mala-cello na boses na kayang magsanhi sa obaryo ng babae na pumutok.Gayunpaman, naglalaman pa rin ito ng bakas ng pagmamataas na mayroon ang mga mayayaman.Biglang napagtanto ni Rose na siya at ang kaniyang mga anak ay nakaharang nga sa kanilang daanan—sila ay nakatayo sa harap ng isang Rolls-Royce na mayroong Spirit of Ecstacy na ornamento sa takip ng makina nito.Hinila ni Rose ang kaniyang bagahi sa isang kamay at ang kaniyang mga anak sa kabila. Nang makita niya si Jay, si Rose ay tila hindi mapakali, at natatagalan na tumabi—Napasalita ang seksing babae sa isang nangungutyang tono, “Siguro ay may iniiwasan kang malaking gulo kaya balot na balot kang ganyan. Sige, magsuot ka ng salamin kung gusto mo, nugnit bakit mo pupuwersahin ang mga anak mo na magsuot din habang naglalakad? Hindi ba iyon d
Pagkatapos ng kalahating oras.Nakaparada ang Rolls-Royce sa harap ng Mountain’s Fork Cemetry.Sa loob ng sasakyan, nababasa ni Josephine ang tatlong malalaking salitang, Mountain’s Fork Cemetry, at ang kaniyang magandang mukha ay namutla.Ang rason para sa kaniyang pag-uwi ay upang bisitahin ang kaniyang may malubhang sakit na lola. Maliban na lang kung si lola ay…“Narito si Lola?” Napahingal si Josephine.“Si Rose narito.” Pagtatama sa kaniya ni Jay.“Si Rose? Si Rose ay nakalibing dito?”Napabuntong-hininga si Josephine. Pagkatapos no’n, napatanong siya, “Hindi naman Qingming Festival ngayon, ah, bakit tayo narito?” (TN: Ang mga intsik ay bumibisita sa libingan ng kanilang mga ninuno tuwing Qingming Festival upang linisin ito, ipagdasal ang kanilang mga ninuno, at maglagay ng mga handog.)Biglang napatili sa kilig si Josephine, “Sabi ko na, eh! May nararamdaman ka pa rin para kay Rose! Saka, paano mo ipapaliwanag ‘yong henyong batang si Jenson?”Si Jay ay naglalakad na palayo patun
Sa Grand Asia Hospital.Pumunta si Jay sa monitoring room. Pagpasok pa lang niya ay binati siya ng isang binata at ibinigay ang kanyang ulat."Master Ares, pumasok na sa aming system ang impormasyon ng pasyente dalawampung minuto na ang nakalipas. Ginawa namin ang iyon iniutos at naglagay up ng isang tracker upang masundan ang taong nagbigay ng kanyang impormasyon. Gayunpaman, ang babaeng ito ay mukhang ibang-iba ang itsura kumpara sa larawan na binigay mo sa amin…"Ang mga mata ni Jay ay maiging nakatitig sa monitor. Ginalaw ng binata ang mouse at isang babaeng nakasuot ng pang-punk na istilo ang makikita sa screen.Napa-kunot ng noo si Jay at maingat na pinagmasdan ang babaeng may magandang ayos ng buhok, mga labi na pulang-pula sa kolorete at may mala-pusang eyeshadow, sinusubukang pigilan ang kakaiba niyang nararamdaman."I-zoom mo!" Biglang wika ni Jay.Lumaki ang mukha ni Rose sa monitor at ang malinaw na malinaw litrato ay nagpapakita ng isang malinaw na tanawin ng kanyang
"Kagatin ka? Wala akong balak ilagay ang bibig ko sa anumang bagay na kasing dumi mo. ” Tinaas ni Jay ang kaniyang kilay.Tumayo siya mula sa itim na upuan at nilapitan si Rose ng paunti-unti. May pagmamalaki siyang sumilip kay Rose mula sa kanyang tangkad na 185cm na taas."So, Rose. Paano mo babayaran ang ginawa mo sa ‘kin noong nakaraang limang taon?" Masungit na tanong ni Jay.Malinaw na malinaw ang alaala ni Rose sa gabing iyon. Limang taon na ang nakakaraan, nang may kaunting dagdag na lakas ng loob mula sa alkohol, ginayuma...Ginayuma niya ang lalaking iyon, at pagkatapos ..."B-binayaran na kita!" Galit na sinubukan ni Rose na mangatuwiran sa lalaki.Kaunting bakas ng inis ang lumitaw sa dumidilim na mukha ni Jay. "Paano kung suklian kita nang sampung beses at patulugin ka kasama ng ibang lalaki, hm?" Umabot ni Jay at hinawakan ang kanyang munting baba. Ang kanyang galit ay tulad ng isang inaantok na leon, tila handang umatake sa anumang oras.Nasulyapan ni Rose ang p