Tumakbo pababa si Josephine habang nakahawak sa kaniyang nagasgas na noo. Naglakad siya patungo kay Jay at nag-inarte sa harap nito, “Jay, ang anak mo ay kinawawa ako at wala kang gagawin?”Tahimik na tumingin si Jay kay Josephine...“Alam mo naman na ayaw niyang hinahawakan mo siya,” matigas niyang sabi, “pero patuloy mo pa rin siyang nilalapitan. Ikaw ang nagdulot nito sa sarili mo.”Si Josephine ay lubos na naiinis. “Akala ko naman kasi ay maayos na siya. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit pumunta ako rito upang bantayan siya. Hindi ko naman alam na magiging ganito siya ulit.”Ang gwapong mukha ni Jay ay bahagyang nagdilim. “Walang sakit si Jenson.”Sinabi ni Josephine sa isang mahinang tinig, “Alam mo naman kung may sakit ba talaga siya o wala. Jay, pinapaalala ko sa ‘yo na ang tunay na Jenson ay malamig at arogante? Nakita mo gamit ang dalawa mong mga mata noong araw na iyon noong dinala mo siya sa bahay natin, para siyang ibang tao! Puno ng buhay, masiyahin, mahinhin, at maga
Malamig na tumitig sa kaniya si Jenson at pinilit na tumango.Masayang niyakap ni Josephine si Jenson at sinabi, “Jenson, nagbago ka na. Mas nagiging cute ka na. Binabawi ko na lahat ng sinasabi ko, wala kang autism o schizophrenia. Ikaw ang pinaka-cute na bata sa buong mundo.”Isang nandidiring itsura ang lumitaw sa gwapong mukha ni Jenson.“Jay, aalis na kami ngayon.”“Umuwi kayo nang maaga, ha.” Sabi ni Jay, hindi pa rin sigurado.Dinala ni Josephine si Jenson palabas ng villa at patungo sa kaniyang pulang kotse. Pakiramdam ng batang tita ay nanaginip siya kung saan ang mga kahilingan niya ay nagkatotoo.Ang malamig na boses ni Jenson ay pinatigil ang kaniyang panaginip. “Gusto kong pumunta sa amusement park.”Ang maliwanag na ngiti ni Josephine ay agad na nawala. “Bakit?”Siyempre, siya ang nakakatanda rito. Bakit sasabihin ng isang bata tulad ni Jenson kung saan dapat pumunta?“Jenson, kailangan ko munang pumunta sa movie production house,” sagot ni Josephine. Patago niyang napagd
Pagkatapos takasan ni Jenson si Josephine, tumakbo siya patungo sa amusement park.Ang taong nag-imbita sa kaniya sa amusement park ay si Robbie. Ang dalawang magkapatid ay magkamukhang-magkamukha at mayroon pang suot na parehong damit. Ito ang iilang istilo ng damit na magkaparehas sila—isang itim na t-shirt na Adidas, puting pantalon at mga sapatos. Ang pinagkaiba lamang ay mayroong suot si Robbie na pang hip-hop na duckbill hat.“Jen—” Napansin ni Robbie sa Jenson sa kalayuan at tatawagin na sana siya, ngunit nakapansin siya ng isang kakaibang babae na nakasunod sa likod ni Jenson.Ang babae ay mayroong hawak na isang malaking sumbrero na gawa sa dayami at tinatago ang kaniyang mukha gamit ito. Mayroon siyang suot na pulang bestida at nananatiling limang metro ang layo mula kay Jenson, tila ginagamit ang lahat ng nasa paligid upang magtago.Inangat ni Robbie ang kaniyang smartwatch at nagpadala ng isang text kay Jenson. “Sinusundan ka ng isang naka-pulang babae.”Hindi man lang kina
“Ano na naman ang ginawa sa ‘yo ni Jenson?”“Wala siyang ginawa sa ‘kin!” Hindi alam ni Josephine kung paano sasabihin sa kaniyang kuya. Natatakot siya na ang masamang balita na ito ay paiikutin ang ulo ni Jay.Ang isipan ni Jay ay iniisip pa rin ang nakaraan. “Ano’ng ginawa mo sa kaniya?”Sabi ni Josephine, “Wala rin akong ginawa sa kaniya!”Napakunot ang gwapong mukha ni Jay. “Eh, ano’ng iniiyak-iyak mo d’yan?”Ang paghikbi ni Josephine ay naging paghagulgol. “Kapatid, may nangyari kay Jenson.”Kalmadong sinabi ni Jay, “Josephine, pwede bang sabihin mo na lang lahat at hindi nang isa-isa?”Pinunasan ni Josephine ang kaniyang mga luha. Ang kaniyang emosyon ng lungkot ay mayroong kasamang bakas ng pananabik nang sabihin niya, “Kuya, si Jenson ngayong araw ay tinrato ako nang malamig at parang walang paki tulad ng isang freezer sa taglamig, tapos sa ibang oras naman ay magiging kasing init niya ang araw sa Hunyo. Kapag siya ay malamig, tatawagin niya akong Josephine Ares at tatawagin ak
Si Robbie ay napangisi. “Kung gusto mo akong paluin, tignan mo muna kung kaya mo akong habulin.”Pagkatapos itong sabihin, bumilis ang takbo ni Robbie. Binuka ni Josephine ang kaniyang mga braso, isang hindi kapani-paniwalang nakatatakot na ekspresyon sa kaniyang mukha. “Hindi ako naniniwalang hindi kita kayang habulin.”Kadalasan ay ayaw ni Jenson ang mag-ehersisyo. Tuwing darating ang taglamig, madalas siyang nakakahuli ng sakit. Ito ang dahilan kung bakit inaasar niya ang kaniyang kakayahan bilang atleta at binigyan pa siya ng pangit na palayaw: Sicky Chicky.Hindi niya alam na ang taong nakasama niya ngayong araw ay hindi si Jenson ngunit si Robbie, na palaging sumasama sa pagsasanay ng Taekwondo simula noong maliit pa lamang siya. Ang kaniyang mga pisikal na kakayahan at bilis ay hinihigitan ang lahat ng kaniyang ka-edad, at siya ay hindi normal na mabilis.Inangat ni Josephine ang kaniyang kamay upang harangan si Robbie, sinipa ni Robbie ang kaniyang kamay gamit ang isang spin ki
Oo, siya rin, ay naramdaman na kakaiba ito. Nitong mga nakaraang ilang taon na siya ay nasa ibang bansa, maraming beses siyang nakipag-video call sa kaniyang pamilya, ngunit kahit kailan ay hindi niya narinig na nagsasanay si Jenson ng martial arts. At saka, noong umuuwi siya para sa taglamig at tag-araw, hindi niya rin nakikita si Jenson na umaalis patungong pagsasanay.Kung gayon, ano ang mabilis na kakayahang pinakita niya kanina?Inisip ito nang mabuti ni Josephine habang siya ay naglalakad, ngunit hindi siya maka-isip ng dahilan kahit gaano niya ito katindi isipin.Nang dalhin ni Jay si Jenson palabas ng amusement park, nakakita siya ng maraming tao na nakapaligid sa isang pulang kotse sa harap. Ang mukha ni Jay ay agad na nagdilim. “Josephine Ares!”Nang marinig ang malakas na sigaw ni Jay, tumakbo si Josephine papalapit. Nang makita niya na ang kaniyang sports car ay walang ingat na naiwan at nabalot ng maraming multa, umiyak siya nang walang luha.“Paano kita pagagalitan? Hinta
Hindi magawa ni Jenson na pansinin ang kaniyang tita at pumasok sa kusina upang tulungan ang kaniyang daddy.Sa tingin ni Josephine ay nakakabagot ito, kaya dali-dali siyang umalis.“Aalis na ako, kuya. Tandaan mong ipatingin si Jenson sa isang doktor. Si Dr. Xander Zachary ng Grand Asia ay hindi na masama.” Umalis si Josephine pagkatapos itong sabihin.Ang mukha ni Jay ay bahagyang lumamig. Ang doktor na nirekomenda ng kaniyang kapatid ay isang nangungunang eksperto sa psychiatry. Ang kaniyang puso ay lubos na umaayaw na ipasok si Jenson sa mga psychiatry study.Sa loob-loob niya ay nararamdaman niyang kaparehas niya si Jenson, tahimik at walang kaibigan noong siya ay bata pa lamang. Noong paglaki niya at nakakilala ng ilang mga kaibigan na tunay na kilala siya, ang ganitong klase ng pagkatao ay magbabago rin.Gayunpaman, nitong nakaraan na ilang araw, si Jenson ay madalas nagbabago sa pagitan ng pagiging madaldal at tahimik. Dahil dito ay naalarma si Jay. Natatakot siya na ang hindi
Pagkatapos umalis ni Dr. Zachary, tumakbo si Jenson papasok sa study room. Binuksan niya ang pinto upang makita si Jay na nakahawak sa kaniyang ulo, ang itsura ng isang tao na nasasaktan. May sagot na si Jenson sa kaniyang puso.“Sinabi niya rin na mayroon akong sakit?” Pagalit na sabi ni Jenson.Tumingala si Jay upang makita ang mukha ng kaniyang anak na napakagwapo. Isang mahinang bakas ng tinatagong pag-aalala ang lumitaw sa kaniyang mukha.Akala niya na marahil ay masyadong perpekto si Jenson kaya binigyan siya ng kalangitan ng isang hamon sa buhay.“Jenson, sabi ni Dr. Zachary ay nasa maagang yugto pa lamang ang iyong sakit. Basta’t palagi tayong magtutulungan, gagaling din ito.” Ayaw sabihin ni Jay kay Jenson ang tungkol sa malupit na bagay na ito, ngunit gusto niyang makisama si Jenson sa papalapit na paggamot, kaya kailangan niyang tanggapin ang katotohanan na ito.“Tinatrato ang buhay ko na parang damo na inaapak-apakan lamang,” pagalit na sinabi ni Jay gamit ang nakatikom na