Napansin ng receptionist na nurse sa mesa ang maliit na bata. Siya ay may isang magandang itim na buhok at may damit na kulay puti na may nakalagay na sandata sa kanyang dibdib, isang pares ng pantalon na kulay itim, at isang itim na maskara. Ang istilo niyang gumagamit lamang ng isang kulay ay pinapaganda ang kaniyang itsura, tulad ng isang bagay na mula sa isang larawan na pininta ng isang pintor. Naisip ng nurse na siya ay parang katulad ng isang maliit na prinsipe mula sa isang comic book. ‘Ang cute naman niya!’ "Sino‘ng hinahanap mo, bata?" Lumapit ang nurse at binati siya ng isang mainit na ngiti at kaniyang banayad na boses. "Hinahanap ko ang aking — aking tatay!" Mabilis na sinabi ng batang lalaki.'Sinasabi ni Mommy na dapat akong laging mag-ingat kapag nasa labas ako. 'Huwag sabihin sa mga hindi kakilala ang totoo, maliban sa mga opisyal ng pulisya, siyempre.'Ang maliit na lalaki ay inosenteng tumingin sa nurse, "Binibini, alam mo ba kung nasaan ang aking ama
Pagkatapon no’n ay saka lamang napagtanto ni Jay na ang robot ay ang imahe ng isang magandang dalaga.‘Namimiss na naman ba ng batang ito ang kaniyang mommmy?’ Naiinis niyang sabi sa kaniyang isipan.“Jenson, gusto mo ba talagang makita ang iyong mommy--” Bulalas ni Jay nang hindi nag-iisip.Nalulumbay na tumayo si Jenson sa hagdan, ang kaniyang maliit na katawan ay tila nalulungkot at hindi mapakali. Lumingon siya upang tumingin kay Jay at malungkot na tumango.Itinikom ni Jay ang kaniyang mga labi. Naisip niya na siya ay maswerte’t hindi pa niya dinadala si Rose sa isang brothel. Kung ‘di, hinding-hindi siya patatawarin ng makasariling ugali ni Jenson kapag nalaman niyang kinakawawa ng kaniyang ama ang kaniyang mommy.Gayunpaman--Namimiss lamang ni Jenson ang kaniyang mommy bilang isang resulta ng maling desisyon na ginawa ni Jay.Noong nakaraang ilang taon, naniniwala si Jay na hindi pa patay si Rose ngunit ayaw na mabuhay si Jenson sa isang mundo na puno ng galit. Kaya siya ay nag
Pagkatapos ibigay ang kaniyang mahaba at masigla niyang paliwanag, tumingin si Grayson kay Ginoong Ares nang may isang nagmamalaki at may inaasahang tingin.Nang maisip niya na pupuriin na siya ni Jay sa kaniyang katalinuhan, bigla siyang binigyan ni Jay ng tingin na puno ng patalim.“OCD? Autism?” Kalmado ang tono ni Jay ngunit tiyak na mayroong nakatagong galit dito.Nagsimulang magpawis ang noo ni Grayson.Kinagat ni Grayson ang kaniyang dila. Kahit na si Master Jenson ay isang makulit na bata, siya pa rin ay ang minamahal na anak ni Ginoong Ares. Ang nag-iisang tao na maaaring husgahan si Master Jenson ay si Ginoong Ares.Kung may sinumang maglakas-loob na pagsalitaan ng masama si Master Jenson, hinuhukay nila ang sarili nilang mga libingan.Kumalaunan, nagsalita si Jay sa isang nakatatakot na boses, “Grayson, mukhang kilalang-kilala mo si Jenson, ah. Paano kung ibigay ko na lang sa’yo ang responsibilidad ng pag-aalaga kay Jenson?”Sa sandaling sabihin iyon ni Jay, napayuko si Gray
Sa sandaling matanggap ni Jay ang balita, binuksan niya ang homepage ng Grand Asia Hospital.Nang makita niya ang hamon, ang kaniyang mga mata ay tila kayang pumatay ng tao.“Master Robbie?” Nanliit ang mga mata ni Jay at ang kaniyang mga labi ay naging manipis. “Hehe. Naging masyadong mabait ba ako? Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi pa rin takot ang mga taong maghukay ng sarili nilang mga libingan?”Ang silid ay tila lumamig at ang lahat ng tao na naroon ay pinigil ang kanilang paghinga. Lahat sila ay natatakot na sila ang susunod na maging biktima ng galit ng presidente.‘Masyadong mabait? Sino, si Ginoong Ares? Sino’ng magsasabi no’n,’ Sabi ni Grayson sa kaniyang isipan. ‘Lahat ng tao rito ay sumasang-ayon na siya ang muling pagkabuhay ng Hari ng Impyerno. Walang sinuman ang maglalakas-loob na hawakan kahit ang isang hibla ng kaniyang buhok!’Siyempre, hindi kasama roon si Rose.Ang mapagmataas, at malamig na mga mata ni Jay ay napunta sa pagitan ni Grayson at ng monitor. “Nalama
Sa Splendid Town.Nang matanggap ni Rose ang isang biglang tawag mula sa Grand Asia Hospital, agad siyang natakot na tatanggihan ng ospital na gamutin ang kaniyang inang may malubhang sakit.“Miss Rose, nais naming ipaalam sa iyo na ang aplikasyon ng pagpasok na ibinigay mo sa aming ospital kahapon ay aming tinatanggap. Dahil sa espesyal na kalikasan ng sakit ng iyong ina, ang aming ospital ay binigyan siya ng pagbubukod at hinayaan siyang ma-ospital sa Grand Asia Hospital. Naidala na namin ang pasyente sa ospital nang maaga. Paki-bayaran na ang hospitalization fee ng tatlong daang libong yuan sa loob ng susunod na bente-kwarto oras.”Si Rose ay natulala.Nagtungo siya sa Grand Asia upang isumito ang aplikasyon ng pagpasok ng kaniyang ina kahapon, siya ay tinanggihan ng mga tauhan dahil sa iba’t ibang hindi maintindihan na mga rason. Gayunpaman, himalang nilipat ng Grand Asia ang kaniyang ina sa kanilang ospital sa mismong araw na iyon nang hindi siya sinasabihan.Mayroon lamang isang
Pagkatapos niyang magsalita, bumukas ang pinto at isang kaakit-akit na secretary ang sumilip sa loob.Magalang na sinabi ng secretary, “Ginoong Ares, mayroong isang magandang babae rito na hinahanap ka.” Ang kaniyang tinig ay tila nananabik.Pinagalitan siya ni Grayson, “Hindi mo ba alam na pinagbabawalan sa opisina ni Ginoong Ares ang biglaang pagpasok ng mga babae? Paalisin mo siya.”Napa-isip nang sandali si Jay kung ang babae bang iyon ay ang sinumpaang si Rose. Gayunpaman, nang marinig niya ang secretary na nilalarawan ang babae bilang maganda, agad na natanggal ito sa kaniyang isipan.‘Ang pangkaraniwan at walang hugis na Rose na iyon kasama ang kaniyang makalumang istilo ay hindi kailanman mailalarawan gamit ang salitang iyon.’Isinara ng secretary ang pinto at bumalik sa reception. Mahinhin niyang sinabi, “Pasensya na, binibini. Hindi tumatanggap ng mga bisita si Ginoong Ares ngayon.”Inangat ni Rose ang kulot niyang buhok at huminga nang malalim upang pigilan ang kaniyang inis
Kahit ano’ng mangyari, hindi rin naman maglalakas-loob si Rose na ipakilala ang kaniyang sarili kay Jenson. Ang makita siya ay isa nang basbas na pinasasalamatan niya.“Tinatanggap ko!” Kusang sinabi ni Rose, malakas at malinaw habang siya ay nakatitig sa mga mata ni Jay.Ang kaniyang mga mata ay napunta sa panulat sa kamay ni Jay ngunit humigpit ang hawak niya dito na para bang wala siyang balak na ipahiram ito sa kaniya.Nang walang bahala, binuksan ni Rose ang kaniyang handbag upang kumuha ng isang panulat upang pirmahan ang kontrata.Nanood nang maigi si Jay habang isa-isang nilalabas ni Rose ang mga laman ng kaniyang bag at nilagay ang mga ito sa kaniyang mesa. Ang kaniyang mga mata ay biglang napunta sa isang maliit na bote at napakunot ang kaniyang mga kilay sa kakaibang mabulang tubig sa loob nito.‘Pepper spray?’Sa wakas ay nakaramdam si Rose ng isang panulat sa ilalim ng kaniyang bag at nilagay lahat ng mga laman nito sa loob, isa-isa. Nang pulutin niya ang pepper spray, nak
Nilagay ni Rose ang regalo niyang Lego sa mesa sa harap ni Jenson at pilit na binuksan ang kahon. Sinubukan niyang tanggalin ang katahimikan sa pagitan nila ni Jenson nang ilabas niya ang mga parte ng laruan sa loob at sinimulang buohin ang mga piraso ng Lego.“Jenson, paunahan kaya tayo? Tignan na ‘tin kung sino ang mas mabilis gumawa.”Umakyat si Jay at narinig ang hamon ni Rose kay Jenson. Isang sariwang ngisi ang lumitaw sa kaniyang mukha.Personal na tinuruan ni Jay si Jenson kung paano mag-program. Ang pagbubuo ng kahit ang pinakakomplikadong model ng Lego ay napakadali lamang para sa kaniya.‘Ang isang walang pinag-aralang tulad ni Rose malamang ay walang kaalam-alam sa programming. Ganoon ba talaga siya katanga at naisip niyang kaya niyang buohin ang Batman model na ‘yon?’Agad na hindi binigyan ni Jenson si Rose ng sagot.Sa halip, tahimik niyang kinuha ang Lego mula sa kamay ni Rose, tumingin sa orasan sa pader, at nagsimulang buohin ang mga ito.Nagulat si Rose. ‘Pumayag ba