LOGINPagdaan ko sa hallway pabalik sa desk ko, nakarinig ako ng bulungan.
“Bakit ba siya palagi ang sinasama sa client pitch? Eh wala naman siyang alam." "Who knows 'di ba? Magaling naman si Pia, ewan ko rin ba kay Sir Tirso." “Grabe, hindi man lang niya na-defend ‘yung concept niya kanina. Cringe.” "Ako 'yong nahiya." I felt so small. Parang kahit anong effort kong magtrabaho araw-araw, palaging may mali na naghahatak sa akin paibaba. Tahimik akong nagpatuloy, hindi na lumingon pa, pilit kinukumbinsi ang sarili na wala lang 'yon. "Irene." Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Marge, sekretarya ni Tirso na nakatayo sa may desk niya. "Ano 'yon?" “Pinapatawag ka ni Sir.” Awtomatikong naglakad ako papunta sa glass office ni Tirso. Dama ko na agad ‘yong tensyon kahit hindi pa ako nakakapasok. Kumatok ako ng tatlong beses dahil 'yon ang isa sa mga rules niya na kailangan sundin. “Come in.” Tahimik akong pumasok sa loob ng opisina niya, bitbit ang clipboard na dala ko kanina. Pinikit ko sandali ang mga mata ko bago tumapat sa desk niya. He didn’t even bother looking at me at first, just flipping through the printed deck I presented a while ago. "Sit." His voice was steady, raspy, and full of authority. Tipikal na Tirso na tono. Tahimik akong umupo, nag-aalangan pa sa una. Kinakabahan sa sasabihin niya. “Explain,” he said, eyes finally meeting mine. Matatalim at seryoso na parang mag-aalab sa galit, pinipigilan lang. “What the hell was that back there?” Nagbaba ako ng tingin. “I—” “Hindi pa ako tapos magsalita." Tumigil ako. Nilunok ang pride, ramdam ang panginginig ng mga daliri ko sa pagkakahawak ng clipboard. “Do you even understand the brand?” patuloy niya. “You stood there like a deer in headlights. Walang conviction, walang spine. I had to save your ass again.” Nanlumo ako. “I tried my best—” “Then your best isn’t good enough.” Parang sinampal ako sa pisngi. Marami na akong natanggap na masasakit na salita mula sa kanya, pero iba ngayon. Hindi lang basta trabaho ang tinitira niya. Parang buong pagkatao ko na. “I’m sorry,” bulong ko. “I’ll revise it. Tonight.” He scoffed. “Not tonight. Now. I want a new deck before five. If you can’t even do that, maybe you’re in the wrong field.” Hindi ko na napigilang mapatingin sa kanya. Nakuyom ko ang kamao sa inis. “I know I messed up,” mahinang sabi ko. “But I’m not clueless. I just... I get nervous, and—” “Excuses.” Napapikit ako. Sobrang sakit. Pero hindi ako pwedeng umiyak sa harap niya. Hindi ko pwedeng patunayan sa kanya na tama siyang nasa maling field ako. “I don’t need your best, Irene. I need results," mabigat niyang sinabi. “You can’t even defend your work. Para kang bata. Alam mo ba 'yon? Nakakahiya." Natigilan ako sa sinabi niya. "I—" “Why the hell didn’t you prepare? You had four days.” “I did. I worked overnight. I just—” “You just what?” tumayo siya at lumapit sa akin. “You just hoped someone else would save you again? That I’d jump in last minute and clean your mess?" Napabuntong hininga ako, ramdam ang panginginig ng katawan ko. “I’m trying, Sir.” “No. You’re barely surviving. This isn’t about trying. This is about whether you’re actually meant to be here.” "So you think I don't belong here?" Hindi ko mapigilang sikmat ko. Sumusobra na siya. “Do you?” Tumalikod siya, lumapit sa glass wall ng opisina at nakapamulsang tinanaw ang city view. “You walk around like a ghost. People talk, and you say nothing. You present work like you don’t believe in it. And when people laugh behind your back, you pretend not to hear it.” My throat tightened. I swallowed hard, but the lump remained. “You have no backbone, Irene,” dagdag niya sa mas malalim na boses. “You want to be in this industry? Then act like you deserve it.” I was hurt, wrecked at his words. Pero sa halip na umiyak, tumingin ako sa kanya ng diretso. "You think I don't know that? You think I don't hear them? Every whisper. Every laugh. Every side eye whenever I enter the room. Alam ko, Sir. Hindi ako bulag. Hindi ako bingi. At hindi ko trabaho ang ipaliwanag ang sarili ko sa kanila." Tumahimik siya. Ilang segundo kaming walang imikan. "I'm not asking for special treatment," I continued, voice trembling. "I just want a chance. One real chance. Without people assuming na kaya lang ako nandito dahil sa awa o dahil pinapaburan mo 'ko." Tumingin siya sa’kin ulit. "Then prove it." "I am." "No, you're not. You're apologizing for existing." “Because maybe I feel like I have to,” bulong ko. “Every single day.” “Fix yourself, Irene,” he finally said, softer but still cold. “Because I won’t always be around to do it for you.” Tumango ako at tumayo. Hawak pa rin ang clipboard na kanina pa nanginginig sa kamay ko. “Noted, Sir.” At bago pa ako makalabas, humabol pa siya. “And one more thing.” Napalingon ako. ‘Yung mukha niya, hindi na ganun ka-seryoso, pero hindi rin siya ngumiti. Parang... may ibang iniisip. “Your copy for the next pitch, do better. Because if you mess this up again… I won’t save it.” “I’ll get it done,” mariing sambit ko. “And I’ll make sure you won’t have to save my ass again.” Sa unang pagkakataon, umaliwalas ang mukha niya. “Tingnan natin.” Paglabas ko ng office niya, napabuga ako ng hangin. Hindi dahil sa kahihiyan, kundi sa bigat ng bawat salitang ibinato niya. Alam kong may punto siya. Alam kong hindi ako perfect. Pero ang sakit pala masabihan ng ganun. Sa hallway, naramdaman kong nagpapalitan ng tingin ang ibang empleyado. May iba na umiiwas, may nakangiti, at nakakarinig ng mahihinang bulungan dahil alam nilang napagalitan ako. Pinilit kong ayusin ang postura ko. Walk straight. Chin up. Wag mong ipakita na wasak ka, Irene! Pero sa loob-loob ko, gusto ko nang umiyak. Ang bigat ng dibdib ko. Gusto ko nang mag-quit. Gusto ko na lang maglaho. Hindi ko maintindihan kung bakit palagi siyang galit sa akin. Palagi akong mali sa paningin niya. Bakit hindi na lang niya ako tanggalin sa trabaho?Umupo ako sa tabi ng ina niya, ramdam ang mabigat nilang tingin sa akin na para bang konting pagkakamali ko lang, mabubuko kami. “Tell us, Irene,” dagdag ng ina nito, nakangiti pero mapanuri ang mga mata. “How did you and my son meet? We’ve never heard about you before.” Pinagdaop ko ang nanlalamig na mga palad at tumingin kay Tirso. Nagtama ang tingin namin na tila sinasabi na turn ko naman. “Go ahead,” he whispered, barely moving his lips. “This is where you prove yourself.” Huminga ako nang malalim, pilit na ngumiti kahit nanginginig ang labi. “Ah… we… we met at work,” halos pabulong kong sabi. “I was new at the office, tapos siya naman ang boss ko.” Napatingin agad ang ama niya, brow raised. “Your boss?” “Yes, Dad,” Tirso answered, calm and controlled. “I noticed her right away. She was hardworking… different. Not like the others,” he continued glancing at my side, that smirk tugging at his lips. “She caught my attention.” Nanatili akong nakangiti, kunwari nahihiya k
Para ko na ring benenta ang sarili ko sa kanya kapalit ng kaligtasan ko, pero wala na akong ibang maisip na paraan. Gusto ko pang mabuhay. Tirso studied me quietly, his eyes narrowing. Umupo siya pabalik sa swivel chair niya, crossing one leg over the other like a heartless man. Walang pakialam. At ngayon, napagtanto ko, baka nakonsensya lang siya kagabi kaya maayos ang trato niya sa akin, pero siya pa rin ang boss kong walang paki sa nararamdaman ng ibang tao kahit nasa bingit na ng kamatayan. “Good,” he finally said, swirling the last of the wine in his glass. “From this moment on, you belong to my plan. No more excuses, no more hesitations. Kapag kasama kita, you smile. You hold my hand. You play the role. Clear?” "O-Opo, Sir..." Yumuko ako, hindi na kayang tagalan ang paninitig niya sa akin. He leaned forward, elbows on the desk, and smirked. “Don’t worry, Irene. I’m not asking you to love me. I don’t believe in that crap anyway. This is just business. You get one millio
Pagkapasok namin sa opisina niya, nanlamig ako lalo. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng kamay ko at ang kabang bumabalot sa dibdib ko. Para akong bibigay anumang oras. Tahimik siyang naupo sa swivel chair niya, sumandal at hinawakan ang isang baso ng alak. Ako naman, nanatiling nakatayo sa gitna ng opisina, hindi makagalaw, nanghihina, at nilalamon ng takot. “Sit down,” utos niya. Dahan-dahan akong naupo, nangangatog ang mga tuhod. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Kusa na lang akong bumigay, mahinang humihikbi. "Now tell, what happened? Why are you shivering? Bakit hindi mo natapos ang pinapagawa ko sayo? Bakit parang wala ka naman sa sarili?" Nangatal ang labi ko, nanginginig, hindi alam kung saan magsisimula. I tried to open my mouth, pero walang lumabas na anumang salita. “I… I—" nakagat ko ang ibabang labi, nanginginig ang balikat sa takot. “They… they came for me, Sir. Mga lalaki… mga armadong lalaki.” Halos mapugto ang hininga ko sa gitna ng pagsasalita. My tear
Kinabukasan, halos hindi ako nakatulog kakaisip sa mga nangyari kahapon. Nakapikit lang ako buong gabi pero ang utak ko gising na gising, paulit-ulit na binabalikan ang mga eksena kagabi. Hindi matanggal sa isip ko ang pagtrato sa akin ng boss ko. Ibang-iba sa nakasanayan ko kapag nasa loob kami ng kumpanya. Pakiramdam ko ibang tao ang kaharap ko. Bakit ang bait niya? Naawa lang ba siya sa akin? Nakokonsensya sa pinaggagawa sa akin? Kakaisip ko, nakatulog ako nang hindi ko namamalayan kaya late na naman ng gising. Nagmamadali akong nag-ayos at hindi na naman nakapag-almusal. Bitbit ang laptop at bag, dali-dali akong bumaba ng apartment building at patakbong lumabas. Alas syete na at kung maglalakad lang ako papunta sa terminal baka sakto lang ang dating ko sa opisina. Pero hindi ko inasahan ang mga sumunod na nangyari. Pagtawid ko sa kabilang kalsada, biglang huminto ang isang itim na van sa harap ko. Bumukas ang sliding door at may bumabang tatlong lalaki, lahat naka-it
Nanatili akong tahimik hanggang sa bigla siyang lumiko sa hindi pamilyar na kalsada. Kumunot ang noo ko. Na-alarma ako pero hindi ko pinahalata. Saan siya pupunta? May dadaanan pa ba siya? “Sir… hindi po ito daan pa-uwi sa amin,” mahina kong sabi, pilit pinapakalma ang boses ko. “Relax,” sagot niya nang diretso, hindi inaalis ang tingin sa kalsada. Ilang segundo lang, nakilala ko agad ang pulang bubong na may kislap ng ilaw, Jollibee drive-thru. Napakagat ako ng labi. Akala ko diretso na kami uuwi, pero bakit nandito kami? Tahimik lang siya nang iikot niya ang sasakyan sa drive-thru lane. Hindi ko alam kung anong sasabihin, kaya pinili kong manahimik na lang. Pagdating sa order window, narinig ko ang mababa pero malinaw niyang boses. “One burger steak, one chickenjoy meal, extra rice, fries, palabok, spaghetti… at dalawang sundae.” Dire-diretso niyang binanggit, walang pag-aalangan. Napatingin ako sa kanya. Ang dami. Parang pang-family meal. Nang matapos ang order, in
Pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na gabi, nagpaalam na ako sa boss ko at nagpasyang umuwi na. Pero pagdating ko sa bus station, doon ko pa lang napagtanto na wala nang bumibyaheng bus kapag ganitong oras. Hatinggabi na. Umupo ako sa sementadong upuan, yakap ang bag at dumungaw sa kalsada, pinagmamasdan ang mga kotseng dumadaan. Marami pa rin namang tao, ganun din ang nakabukas na mga store, kainan at kung anu-ano pa na makikita sa syudad. Tipikal. Huminga ako ng malalim. Kung sasakay ako ng taxi, mahal ang sisingilin sa akin lalo na kapag gabi. So, baka maglakad na lang ako nito pauwi? At ibili na lang ng ulam itong pamasahe ko? Sumandal ako sa sandalan nitong shed. Pinikit ang mga mata, pilit pagtagpi-tagpi ang mga nangyari ngayong araw, ang panlalait ng mga kasama, ang pagbuhos ng tubig sa restroom, yung tingin ng mga tao sa paligid, at higit sa lahat... yung mga sinabi niya. Yung boss ko. The man who had always seemed so untouchable, so ruthless, pero kanina... iba si







