Home / Romance / Sirit (SPG) / Kabanata 1

Share

Kabanata 1

Author: Ensi
last update Last Updated: 2025-12-09 20:39:45

Maaga pa pero parang hapong-hapo na 'ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa hindi ko pag-kain ng almusal o dahil alam kong mapapasabak na naman ako sa isa sa mga client.

Huminga ako ng malalim at napatingin kay Pia nang daanan niya ako.

Kagagaling ko lang sa banyo dahil kanina pa ako ihing-ihi tapos nagpalit na rin ng damit para sa meeting mamaya.

“Anong ginagawa mo dyan?" taas kilay na tanong ni Pia, seatmate ko sa creative team.

Takang tumingin ako sa kanya. "Huh? Bakit?"

“Nasa conference room na sila. Nagsimula na raw.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko, hindi na makapagsalita.

Nang makabawi, halos magkanda dulas ako sa pagmamadali para kunin ang flash drive sa desk ko. Mabuti na lang talaga at tinapos ko agad ang caption para doon sa campaign ng kliyente kundi lagot na naman ako sa boss kong perfectionist.

Hinagod ko muna ang mukha ko para bumwelo. This is it. Client presentation. At ang magpi-present? Ako lang naman. Masaklap, nahuli pa. Sermon talaga ang aabutin ko nito.

Bumigat ang paghinga ko habang tinatahak ang conference room. Pinilit kong ituwid ang likod ko kahit halos magwala na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Isang maling slide lang, isang pangit na choice ng word, tapos ang lahat kay Sir Tirso.

Pagpasok ko, unang bumungad sa akin ang malamig na tingin ni Sir. Lagi naman. Kailan ba siya ngumiti? Kailan ba naging maaliwalas ang mukha niya? Never.

God. Sana maisalba ko 'to, kahit ngayon lang. Sobra akong nap-pressure.

Nakatayo si Tirso sa tabi ng screen, nakahalukipkip, naka-itim na long-sleeved shirt at slacks. Walang bahid na pagod ang mukha niya kahit halatang naiinip na. Lahat tahimik. Lahat alerto. Lahat parang takot huminga.

Napalunok ako nang bumigat ang tingin niya sa akin. Hindi ko naman kasi alam na darating agad ang client. Akala ko mamaya pa.

“You’re late,” panimula niya. Boses pa lang, gusto ko ng umatras at magpasa ng resignation letter nang matapos na 'to, pero naiisip ko kung gaano kalaki 'yong sahod na minsan lang i-offer sa isang kumpanya. “You were supposed to present ten minutes ago.”

Tumango ako, pilit iniiwasan ang pag-ikot ng sikmura ko. “I’m sorry po. I’m ready now.”

Umupo ang mga kliyente na kanina lang ay may kausap, tatlong babae at isang lalaki na mukhang naiinip na rin kakahintay sa akin. Corporate types. Mga tipong naka-attend na ng twenty meetings this week. Kailangan ko silang gisingin. Kailangan kong bawiin ang nasayang na oras.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, pinindot ko ang remote saka naman lumabas ang unang slide.

“Good morning po. I’m Irene, from the creative team. Today, I’ll be presenting a 360 campaign titled ‘Lifetime: A Legacy in Motion’ for your brand’s 18th anniversary.”

Tahimik lang sa una hanggang sa may tumikhim. Wala pang limang segundo, nahagip na ng mata kong dahan-dahang binuksan ni Tirso ang laptop. At kahit tahimik lang siya, I could feel it—his judgment. His disapproval. That feeling that he's just waiting for you to mess up.

At sa puntong 'to, pinanghinaan na ako ng loob na magpatuloy. Nagsimulang manlamig at manginig ang kamay ko.

I could feel the disappointment.

“…the campaign centers around three pillars—memory, tradition, and forward movement. Each content asset will highlight a generational story while introducing the rebranded product line...”

Pilit kong sinunod ang script ko sa utak, but I could already see it in his face, may mali.

Bakit ganun ‘yung font? Bakit hindi aligned ang mga boxes sa slide three? Bakit walang subtitle sa teaser video?

Tapos na ang pitch ko nang hindi ko namalayan.

Nakakabinging katahimikan ang namayani.

At doon na siya tumayo.

Tirso’s voice sliced through the silence. “Is this the best you can do?”

Napayuko ako. Ramdam ko agad ang mabigat ng tensyon sa loob. Wala ni isang gustong magsalita maski ang mga kliyente.

“Sir?” tanong ko sa nanginginig na boses.

“The layout’s a mess. The tone of the caption doesn’t match the brand’s voice. The video was… average at best. Honestly, I’ve seen better work from interns.”

That hit me hard. Insulto sa gawa ko at siguro tama siya.

Mas lalo akong napayuko. Hindi ko pinakita na nasaktan ako. Ngumiti ako, 'yung tipong halos mapunit ang labi ko para lang hindi maiyak.

“The timeline was tight,” sagot ko. “I had to revise the copy three times—”

“I don’t care about your excuses, Miss Irene,” sansala niya sa akin, walang pag-aalinlangan. “You were given time. You were given feedback. This should’ve been better. If this is the quality of work you continue to deliver, maybe we should rethink your position in the team.”

Pia tried to look away when I looked at her. Nakita ko kung paano nag-iwas ng tingin ang iba at mahinang napailing.

Nanlumo ako.

Pero ang pinakamasakit? Baka ilipat niya ako na ayokong mangyari dahil gusto ko ang ginagawa ko.

Lumingon ako sa client at pilit na ngumiti. “We’re open to feedback po. I’ll revise and realign everything. I'm sorry."

Tumango lang iyong lalaki, halatang naawa sa akin—sa itsura ko na halos paiyak na.

Pagkatapos ng presentation, lumabas ako ng room na parang wala sa sarili. Tahimik akong naglakad pabalik sa desk ko, pero tumigil ako sa pantry.

Doon ko na ‘di napigilan.

I held on to the edge of the counter, pinikit ang mata, at sinubukang pigilan ang luhang gustong kumawala.

Minsan iniisip ko, bakit pa ako nag-s-stay?

Tirso has been my tormentor since day one. Hindi siya yung tipong boss na marunong makiramdam. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ng iba.

He pushes you to the edge, then watches if you’ll fall or fly. Sa kaso ko? Lagi akong bagsak.

Hindi ko alam kung galit lang talaga siya sa katulad kong hindi top school graduate. O dahil babae ako. O dahil hindi ako outspoken. Or maybe… I just genuinely svck at this.

I hated how much power he had over my confidence.

Because honestly… what’s worst is being hated by your boss.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sirit (SPG)   Kabanata 49

    "May lagnat ka na nga, nagawa mo pang magbiro,” sermon ko sa kanya.Hindi ko alam kung may lagnat ba talaga siya o pinagloloko lang niya ako, pero ramdam ko ang init ng katawan niya.He's just playful right now, but I could feel that he's getting weak. Namumula na nga ang mukha niya.Ba't ba kasi hindi ito kumain?“Tirso?” mahina kong tinapik ang pisngi niya hanggang sa tuluyan siyang magdilat ng mata.Pumasok sa isip ko na dalhin siya sa ospital kasi pakiramdam ko mataas talaga ang lagnat niya. Pero nang makita kong gising naman siya at medyo maayos pa ang itsura ay naisip kong dito na lang siya alagaan.Kung ilalabas ko siya dito na magkasama, mas lalo kaming pag-uusapan. Ang dami na ngang nagpaparinig sa akin kesyo nilándi ko si Tirso. Hinayaan ko na lang.“Dito ka lang,” sabi ko, patayo na sana. “Kukuha lang ako ng makakain at gamot mo.”Pero bago pa ako tuluyang makaalis, hinila niya ang kamay ko, dahilan para bumagsak ako diretso sa dibdib niya.“Dito ka lang,” mahinang sabi niy

  • Sirit (SPG)   Kabanata 48

    Dala ang pinapatapos niya sa aking documents, huminga ako ng malalim bago pumasok sa kanyang opisina. Hindi sa takot, pero kinakabahan pa rin talaga ako kapag kami lang dalawa ang magkasama. Minsan kasi nagnanakaw ng halik. Nandito pa naman kami sa kumpanya. Paano kung may makakita? Ano na lang ang sasabihin sa amin? “Good afternoon, Sir...” bati ko, pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Why do I feel like I did something wrong? Iba ang awra niya ngayon. “Ilagay mo lang sa lamesa ko,” malamig niyang sabi na nagpagulat sa akin. Feeling ko meron nga, pero nilagay ko pa rin sa lamesa niya ang folder. “Balik na po ako...” I was a bit shocked when he looked at me, cold and dangerous. Ano bang nagawa ko at parang galit siya? Wala akong matandaan. Kinalas niya ang necktie niya, halatang gigil na gigil. Bahagya akong napa-atras nang tumayo siya at inayos ang salamin. “Who was the guy you were talking to and laughing with?” he asked, his tone was possessive. I swallowed h

  • Sirit (SPG)   Kabanata 47

    Napakurap ako sa tanong niya. “Dito?” tanong ko, na sinagot niya lang ng isang ngiti at marahang tango. Napahawak ako sa batok ko at nagbaba ng tingin nang maramdaman kong umiinit ang mukha ko. I was blushing, no doubt. But the moment he lifted my face and leaned in to kiss me, I closed my eyes and let myself feel it, his lips moving slowly against mine, not rough, not hurried, just… full of intention. I could feel it. Sinasadya niyang maghinay-hinay, giving me time to pull away. Pero hindi ko ginawa. Huminto siya sandali at idinikit ang noo sa akin. “If this is too much,” mahina niyang sabi, “tell me.” Dumilat ako at bahagyang umiling. “Hindi,” sagot ko, halos pabulong. “Okay lang.” He smiled, soft, relieved, and this time, he simply held my hand, as if grounding both of us. Sa gitna ng malamig na hangin ng hardin at mahinang lagaslas ng fountain, doon ko naramdaman kung gaano kakaiba ang halik na 'yon. It wasn’t desire. It wasn’t fleeting either. It felt like assurance. “Tha

  • Sirit (SPG)   Kabanata 46

    With his reassuring words, I felt more relaxed. May magic yata ang halik niya at bigla na lang humupa ang kaba ko. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko, halos idikit niya ang noo niya sa gilid ng ulo ko, na para bang sapat na sa kanya ang ganito lang. My friends kept talking among themselves, but every now and then, I could hear their soft giggles. Ewan ko ba kung dahil sa amin ni Tirso o may sarili silang kinakikiligan. Napabuntong-hininga ako at sinubukang igala ang tingin ko sa mga tao sa paligid hanggang sa may makita akong pamilyar na mukha. Ngunit agad ding nawala ang atensyon ko doon sa sunod na sinabi ni Tirso. “I want more kisses,” bulong niya, tila batang naglalambing. “Can I have more later?” Natawa ako ng marahan “Nanliligaw ka pa lang, ah. Ilang halik na ’yan?” “Hindi ba puwedeng manliligaw with kissing privileges?” tanong niya, sabay angat ng tingin sa akin, pansin ang pamumungay ng kanyang mga mata. Napaisip ako. Hindi ko alam kung pagod lang ako, kung nadal

  • Sirit (SPG)   Kabanata 45

    Kailanman ay hindi ko pinangarap magsuot ng high heels. Pero dahil sa party na ’to, sige, titiisin ko. Naalala ko tuloy noong unang beses akong nagsuot ng ganito, noong interview ko sa kumpanya ni Tirso. Grabe ang paltos na tinamo ko noon, halos hindi na ako makalakad nang maayos. Ikaw ba naman pabalik-balik sa opisina ng boss mo, paikot-ikot sa hallway, pinipilit maging presentable kahit nagmamakaawa na ang paa mo. Tiniis ko na lang talaga ang sakit. Kung pwede lang magsuot ng rubber shoes, ginawa ko na. Pero nag-iba naman ngayon kaya pwede na. Pwede na rin magsandal. Hindi na siya ganun ka-strikto. “We’re here,” sabi ni Tirso nang huminto ang sasakyan niya. Napasilip ako sa bintana. I almost forgot how to breathe when I saw the place. Mansyon. Hindi lang basta malaking bahay. It was the kind of place you only see in magazines, high gates, warm lights glowing from tall windows, cars neatly lined up outside. Mga bisita siguro. “This is… her place?” mahina kong tanong. “Yes,” sa

  • Sirit (SPG)   Kabanata 44

    “Hindi pa tapos, Sir! Ikaw din dapat!” apila ni Lian. “Dapat matchy-matchy kayo ng outfit ni Irene.” M-Matchy-matchy? What? Kailangan ba dapat ganun? Pinandilatan ko si Lian ng mata. “Lian?” Tirso chuckled softly. “Sure,” he said, relaxed. “Kung gusto niya ng matchy-matchy, kayo na ang pumili para sa akin.” I almost bawled my eyes out, not crying, but in shock, while staring at him. But he just smiled at me. Nagawa pa niyang pisilin ang ilong ko. Seryoso ba siya? “Okay! Game!” sigaw ni Vera. “Tiwala lang Sir sa amin.” “Kami na bahala,” dagdag ni Cass, sabay tawa ng mahina. “Guys—” protesta ko, pero huli na. Hinila na nila si Tirso papunta sa kabilang section. With their excited voices overlapping, throwing words like they were so close, napailing na lang ako. “Irene, dyan ka lang ah!” sigaw ni Lian. “Surprise ’to!” I stayed seated on the couch, fingers clutching my bag a little too tight. My heart was doing that annoying thing again, racing for no logical reason. Why does

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status