LOGINPagbalik ko sa opisina niya, ramdam ko agad ang panibagong bigat sa dibdib. Ilang oras na akong nilalamig, pagod, at emotionally drained, pero eto na naman ako, bitbit ang laptop ko, hawak ang updated report, ibang files na pinapaayos niya, at pilit nilalakasan ang loob.
Panaka-naka akong pumasok, pabilis nang pabilis ang tibôk ng puso. Nakaupo siya sa swivel chair niya, isang kamay nakapatong sa desk, hawak ang phone pero hindi nakatingin doon. Nakatitig siya sa akin. Matalim. Seryoso. Parang inaaral ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa. Napansin ko rin ang bahagyang pagtaas ng kilay niya. “You didn't answer me when you left, Irene. Who did this to you?” tanong niya agad sa mabigat na boses. "I don't tolerate bullying. Speak up." “I— I just tripped, Sir.” I replied, barely above a whisper. Kahit ako, hindi ko makuhang maging matapang. "Nadapa." “Tripped?” Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at lumapit sa gilid ng mesa. “Basang-basa ka dahil nadapa ka? Saan? Sa swimming pool ba? As far as I can remember, nasa rooftop ang pool. What kind of excuse is that?” I swallowed hard. Hindi ko siya matingnan sa mata. Hindi ko rin alam kung kakayanin ko pang magsinungaling. “Answer me properly, Irene.” Huminga ako nang malalim. Bahagyang nanginig ang balikat. Hindi ko na rin alam kung dahil sa lamig o sa takot. “I was in the restroom, Sir,” I said slowly. “Some of the girls... they poured water on me.” Natahimik ang buong kwarto. As in literal na tahimik, tipong nakakabingi kahit walang ingay. Pag-angat ko ng tingin, nakita ko ang expression sa mukha niya. Hindi siya galit. He just... looked puzzled. Not surprised, but more like... he didn’t know how to process it. “Pinagtulungan ka nila?” he asked, voice low. “I guess I deserved it,” bulong ko. “Excuse me?” His voice thundered. Tumayo siya ng tuwid, shoulders squared. “You think being harassed in the restroom is something you deserve?” “Maybe if I weren’t always messing up... they wouldn’t hate me so much.” “Irene," pigil ang tono niyang tawag, malamig at mabigat. “Stop saying that. Don’t even try to justify that kind of behavior.” Natahimik ako. Gusto kong ipaliwanag, pero kahit ako, alam kong wala akong maibibigay na matinong rason. I just... felt small. Hindi ko rin nakita kung sino ang gumawa para isumbong sa kanya. Marahas siyang bumuntong hininga, naglakad pabalik sa likod ng upuan niya at kinuha ang itim niyang blazer. Pagbalik niya, nilapag niya ito sa ibabaw ng mesa. “Wear this,” he said flatly. “You’re shivering.” “I’m fine—” “Wear. It.” Hindi na ako nakipagtalo pa. I reached for it slowly, at saka ko sinuot habang nakayuko pa rin. Nakaramdam ako ng init. Mabango rin. Comforting. First time kong makasuot ng mamahaling blazer at sa lalaki pa. And for some reason, it made me feel... protected. He returned to his seat. Arms crossed. Eyes on me. “Look,” he started, “you’ve been messing up a lot lately. That’s a fact.” Napakagat ako sa labi. Here we go again, I thought. “But that doesn’t give anyone the right to humiliate you.” Napaangat ako ng tingin. That... wasn’t what I expected. Hindi ko alam kung aware siyang nagagawa niya rin 'yon sa akin pero hindi, parang ibang tao ang kaharap ko ngayon. “I can’t have someone on my team na hindi kayang tumayo para sa sarili niya, Irene. You think being quiet and keeping it all in makes you strong? It doesn’t. It just makes you a target.” Nanatali pa rin akong tahimik. Nakakagulat ang mga sinasabi niya ngayon. “You think staying silent will make people stop? No. It just tells them they can do worse next time. Mas lalala pa.” “Then what am I supposed to do?” Tanong ko, mas mahina sa inaasahan ko. “Confront them? Call them out? I don’t even have proof.” “Who cares about proof?” Bumuntong hininga siya. “You want to survive here? Learn to speak up. Make noise. Defend yourself kung sa tingin mo tama ka." “You think I’m not trying?” Napalakas ang boses ko nang kaunti. “Every single day I wake up asking myself if I still belong here.” Napakurap siya. Hindi niya siguro inasahan na sasagot ako nang gano’n. “I work hard, Sir,” tuloy ko, nanginginig na ang boses. “I stay late. I redo my work kahit ilang ulit mo akong pagalitan. And still... I feel like I’m disposable.” Nakita ko kung paano siya natigilan. “I never said you were disposable,” he finally said, his voice softer. “But that’s how you make me feel.” Pagpapakatotoo ko. Katahimikan ulit na para bang hindi niya inaasahan ang usapang 'to. Tumayo siya muli, this time, hindi na intimidating ang awra. Kinuha niya ang babasaging baso sa lamesa at nagsalin ng tubig mula sa pitcher. “Drink,” he said. Tinanggap ko. Uminom ako kahit nanginginig ang kamay ko. Ilang segundo lang, pero pakiramdam ko bumagal ang oras. He was just... looking at me. Not like a boss, not like a superior, but like someone actually trying to see what’s beneath the broken employee. “You want to stay in this company?” tanong niya bigla. “Yes,” I whispered. “Then I need you to show me why. I want you to stay here, Irene.” Napalunok ako. Why do I feel like he was begging to me? He sat back down and leaned forward, elbows on his desk. “Finish your report. Then come back here. We’ll talk about what to do next.” “Okay...” I nodded slowly. As I stood up, he added, “And Irene?” “Yes?” “Don’t ever say you deserve to be treated like a trash again. I don’t tolerate incompetence... but I hate injustice more.” I didn’t know what to say. But for the first time that night, I felt warm. Not because of the blazer. Not even because of the words. But because someone saw me. Not as a problem to fix, or a joke to laugh at, just... me. Lumabas ako ng opisina niya, ramdam ang init ng blazer. Parang yakap na hindi ko inasahan. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Parang may binuksan siya sa akin na matagal ko nang isinara. At habang naglalakad ako pabalik sa desk ko, bitbit ang laptop, hindi ko napigilan tanungin ang sarili ko— Why does the man I hated the most... suddenly feel like the only one on my side?"May lagnat ka na nga, nagawa mo pang magbiro,” sermon ko sa kanya.Hindi ko alam kung may lagnat ba talaga siya o pinagloloko lang niya ako, pero ramdam ko ang init ng katawan niya.He's just playful right now, but I could feel that he's getting weak. Namumula na nga ang mukha niya.Ba't ba kasi hindi ito kumain?“Tirso?” mahina kong tinapik ang pisngi niya hanggang sa tuluyan siyang magdilat ng mata.Pumasok sa isip ko na dalhin siya sa ospital kasi pakiramdam ko mataas talaga ang lagnat niya. Pero nang makita kong gising naman siya at medyo maayos pa ang itsura ay naisip kong dito na lang siya alagaan.Kung ilalabas ko siya dito na magkasama, mas lalo kaming pag-uusapan. Ang dami na ngang nagpaparinig sa akin kesyo nilándi ko si Tirso. Hinayaan ko na lang.“Dito ka lang,” sabi ko, patayo na sana. “Kukuha lang ako ng makakain at gamot mo.”Pero bago pa ako tuluyang makaalis, hinila niya ang kamay ko, dahilan para bumagsak ako diretso sa dibdib niya.“Dito ka lang,” mahinang sabi niy
Dala ang pinapatapos niya sa aking documents, huminga ako ng malalim bago pumasok sa kanyang opisina. Hindi sa takot, pero kinakabahan pa rin talaga ako kapag kami lang dalawa ang magkasama. Minsan kasi nagnanakaw ng halik. Nandito pa naman kami sa kumpanya. Paano kung may makakita? Ano na lang ang sasabihin sa amin? “Good afternoon, Sir...” bati ko, pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Why do I feel like I did something wrong? Iba ang awra niya ngayon. “Ilagay mo lang sa lamesa ko,” malamig niyang sabi na nagpagulat sa akin. Feeling ko meron nga, pero nilagay ko pa rin sa lamesa niya ang folder. “Balik na po ako...” I was a bit shocked when he looked at me, cold and dangerous. Ano bang nagawa ko at parang galit siya? Wala akong matandaan. Kinalas niya ang necktie niya, halatang gigil na gigil. Bahagya akong napa-atras nang tumayo siya at inayos ang salamin. “Who was the guy you were talking to and laughing with?” he asked, his tone was possessive. I swallowed h
Napakurap ako sa tanong niya. “Dito?” tanong ko, na sinagot niya lang ng isang ngiti at marahang tango. Napahawak ako sa batok ko at nagbaba ng tingin nang maramdaman kong umiinit ang mukha ko. I was blushing, no doubt. But the moment he lifted my face and leaned in to kiss me, I closed my eyes and let myself feel it, his lips moving slowly against mine, not rough, not hurried, just… full of intention. I could feel it. Sinasadya niyang maghinay-hinay, giving me time to pull away. Pero hindi ko ginawa. Huminto siya sandali at idinikit ang noo sa akin. “If this is too much,” mahina niyang sabi, “tell me.” Dumilat ako at bahagyang umiling. “Hindi,” sagot ko, halos pabulong. “Okay lang.” He smiled, soft, relieved, and this time, he simply held my hand, as if grounding both of us. Sa gitna ng malamig na hangin ng hardin at mahinang lagaslas ng fountain, doon ko naramdaman kung gaano kakaiba ang halik na 'yon. It wasn’t desire. It wasn’t fleeting either. It felt like assurance. “Tha
With his reassuring words, I felt more relaxed. May magic yata ang halik niya at bigla na lang humupa ang kaba ko. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko, halos idikit niya ang noo niya sa gilid ng ulo ko, na para bang sapat na sa kanya ang ganito lang. My friends kept talking among themselves, but every now and then, I could hear their soft giggles. Ewan ko ba kung dahil sa amin ni Tirso o may sarili silang kinakikiligan. Napabuntong-hininga ako at sinubukang igala ang tingin ko sa mga tao sa paligid hanggang sa may makita akong pamilyar na mukha. Ngunit agad ding nawala ang atensyon ko doon sa sunod na sinabi ni Tirso. “I want more kisses,” bulong niya, tila batang naglalambing. “Can I have more later?” Natawa ako ng marahan “Nanliligaw ka pa lang, ah. Ilang halik na ’yan?” “Hindi ba puwedeng manliligaw with kissing privileges?” tanong niya, sabay angat ng tingin sa akin, pansin ang pamumungay ng kanyang mga mata. Napaisip ako. Hindi ko alam kung pagod lang ako, kung nadal
Kailanman ay hindi ko pinangarap magsuot ng high heels. Pero dahil sa party na ’to, sige, titiisin ko. Naalala ko tuloy noong unang beses akong nagsuot ng ganito, noong interview ko sa kumpanya ni Tirso. Grabe ang paltos na tinamo ko noon, halos hindi na ako makalakad nang maayos. Ikaw ba naman pabalik-balik sa opisina ng boss mo, paikot-ikot sa hallway, pinipilit maging presentable kahit nagmamakaawa na ang paa mo. Tiniis ko na lang talaga ang sakit. Kung pwede lang magsuot ng rubber shoes, ginawa ko na. Pero nag-iba naman ngayon kaya pwede na. Pwede na rin magsandal. Hindi na siya ganun ka-strikto. “We’re here,” sabi ni Tirso nang huminto ang sasakyan niya. Napasilip ako sa bintana. I almost forgot how to breathe when I saw the place. Mansyon. Hindi lang basta malaking bahay. It was the kind of place you only see in magazines, high gates, warm lights glowing from tall windows, cars neatly lined up outside. Mga bisita siguro. “This is… her place?” mahina kong tanong. “Yes,” sa
“Hindi pa tapos, Sir! Ikaw din dapat!” apila ni Lian. “Dapat matchy-matchy kayo ng outfit ni Irene.” M-Matchy-matchy? What? Kailangan ba dapat ganun? Pinandilatan ko si Lian ng mata. “Lian?” Tirso chuckled softly. “Sure,” he said, relaxed. “Kung gusto niya ng matchy-matchy, kayo na ang pumili para sa akin.” I almost bawled my eyes out, not crying, but in shock, while staring at him. But he just smiled at me. Nagawa pa niyang pisilin ang ilong ko. Seryoso ba siya? “Okay! Game!” sigaw ni Vera. “Tiwala lang Sir sa amin.” “Kami na bahala,” dagdag ni Cass, sabay tawa ng mahina. “Guys—” protesta ko, pero huli na. Hinila na nila si Tirso papunta sa kabilang section. With their excited voices overlapping, throwing words like they were so close, napailing na lang ako. “Irene, dyan ka lang ah!” sigaw ni Lian. “Surprise ’to!” I stayed seated on the couch, fingers clutching my bag a little too tight. My heart was doing that annoying thing again, racing for no logical reason. Why does







