LOGINPagkatapos ng mahaba at nakakapagod na gabi, nagpaalam na ako sa boss ko at nagpasyang umuwi na. Pero pagdating ko sa bus station, doon ko pa lang napagtanto na wala nang bumibyaheng bus kapag ganitong oras. Hatinggabi na.
Umupo ako sa sementadong upuan, yakap ang bag at dumungaw sa kalsada, pinagmamasdan ang mga kotseng dumadaan. Marami pa rin namang tao, ganun din ang nakabukas na mga store, kainan at kung anu-ano pa na makikita sa syudad. Tipikal. Huminga ako ng malalim. Kung sasakay ako ng taxi, mahal ang sisingilin sa akin lalo na kapag gabi. So, baka maglakad na lang ako nito pauwi? At ibili na lang ng ulam itong pamasahe ko? Sumandal ako sa sandalan nitong shed. Pinikit ang mga mata, pilit pagtagpi-tagpi ang mga nangyari ngayong araw, ang panlalait ng mga kasama, ang pagbuhos ng tubig sa restroom, yung tingin ng mga tao sa paligid, at higit sa lahat... yung mga sinabi niya. Yung boss ko. The man who had always seemed so untouchable, so ruthless, pero kanina... iba siya. Napatingala ako. Si Tirso ba talaga 'yong kausap kanina? Bakit parang ibang tao? “Don’t ever say you deserve to be treated like a trash again.” Ang bigat ng boses niya, parang tumatak sa utak ko. Hindi ko makalimutan. Muli akong napapikit. Mariin. Gusto kong isipin na wala lang ‘yon, na trabaho lang, na baka nadala lang siya sa sitwasyon. Pero bakit parang hindi? Bakit parang... may iba? Kasabay ng pagkalunod ko sa sariling iniisip, biglang may headlights na tumigil sa harap ko. Isang itim na kotse. Hindi ko na kailangang hulaan kung kanino iyon. Bumaba ang tinted window, at doon ko siya nakita. Ang boss ko. Ang lalaking hindi ko inaasahang makikita pa ngayong oras. Napaupo ako ng tuwid. Anong ginagawa niya rito? “Irene.” Malamig pero klaro ang boses niyang tawag. “Get in.” Napakagat-labi ako. “Sir, I—” “Don't make me wait,” putol niya sa akin. “It’s too late. Wala ka nang masasakyan. Get in the car.” Nag-aalangan ako. Nahihiya ako. Alam kong delikado rito sa labas, pero boss ko 'yan, eh. "Irene..." tawag niya ulit, mas malamig, mas mabigat ang boses. May choice pa ba ako? Hindi ko naman kasi talaga kayang maglakad pauwi. Mas malala, baka may makasalubong akong mga lasing sa daan at pagtangkaan pa nila ang buhay ko. Gusto ko pang mabuhay. Dahan-dahan akong tumayo, mahigpit na hinawakan ang strap ng bag, at lumapit sa pinto ng kotse. Binuksan ko iyon at naupo sa passenger seat. Sumalubong sa akin ang pabango ng sasakyan. Amoy panglalaki. Pero ang lamig ng aircon. "Your seatbelt, Irene," paalala niya kaya agad kong sinukbit iyon sa katawan ko. Tahimik lang siya habang nagmamaneho. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya muling nagsalita. “You shouldn’t be out here this late,” sabi niya, hindi nakatingin sa akin. “Anything could’ve happened.” “Wala na pong bus,” mahinang sagot ko. Saka siya naman ang dahilan bakit late na ako ng labas kaya 'di na ako nakaabot. He sighed, pressing his hands against the steering wheel. “You should’ve called someone. A friend. A family member.” Napayuko ako. "Wala na ho akong pamilya, Sir. Wala ring kaibigan." Pagkasabi ko niyon, naramdaman kong tumingin siya sandali sa akin bago ibinalik ang tingin sa kalsada. Hindi ko alam kung naawa ba siya o nag-aalala, pero ramdam kong biglang naging mabigat ang hangin sa loob ng sasakyan. Katahimikan muli ang namayani. “I’ll take you home,” sabi niya sa huli. Walang pag-aalinlangan. It was like a command. “You don’t have to, Sir. I can—” “I said I’ll take you home.” He cut me off with his stern voice. "Babae ka, Irene. Hindi ligtas ang maglakad kapag ganitong oras." Nanahimik na lang ako kesa makipagtalo pa. Tumingin ako sa labas ng bintana habang dinadaanan ang mga poste ng ilaw. Bahagya akong tumingin sa kanya nang bigla itong tumikhim. "Anong magandang kainin ngayon?" tanong niya. "Ah, huwag na po. Busog pa po ako," sagot ko. "I'm just asking. Hindi ko sinabing kakain tayo," agap niya. Bigla akong nanliit sa kahihiyan. Akala ko kasi inaaya niya akong kumain. Nakakahiya! "So, ano nga?" Umayos ako ng upo. "Jollibee po, Sir." Iyon kasi ang paborito kong kainin. "Is that your favorite?" I pursed my lips and nodded. "Opo, Sir." "Tirso, Irene. Wala tayo sa kumpanya." Napalunok ako. Ayaw ba niyang tawagin ko siyang Sir?Umupo ako sa tabi ng ina niya, ramdam ang mabigat nilang tingin sa akin na para bang konting pagkakamali ko lang, mabubuko kami. “Tell us, Irene,” dagdag ng ina nito, nakangiti pero mapanuri ang mga mata. “How did you and my son meet? We’ve never heard about you before.” Pinagdaop ko ang nanlalamig na mga palad at tumingin kay Tirso. Nagtama ang tingin namin na tila sinasabi na turn ko naman. “Go ahead,” he whispered, barely moving his lips. “This is where you prove yourself.” Huminga ako nang malalim, pilit na ngumiti kahit nanginginig ang labi. “Ah… we… we met at work,” halos pabulong kong sabi. “I was new at the office, tapos siya naman ang boss ko.” Napatingin agad ang ama niya, brow raised. “Your boss?” “Yes, Dad,” Tirso answered, calm and controlled. “I noticed her right away. She was hardworking… different. Not like the others,” he continued glancing at my side, that smirk tugging at his lips. “She caught my attention.” Nanatili akong nakangiti, kunwari nahihiya k
Para ko na ring benenta ang sarili ko sa kanya kapalit ng kaligtasan ko, pero wala na akong ibang maisip na paraan. Gusto ko pang mabuhay. Tirso studied me quietly, his eyes narrowing. Umupo siya pabalik sa swivel chair niya, crossing one leg over the other like a heartless man. Walang pakialam. At ngayon, napagtanto ko, baka nakonsensya lang siya kagabi kaya maayos ang trato niya sa akin, pero siya pa rin ang boss kong walang paki sa nararamdaman ng ibang tao kahit nasa bingit na ng kamatayan. “Good,” he finally said, swirling the last of the wine in his glass. “From this moment on, you belong to my plan. No more excuses, no more hesitations. Kapag kasama kita, you smile. You hold my hand. You play the role. Clear?” "O-Opo, Sir..." Yumuko ako, hindi na kayang tagalan ang paninitig niya sa akin. He leaned forward, elbows on the desk, and smirked. “Don’t worry, Irene. I’m not asking you to love me. I don’t believe in that crap anyway. This is just business. You get one millio
Pagkapasok namin sa opisina niya, nanlamig ako lalo. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng kamay ko at ang kabang bumabalot sa dibdib ko. Para akong bibigay anumang oras. Tahimik siyang naupo sa swivel chair niya, sumandal at hinawakan ang isang baso ng alak. Ako naman, nanatiling nakatayo sa gitna ng opisina, hindi makagalaw, nanghihina, at nilalamon ng takot. “Sit down,” utos niya. Dahan-dahan akong naupo, nangangatog ang mga tuhod. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Kusa na lang akong bumigay, mahinang humihikbi. "Now tell, what happened? Why are you shivering? Bakit hindi mo natapos ang pinapagawa ko sayo? Bakit parang wala ka naman sa sarili?" Nangatal ang labi ko, nanginginig, hindi alam kung saan magsisimula. I tried to open my mouth, pero walang lumabas na anumang salita. “I… I—" nakagat ko ang ibabang labi, nanginginig ang balikat sa takot. “They… they came for me, Sir. Mga lalaki… mga armadong lalaki.” Halos mapugto ang hininga ko sa gitna ng pagsasalita. My tear
Kinabukasan, halos hindi ako nakatulog kakaisip sa mga nangyari kahapon. Nakapikit lang ako buong gabi pero ang utak ko gising na gising, paulit-ulit na binabalikan ang mga eksena kagabi. Hindi matanggal sa isip ko ang pagtrato sa akin ng boss ko. Ibang-iba sa nakasanayan ko kapag nasa loob kami ng kumpanya. Pakiramdam ko ibang tao ang kaharap ko. Bakit ang bait niya? Naawa lang ba siya sa akin? Nakokonsensya sa pinaggagawa sa akin? Kakaisip ko, nakatulog ako nang hindi ko namamalayan kaya late na naman ng gising. Nagmamadali akong nag-ayos at hindi na naman nakapag-almusal. Bitbit ang laptop at bag, dali-dali akong bumaba ng apartment building at patakbong lumabas. Alas syete na at kung maglalakad lang ako papunta sa terminal baka sakto lang ang dating ko sa opisina. Pero hindi ko inasahan ang mga sumunod na nangyari. Pagtawid ko sa kabilang kalsada, biglang huminto ang isang itim na van sa harap ko. Bumukas ang sliding door at may bumabang tatlong lalaki, lahat naka-it
Nanatili akong tahimik hanggang sa bigla siyang lumiko sa hindi pamilyar na kalsada. Kumunot ang noo ko. Na-alarma ako pero hindi ko pinahalata. Saan siya pupunta? May dadaanan pa ba siya? “Sir… hindi po ito daan pa-uwi sa amin,” mahina kong sabi, pilit pinapakalma ang boses ko. “Relax,” sagot niya nang diretso, hindi inaalis ang tingin sa kalsada. Ilang segundo lang, nakilala ko agad ang pulang bubong na may kislap ng ilaw, Jollibee drive-thru. Napakagat ako ng labi. Akala ko diretso na kami uuwi, pero bakit nandito kami? Tahimik lang siya nang iikot niya ang sasakyan sa drive-thru lane. Hindi ko alam kung anong sasabihin, kaya pinili kong manahimik na lang. Pagdating sa order window, narinig ko ang mababa pero malinaw niyang boses. “One burger steak, one chickenjoy meal, extra rice, fries, palabok, spaghetti… at dalawang sundae.” Dire-diretso niyang binanggit, walang pag-aalangan. Napatingin ako sa kanya. Ang dami. Parang pang-family meal. Nang matapos ang order, in
Pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na gabi, nagpaalam na ako sa boss ko at nagpasyang umuwi na. Pero pagdating ko sa bus station, doon ko pa lang napagtanto na wala nang bumibyaheng bus kapag ganitong oras. Hatinggabi na. Umupo ako sa sementadong upuan, yakap ang bag at dumungaw sa kalsada, pinagmamasdan ang mga kotseng dumadaan. Marami pa rin namang tao, ganun din ang nakabukas na mga store, kainan at kung anu-ano pa na makikita sa syudad. Tipikal. Huminga ako ng malalim. Kung sasakay ako ng taxi, mahal ang sisingilin sa akin lalo na kapag gabi. So, baka maglakad na lang ako nito pauwi? At ibili na lang ng ulam itong pamasahe ko? Sumandal ako sa sandalan nitong shed. Pinikit ang mga mata, pilit pagtagpi-tagpi ang mga nangyari ngayong araw, ang panlalait ng mga kasama, ang pagbuhos ng tubig sa restroom, yung tingin ng mga tao sa paligid, at higit sa lahat... yung mga sinabi niya. Yung boss ko. The man who had always seemed so untouchable, so ruthless, pero kanina... iba si







