Share

Kabanata 44

KABANATA 44 :: FAST FOOD

Inisantabi ko ang cellphone at nagpatuloy sa paliligo. Medyo natagalan ako dahil kaunti na lang ang shampoo. Mabuti at may nahanap ako sa cabinet.

Matapos mag-ayos ay nahiga ako sa kama at tumitig sa kisame.

Kung nakakatunaw ang tingin baka kanina pa iyon bumagsak sa akin kasama ang mag-asawang butiki na panay ang habulan.

"Mama?" mahina kong usal nang makita si Mama sa paanan ng aking kama.

Bumangon ako para yakapin siya pero agad ding napaatras nang biglang manlisik ang kanyang mga mata.

"B-Bakit po kayo nandito?"

"Wala ka talagang kwenta! Ano itong grades mo?" bulyaw niya sa akin.

Sumikdo agad ang kaba sa aking dibdib nang maalala ang isang major ko na hindi kataasan ang grado. Pasado lahat pero hindi pwede sa mga magulang ko ang pasado lang.

Nangangatal ako sa sobrang kaba.

"P-Pagbubutihin ko po sa susunod—"

"Wala nang susunod! Huwag ka nang mag-aral!"

Sa lakas ng kanyang boses ay mas natuliro ang aking utak. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag na mahira
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status