Home / Romance / Six Weeks After Midnight / CHAPTER 11: “The Breakdown Behind the Empire.”

Share

CHAPTER 11: “The Breakdown Behind the Empire.”

Author: GennWrites
last update Huling Na-update: 2025-07-18 11:34:48

CHAPTER 11 —

“Mr. Blackwell, respectfully, we need to move forward with the Philippine expansion—”

Bang!

Isang malakas at biglaang hampas ng kamay sa mahogany conference table ang nagpatigil sa buong boardroom. Lahat ng mata ay sabay-sabay na napalingon kay Damon Blackwell—CEO ng Blackwell Empire—na ngayon ay nakatayo, pulang-pula ang mukha, at tila nanginginig ang kamay habang mahigpit na hawak ang fountain pen.

“Did you not hear what I just said?” malamig pero mariing tanong niya, ang boses niya’y parang yelo na dumudurog. “We are not greenlighting any expansion until I personally review and approve the data from your end.”

Tahimik.

Walang gustong magsalita. Ilan sa mga board members ay nagkatinginan, pero walang may lakas ng loob na sumagot. Sa likod, si Chase Yu—ang kanyang executive assistant—ay bahagyang napabuntong-hininga, hawak ang tablet at mga reports.

“Mr. Tan,” muling saad ni Damon sa direktor ng operations, “kung gusto mong magwaldas ng pera para sa proyektong walang di
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 12: ”The Name on the File from “Six Weeks After Midnight”

    CHAPTER 12 – Maaga pa lang, puno na agad ng schedule si Dr. Luna Herrera. Tulad ng nakasanayan, sunod-sunod ang private consultations sa psychiatric wing ng South Manila Medical Hospital kung saan siya nakatalaga bilang resident psychologist. Hindi siya lisensyadong manggagamot tulad ng mga psychiatrist, pero hindi rin basta-basta ang trabaho niya—madalas pa ngang mas malapit siya sa mas malalim na suliranin ng pasyente.Kasalukuyan siyang nasa opisina, nakaupo sa harap ng kanyang desktop habang binubusisi ang psychological assessments ng kanyang mga follow-up patients. Nakasuot siya ng cream-colored blouse at soft gray trousers, at maayos ang pagkaipit ng buhok sa likod. Malinis, simple, at propesyonal—gaya ng lagi.Wala pa siyang tulog ng buo kagabi, pero hindi niya ito iniinda. Sanay na. At kung hindi dahil sa anak niyang si Callyx, baka matagal na rin siyang bumitaw sa ganitong klaseng buhay.Maya-maya pa'y isang mahinang katok ang naulinigan niya sa pinto ng kanyang opisina.“Pa

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 11: “The Breakdown Behind the Empire.”

    CHAPTER 11 — “Mr. Blackwell, respectfully, we need to move forward with the Philippine expansion—”Bang!Isang malakas at biglaang hampas ng kamay sa mahogany conference table ang nagpatigil sa buong boardroom. Lahat ng mata ay sabay-sabay na napalingon kay Damon Blackwell—CEO ng Blackwell Empire—na ngayon ay nakatayo, pulang-pula ang mukha, at tila nanginginig ang kamay habang mahigpit na hawak ang fountain pen.“Did you not hear what I just said?” malamig pero mariing tanong niya, ang boses niya’y parang yelo na dumudurog. “We are not greenlighting any expansion until I personally review and approve the data from your end.”Tahimik.Walang gustong magsalita. Ilan sa mga board members ay nagkatinginan, pero walang may lakas ng loob na sumagot. Sa likod, si Chase Yu—ang kanyang executive assistant—ay bahagyang napabuntong-hininga, hawak ang tablet at mga reports.“Mr. Tan,” muling saad ni Damon sa direktor ng operations, “kung gusto mong magwaldas ng pera para sa proyektong walang di

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 10: “Six Years, One Secret.”

    CHAPTER 10 – “Ano po’ng tawag dito, Mommy?”Napangiti si Luna habang isinara ang cellphone at lumapit sa dining table kung saan abala si Callyx sa pagsusulat gamit ang makukulay na lapis. Hawak ng bata ang isang notebook, at ginuguhit nito ang mga pabilog na pattern.“That’s called a mandala, anak,” sagot niya habang naupo sa tabi. “Ginagamit ‘yan sa therapy minsan para makatulong sa relaxation.”“Ahh, parang sa ginagawa mo sa clinic mo po?” tanong ng bata habang nilalagyan ng kulay ang gitna ng bilog.“Exactly. Art therapy ‘yon. Ang galing mo, ha.” Yumuko si Luna at hinalikan ang ulo ng anak.Anim na taong gulang na si Callyx.Parang kailan lang, inihiwa siya ng sakit sa ospital habang pinipilit niyang iluwal ang batang hindi niya pinangarap pero buong puso niyang tinanggap. At ngayon, heto ito—matanong, malambing, at nakakagulat minsan sa mga salitang binibitawan.May mga araw na parang ordinaryo lang ang lahat. Homework. Breakfast. Kwentuhan. Pero paminsan-minsan, may tanong na bi

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 9: "The Birth Of Callyx.”

    CHAPTER 9 – Makulimlim ang langit nang unang sumakit ang tiyan ni Luna.Alas-nuwebe ng umaga, nasa wellness clinic siya at abala sa pag-aasikaso ng mga pasyenteng papasok. Nakaupo siya sa front desk habang sinasaayos ang forms nang bigla siyang napahawak sa balakang, parang may pumipisil sa loob, mahigpit at matalim.“Luna? Okay ka lang ba?” tanong agad ng head nurse na si Ate Gemma, lumapit at nilapag ang clipboard sa mesa.Nagpilit siyang ngumiti. “Okay lang po… baka napagod lang po ako sa pag-akyat kanina.”Ngunit ilang minuto lang ang lumipas, muling bumalot ang kirot—mas matagal, mas malalim. Napakapit siya sa desk, at sa ilalim ng mesa, ramdam niya ang mainit na likidong pumatak sa hita niya.“Luna, pumutok na ang panindigan mo!, sabi ni Ate Gemma, agad lumapit. “You’re in labor. Kailangan ka nang isugod sa ospital.”Sa ambulansyang sinakyan nila, nakaupo si Luna sa stretcher habang si Nanay Rina ay nasa tabi niya, mahigpit ang kapit sa kamay ng anak.“Ako na ang kasama mo, ana

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 8: “A Choice To Disappear.”

    CHAPTER 8 – “Sigurado ka ba talaga, anak?”Tahimik si Luna habang nakatitig sa tasa ng kape sa harap niya. Nasa maliit silang lamesa sa kusina. Maaga pa, halos hindi pa umaabot sa alas-siyete ng umaga. Ang liwanag ng araw ay bahagya pa lang sumisilip mula sa bintana. Ngunit sa pagitan nilang mag-ina, mabigat na ang hangin.“Opo,” sagot niya nang mahina, hindi tumitingin kay Nanay Rina. “Gusto ko pong umalis… magsimula ulit. Malayo sa Maynila. Malayo sa lahat.”Walang agad na tugon. Tanging tunog ng lagaslas ng tubig mula sa gripo ang maririnig sa kusina. Si Nanay Rina, tahimik lang sa kabila ng malinaw na pag-aalala sa mga mata. Kita sa kilos nito ang dami ng tanong sa isip, pero wala siyang binigkas ni isa.Hindi niya kinukulit ang anak. Hindi siya nagtatanong kung bakit biglang may desisyong ganito si Luna. Alam niyang may mabigat na dahilan. At kung hindi pa handang magsalita ang anak niya, hihintayin niyang kusang dumating ang sandaling iyon.Hanggang sa hindi na kinaya ni Luna a

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 7: ”Six Weeks After Midnight.”

    CHAPTER 7 – Hapon na, at matamlay na naglalakad si Luna pauwi galing sa isang job interview. Katatapos lang niyang mananghalian pero nanlalambot na naman ang pakiramdam niya. Biglang sumakit ang sikmura niya, hindi dahil sa gutom, kundi sa panibagong hilo na tila sumusugod nang walang paalam. Huminto siya sa gilid ng daan. Pinikit niya ang mga mata habang marahang hinagod ang tiyan. “Please, not now…” bulong niya sa sarili, pawisan kahit malamig ang simoy ng hangin. "Hindi ka pwedeng magkasakit… hindi ngayon." Pero ilang linggo na rin siyang ganito. Ilang umaga na ang sinimulan niya sa pagsusuka. Ilang gabi na ang dumaan na hindi niya maubos ang hapunan. Hindi na ito normal. Hindi na ito basta pagod lang. Anim na linggo na ang lumipas simula nang gabing ‘yon sa Blackwell Grand Hotel. Anim na linggo ng katahimikan. Anim na linggo ng pag-pilit kalimutan. Anim na linggo ng panalangin—na sana, sana hindi ito ‘yon. ——— Pagdating sa bahay, nadatnan niyang mahimbing na natutulog si N

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status